Kabanata 19- ANG LAMBANA
Jelie
Okay, hindi ko alam ang nangyayari. Una, nagising akong nasa isang bahay na hindi ako pamilyar. Nang tingnan ko ang labas ay puro dilim lang naman ang nakikita ko. Pangalawa, naghahanap ako ng CR at nang buksan ko ang pintuan sa kwarto ay bigla kong nakita ang mga nangingisay na kaibigan ni Sidapa— putaragis, hindi ako sanay, Dodong na lang. Pangatlo, mukhang nabadtrip si Dodong at may mahiwagang usok na lumalabas sa kanya. Pang-apat, bakit bigla ay nagpupunta kami sa kung saan na parang wallpaper lang na nawawala ang paligid. Gaya ngayon, bumalik kami sa bundok kung saan naroon ang mga kaibigan niya.
"Sid—" Nahinto sa pagsasalita si Bunao nang makita niya ako. "Dodong," pagtatama niya. Natawa ako.
"Kilala ko na siya. Okay na na tawagin ninyo siyang Sidapa."
"At hindi ka natatakot?" alanganing tanong ni Rose.
"Hindi. Harmless iyan. 'Di ba, Dodong?"
Nagpalitan ng tingin si Rose at Carol bago sila ngumiti sa akin.
"Bagay sa iyo iyang hood," saad ni Carol na ikinangiti ko kahit papaano.
"Thanks. Hiniram ko lang sa may-ari." Tinuro ko si Dodong na nakatayo lamang sa tabi ko. Nakapamulsa ito at nakatayo na parang naghahamon ng away. "Maginaw kasi dito. Bakit ba nandito kayo sa bundok?"
"Hinahanap namin ang lambana na sinasabi mo," sagot ni Bunao. "Gusto ninyong maupo sa may apoy?" yaya niya.
"Hindi na," mabilis na sagot ni Dodong.
"Tara na. Maginaw eh." Hinila ko si Dodong ngunit hindi ako nagtagumpay. I tried pushing him pero hindi ito natinag. "Ano ba? Gawa ka ba sa marmol? Napudpod na ang sapatos ko, hindi ka pa natinag. Balakajan."
Nauna na akong naupo kay Dodong. Nakatingin ito ng masama sa apat. Hindi na siya pinansin ng iba, at ako na ang hinarap.
"Condolences nga pala, Jelie," wika ni Rose. Carol put her hand on mine at nalungkot ako bigla. Nagluha ang mga mata ko at hindi ko napigilang ngumawa... as in ngawa.
"Ayan na nga ba!" angil ni Dodong.
"Okay ako," humihikbi kong sagot. Hinawakan ko ang manggas ng hood ni Dodong nang magulat ako at nagsalita siya sa tabi ko.
"Huwag mong sisingahan iyan."
"Ay grabe ka." At dahil wala akong pamunas na dala, pinahid ko ang buong mukha ko sa likod ni Dodong. Ginawa ko siyang malaking panyo. Pagtingin ko kay Dodong, para niya akong sasakalin sa inis.
"Sorry," natatawang wika ko. "Okay na ako."
Huminga ako ng malalim at thankful dahil kahit papaano ay may kausap ako ngayon. Hindi masyadong malungkot.
"Hindi ninyo nakita si Alyana?"
"Sino?" sabay-sabay na tanong ng tatlo, maliban kay Dodong at Zandro.
"'Yong lambana. Alyana ang pangalan niya."
"Hindi siya nagpakita," sagot ni Rose.
"Subukan kong tawagin. Nararamdaman ko siya eh."
"Huwag na," mabilis na awat ni Dodong at saka tumayo bitbit ang braso ko.
"Dodong, 'uy. Teka nga bakit ba badtrip ito?" tanong ko sa apat. Mukha akong batang nahuling nangungimit kung bitbitin sa braso.
"Misunderstanding," sagot ni Carol.
Parang kabayo si Dodong na humahalinghing.
"Umupo ka muna nga. Nangangawit na ako." Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakataas ni Dodong. "Talk to me. What's eating you?"
Hindi nagsalita si Dodong. Nayuko naman ang apat kaya napabuga ako ng hininga.
"Is it about me?"
Silence.
"Maisusulat ba ako sa libro mo kung tutulong ako sa kanila?"
Naba-badtrip na napahilamos ng mukha si Dodong. Oh-kay...
"Mukhang walang isa sa inyo ang magku-kwento. Tawagin ko na lang si Alyana."
