VIGINTI SEX
Hindi ako makakilos. Parang nahirapang iproseso ng utak ko ang mga salitang binitawan ni Miss Fleur. Namayani ang kaba at pagkalito sa akin. Nagkamali ba ako ng dinig? O baka naman nagkakamali lang sila.. Tama. Baka mali lang yung pesteng intel nila.
"How is that even possible?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaking may bigote. Maski ang ibang miyembro ng committee, tila na nabagabag sa nalaman.
Napuno ng tensyon ang silid.
Napahinga nang malalim si Miss Fleur at iminuwestra ang mga folder sa tapat namin. Dali-dali nilang binuklat ang mga ito.
"Fifteen years ago, Archer was found in the streets. The Social Vampire Welfare Department took him in and raised him until he was old enough to work for a living. Ayon sa pananaliksik na ginawa ng mga imbestigador, walang records si Archer ng kanyang kapanganakan and people even doubted he was originally from the Acropolis." Pagpapaliwanag ni Miss Fleur habang matamang nakatingin sa laman ng folder.
What the fuck is this?
Napabaling ang mga mata ko sa folder sa aking harapan at mabilis ko itong binuklat. It only contained a few pages, and the first page was actually the application file I sent to CRIMSON last year. Nang silipin ko ang ibang mga pahina, puro narrative reports at findings ang naroon. Nanginginig ang mga kamay ko habang binabasa ang impormasyon.
H-Hindi ako makapaniwala..
Bullshit.
"So, his blood sample even confirmed his origin.. 99.99% Devonian blood. A pure breed among the civilized ones. Para bang isang lobong nagbalat-kayo bilang isang tupa." Galit na deklara ni tandang Taddeo na para bang gusto na akong pugutan ng ulo sa oras na makita ako.
No wonder I never remembered anything from when I was a toddler. Ni wala akong ideya sa mga magulang ako.. Buong akala ko, iniwan nila ako sa lansangan, and now the Vampire Committee is revealing that I came from a clan of ruthless bloodsuckers?
Huminga ako nang malalim. Kaya pala nahihirapan akong kontrolin ang sarili ko. Bloodlust has always been an issue for me. The pieces are finally falling into place.
I am the enemy of the metrovampires I want to protect.
Couldn't my story get any worse?
"Siya ang may kasalanan ng lahat!"
"And he reasoned that this was only an accident! Isang kahibangan!"
"KAILANGAN NATING MATUNTON ANG BAMPIRANG 'YON! AT PATI NA RIN SI FALCON AT ANG MORTAL NA KASAMA NILA!" Everyone fell silent when Taddeo's wrath took over. His palms banged the tabletop and shook the entire room. Patay na talaga.
Kailangan ko nang umalis dito.
Tumayo na ako at bahagyang yumukod. The Vampire Committee eyed me suspisciously. Matapang kong sinalubong ang kanilang mga mata.
"I need to go. Excuse me.."
"Lady Circe, you are unusually fidgety today." Hindi ko na lang pinansin si Taddeo.
Humakbang na ako papalayo nang may maalala ako. Nilingon ko ang lalaking kitang-kita ko na naman ang pag-usok ng tainga dahil sa galit. Nagkibit ako ng balikat. "Pinapasabi nga pala ng kapatid mo.."
"Tsk. Ano?"
I really don't know if this is important pero baka kasi maghinala ang lider ng Coven kung hindi ko gagawin ang ipinag-uutos niya. Who knows if he'll pop out of nowhere and interrogate me about this shit, "..Code 290."
Everyone froze.
Nanlaki ang mga mata ni Taddeo.
Ano bang ibig sabihin nun? Hay. Bahala na nga sila. I pivoted and stride towards the mahogany doors when I felt my body go rigid. Shit! Anong nangyayari?! Walang kontrol akong humarap sa Vampire Committee na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. Crimson blood eyes with a warning glint in them.
Taddeo snapped his fingers and a herd of Coven guards came burstling through the doors. Tangina, anong nangyayari?!
"How foolish of you, Lady Circe---kung ikaw nga talaga iyan," old Taddeo circled me, as if assessing my soul. Isang mala-demonyong ngisi ang sumilay sa kanyang mukha.
"Code 290, stands for intruder alert. Pero paniguradong hindi mo iyon alam, ARCHER."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Shit! I'm screwed..
Napasinghap sina Miss Fleur. I glared at Taddeo. There's no use in denying now. Kilala ko ang halimaw na 'to, at alam kong kanina niya pa pinaghihinalaan ang mga ikinikilos ko. Taddeo walked towards me, his fangs showing.
"Let me guess, you are working with Lady Circe now?" Pagak siyang natawa, "And spying on a committee meeting! Tama nga ang sabi sa reports.. You are no different from your kind."
"I.. I am not one of them---"
"LIAR! SABIHIN MO, NASAAN ANG SUSI?!"
My jaw clenched. "Futue te ipsi."
At naramdaman ko ang paghampas ng latigo sa balat ko. Napadaing ako sa kakaibang sakit na dulot nito. I tried to see who among these lunatic Coven guards did that, pero hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko. Mayamaya pa, isang malakas na suntok ang dumapo sa aking mukha and I found myself cursing in pain on the wooden floor.
Pinanood ko ang paghingi ni Taddeo ng isang punyal mula sa mga bampira at humakbang muli papalapit sa kinaroroonan ko.
The knife glinted dangerously in the air. A sinister smirk plastered on his face..
"If you're not going to cooperate, might as well kill you. Salot ka ng lipunang ito!"
My muscles constricted. Nararamdaman ko ang pagbabalik ko sa dati kong anyo. Bumulusok ang patalim sa akin at wala na akong nagawa kundi titigan ito. I will embrace death with pleasure if it is already the end for me. I am not a coward.
