Chapter Nineteen
Tanya's POV
"Nay, uminom po ba kayo ng gamot niyo?" Tanong ko habang hinihimas-himas ang likod niya ng umubo siya. Dahil sa tulong ni Wayne, napatingin ko sa doktor si nanay noong isang araw pati ang mga gamot ni nanay siya ang bumili. Sinabihan siya ng doktor na magpahinga pero matigas ang ulo. Tumatanggap pa din siya ng patahi. Buti nga ngayon, medyo maayos na ang lagay niya dahil noong mga nakaraang araw tuloy tuloy ang pag-ubo niya.
"Uminom na ko kanina." Sagot niya.
"Hindi pa din ba nawawala yang ubo niyo?"
"Nako, huwag mo nga akong alalahanin. Nalamigan lang ako." Sagot niya naman sa pagitan ng pag-ubo.
"Kasi naman Nay, magpahinga po kayo. Huwag muna kayong magtahi. Teka at kukunin ko yung inhaler niyo." Iniwan ko muna si nanay at kinuha ang inhaler sa loob ng kwarto niya. Inabot ko sa kanya iyon at ginamit niya.
"Ano'ng oras ka ba susunduin ni Wayne?" Tanong niya. Alam na ni nanay na boyfriend ko si Wayne. Kaming dalawa ang nagtapat sa kanya at hindi naman siya tumutol. Sa katunayan, mas lalo nga silang naging malapit ni Wayne. Madalas dito na naghahapunan si Wayne kapag hinahatid niya ako.
"Parating na daw po siya." Sagot ko.
Tinignan ako ni nanay mula ulo hanggang paa at nakangiting bumalik sa mukha ko ang mga mata niya. "Dalagang dalaga ka na talaga." Sabi niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha ko at inipit sa likod ng tainga ko. "Habang tumatanda ka, lalo mong nagiging kahawig ang ama mo." Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi ni nanay at nagbaba siya ng tingin. Alam kong hanggang ngayon mahirap pa rin para sa kanya ang pagkawala ni tatay.
Ngumiti ako. "Syempre, kanino pa po ba ako magmamana kung hindi sa inyong dalawa. Si nanay talaga."
Pareho kaming napalingon sa pinto nang may kumatok. Nagmamadaling binuksan ko iyon at nakita si Wayne na nakatayo sa harap ng pinto.
"Hi." Bati niya sa akin bago naglakbay ang tingin niya sa katawan ko. "You look beautiful."
Nahihiyang nagbaba ako ng tingin. "Hiniram ko nga lang 'tong damit na suot ko sa kapitbahay."
Humiram ulit ako ng damit kay Sasha at nagpaayos ako sa kanya. Nagpalagay ng konting makeup.
"Kahit naman ano'ng suotin mo maganda ka pa rin." Sabi niya at ipinulupot ang mga bisig sa baywang ko at binigyan ako ng halik sa noo.
"O, Wayne, nandyan ka na pala." Narinig kong sabi ni nanay.
Nagulat si Wayne at agad akong binitiwan. Napahagikgik ako ng mahina.
"Good evening po, tita Esther." Sabi niya.
"Magandang gabi naman." Sagot ni nanay. "Pupunta daw kayong party?"
"Opo." Tumango si Wayne. "Party ng schoolmate ko."
"Ganon ba? Bago magmadaling araw dapat nandito na kayo." Paalala ni nanay.
"Opo, nay." Sabi ko.
"Wayne, ingatan mo ang anak ko."
"Makakaasa po kayo, tita." Nakangiting sabi niya at ipinulupot ang bisig niya sa likod ng baywang ko.
Nagpaalam na kami kay nanay at umalis na. Sumakay kami sa kotse niya at makaraan ang ilang minuto huminto ang kotse niya sa isang malaking bahay. Nasa loob pa lang kami ng kotse ay rinig na rinig na namin ang malakas na tugtog na nanggagaling sa loob ng bahay.
Bigla akong kinabahan. Alam kong ibang mga tao ang makakasalumuha ko dito. Mga galing sa may perang pamilya. Naisama na ako ni Wayne noon sa isang party pero hanggang ngayon kinakabahan pa din ako. Hindi ko alam kung paano ako kikilos, kung paano ko sila patutunguhan, at kung bagay ba ang ayos ko.
Lumabas na kami sa kotse. Nakakawit ang kamay ko sa braso niyang pumasok kami sa loob ng bahay. Halos nagkakadikitan na sa dami ng tao sa loob. May mga nagkukuwentuhan, may mga nagsasayawan at nanlaki ang mga mata ko ng mahigap nito ang isang babae at isang lalaking naghahalikan sa sulok. Ipinulupot ni Wayne ang mga bisig niya sa akin, shielding me with his body as we made our way through the crowd.
Agad namin nakita ang mga kaibigan ni Wayne na nakaupo sa sofa sa salas. Namumukhaan ko na sila dahil pinakilala na sila sa akin ni Wayne noon.
"Finally, you're here." Sabi ni Seth.
"Hey, Tanya." Ngumiti sa akin si Axel.
Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Wayne sa balakang ko.
"Hi." Sagot ko sa kanya.
"We thought you were going to ditch us again." Sabi ni Nick.
"May upuan pa dito." Itinuro ni Tristan ang isang bakantang upuan sa tabi niya. Umupo si Wayne doon at hinatak niya ako dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya.
