Kabanata 26 TATLONG ARAW
Sidapa
Nararamdaman ko— itong tumitibok sa dibdib ko na hindi ko alam na mayroon ako. Bakit? Bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa? Bakit nangyayari ito?
"Uy, Dodong. Okay ka lang?" may pag-aalalang tanong ni Jelie. "Para kang masusuka anytime. Sumusuka ba ang gaya mo? Nagkakasakit ba kayo?"
"Saan mo nais matulog?" tanong ko. Hindi ko tinangkang sagutin ang sunod-sunod na tanong niya. Kumunot ang noo ni Jelie at luminga sa paligid.
"Hindi ko alam. Kahit saan naman pwede akong matulog. Okay lang ba ang libro ko kay Marikit Hindi ba mapapahamak doon?"
Umiling ako bilang kasagutan.
Bakit para akong hinahabol?
"Ugh, hindi talaga okay ang itsura mo."
"Dito na ako matulog—"
"Kay Marikit ka na matulog. May gagawin ako."
"Hmm-kay," hindi siguradong sagot ni Jelie.
"Ihahatid na kita. Dalin mo na rin ang abo ng kapatid mo."
Naguguluhang sumunod si Jelie sa akin at maingat na kinuha ang balanga na pinaglalagakan ng abo ng kanyang kapatid. Nagbukas ako ng lagusan patungo sa bahay nila Bunao.
"Bilis n'yong nakabalik. Okay na kayo?" nakangiting tanong ni Marikit sa amin habang ginagawa ang nasirang libro ng mahika.
"Okay—"
"Dito matutulog si Jelie," maagap na wika ko. "Pakisabi na lamang sa iyong kabiyak."
"Dodong—"
Napatigil ako sa aking pag-alis ng tawagin ako ni Jelie. Ito na naman ang tibok sa aking dibdib... palakas nang palakas.
"Okay ka lang ba talaga?"
"Ayos lamang."
Iniwan ko sila Marikit na mukhang mas naguluhan sa akin kaysa sa ginawa ko kanina.
Nagbukas ako ng mga lagusan at hindi ko alam kung saan ako nagpunta. Ang mga kaluluwang gala ay nilalayuan ako at ang ilan na humaharang sa dinadaanan ko ay itinatawid ko sa kabila.
Naguguluhan ako sa nangyayari— at natatakot? Takot nga ba ang nararamdaman ko? Aanhin ko ang puso na ito?
Dodong.
Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa paligid. Puro buhangin ang paligid ko at tanging ako lamang ang tao sa malawak na disyerto.
Parang narinig ko si Jelie na tinawag ako. Pinakinggan ko ng maigi ang paligid at narinig kong muli.
Dodong!
Minabuti kong balikan si Jelie sa bahay nila Marikit.
"Marikit—"
"Ay, kabayong pango." Nagulat si Marikit at nalaglag ang hawak nitong tason. Umiyak ang anak niya na nasa duyan dahil sa nabasag na gamiti.
"Ano ba, Sidapa. Bigla-bigla ka na lang lumilitaw!" Dinaluhan nito ang umiiyak na sanggol at kinuha sa duyan. Hinele-hele ni Marikit ang sanggol upang tumigil sa pag-iyak.
"Ikaw lamang ba ang narito?"
"Oo, umalis sila Bunao kasama si Carol, Zandro at Rose."
"Si Jelie?"
"Kasama rin nila. Hindi mo ba alam? Ilangaraw ka bang hindi nagpakita kay Jelie?"
Araw na ba ang lumipas?
"Nasaan sila?"
"Ang sabi nila ay sa Laguna sila pupunta. Sa Makiling."
"Salamat. Dahan-dahan ka sa pagdampot ng bubog. Paalam Marikit."
"Jelie, mag-focus ka. Hindi mo dapat tinatawag ang mga bubuyog." Narinig ko ang boses ni Amihan at minabuting hindi magpakita sa kanila. Si Jelie ay pinapalibutan nila Zandro, Bunao at Rose. Si Carol ay nasa gilid at hawak ang libro ng mahika. May hawak na patpat si Jelie na nakatutok kay Rose.
"Hindi ko tinawag ang bubuyog," sagot ni Jelie.
"Mali ka na naman ang bigkas. Kailangan mong matutunang bigkasin ang mga spell," ani ni Carol.
"Vocare terra monte iruptio." Si Carol ang taga-basa ng libro.
"Vocare—" wika ni Jelie at itinapat muli ang patpat na hawak kay Rose. "—terra monte corpio."
"Puta— mali na naman," angil ni Bunao.
Mula sa lupa ay naglabasan ang mga alakdan.
"Shit... Patayin mo!" sigaw ni Carol.
"Paanong papatayin?" tanong ni Jelie at ikinumpas ang hawak na patpat. "Ah... eh... Vocare apum."
"Bubuyog yan," sigaw ni Zandro bago napuno ang langit ng mga bubuyog.
Si Amihan ay nagpalabas ng malakas na hangin at tinangay ang mga bubuyog sa himpapawid ngunit ang mga alakdan— mga makamandag na akaladan ay napalibutan sila.
"Vocare—"
"Tumahimik ka muna Jelie," awat ni Bunao sa kanya.
"Occidere," wika ko. "Sabihin mo, Occidere."
"Occidere," nanginginig na wika ni Jelie. Ang mga alakdan ay bumalik sa ilalim ng lupa. Silang apat ay napaupo sa lupa at ibinaba ang mga sandata.
"Bakit ba gustong-gusto moang bubuyog, Jelie?" naiiritang tanong ni Bunao nang makabawi na ito.
"Kusa silang lumalabas."
"Tinatawag mo kasi," sagot ni Amihan.
"Iyon lang ang natatandaan ko," paliwanag ni Jelie. Tumingin siya sa akin na naluluha at inis na inis ang mukha. "Bakit ngayon ka lang nagpakita?"
"May trabaho ako," maikling sagot ko. Napansin ko ang mumunting sugat sa mukha ni Jelie. May mga galos rin siya sa kamay at braso.
"Nagpaalam ba kayo kay Makiling?"
"Wala siya ngunit nag-iwan kami ng liham sa pintuan ng kanyang tahanan," sagot ni Bunao.
"Ano ang..." Inalis ko ang bara sa lalamunan ko bago nagpatuloy. "...mayroon dito?"
"Tinuturuan namin si Jelie na gumamit ng mahika. So far, wala pa kaming nagagawang matino." Napapagod na umupo si Carol sa punong nakatumba at niyakap ang hawak na libro.
"I'm not good at this. Mapapahamak lang kayo," umiiling-iling na bulong ni Jelie na parang talunan. "Bakit hindi mo na lang tulungan sila at gumawa ng lagusan papuntang Biringan?" baling ni Jelie sa akin.
Mabilis akong umiling. "Magkakagulo kung ako ang gagawa. May kasunduan na hindi ako maaring tumapak sa Biringan."
"Bakit?" tanong ni Jelie.
"Dahil iyon ang kasunduan." May pinal na sagot ko.
"So, bakit nga ngayon ko lang after 3 days?"
Tatlong araw na ba iyon?
"Kung ayaw mo silang mapahamak ay magsanay ka." Tumalikod ako upang gumawa muli ng lagusan nang pigilan ako ni Jelie. Hawak niya ang braso ko at muli ay naramdaman ko ang tibok ng puso ko.
"Saan ka pupunta na naman?" naiinis na tanong nito.
"Trabaho," maikling sagot ko. Inalis ko ang kamay niya at humakbang sa lagusan patungon sa hindi ko alam kung saan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top