Kabanata 20- ANG PLANO
Sidapa
Patunay ang apat na ito sa pagiging sakim ng mga tao. Binawalan at pinagsabihan na ngunit sumisigi pa rin sila para sa kanilang pangsariling kapakanan.
"Ano ang hindi ninyo naintindihan sa mga sinabi ko kanina?"
"'Uy, Dodong..." Siniko ako ni Jelie upang tawagin ang pansin ko.
"Hindi pa ba sapat na hinayaan ko kayong mabuhay?"
"Kaibigan namin si Jake," giit ni Zandro.
"At mandadamay nga kayo ng ibang tao para lamang iligtas ang anak ni Sitan?"
"Uy, teka lang... Baka maging bato si Alyana sa takot sa inyo. Huwag kang iihi sa kamay ko, lambana, baka magkakulugo ako."
"Mayroon kaming propesiya na kahit hindi namin nais gawin ay kusang dumarating sa amin," paliwanag ni Amihan.
"Kung ganoon ay malinaw na hindi kayo susunod sa ipinakiusap ko."
"Pakiusap ba ang tawag doon? Hindi mo kami binibigyan ng pagpipilian, Sidapa!" mariing sagot ni Zandro.
"Malinaw naman ang pagpipilian, hindi ninyo idadamay ang taga-lupa o mamamatay kayo."
"Teka lang, one minute, pwede bang pakiulit?" Tumayo si Jelie at namagitan sa amin. "Sinong taga-lupa ang sinasabi ninyong madadamay, ako?" tanong ni Jelie sa akin. "Sumagot ka, panay ka buga ng hininga."
Walang kumibo sa amin. "Guys? Hello?"
Wala pa ring kumibo.
"Alyana, iwan na natin sila. Ayaw naman akong kausapin."
Nagdadabog na lumakad si Jelie ngunit mabilis kong nahila ang suot niyang balabal. "Saan ka na naman pupunta?"
"Ayaw n'yo akong kausapin eh. Mukha akong tanga na hindi ko alam ang chika ninyo. Nagpapatayan na kayo diyan, ako na walang idea sa usapan, nakagitna naman sa inyo."
"Maupo ka, bago ka pa gumulong pababa ng bundok." Hinila ko si Jelie upang maupo muli sa tabi ko. Inilapag nito ang lambana sa tabi niya at saka humalukipkip.
"Start, sino si Jake?" tanong ni Jelie na hindi magpapatinag sa katigasan ng ulo.
"Kaibigan namin," sagot ni Carol.
"Bakit siya nawawala?"
"Sumama sa tatay niya," paliwanag ko.
"Na hindi niya gusto. Niligtas niya lamang kami noong araw na iyon," dugtong ni Zandro.
"Ano ang kinalaman ni Jake sa pagpunta ninyo sa Biringan?" patuloy na tanong ni Jelie.
Napabuntong hininga ako at tinitigan niya ako ng masama.
"May balita na naroon siya," sagot ni Bunao.
"Sino ang nag-chismis sa inyo na nandoon nga si Jake?" patuloy na tanong ni Jelie sa kanila.
"Ang hangin," sagot ni Amihan.
"Chismosa ang hangin," bulong ni Jelie bago nagpatuloy. "Kung sumama si Jake sa tatay niya, ano naman ang masama doon at bakit super nag-aalala kayo?"
"Si Sitan ang tatay niya," mahinang sagot ni Carol na ikinasinghap ng lambana.
"Ugh, sino si Sitan?" naguguluhang tanong ni Jelie sa akin.
"Si Satanas sa panahon ninyo."
Nanlaki ang mata ni Jelie at namutla.
"Huwag kang hihimatayin, hinga!" utos ko dito.
Unti-unting bumalik ang paghinga ni Jelie.
"Paanong nakipag-sex si Satanas? Hindi ba matutusok ang sungay niya sa unan?" naguguluhang tanong niya.
"Walang sungay si Sitan." Ano ba naman itong si Jelie?
Nagtawanan sila Bunao sa ka-inosentihan ni Jelie. Napanganga siya at tumingin sa lambana na umiiling-iling.
