Kabanata 21- Vocare Apum
Jelie
"Settle na ha, unahin muna nating hanapin si Jake."
"Hindi ba 'yong aklat mo muna?" nalilitong tanong ni Alyana.
"Ay oo nga pala. Kailangan ko nga palang mag-aral muna ng magic."
Napatingin muli ako kay Dodong na pati sa akin ay bad trip na rin. "Dodong, kaya mo ba akong turuan?"
"Ayaw ko," sagot nito na ikina-offend ko.
"Akala ko friends tayo?"
"Sa kanila ka magpaturo tutal sa kanila ka nakikinig," sagot nito at saka tumayo. Natataranta akong kumapit sa braso niya.
"Luh, umupo ka nga."
"Bitawan mo ako, Jelie," babala niya.
"Umupo ka. Huwag kang OA diyan."
"Bitawan mo ako!" sigaw niya. Umalingawngaw ang boses ni Dodong at maging ang hangin ay tumigil sa pag-ihip.
"Ayaw ko nga," sigaw ko rin sa kanya. "Nangako ka na iingatan ako."
Naisarado ni Dodong ang bibig niya na mukhang sasagot pa.
"'Di ba?" paniniguro ko. Mukha na naman akong sasakalin ni Dodong sa inis.
"Bahala ka." Iwinasiwas nito ang kamay niya upang maialis ang kamay ko. Lumakad siya papuntang dilim.
"Dodong," sigaw ko ngunit hindi na siya nagsalita. "Nasaan na iyon?" tanong ko kina Bunao na hindi napigilan ang pagtawa.
"Umalis na," sagot niya. Napanganga ako.
"Paano ako?" naguguluhang tanong ko sa kanila. Natataranta akong nagpunta sa pinuntahan ni Dodong ngunit wala na nga siya. "Dodong," sigaw ko. Walang sumasagot. "Tangina, iniwan mo ako. Ang bilis mo naman makalimot sa sinumpaan mo. Paasa ka."
Naaasar akong bumalik sa harapan ng apoy. Badtrip na badtrip ako kay Dodong. Kung ano-ano ang binulong ko tapos biglang umulan.
"Shit!"
Namatay ang apoy namin at bago pa makagawa ng paraan si Bunao ay nabasa na ako. Nangangatog ako sa lamig dahil nasa taas kami ng bundok. Hindi ko alam kung ano ang bigla na lang tumubo sa lupa at naging shed namin pero it's too late na talaga.
"Ikaw ba ang nagpaulan?" paratang ni Bunao.
"Hindi ah!" tanggi ko.
"Ikaw 'yon, Jelie. Panay ka bulong d'yan. Nabasa na ang pakpak ko," angal ni Alyana.
"Sana all may pakpak. Ako nga feel na feel ko ang suot ko eh, malay ko bang uulan. Ako agad ang may kasalanan? Mukha akong basang lumpia ngayon!" sarcastic na wika ko sa lambana na saksakan ng arte. "Susubukan kong gumawa ng apoy."
Paano nga ba? Inalala ko ang mga naintindihan ko sa libro ng mahika. Sana naman ay makuha ko ng tama.
"Vocare apum," sigaw ko. Natahimik ang lahat maliban kay Bunao na minura ako.
"Punyeta, bakit ka nagtawag ng bubuyog?" sigaw ni Bunao. Doon ko narinig ang mga bubuyog.
Failed ako bakla. Pati ako ay pinagtutusok ng bubuyog habang giniginaw.
"Wahhh," napasigaw kaming lahat. Nagtago ako sa hood na suot ko pero natusok na ako ng mga bubuyog bago ko pa naisip na magtago.
May tumawa... hindi ko alam kung sino. Naramdaman kong may humila sa likod ko at nawala ang maingay na mga bubuyog maging ang maginaw na ulan.
"Hoy, Jelie."
Napa-upo ako ng tuwid at inalis ang pagkakatalukbong ko ng hood. Naroon na muli ako sa bahay ni Dodong at sa unang pagkakataon ay nakita ko itong tumatawa.
"Saya mo," naiinis na wika ko. Tumutulo pa ang tubig ulan sa buhok ko. "Nasaan sila?"
Ewan ko saang dereksyon ang tinuro ni Dodong habang tawa nang tawa.
"Bakit feeling ko naging siopao ang mukha ko?"
"Magtawag ka ba naman ng bubuyog. Ano plano mong gawin? Patayin ang apat na kasama ko?"
"Hindi ko alam, akala ko apoy ang tinatawag ko. Nasaan sila?"
"Magiging ligtas sila. Kaya ni Bunao iyon." Lumapit si Dodong sa akin na tumatawa pa ang mga mata. Umaliwalas ang mukha niya kapag tumatawa pero huwag naman siyang tumawa dahil sa katangahan ko.
"Patingin nga!" Hinaklit niya ang baba ko upang itaas ang mukha ko. Tinitigan ko siya ng masama habang natatawa pa rin siya at binibilang ang sugat ko sa mukha. "Ano, sasama ka pa sa kanila? Kita mo 'yang nangyari sa iyo."
"Hindi ko matatawag ang bubuyog kung hindi ka umalis."
"At kasalanan ko iyon? Sa paanong paraan?" tanong nito at binitawan ang mukha ko.
"Buti na lang hindi kasing laki ni Jollibee ang mga bubuyog," bulong-bulong ko.
"Hindi kita mapipigilan diyan sa kabaliwan mo?" Humalukipkip si Dodong sa harapan ko.
"Una, Dodong, hindi ako baliw—"
"Totoo?" nanunuyang tanong niya na ikinairap ko.
"Pangalawa, hindi mo ako mapipigilang tumulong."
Napabuntong hininga si Dodong at saka umiling. Inilahad nito ang kamay niya sa harapan ko. "Akin na iyang basang balabal ko."
Nakanguso akong inalis ang hood na suot ko at ibinalik ko sa kanya. "Gusto ko iyan. Wala ka bang small size?"
Hindi siya sumagot. Itinuro niya ang silid na tinulugan ko kanina. Hindi ko na kailangan pang marinig ang sasabihin niya kaya sumunod na lang ako. Mayroong damit sa kama na nakahanda para sa akin. Lihim akong napangiti pero slight lang kasi walang undies na kasama, e basa rin ang under wear ko.
Hay... kulang!
Naisipan kong asarin si Dodong para makabawi sa pang-iiwan sa akin. Binuksan ko ng bahagya ang pinto, saktong ulo ko lang ang nakalabas at nakatago ang katawan ko sa likod ng pintuan.
"Dong... may napkin ka?" natatawang tanong ko.
Napatingin sa akin si Dodong na nanlalaki ang mga mata. Natatawa akong isinarado ang pinto. "Joke lang."
"Bahala kang mamaga 'yang mukha mo, hindi kita gagamutin," sigaw niya mula sa labas. "Tampalasang nilalang," dugtong niya pa na ikinatawa ko ng lubusan.
Nawala ang pagtawa ko nang makita ko ang sarili ko sa salamin sa banyo. Shit... mukhang kailangan kong magmakaawa kay Dodong para gamutin ako. Namamaga ang mukha ko, bakla, at ang sakit.
Hayop na mga bubuyog na iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top