Kabanata 2- GHOST

Jelie

"Ate."

Nakangiti ang kapatid ko kahit napakaraming nakatusok na karayom sa katawan. May tubo ng oxygen sa ilong at sinasalinan ng dugo.

"Hi." Pinilit kong ngumiti kahit nararamdaman ko siya. Siya— na hindi ko ala mang pangalan. Sa katunayan, nararamdaman ko sila—nakikita at kung minsan ay kinakausap.

Ang Baguio General Hospital ay pugad ng galang kaluluwa. Kanina pagpasok ko pa lamang, sinalubong na ako ng isang pasyenteng ako ko ay tatakas. I almost run after him pero lumagpas ang kamay ko nang hawakan ko siya. Then he looked at me and I pretend I was shaking my hand para pagpagin ang ulan.

Isang doctor na naglilibot naman ang nakasalubong ko sa hallway. Kilala ko na ito. Si Doctor Vincent na namatay noong Luzon earthquake. Hindi niya pa alam na patay na siya. Feeling niya lang ay nagro-rounds pa siya.

"Kumusta ang pasyente?" tanong ng isang nurse na isa ring multo. Lumapit siya sa kapatid ko na un-aware sa nangyayari.

"Okay naman," mahinang sagot ko.

I let the ghost nurse do her job kahit ang weird lang talaga sa pakiramdam. Kung minsan ay tinatanong ako ng kapatid ko kung sino ang kausap ko. At ang ginagawa ko ay kunwari na kumakanta ako.

"Ate," tawag ng kapatid ko sa aking pansin. "Nakikita mo ba siya?"

"Sino?"

"Si Kamatayan?"

Kinilabutan ang batok ko.

I once saw him... when I was young. When he took my mom's soul. I saw him but I didn't saw his face. I just knew it was him.

"Hindi. Wala naman akong nakikita..."

"Nakakakita ka. Remember nang binalaan mo ako na huwag kakain ng itim na kanin."

"Uso na ang brown rice—" katwiran ko.

"Hindi brown, itim. Parang sunog pero hindi sunog. May kakaibang amoy—"

"Parang mais na mabango... Oo natatandaan ko." Napabuntong hininga ako. Bakit kasi ang sharp ng memory niya at ang daldal ko noon sa mga nakikita ko?

"Binibigyan ako ni mama ng kanin noong isang araw."

Tuluyan yata akong namutla. "Kinain mo?"

"Hindi. Natandaan ko ang sinabi mo noon. Kaya hindi ko kinuha. Sabi niya siya si mama. Hindi ko naman natatandaan si mama."

"Huwag ka rin sasama kahit kanino," bilin ko.

"Saan naman ako pupunta?" Nakuha pang magbiro ni Julie. "Ang bigat ng oxygen tank kung bibitbitin ko pa."

"Ate—"

"Tama na ang kakatanong."

Ayaw ko ang patutunguhan ng usapan. Magpapaalam ka na naman.

"Bakit hindi na tayo bumalik ng Samar?"

Nabigla ako sa tanong ni Julie. "Saan galing ang tanong na iyan?"

"Sabi nang babaeng nagpapanggap na si mama, taga-Samar daw tayo."

"Noon," mabilis na dagdag ko.

"Bakit hindi na tayo bumalik?" pangungulit ni Julie.

"Dahil—" nakikita ko sila. "—pinalayas na tayo ng Samar. Ayaw na nila sa atin."

"Ate—"

"Julie, magpahinga ka na. Huwag mong ubusin ang lakas mo sa kakatanong." Nahihirapan akong sagutin.

Ang lamig ngunit hindi dahil sa malamig ang hangin. Nariyan siya... kung sino man siya. Siya na nanguha kay mama.

"Julie, magpahinga ka na." Bigla akong pinagpawisan. "Pero huwag bonggang pahinga. Babantayan kita." Hindi ako papayag na kunin ka niya.

Pasimple akong luminga sa paligid. Ang mga multo na dati na nagkalat sa paligid ay biglang nawala. Nasaan sila? Luminga akong muli hanggang sa naramdaman ko siya sa likod ko. Sa likod ko kung saan naroon si Julie.

"Julie!" Napalakas ang boses ko at nagulat si Julie sa bigla kong pagharap.

"May nakita ka?" natatawang tanong ni Julie.

Naramdaman. "Wala," maikling sagot ko. "Kailangan ko palang umalis mamaya."

"Saan ka pupunta?"

Maghahanap ng sagot.

"Sagot saan?" nagtatakang tanong ni Julie.

"Ha?"

"Sabi mo, maghahanap ka ng sagot. Sagot saan?"

Nasabi ko ba ng malakas?

"May nakikita ka Ate. Malapit na ba akong kuhanin?"

"No. Hindi ka kukuhanin. Magpapalakas ka. Gagaling ka." Half of me was lying to her, the other half was lying to myself. Ngumiti ng bahagya si Julie.

"Sabi ng pekeng mama natin na nakausap ko, malapit na raw magsimula ang wakas."

"Huwag kang makikinig sa mga maligno." Hindi ako nakapag-isip ng isasagot.

"Meron nga?" Nanlalaki ang mga mata ni Julie.

Shit! Ano ba Jelie, manahimik ka na lang.

"Wala," kaila ko. Nakakunot ang noo ni Julie at ready nang makipagkulitan kahit nahihirapang huminga. "Okay fine, meron."

"Talaga?"

"Magpahinga ka na. Babalik ako mamaya."

I helped Julie to be as comfortable as she can. Bago ako umalis ay hinintay ko muna ang mga multo sa kwarto na magbalik. For some reason, noong nandito 'Siya' kanina, nawala ang mga multo. At ngayong wala na siya, saka sila nagbalik. Takot ang multo kay Kamatayan.

Hindi ako mapakali sa isang lugar. Alam ko sa sarili ko na hiram na lamang ang oras na mayroon si Julie ngunit ayaw ko siyang pakawalan. Nag-iisang pamilya ko siya. Ilang beses niyang sinabing handa na siya ngunit ako ang hindi. Hindi ako handang mag-isa.

Naupo ako sa tapat ng Burnham lake... nakatingin sa mga swan boat kahit hindi ko naman sila talaga nakikita.

"Ading, gusto mo bang bumili ng everlasting?" tanong ng isang matanda sa akin. "Wala pa akong benta. Kahit pangkain lang sana."

"Hindi po ako turista, pero pabili po ng isa."

Binigay sa akin ng matanda ang garland ng everlasting. Nagbayad naman ako ng higit sa hinihingi niyang bayad.

Bakit hindi na tayo bumalik sa Samar?

"Naroon kasi ang Biringan," bulong ko. Napahinga ako ng malalim at naisipang maglakadlakad. Bitbit ang garland ng everlasting, naglakad ako na walang specific na destination sa utak ko. Nalulunod ako ng napakaraming iniisip. Hanggang makarating ako sa abandunadong hotel.

Napatingin ako sa daan paakyat sa Diplomat Hotel. Tahimik dito... maliban sa mga nakamasid sa akin. Sa may bintana, sa second floor, naroon ang isang madre na nakasilip.

Ano kaya ang kwento niya?

Isang hakbang na nasundan pa ng isa... at isa pa. Hindi ko namalayan na nasa front door na ako ng hotel. I was about to hold the doorknob when the wooden door open as if they are inviting me to come in. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top