Kabanata 12- WATCHER

Jelie

Nang humupa na ang galit at pighati, doon ko naisip kung bakit na-bad trip si Dodong sa akin. Sabi nga, don't talk to strangers pero go naman ako sa mga taga-Maynila. Hay, tanga-tanga rin Jelie. Kaya kahit gabi ay lumabas ako ng kubo ko at nagpunta sa mga papasarado nang night market para bumili ng everlasting.

Alay ko ito kay Kamatayan eh pero laging nawawala sa krus. Nararamdaman ko siya doon tapos biglang nawawala. Parang sinusundan ako.

Sarado na ang Diplomat nang makarating ako pero wala si Manong Guard kaya pumasok pa rin ako kahit nakalagay DO NOT ENTER.

Nagpunta ako sa tambayan namin ni Dodong, sa taas ng Diplomat at nanginig ako sa lamig nang dumapo sa akin ang hangin.

"Ano ang drama mo?" tanong ko sa multo na nandoon. Tumingin siya sa akin at saka umalis.

"Attitude rin minsan ang multo eh," I murmured. Inilapag ko ang nabili kong everlasting at umusal ng panalangin.

Huwag mo munang kunin si Julie.

Tumingala ako sa krus at pinakatitigan iyon. Wala roon si Dodong.

"Kung kailan clear ang isip ko, saka ka wala."

Umupo ako sa paborito kong upuan at saka pumikit. Ninamnam ko ang lamig ng hangin.

Tahimik ang gabi at ewan ko ba, bakit pakiramdam ko ay mas ligtas ako rito kaysa sa ibang bahagi ng mundo.

"Hindi mo yata kasama ang mga bago mong kaibigan."

Nagmulat ako ng isang mata at tumingala. Nakatayo si Dodong sa harapan ko. Sa may railing at nakapamulsa siya sa itim niyang hood.

"'Di ko alam na clingy kang friend. Bumaba ka nga baka mahulog ka."

Nakuha niya pang mag-snort bago sumunod sa akin.

"Ano ang ginagawa mo dito?"

"Magtatanong lang. Galit ka ba?"

"Arte mo," sagot nito. "Problema mo nga?"

"Mukha kasing napasubo ako," matapat na sagot ko. I chewed my lips and tried to look like in control.

"Ah, natauhan ka na."

Napabuga ako ng hininga. "Masamang tao ba sila? Mukha kasing hindi kayo okay."

"Hindi naman sila masama. Maulit lang."

"Napasubo ako, ano?"

"Sa tingin mo?" nanunuyang tanong niya.

"Ang tanga-tanga ko."

"Totoo."

"You are not supposed to agree," inis na wika ko na ikinatawa niya ng bahagya. "Alam mo, ikaw lang naging kaibigan ko."

He snorted.

"Kahit hindi mo ako friend."

He snorted again.

"I was too weird, too clumsy, too out of being normal. I can see ghost, a glimpse of the..." huminga ako ng malalim. "Akala ko noon, nababaliw ako. Nakakakita ako ng mga hindi nakikita ng iba."

Nahinto na sa pag-snort si Dodong at nakinig na.

"Nakita ko si Kamatayan dati."

Napatayo si Dodong na ikinagulat ko.

"Ano ba! Nagkukwento ako, nanggugulat ka. Umupo ka nga. Jeez, takot ka ba kay Kamatayan?"

"Nakita mo siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Dodong.

"Hindi ko nakita ang mukha."

Napabuga siya ng hininga at naupo muli.

"Ang OA mo. Hindi ko nakita ang mukha niya. Naka- hood siya na parang si... Kamatayan. Kinuha niya ang soul ni mama that time."

"Natakot ka?" he asked. Umiling ako.

"Naniniwala ka ba?"

Nakayuko si Dodong at hindi ko na naman makita ang mukha niya. Wala ngang suot na mask, nakatago pa rin ang face.

Tumango si Dodong na ikinaluwag ng paghinga ko.

"Are they gifted?"

"Sino?" balik na tanong niya.

"Ang mga kaibigan mo," I replied.

"Tama lang," pahayag niya.

"Ikaw?"

"Anong ako?"

"Gifted ka?"

"Tama lang din."

"I knew it. Ano ang gift mo?"

"Kaya kong gawing payapa ang pakiramdam ng isang tao."

"Ay, bongga. Sakin, destruction."

"O?"

"Ano ba Dodong? Para kang laging may pagdududa sa mga sinasabi ko. Oo nga. I am a watcher at least iyon ang sabi ng Lola ko."

"Tapos?"

"Watcher kami ng pintuan... papuntang... Biringan," wika ko sabay buga ng hininga.

Napatayo na naman si Dodong.

"Ano ba? Panay OA ang reaction mo. Nagkukwentuhan tayo. I need to vent out, maupo ka."

Malapit na akong maglupasay at hindi ko maituloy ang gusto kong ikwento.

"Taga-bantay ng tarangka?"

"Parang gano'n na nga. Umupo ka muna."

Hinila ko ang suot na hood nito para makaupo... Pinilit ko siyang umupo. Para akong humila ng bato, napagod ako, bakla.

"Alam na nila?"

"Nino? Nang mga kaibigan mo?" balik na tanong ko.

"Malamang, sila ang pinag-uusapan natin. Sinabi mo sa kanila?"

"Hindi pa."

"Huwag mong sabihin," bilin niya.

"Bakit?"

"Dahil mapapahamak ka."

"Sa bagay," sagot ko. "Wanted kami sa Biringan."

"Bakit?"

"May kinuha kasi si Lolo doon."

"Nagnakaw kayo?" tanong niya na ikinaliit ko.

"OA ka talaga. Hindi naman nakaw." Tapos naisip ko ang mga ginto na ibinenta ni Lolo kaya mayroon kaming pera ngayon. Nahiya ako. "Parang ganoon na nga."

"Tsk...tsk...tsk..." wika ni Dodong na lalo kong kinaliit.

"Sabi ni Lolo, huwag raw akong tatapak sa Biringan. Sabi ni Lola bago siya mamatay at pinamana ang... bertud—"

"Sandali... sigurado ka sa kwento mo?"

"Iyon ang sabi sa akin. Maliit pa ako at baby pa si Julie noong mangyari iyon. Bigla ngang nawala ang tatay ko after that tapos namatay si mama."

Natahimik si Dodong kaya nagpatuloy ako sa kwento.

"Sabi ni Lola, ikakamatay ko ang pagbalik ko sa Biringan."

"Ay, tanga ka ngang tunay! Bakit ka nagpresinta na dadalin sa Biringan sila Amihan—"

"Kaya nga sabi ko 'di ba parang napasubo ako!" nagsimulang tumaas ang boses ko.

"Ay, ewan ko sa iyo. Isa ka ring matigas ang ulo."

"Nadala ako ng galit ko. Kumalma ka nga, kalmahin mo ang sarili mo total powers mo iyan. Umiinit ulo ko sa pagtaas ng boses mo."

"Jelie, makinig ka, kahit ngayon lang, pwede!" wika nito na nagtatagis ang mga ngipin sa inis. "Huwag kang tatapak sa Biringan kung ayaw mong sunduin ka ni Kamatayan."

"Ano nga ang gagawin ko? At isa pa, hindi naman ako marunong magbukas ng pintuan. Never kong pinag-aralan ang libro ng mahika," I told him that made him stood up again.

"Agghhh, sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang sumakit ang ulo ko."

Mukhang nabadtrip nang tuluyan si Dodong. Sinasabunutan na niya ang sarili niya eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top