Kabanata 15- SALAMAT

Jelie

"Uy, okay ka lang, Dodong?" Parang nakakita ng multo ang tao na ito.

Naglapag ako ng everlasting sa paanan ng krus bago bumulong. 'Alam kong malapit na.'

May kurot sa puso ko ng banggitin ko ng mahina iyon. Kanina sa hospital, hiniling ni Julie na aalis na siya. May lungkot akong umiling.

"Sagutin mo muna, sino ang nagbigay sa iyo ng tatlong bagay?"

"Wala akong maalala, Ate," sagot niya.

"Alalahanin mo."

"Wala talaga."

"Saan ka galing?" tanong ni Dodong sa akin.

"Sa hospital," wala sa loob na sagot ko. Nakiupo ako sa grupo nila. Feeling friends ako. "Bakit ganyan ang tingin n'yo? Parang pinag-uusapan ninyo ako tapos natigil kayo no'ng nakita ninyo ako."

"Kumusta ang kapatid mo?" tanong ni Rose na mukhang iniiba lang ang usapan.

"Malubha," matapat na sagot ko. Napabuga ako ng hininga. "Pwede ka bang sumama sa hospital?" baling ko kay Dodong.

"Bakit?"

"Hindi kasi kita ma-describe kay Julie. Hindi ko alam kung bakit nakakalimutan ko ang mukha mo."

"Bakit?" tanong na naman ni Dodong.

"Para makilala ka niya. Sabi ko kasi may friend na ako."

"Bakit?"

"Bakit ka nang bakit... adik ka ba?" naiinis na tanong ko na ikinatawa ng bahagya nila Carol. "Baka hindi na siya magtagal."

Natahimik sila pansamantala.

"I'm sorry," wika ni Carol sa akin.

"Medyo tanggap ko na. Nahihirapan na siya eh. Hindi naman na siya gagaling, 'di ba?"

Umiling si Bunao sa akin. "Huli na."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Kinailangan kong dumukmo sa tuhod ko upang itago ang mga luha.

"Hahanapin ko talaga ang nagpahirap sa kapatid ko," umiiyak na wika ko. Ang mga hikbi ko ay unti-unting naging malakas na iyak. Isang kamay ang humagod sa likod ko upang pakalmahin ako.

"Jelie, here's some tissue. Huwag ka ng umiyak," ani ni Carol. Inilagay sa kamay ko ang tissue at doon pa lamang ako nakapag-angat ng mukha.

"Marami akong tanong sa inyo."

"Nakahanda kaming sagutin," sagot ni Amihan.

Tumingin ako kay Dodong na katabi ko lamang. "Ayos lang ba?"

Umiling siya. "Hindi ko alam."

"Ayaw mo kasing sagutin—"

"Sinagot ko na ang dapat mong malaman kagabi," naiinis na sagot niya sa akin. "Mapapahamak ka, sinasabi ko sa iyo."

"May kilala ba kayong mga gods?" mahinang tanong ko.

"Bahala ka," bulong ni Dodong sa akin bago siya nagtangkang tumayo. Mabilis ko siyang pinigilan. Halos maglambitin ako sa braso nito mapaupo ko lang ulit.

"Huwag kang umalis. Dito ka lang."

"Pakinggan mo muna ang sasabihin niya," suggestion ni Bunao kay Dodong.

"Sasamahan mo pa ako mamaya," nanunumbat na wika ko. Napabuha ng hininga si Dodong at naupo muli sa tabi ko.

"Ano ang ibig mong sabihin sa tanong mo?" balik na tanong ni Rose sa akin.

"'Yong parang sa Greek Mythology, may iba bang gods maliban kay Bathala?"

"Meron," maikling sagot ni Bunao.

"Sino-sino sila?"

"Bakit mo tinatanong?" Nawala ang papasibol na pag-asa sa akin ng magtanong pabalik si Bunao.

"Kailangan ba lagi kang nagtatanong pabalik sa tuwing magtatanong ako?" sarcastic na tanong ko.

"Okay, kilala ninyo ang diyos ng kamatayan?"

Nagkatingin sila. Si Dodong ang mabilis na nagsalita. "Bakit?" tanong niya.

"Gusto ko siyang makausap."

"Ano naman ang ipapakausap mo sa kanya?" naiinis na tanong ni Dodong.

"Na ingatan niya ang kapatid ko patawid sa kabilang buhay," naiinis din na sagot ko na ikinatahimik ni Dodong.

"Ah..." iyon lang ang nasabi ni Dodong bago manahimik ulit. Sila Rose, Bunao at Carol ay nakatingin sa kanya.

"May kailangan akong... basahin at pag-aralan bago... shit. Ganito kasi," kinakabahan na simula ko. Kailan kong magtapat sa kanila bago pa sila umasa ng bongga.

"Hindi ko kayang buksan ang pintuan papuntang Biringan," bulong ko. Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Zandro ngunit nagmura naman ito.

"Zandro, sandali," pigil ni Carol sa asawa.

