Kabanata 23- NAGBABALIK
Jelie
Pagkagising ko— ang weird lang dahil hindi na masakit ang mukha ko— tahimik si Dodong na nakaupo sa sala niya nang lumabas ako galing sa kwarto niya.
"Tara na," yaya nito. Tumayo agad siya at binuksan ang mukhang front door. Wala naman akong makita sa labas kung hindi dilim. Alanganin akong sumunod sa kanya. Pagtapat ko sa pintuan ay naramdaman ko ang malamig na hangin ng Baguio.
"Bilis," wika nito. Natatakot akong humakbang. Siguro ay naramdaman iyon ni Dodong kaya hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming humakbang papunta sa dilim. Pero hindi naman madilim... pagtapak ng paa ko sa kabilang bahagi ng pintuan ay nasa Diplomat na kami.
Nagtataka akong lumingon sa likod pero wala na ang pintuan doon. Binitawan na rin ni Dodong ang kamay ko at sumandal siya sa paanan ng krus.
Doon pa lang nag-sink in sa isip ko na siya ang diyos ng kamatayan. Napasinghap ako ng OA sa lakas. Napatingin sa akin si Dodong na nakakunot ang noo.
"Problema mo?" tanong niya.
"Ikaw ang god of death," wika ko. 'Yung mukha ni Dodong na naguguluhan ay napalitan ng nayayamot.
"Ngayon lang tumimo sa isipan mo?"
"Ngayon lang nag-process," kibit balikat na sagot ko. "'Uy, yong kapatid ko naiwan natin sa bahay mo."
"Hindi iyon aalis," sarcastic naman na sagot niya. Lumapit ako sa kanya at sinangga ko ang balikat ko sa braso niya.
"Problema mo? Para kang puyat na kwago sa sungit."
"May naiisip lang ako."
"Huwag mo na akong masyadong isipin, andito lang ako—ligtas," wala sa loob na sagot ko. Nawala ang ngiti ko at unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang marealise ko ang sinabi ko. Si Dodong ay nakataas ang isang kilay sa akin. "Joke lang iyon, bakla. Kailangan ko bang mabubuyog ulit para tumawa ka?" palusot ko.
Bumalik sa pagkakatingin sa malayo si Dodong, parang wala siya rito. Ano kaya ang iniisip nito? Natahimik din ako at pinagmasdan na lamang ang mga turista na dumarating. Ang iba ay nagtatakutan sa mga multo na hindi nila alintana na nakamasid sa kanila.
"Miss," tawag ng pansin sa akin ng isang turista. "Pwede mo ba kaming kuhanan ng picture?" tanong niya. Napatulala ako ng slight sa lalaking nagtanong sa akin.
"Ah... sige," sagot ko na ubod ng laki ang pagkakangiti. Tiningnan ko si Dodong at pagkatapos ay ang lalaki.
"Sorry, naistorbo ko yata kayo ng boyfriend mo," nahihiyang wika ng lalaki.
"Ay! Hindi ko siya boyfriend. I'm single," mabilis na sagot ko at saka inabot ang cellphone na hawak ng lalaki.
"Talaga?" tanong nito na super saya yata.
Narinig kong tumikhim si Dodong sa likuran ko pero hindi ko na pinansin. Natuon ang pansin ko sa cute na lalaking nagpapapicture kasama ang barkada niya.
"Miss, sama ka sa picture," wika nito nang iaabot ko sa kanya ang cellphone.
"Hindi naman ako mahirap kausap," biro ko at nilagay sa front camera. Nagselfie ako kasama ang barkada ng lalaki at ibinalik sa kanya ang phone.
"I'm Iggy, ano ang name mo?"
"Jelie," sagot ko na parang may braces kung makapag-inarte.
"Pwede ko bang makuha ang number mo? If... if you don't mind."
"Ah," hahaha, syempre. "It's..." I recited my number and nagpamiscall siya sa akin. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa likod ng pantalon ko.
"So, taga dito ka?" tanong ni Iggy. Super smile ako habang kausap si Iggy. Nagkwentuhan kami at hindi ko namalayan ang oras. Hindi ko rin namalayan na nakarating na pala sila Rose dito sa Diplomat.
