Kabanata 27- LQ
Jelie
"Psst, LQ kayo?" tanong ni Carol sa akin pag-alis ni Dodong.
"Q lang walang L. Malay ko doon. May mens yata."
"Tara na, practice na tayo. Babalik si Sidapa kapag gusto niya.," yaya ni Zandro.
Ilang tusok pa ng bubuyog ang inabot namin dahil panay sila ang natatawag ko kapag nalilito ako bago ko nakuha kung paano magpalabas ng mga vines ng puno.
Katakot-takot na galos ang inabot ko sa tatlong nagtuturo sa akin. Sa gabi ay puno ako ng salompas sa katawan. Nag-amoy matanda na ako na ikinatuwa ni Bunao. May magagamit na naman siyang panlaban sa akin. Ayos!
"Saan kayo nagkakilala ni Bunao?" usisa ko kay Marikit nang gabi na iyon.
"Inaantok na kami," sagot ni Bunao.
"Ikaw, parati mo akong inaapi. Ayaw mong ikwento, kasi shy ka... oiii... arte lang!" tukso ko na ikinatawa ni Marikit.
"Napulot ko ang libro na pinagkulungan kay Bunao sa Capiz."
Ohhhh... Doon nagsimula?
So habang tumatagal ang kwento ni Marikit ay lumalaki ang pagkakanganga ko. In between sa kwento ay nagbilang ako. I did the Math at nang makita ako ni Bunao na nagbibilang sa daliri ay binato niya ako ng throw pillow. Sapol ako sa mukha.
"Aray ko, bakla. Mapanakit."
"Ano 'yang binibilang mo?" sita ni Bunao.
"Oy, may naganap sa inyo bago ka makalaya. Tatag mo 'tol. Tayong-tayo mo ang bandila ng Republika ng Tondo."
Nahihiyang nagtakip ng mukha si Marikit. Hindi niya inaasahan na magbibilang pa ako. Iyon kaya ang gusto kong malaman, lols.
"Pero teka, kung si Carol ay Taga-Bantay, si Marikit ang Taga-Likha, ano ang tawag sa akin? Taga-Buang?" Natawa ako nang matingin ako kay Bunao. Mukhang naoffend siya. "Hindi ikaw. Ito, maramdamin pa sa makahiya."
"Gate Keeper ka di ba? Iyon ang sabi ni Rose sa akin."
"Oo, iyon ang tawag nga yata."
"Taga-bantay ka rin ngunit hindi ng libro kung hindi ng tarangka. Si Carol ang Taga-bantay ng Libro ni Ada."
"Matulog ka na. Marami pa tayong gagawing pagsasanay bago tayo tumungo ng Samar."
"Bunao," pigil ko sa nang patayo na sila ni Marikit. "Paano ninyo tawagin si Dodong?"
"Magsindi ka ng kandila at umusal ng panalangin sa kanya," sagot ni Bunao. "Matulog ka na. Pumasok ka na sa silid mo."
Haghanap ako ng kandila sa kusina nila Marikit. Pang-birthday pa yata ang nakuha ko dahil stripes ng blue at puti. Kinuha ko rin ang posporo sa tabi ng kalan na uling at saka ako nagpunta ng kwarto. Weird, bakit mayroon silang kalan na uling pero meron din silang stove na LPG? Ah, baka para kay Bunao kapag trip niyang maging ancient.
Sinindihan ko agad ang kandila pagpasok ko sa kwarto. Nagsi-sign of the cross sana ako ng matigil ang kamay ko sa noo. Mali na agad! Hay, bakla ka Jelie.
"Sidapa. Uy, Dodong. Anong dasal ba ang kailangan ko? Dati, hindi naman kita tinatawag pero natatagpuan kita. Kailan ko pa need magpa-appointment sa iyo? Di ba ako ang galit sa pagkamatay ni Iggy? Tapos ikaw itong nagwalk-out. Labo mo. Ano kaya 'yon? Embrace- embrace ka tapos biglang cold. Para kang si Katy Pery, you're hot and you're cold. You're yes and you're no."
Napangalahati ko na ang kandila, wala pa ring Dodong na lumilitaw.
"Luh, ang level ng inis ko sa iyo ay parang umaakyat sa ulo ko gaya ng sakit ng katawan ko. Kapag ikaw, hindi nagpakita, ma-who-who you ka sa akin."
As if naman may pakialam siya, Jelie.
Ang bilis maubos ng lecheng kandila na ito. Parang may taxi na naghihintay.
Naubos ang kandila nang hindi nagpapakita si Dodong.
Ang gano'n ba? O sige, salamat na lang sa lahat.
Kinabukasan, nakatingin silang lahat sa akin paglabas ko ng kwarto.
"Natagpuan niya ang gamot na pula," comment ni Bunao.
"Beet root iyan, it's organic." Kinatasan ko ang beet root at saka ko ginawang liptint. Sumobra nga lang ang lagay ko sa pisngi kaya mukha akong sinampal ng demonyo dahil sa pula ng pisngi ko.
"Mag-agahan ka muna," suggestion ni Marikit.
"'Wag na. Excited akong pag-aralan ang apoy."
"Hindi ba nagpakita si Dodong—"
Itinaas ko ang kamay ko sa harapan ni Rose upang pigilan siyang magsalita. "Eh di wow siya sa akin. Tara na mga besh."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top