Napabuga ng hininga si Dodong at nagdadabog na umupo sa tabi ko. Muntik ng gumulong ang log na inuupuan ko sa pagkakaupo niya. Mabuti at nasalo niya ako kung hindi, My God, gumulong ako sa lupa at magmumukha akong lumpia dahil sa suot kong hood.
"Alyana, lambana ng bulaklak ng kagubatan..." Natahimik bigla ang lahat. Ang nagngangalit na apoy lamang ang tangi naming naririnig at mga kulisap na wari'y hinahatid ang pagtawag ko kung nasaan man si Alyana ngayon.
"May nais lamang kaming tanungin."
Sa dako ng hilaga, may mumunting ilaw na lumitaw. Ang mga alitap-tap ay sunod-sunod na lumitaw at napalibutan kami. Nangiti ako ng makita ko si Alyana na palapit sa amin.
Malaki ng kaunti sa alitaptap si Alyana. Nakasuot ito ng kulay pulang bulaklak na mukhang dress. At ang pakpak niya ay parang sa tutubi.
"Bakit ka— waahhhhhh," sigaw niya. Ang mga alitaptap ay nawala bigla at si Alyana ay mukhang nalilito kung saan magtatago.
"Si Sidapa... si Sidapa!" sigaw nito na ikinatawa ko. Si Dodong ay parang naasar sa inakto ng lambana.
"Manatili ka nga," utos nito at si Alyana ay huminto sa kakalipad at nanigas. Bumagsak siya sa damuhan.
"'Uy, ano ang nangyari sa iyo?" Maingat na pinulot ko Si Alyana. Nanginginig siya sa takot kay Dodong.
Parang bola si Alyana sa kamay ko. Hindi siya kumikilos at nakadukmo ang mukha sa tuhod.
"Grabe ka Dodong, tinakot mo si Alyana. Mabait siya Alyana, huwag kang matakot."
I heard Zandro and Dodong snorted.
"Hangal ka ba... Diyos ng kamatayan iyan," wika ng maliit na tinig ni Alyana.
"Kaibigan ko 'yan."
"Ay, hangal ka ngang tunay. Wala siyang kaibigan."
"Humarap ka kapag kinakausap ka, lambana," saway ni Dodong. Nanigas na naman si Alyana at dahan-dahang humarap sa akin. Pawis ba ang nakikita ko sa mukha ni Alyana o luha?
"Promise, mabait siya. Bakit ba natatakot kayo sa kanya?"
"Lahat ng hawakan niya ay namamatay," wika ni Alyana na ikinaikot ng mga mata ko.
"Bakit buhay pa ako?" tanong ko na ikinalito niya.
Hinawakan ko si Dodong pisngi at kinurot iyo. Nanlaki ang mata ng lambana. "See, buhay pa ako."
"Bakit buhay ka pa?" tanong niya sa akin.
"Anyway, huwag kang matakot kay... urrr... Sidapa. May itatanong ang mga kaibigan namin sa iyo. Nasa likod mo sila."
Tumayo si Alyana sa palad ko at hinarap ang mga taga-Maynila.
"Nakalaya na pala ang Manggagaway. Totoo nga ang bulung-bulungan." Yumuko si Alyana ng makita niya si Rose. "Amihan, nagbalik ka."
Nagtataka akong tumingin kay Dodong na nagtaas lang ng balikat sa akin.
"May itatanong lamang kami sa iyo, Alyana. Maari mo bang sabihin kung paano makapunta ng Biringan?" tanong ni Rose.
Umiiling-iling si Alyana na namewang sa kanila. "Ang taga-bantay ng tarangka ang kailangan ninyo maliban na lang kung may makikilala kayong taga-Biringan na iimbitahin kayong pumasok sa lugar nila."
"Hindi mo ba kami maaring imibitahang pumasok doon?" alanganing tanong ni Zandro na sa unang pagkakataon buhat ng dumating ako ay nagsalita.
Umiling si Alyana. "Hindi ako taga-Biringan. Si Jelie ang makakatulong sa inyo."
"Hindi ko alam buksan ang lagusan," nahihiyang sagot ko.
"Pag-aralan mo. May iniwan naman libro sa iyo," naiinis na sagot ni Alyana.
"Hindi ko mabasa ang ibang nakasulat."
"Matutulungan kita," mabilis na wika ni Carol.
Doon ko naramdaman muli ang awra ni Kamatayan. Parang ang hirap huminga. Parang mas lalong guminaw. Napatingin ako kay Dodong. Si Alyana ay nanigas na naman sa palad ko.
"Dodong, okay ka lang?" tanong ko.
Hindi siya kumibo ngunit nakatiim ang mga bagang niya. Masama ang tingin niya kay Carol at sa buong grupo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top