Kabanata 36- TATLONG DIWATA
Sidapa
Mas maigi yata ang hindi siya nagsasalita. Nayayamot lang ako sa mga sinasabi niya.
"Pwede siguro just to make sure," komento ni Carol na ikinatawa nila.
"Tama, hindi ko pwedeng ipagsapalaran—"
"Jelie!" may pagbabanta na tawag ko sa kanya.
Nagawa pa akong ikutan ng mata nito bago nanahimik.
"Ano ang balak ninyo niyan?" tanong ni Marikit nang matahimik ang lahat.
"Kailangan kong bumalik sa Biringan," sagot ni Jake.
"Sasama ako," mabilis na tugon ni Jelie na ikinalaglag na ng ulo ko. "Hindi mo kailangang sumama, Dodong," sabi niya pa.
"Maiiwan nga kita," mapaklang sagot ko.
"Weehh, nagawa mo nga akong i-ghosting. Naubos na nga ang kandila galing sa cake nung anak ni Bunao."
"Ayan kasi," natatawang tugon ni Marikit.
"Kung sasama ka sa amin, Sidapa, kailangan mong mamili ng papanigan dahil kapag nakita ka ni Sitan na kasama kami, mag-iiba ang laro niya at kailangan na nating mahanap si Bathala sa lalong madaling panahon," paliwanag ni Bunao hindi para sa akin kung hindi para sa lahat.
"Kaya hindi ko gustong puntahan kayo ay dahil sa gulong kakabit ng katauhan ko. Ayan na nga, at mas lalo pa ngayon dahil kay Sidapa."
"Jake—" pigil ni Zandro sa kaibigan. "Kaibigan ka namin. Tama lang na kasama mo kami."
"Saka hindi mo pa yata sinasauli ang hiniram mong electric pot kay Carol," sabat ni Jelie. Natawang muli si Carol at Zandro.
"Hindi ko ba naisauli?" nagtatakang tanong ni Jake.
"Ano iyon, Jelie?" naguguluhang tanong ko.
"Wala! Usapan namin iyon noong panahong wala ka."
"Bakit ba nanunumbat ka na naman?" nayayamot na tanong ko.
"Sidapa—" tawag ng pansin ni Bunao sa akin. "Kailan namin malalaman ang kasagutan mo?"
"Basta ako, I'm in," taas kamay ni Jelie.
"Hindi ninyo mahahanap si Bathala," mariing wika ko. Napalingon lahat sa akin lalo na si Jelie na nakakunot ang noo.
"Bakit?" kandahaba ang ngusong tanong nito.
"Itatago ko siya sa iyo," naiinis pa ring sagot ko. "Salawahan ka."
"Aba't. Tampalasan kang Dodong ka." Tumayo si Jelie at hinampas ako braso. Hinila ko ang kamay ni Jelie at napaupo siya sa kandungan ko.
"Uyyy, para-paraan..." tukso ni Amihan.
Namumula si Jelie na nagpumiglas ngunit napagod na siya at lahat ay hindi ko siya binitawan.
"Pumirmis ka. Nag-uusap kami ng maayos, nanggugulo ka," saway ko sa kanya. Napaupo ng maayos si Jelie sa kandungan ko.
"Kailangan ba talagang pumanig ako? Hindi ba maaring nasa gitna lamang ako ninyong lahat?"
"Paano kung maulit na may mangyrai kay Jelie gaya sa Biringan?" tanong ni Amihan.
"Mas mapapadali ang paghahanap natin kay Bathala kung tutulungan tayo ng mga Diwata," ani ni Bunao.
"At papanig lamang ang tatlong Diwata sa atin kung papanig si Sidapa," paalala ni Carol sa naging usapan nila nila Tala, Hanan at Mayari noon.
"Ano ba ang ikinatatakot mo, Dodong?" tanong ni Jelie na nagpaputol sa daloy ng balik-anaw ko.
Bumuntong hininga ako at saka tumango. Napatayo si Amihan at Carol.