"Farewell, traito----!"
"Isn't it too early to end Archer's story, folks? I apologize for the interruption, but my bestfriend needs a break from this bullshit."
Napalingon silang lahat sa lalaking nagsalita. I rolled my eyes. I didn't need to turn my head to recognize that irritating voice. Nakita kong muli ang pagsiklab ng galit sa mga mata ni Taddeo.
"ARREST HIM!"
Agad na tumalima ang mga bampirang kasapi ng Coven. Mabilis nilang inatake si Falcon na prente pa ring nakaupo sa bintana ng conference room. I watched as he effortlessly jumped in the air and threw a deck of cards at the vampires.
The cards gracefully drifted through the air and in a split second, cut the throats of the Coven. Tila ba sumasayaw sa ere ang mga barahang ibinabato ni Falcon as he orchestrated them. Hindi makapaniwala ang Vampire Committee sa kanilang nakikita. Nang natapos na si Falcon, he landed on the ground.
Napatumba niya ang lahat ng Coven.
A smug look on his face. "That's what I'd like to call, a 'paper cut'." At nag-bow pa ang gago. Mahina akong napamura.
"Hoy! Imbes na magpasikat ka diyan, mind if you help me out here?!"
Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang mga labi. "The brave and ignorant Archer asking for my help? Priceless. Sana may dala akong camera--"
"FALCON! TANGINA MO!"
Tumawa siya at mabilis akong dinaluhan. He muttered an enchantment and in a matter of seconds, nagalaw ko nang muli ang katawan ko. Nang makatayo na ako, nakita namin ang mabilis na recovery ng mga Coven. Again, vampires are immortals, and I doubt Falcon's cards can do much damage.
"HULIIN NIYO SILA!"
We ignored Taddeo's tantrums. Falcon motioned for the mahogany doors. Tumango ako at sabay naming tinakbo ang distansya patungo roon. Nang harangan kami ng ibang mga bampira, mabilis namin silang binalian ng mga buto at sinipa papalayo. Halos mawasak na ang silid at nakita kong nagtago sa kani-kanilang mga lamesa ang Vampire Committee. Taddeo looked like he was about to explode.
"BUMALIK KAYO DITO! MGA TRAYDOR!"
Bago nagsara ang malalaking pintuan ng conference room, nilingon ko si Taddeo at ngumisi. I raised a middle finger in his face and ran away, laughing my ass off. Bahala diyan.
Nang makarating kami sa ground floor, binalingan ko si Falcon.
"Hey, aren't there gonna be Coven guards patrolling the fortress?"
Falcon raked a hand through his blonde locks and smirked at me before pushing the doors open. "We've got that all taken care of."
Nang tingnan ko ang sinasabi niya, nanlaki ang mga mata ko nang nababalot ng apoy ang buong paligid. Puro sigawan at bangkay ang bumungad sa amin. From a distance, I can see Cameron with a torch and gun in hand. Walang emosyon niyang kinalaban ang mga bampirang nagtangkang umatake sa kanya.
Falcon and I walked towards the exit.
Pasipol-sipol na lang si Falcon habang ako naman at nababahala pa rin sa nangyayari. I frowned. "Shouldn't we help that bastard?"
"Nah. He's a vampire hunter from the prestigious Imperial Yard. Kaya na niya 'yan. Got the map?"
Nagkibit ako ng balikat. Madali akong kausap. "Yup."
Mabilis naming tinahak ni Falcon ang daan papunta sa Illuminaré Heights. Sa bukana pa lang ng kagubatan, nakita na namin sina Circe at Elora. When Elora saw me, agad siyang nagtungo sa akin. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata and soon enough, I felt her arms wrap around me.
Nabigla ako nang yakapin niya ako nang mahigpit.
"Bakit ang tagal mo? Shit! Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo.." She muttered against my chest. Mahina akong natawa at ginulo ang kanyang buhok. Nakakatuwa naman ang babaeng ito.
"I'm fine. Ako pa ba?"
Nang kumalas na sa pagkakayakap sa akin si Elora, tila ba natauhan siya sa ginawa niya at agad akong tinulak. I smirked and grabbed the scroll from inside the robe I was wearing. Hinagis ko ito kay Circe na nakatitig lang sa akin. Agad niya itong nasalo.
"I'm glad you're okay, Archer."
Napasimangot ako. "We have a lot of talking to do, Circe." Pakiramdam ko kasi, sinadya niyang malaman ko ang tungkol sa pagkatao ko roon sa meeting nila. She knew it was their agenda today. Tsk.
"Fine."
Naglakad na kami pabalik sa kastilyo ni Circe. Fortunately, there's a short cut that would take us there in a few minutes. Buti na lang. Habang tinatahak namin ang daan patungo roon, napansin ko ang paglingon ni Elora sa kanyang likuran.
I sighed. "Kung si Cam ang inaalala mo, believe me, he can handle himself."
Umiling ang dalaga. "It's not that. I just feel like someone is watching us.."
Ngumiti ako at inakbayan ko siya. She immediately stared at me, flushed. "Don't think about that too much. Nandito na ako. Ako na lang ang isipin mo." Sabay kindat ko.
Napatigil kami nang bigla na lang akong binalingan ni Falcon. Isang mapag-asar na hitsura na naman ang sumilay sa kanyang nakakairitang mukha, "Shouldn't you be thanking me, Archer? I'm your knight in shining armor! Hahahaha!"
I scowled. "Screw you."
At nang tingnan ko ang suot ko, doon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakabalik sa aking dating anyo at ngayon ay masikip na sa akin ang damit ni Circe. Mahina akong napamura. I'm still wearing this flowy red robe with floral designs. Tsk.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top