"Wala siyang sungay at napaka-gandang nilalang," paliwanag ng lambana.
"Totoo? Gwapo pa kay Dodong?"
Natahimik ang lahat at naramdaman ko ang tingin nila Bunao sa akin. Si Jelie naman ay mukhang natauhan na sa sinabi at dahan-dahang lumingon sa akin.
"Nakaka-insulto na inihahambing mo ako kay Sitan," wika ko sa kanya.
"Tinanong ko lang kung kasing gwapo mo para alam ko ang levelness," katwiran niya. "Nakita n'yo na ba?" baling niya kay Amihan.
Marahang tumango si Amihan at Carol. "Nakakatakot siya," dugtong ni Carol.
"So, kailangan ninyong iligtas si Jake na feeling ninyo ay nasa Biringan," balik ni Jelie sa usapan na ikinainis ko. "So, bakit ninyo hinahanap si Bathala?"
"Dahil siya lamang ang may kakayahang talunin si Sitan," paliwanag ni Bunao.
Tmango-tango si Jelie. "It make sense." Lumingon na naman si Jelie sa akin. "Eh ikaw, kanino ka nakapanig?"
"Wala. Ako ang balanse ng buhay."
"Kung papanig lamang si Sidapa sa amin ay mahihikayat namin ang tatlong anak ni Bathala na sumama," pagbibigay impormasyon ni Carol. Kanina pa itong babae na ito. Mahilig magmanipula ng usapan.
"May anak si Bathala? Paano siya—"
"Tigilan mo nga ang kakatanong kung paano sila nakabuo. Pati ba iyon ay kailangan mong malaman?"
Natawa ng bahagya ang lambana sa sinabi ko. Natahimik si Jelie pansamantala na parang batang napagalitan.
"Hindi pumanig ang ibang diyosa sa amin dahil sa kawalan ng tiwala sa mga tao. Ang iba ay may hinanakit na hindi naman namin masisisi. Nakalimutan sila ng mga tao at ngayon ay kinakalimutan na nila ang tao. Lumalaban kami dahil ito ang nakatadhanan sa'min at dahil may mahal kami sa buhay. Alam naming hindi namin magagapi si Sitan ng wala si Bathala. At ang tanging magagawa namin ngayon ay hanapin siya," mahabang paliwanag ni Bunao.
"Nauunawaan ko na ang part ninyo. Ngayon, bakit parang badtrip sa inyo si Dodong?"
Walang sumagot ni isa sa amin. Napabuntong hininga na naman si Jelie.
"Okay, ayaw n'yo na namang sumag—"
"Hindi ko nais na madamay ka, sinabi ko na sa iyo iyan," putol ko sa sasabihin ni Jelie. "Mailalagay ka sa libro ko kagaya nila kapag nagpumilit ka."
"Dodong, maari mo namang hindi guhitan ang pangalan ko kung saka-sakali," sagot nito at tinapik ang balikat ko. Nangiti si Bunao at Amihan sa tinatakbo ng usapan. "Para saan pa at close tayong dalawa?"
"Hindi mo nanaisin iyon at kapag hiniling mo sa akin na wakasan—"
"Mabubuhay ako ng matagal, nalimutan mo na ba? Ang inaalala ko nga lang ay tatanda ako, kaya kailangan ko si Bathala para mahalikan and boom... clear skin forever."
Para akong kumausap ng mali-mali kay Jelie.
"Ang hirap mong kausap kahit kailan."
"Can we just cross the bridge when we get there? Mahirap isipin ang mangyayari, bakla. Inaalis mo nga ang lungkot ko, nililito mo naman ako. Hindi ako ang pinakamatalino sa classroom kaya doon tayo sa hanggang bukas lang na pagpa-plano. Kung ang iniisip mo ay pang after 10 years, boi, magsho-short circuit ang utak ko."
Napasapo ako sa ulo ko at huminga ng malalim para hindi ko masakal si Jelie.
"Kaya pa, Sidapa?" nang-iinis na tanong ni Bunao.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top