"Totoo?" hindi makapaniwalang tanong nang dalawa.
"Kung maipapangako ninyo na hindi na muling tatapak ng Biringan si Jelie," dagdag ko.
"Igagapos ko dito sa bahay kung kinakailangan," saad ni Bunao.
"Aba't! Gagantihan ko pa si Carolina. Ano ba problema mo bakit ba ayaw mo akong pumunta ng Biringan?"
"Dahil doon namatay si Kinabuhi," hindi ko na naiwasang isagot.
"Sino 'yon?" tanong ni Jelie.
"Ang dati kong kabiyak," mahinang wika ko.
"May jowa ka dati?" nanlalaki ang mga mata ni Jelie.
"Hindi Jelie... more on asawa ang ibig sabihin ni Sidapa," pagtatama ni Amihan.
"What?" naguguluhang tanong ni Jelie.
Huminga ako ng malalim at mas lalo lamang humigpit ang pagkakahak ko kay Jelie.
"Hindi ko nais na tatapat si Jelie sa Biringan," mariing wika ko sa kanila. Tahimik si Jelie at nakayuko. Isa-isang nagsiayon ang lahat maliban kay Jelie. Hindi siya kumibo.
"Kung ganoon ay mayroon tayong usapan," ani ko.
"Kailangan ko pa ring bumalik ng Biringan. Kailangan kong hanapin si Anya."
"Sasamahan ka namin, Jake," sagot ng lahat.
"Jelie, kailangan mong maiwan—"
"Narinig ko Carol. Mag-iingat kayo. Gilitan ninyo ng leeg si Carolina para sa akin," sagot ni Jelie. Tumayo si Jelie mula sa kandungan ako at hindi ko siya pinigilan.
"Kailan tayo aalis?" tanong ni Zandro.
"Kusapin muna natin ang tatlong Diwata," mungkahi ni Amihan.
"At narinig namin an gaming pangalan." Lumitaw ang tatlong Diwata at sa sala nila Marikit. Ang maliit na lugar ay mas lalong sumikip.
Napasinghap si Jelie at bumalik sa tabi ko. Natingin ang tatlong diwata sa kanya at kung ngiti man ang sumilay sa tatlo nang makita ang kamay ko na nakaprotekta kay Jelie at wala na akong paki-alam doon.
"Nagpasya na ba ang diyos ng Kamatayan?" tanong ni Tala.
"Ako ay aayon sa tama lamang. Kung nais ninyong sumunod ay ikakapanatag namin na nasa iisang panig tayo," sagot ko.
"Nagpaalam ka ba sa ama mo, Jake?" tanong ni Hanan.
"Nawalan siya ng anak nang ibigay niya sa isang dalakitnon si Anya," sagot ni Jake.
"Ah, ang iyong asawa—" wika ni Mayari.
"Asawa?" tanong ni Carol, Zandro at Amihan.
"Hindi mo pa pala ipinapaalam, paumanhin at ako ang nagsiwalat," saad ni Mayari.
"Kung tapos na ang mga balitaan, maari ba ninyong sabihin kung paano natin hahanapin ang aming ama?" wika ni Tala.
"Babalik kami ng Biringan," saad ni Jake.
Tumango ang tatlo. "Hindi namin iyan laban," wika ni Hanan.
"Kung ganoon ay maiwan kayo dito at bantayan ang mag-ina ko at si Jelie," sagot ni Bunao.
Tumango si Mayari. "Kami na ang bahala dito habang hindi kayo nakakabalik."
"Maiwan ka na, Carol," saad ni Zandro. "Samahan mo sila."
"Babalik ako, Jelie," paalam ko kay Jelie. Hindi siya muling kumibo. "Mag-uusap tayo pagbalik ko."
Hinintay namin makapag-paalam si Bunao sa kanyang asawa at anak. Nagbukas ako ng lagusan patungo ng Biringan nang handa na ang lahat. Lumingon ako kay Jelie bago ako umapak sa lagusan. Bakit may lungkot siya sa kanyang mga mata?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top