Tatayo na sana ako, hindi magandang tignan na nakaupo ako sa kandungan ng lalaki. Hinawakan ni Wayne ang baywang ko at inupo ako pabalik sa kandungan niya.
"Where are you going?" Tanong niya.
"Tatayo na lang ako." Sabi ko.
"Why?"
"Ano ka ba? Nakakahiya kasi, madaming nakakakita."
"I don't care. Let them see us." Nakangising bulong niya. "So they'll know you're mine."
"Now I understand why you're so crazy about her." Sabi ni Nick habang nakatingin sa akin. "You're looking lovely tonight, Tanya."
"Thank you." Nahihiyang sabi ko.
"Hey, back off! She's mine." Wayne said in a half-joking tone.
"I know, I know." Itinaas ni Nick ang kamay niya na parang sumusuko.
Wayne's friends had been wonderful to me. Tinrato na din nila ako na parang isa sa mga kaibigan nila. Nakikinig lang ako sa kwentuhan at biruan nila, minsan nagtatanong-tanong sila tungkol sa akin. Madali akong naging kumportable sa kanila. Naikwento din ni Wayne na nasa parehong compound kami nakatira ni Tristan.
"Kaya pala mukhang pamilyar ka." Sabi ni Tristan.
"Palagi kitang nakikita. Madalas ka din ikwento sa akin ni Sasha. Crush na crush ka nga niya." Natatawang sabi ko.
"Oh that woman." Natatawang umiling siya.
"I can't believe this!" Natigilan ako ng marinig ang pamilyar na boses ng babae. Lumingon ako sa gawi niya at nakita siyang nakatayo at nakatingin sa akin. Nakatiklop ang mga braso niya sa dibdib at nakataas ang isang kilay. "I can't believe they allow a whore in here!"
"Margaux! Stop it!" Galit na asik ni Wayne at tumayo ito.
"Hmp!" Isang nang uuyam na ngiti lang ang isinagot niya kay Wayne bago tumalikod. Akala ko aalis na siya ng bigla niyang damputin ang microphone sa gilid ng kwarto katabi ng malaking stereo. Tumigil ang kanta at tumahimik ang buong bahay.
"Ladies and gentlemen. Can I have your attention please?" Sabi niya habang nakaharap sa microphone. "Gusto ko lang sabihin sa inyo na may special guest tayong gabi. It's none other than the Blue Book's whore, Tanya." Inilahad niya ang kamay niya sa direksyon ko. "That girl right over there is a whore. Isa siyang bayarang babae."
Naramdaman kong nanginig ang buong katawan ko ng dumapo ang tingin sa akin ng mga tao. Nanlamig ang buong katawan ko at nablangko ang isip ko. My heart felt like it dropped into my stomach. Pakiramdam ko naubusan ako ng dugo sa buong katawan ko.
Agad na lumapit si Wayne sa kanya at marahas na hinaklit ang microphone mula sa kamay niya. "What the fuck is wrong with you?"
Isa sa mga kaibigan ni Wayne, hindi ko na alam kung sino ang humawak sa balikat ko at inupo ako.
"Bakit? Totoo naman, di ba? POKPOK YANG BABAENG YAN!" Sabi niya habang tinuturo ako. "Maiintindihan ko pa kung ibang babae ang ipinalit mo sa akin. Pero siya! My God, Wayne, nakaka-offend!"
"Shut the fuck up! Wala kang alam tungkol kay Tanya!" Napuno ng malakas na boses niya ang buong kwarto.
"I know she's a whore! A dirty disgusting whore who'd sleep with any man for mone—"
"She is not a whore! She was a virgin when I had her!" Mariin na sabi ni Wayne. "Ikaw? Pang-ilan na ba akong lalaking nakakama sa'yo?"
Tumigas ang expresyon ng mukha ni Margaux at hindi siya nakapagsalita. Naiiiling-iling na tumalikod sa kanya si Wayne at naglakad palapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hinatak ako.
Nang nasa labas na kami, ikinulong niya sa mga palad niya ang mukha ko. "Are you okay?"
Nagsimulang magtubig ang mga mata ko at sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Hindi pa ako napahiya ng ganon sa buong buhay ko. Mas masakit kasi mga kaibigan ni Wayne ang nandoon. Baka ikahiya niya na ako dahil alam na nila ang totoo.
"Alam na nilang." Humihikbing sabi ko. "Nahihiya ako sa mga kaibigan mo. Ano na lang ang sasabihin nila sa'yo?"
"First of all, you're not a whore." Isinuklay niya ang mga daliri niya sa buhok ko. "Second, my friends kind of already know. Third, I don't give a damn what people think. Kapag may sinabi silang hindi maganda tungkol sa'yo ibig sabihin nun hindi ko sila totoong kaibigan."
Inipit niya ang baba ko sa pagitan ng mga daliri niya at inangat ang mukha ko. Pinunasan niya ang mga luha ko. "Don't cry, okay? Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ako ang mas higit na nakakakilala sa'yo kaysa sa kanila."
Dinampian niya ako ng isang mabilis na halik sa labi. "Nothing else matters to me. Just you. Will you smile for me, angel?"
Ginawa ko ang sinabi niya. Ngumiti ako.
"That's more like it. Your smile is my weakness, do you know that? Of all the woman I've known in my life none has made me fall for them so completely and so instantly."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top