"Peke ka," sumbat nito sa akin.

"Hindi... ganito kasi..."

"Sinasayang mo ang oras namin na dapat hinahanap na namin ang kaibigan­—"

Hindi natapos ni Zandro ang sasabihin niya dahil mabilis na nakatayo si Dodong at hinawakan nito si Zandro sa leeg ng isang kamay.

Nagkagulo kami sa pag-awat.

"Dodong," pigil ko sa braso nito. Wala akong lakas, bakla. Parang poste ang hinihila ko. "Tigilan mo iyan," sigaw ko sa mukha niya. At dahil may katangkaran siya ay kinailangan kong tumalon sa tuwing may sasabihin ako.

"Dodong!"

Si Bunao ang siyang naka-alis ng kamay ni Dodong sa leeg ni Zandro.

"Hindi kami kaaway," sigaw ni Rose kay Dodong bago daluhan si Zandro na nakayuko at hinahabol ang hininga.

"Walang pumilit sa inyo na pumarito," ani ni Dodong na ngayon ko lang kinakitaan ng galit. Putangina, natakot ako ng slight. "Sa sitwasyon ni Jelie sa kapatid niya, ninais niya kayong kausapin gayong maari namang hindi. Wala siyang obligasyon sa inyo. Kayo ang nangangailangan ng tulong at hindi siya. Ngayon, kung hindi ninyo maititikom ang bibig ninyo at hindi kayo makikinig sa gusto niyang sabihin, ayan ang daan, maari kayong umalis."

"Sid—"

"Huwag mo akong pangaralan, Amihan," wika niya na may pagbabanta. "Huwag ninyong ipamukha na hindi ko naiintindihan ang pakiramdam kung paano mawalan, dahil alam ko. Kung hindi kayo marunong rumespeto, hindi namin kawalan ang pag-alis ninyo. Humanap kayo ng ibang paraan kung paano kayo makakarating sa Biringan. Kumausap kayo ng lambana kung may kakayahan kayong kumausap ng engkanto," naghahamong wika ni Dodong sa apat. Nakatayo na si Zandro at hindi maganda ang pagkakatitig nito kay Dodong. Nakagitna ako sa kanila. Nalilito sa nangyayari.

"Hindi ko kasi na-practice ang magic," mahinang paliwanag ko sa apat. "Hindi ako practitioner, kung naiintindihan ninyo ang paliwanag ko. Minsan kong ginamit ang mahika, ang gusto kong palabasin ay apoy ngunit mga bubuyog ang lumabas nang araw na iyon."

"Halika na," ani ni Zandro hatak-hatak ang kamay ni Carol.

"Sandali, Zandro. Paano si Jake?"

"Maghahanap tayo ng ibang makakatulong sa atin. Hindi iyong parang nasisiyahan pa na naghihirap tayo," Isa pang masamang tingin ang iniwan ni Zandro bago niya tuluyang hilahin si Carol. Naiwan si Rose at Bunao.

"Hindi pa kayo susunod sa kaibigan ninyo?"

"Dodong!" saway ko dito.

"Kung naghahanap kayo ng lambana, mayroong isa rito sa labas ng Baguio. Sa may Atok, Benguet. Hanapin ninyo ang sikat na flower farm doon. Doon ko siya nakita noon."

"Huwag mo ng tulungan, Jelie," pagbabawal ni Dodong sa akin. Tiningnan ko siya ng masama bago ako tumingin muli kay Rose at Bunao.

"Pasensiya na kung hindi ako marunong pa sa mahika. Nagsisimula pa lamang ako ngunit..." Hindi ko na itinuloy ang pagpapaliwanag.

"Mag-iingat kayo. Matarik ang bangin papunta roon."

"Salamat," ani ni Bunao.

Pag-alis ni Bunao at Rose ay nakapamewang kong hinarap si Dodong.

"Ano ang nangyari?" tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. Iniwan niya akong nakatayo habang siya ay tinatanaw ang mga nagagalit niyang kaibigan.

"Bakit mo sinakal si Zandro? Kaibigan—"

"Hindi ko sila kaibigan. Ikaw lang ang naging kaibigan ko," mabilis na sagot niya na ikinatahimik ko sandali.

"Friends na tayo?" mahinang tanong ko.

"At hindi mo dapat itinuro kung nasaan ang lambana. Babalikan ka noon."

"Mabait naman ang lambana na iyon. Siya ang nagbabantay ng mga bulaklak sa gawing bundok ng Atok."

"Kahit na."

"Bakit pakiramdam ko, ayaw mo silang tulungan ko."

Hindi kumibo si Dodong.

"Thank you," bulong ko. "I appreciate what you did pero you scared me."

Isang snort lamang ang isinagot nito sa akin. Nanatili kaming nakatanaw sa daang tinahak ng apat na taga-Maynila.

"Walang ano man," mahinang sagot ni Dodong na kung hindi tinangay ng hangin ay hindi ko maririnig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top