Kabanata 29- LAGUSAN

Jelie

Natulog ako kagabi nang may tama dahil sa beer. Nagising ako ngayon dahil nauntog ako sa sanga ng puno. Ano 'to naglalakad ako habang tulog?

"Tangina, mashaket." Naggulong-gulong ako sa mga tuyong dahon.

"Putang-ina, nahulog pa," narinig kong comment ng walang galang na nilalang. Kahit may hang-over ako at sumasakit ang ulo ay sinubukan kong bumangon.

Tangina bakla, three starts and a sun ang nakikita. Nabagok yata ang ulo ko.

"Sino ka?" tanong ko sa lalaki.

"Wala tayong oras na magtanungan. Buksan mo na ang portal," sagot nito.

"Sino ka nga?" Kumuha ako ng patpat sa lupa at nagconcentrate. Kaya mo iyan Jelie. Focus!

"Makakapanakit ba 'yang patpat?" nang-aasar na tanong nito at biglang nagliyab ang patpat na hawak ko. Kumuha ulit ako ng isa at nagliyab na naman.

Putangina, bahala ka ngang sabog-sabog na magic ang itira ko sa iyo.

"Huling tanong, sino ka?"

Itinaas ko ang kamay ko sa kanya at pinalabas ang mga ugat ng puno. Nakulong ang lalaki sa loob ng mga ugat na nagsala-sala. Pagkakataon ko ng tumakbo.

Hindi pa ako nakakalayo ay lumitaw ang lalaki sa harapan ko at galit na galit... gustong manakit. May apoy sa kamay niya na sana ay kainin siya.

"Ano ba talaga ang gusto mo? Gusto mo ang katawan ko?"

"Tanga hindi," mabilis na sagot ng lalaki. "Portal. Kailangan ko ng portal."

Nagpalabas ako ng bubuyog dahil alam n'yo na, kinakabahan na ako at ito lang ang natatandaan ko kapag kinakabahan ako.

"Aray, puta..."

Nagtatakbo akong muli palayo sa lalaki habang pinupupog sila ng bubuyog. Ilang dipa pa lang ang natatakbo ko nang palibutan ako ng apoy. Kinalma ko muna ang sarili ko at nagpalabas ng ulan. Nguni tang pesteng apoy ay mas lalong tumaas at hindi man lamang naapula.

"Ano ba ang kailangan mo kasi..."

"Portal nga. Kanina ko pa sinasabi. Papuntang Biringan," sigaw ng lalaki mula sa kabilang bahagi ng apoy.

Nanlalambot akong naupo sa gitna ng bilog. Init na init na ako dahil sa apoy. Practice na ba ito papunta sa impyerno?

"Bawasan mo ang apoy mo... sabihin mo muna ang pangalan mo."

Bumaba ang apoy na hanggang baywang ko. Sapat na para makita ko ang lalaki sa kabila ng pader na apoy na nakapalibot sa akin.

"Pangalan?" tanong kong muli.

"Jake."

"jake? Jake as in Jake na kaibigan ni carol at Zandro and the gang?"

Tumango ito.

"Putang-ina ka, alisin mo na 'yang apoy mo. Bakit mo ako kinidnap? Mali ka pa ng kinuha. Hindi ko pa kayang magbukas ng portal."

"Tang-ina," wika ni Jake at nagpalakad-lakad sa harapan ko. "Totoo?"

Tumango-tango ako. Unti-unting bumaba muli ang apoy. Hanggang tuhod ko na lang ito kung tutuusin.

"Bakit hindi ka bumalik sa tropa mo? Nagpapakamatay sila kakahanap sa iyo."

"Hindi pwede. Look, I need to go to Biringan."

"Hindi ko nga kaya."

"Gate Keeper ka!"

"Thanks for reminding me. Wala akong powers pa na magbukas ng portal and everything..." kinumpas-kumpas ko ang kamay ko ang somewhere along the line of fire, may parang mirage na lumitaw. Parang tubig sa hangin na gumagalaw.

"Whoaaa, ano 'yan?"

"Sabi mo hindi mo kaya. Nagsisinungaling ka pa!"

"I swear... hindi ko alam iyan. Baka mapahamak ka, bakla. Huwag kang pumasok."

Tumayo ako at tumalon mula apoy papunta kay Jake. Pinigilan ko ito na pumasok sa portal pero shit na malagkit, natangay niya ako papasok.

"Waahhhh," sigaw ko.

Tinakpan ni Jake ang bibig ko ng kamay niya na amoy usok. Pinaghahampas ko siya dahil sa inis.

Nasa gubat kami ngunit hindi kagaya ng gubat kanina.

"Nasaan tayo?" tanong ko sa kanya. Humawak ako sa braso nito na pilit inaagaw sa akin.

"Bitawan mo ako. Baka bigla kang magliyab," sabi ni Jake. Napabitaw tuloy ako sa pagkakahawak sa kanya.

"Feeling ko dito na ako ililibing..."

"Shh, huwag kang maingay."

"May naririnig ka Jake?"

"'Wag kang maingay," pagbabawal niya.

Sinundan ko si Jake dahil wala naman akong choice. Kaysa maiwan ako sa gubat, sunod na lang ang bakla sa anak ng demonyo. Wow, very assuring.

"Ayon may usok," turo ko kay Jake. Nagmagaling pa akong naunang maglakad.

"Huwag kang lumapit—" sabi nito ngunit 'di ko pinakinggang. Baka may bahay doon na pwedeng makikain. Papasikat pa lang naman ang araw dito.

Laglag ang panga ng bakla nang makarating ako sa tapat ng puno ng sampalok. Isang kapre ang nakasandal sa puno at naninigarilyo ng ga-torso.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Dumagdad pa ito sa global warming.

"Huwag kang sisigaw..." Tinakpan ni Jake ang nakanganga kong bibig. "Dahan-dahan sa paggalaw. Lumakad ka ng paatras ng walang tunog," bulong niya mula sa likod ko.

Pagtapak ng paa ko sa likod ay natapakan ko ang isang tuyong sanga. Gumawa ito ng ingay at napatingin sa amin ang kapre.

"Oh, shit... takbo," wika ko. Nauna akong tumakbo kay Jake.

Natataranta akong nagsisigaw ng "Help! Help!"

At iyon ang pinakamaling nagawa ko... ang sumigaw ng help!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top