"Mga gaano pa katagal kaming maghihintay?"
Napatingin ako kay Dodong na malakas na nagsalita. Actually, napatingin lahat ng turista sa kanya. Napalaki na naman ang mata ko nang makita ko ang apat na kasama na ni Dodong.
"Ay, nand'yan na pala kayo."
"Kanina pa," masungit na sagot ni Dodong.
"Sige, Iggy, text-text na lang. Andito na ang tropa ko."
"Sige, Jelie. Kung free ka mamaya, kita tayo sa Session Road? Around 9pm."
"I'll see what I can do. Ingat kayo," paalam ko sa kanila ng barkada niya. Nakangiti akong lumapit sa lima.
"Hi," bati ko."Kanina pa kayo?"
"Kanina, maputi pa si Bunao nang dumating dito," masungit na sagot ni Dodong. "Naging kayumanggi na sa tagal mo."
Napatingin tuloy si Bunao kay Dodong na parang na-offend.
"May mens ka ba? Ang sungit mo, kanina ka pa!"
"Sino ba ang kausap mo at mukhang kinikilig ka?" tukso ni Carol. Hindi ko napigilang tumawa pero napatakip ako sa bibig ko nang tingnan ako ng masama ni Dodong.
"Tara na nga. Ano ba unang gagawin natin? May lakad ako ng 9pm kaya—"
"May date ka?" sulsol ni Rose. This time pinigilan ko ng tumawa. Umiling lang ako bilang sagot.
"Saan tayo?"
"'Di ba sa bahay mo? Kukunin mo ang libro ng mahika? Nakakita ka lang ng tao, nawala ka na sa ulirat?"
"Excuse me, cute na tao at hindi basta-bastang tao lang," nang-aasar na sagot ko. "Tara na nga. Teka, saan nga ba?" bigla akong naguluhan.
Lumapit si Dodong sa akin at balak akong sakalin. Natatawa akong umilag.
"Halika na..."
"Alam mo ang daan?" nang-iinis na tanong ko. Tiningnan niya ako ng masama bago tumalikod at humakbang... tapos nawala.
"Shit, saan napunta iyon?" manghang tanong ko.
"Bilisan mo na, baka kung ano pa ang maisipan ni Sidapa at mapahamak tayong lima," sagot ni Bunao sa akin. Tinuro niya ang hinakbangan ni Dodong. Kinakabahan akong humakbang at sumunod silang apat. Para kaming ibon sa hawla dahil sa sikip ng kubo.
"Dodong, bakit tayo nandito?" naiinis na tanong ko. Nakapasok siya sa loob, ibig sabihin hindi effective ang ginawa kong panangga sa labas. "Paano ka nakapasok?"
"Bilisan mo na. Dami mong inarte."
"Nakaka-hurt ka ng feelings," naiinis na wika ko. Nakatingin lang sa amin ang apat. Si Carol at Rose ay pinipigilang tumawa. Sa ilalim ng kama, inabot ko ang kahon na pinaglalagyan ko ng libro.
Inabot ko ang libro kay Carol. Maingat niya namang kinuha sa akin ang libro at binuklat.
"Oh, may love potion pala dito," ani ni Carol.
"Asan?" mabilis na tanong ko.
Lumipad ang libro na hawak ni Carol at tumama sa ding-ding. Na-shook kaming lahat— ay ako lang pala. Parang sanay na sila na may ganitong event.
"Anyari?" bulong ko. Napasinghap ako nang makita ang libro sa sahig. Warak!
"Oh no..."
Napabuga ng hininga si Bunao."Kailangan natin si Marikit," sabi nito.
"Halika na. Lumuwas na tayo." Naunang tumayo si Dodong ay kumumpas sa isang pintuan.
"May lakad pa—"
"Sasama ka o hindi? Kanina ka pa, Jelie ha! Napipikon na ako sa iyo."
"Napipikon nga ba? Parang iba naman," natatawang comment ni Rose. "Parang si Bunao noong unang panahon," dagdag niya na ikinatawa ni Carol.
"Tapos nagagalit kay Jake," dagdag ni Carol.
"Teka, ano chika doon?"
"Wala—" sabay na sagot ni Bunao at Dodong.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top