VIGINTI SEPTEM

"Mr. Vampire, ayos ka lang ba?"

Elora had been eyeing Archer eversince he came back from his little mission to get the map. Nakapagpalit na ang binata at kanina lang ay tila masinsinan silang nag-uusap ni Lady Circe sa loob ng silid-aklatan. Gusto man niyang alamin kung ano ang pinag-usapan nila, ay agad niya itong isinantabi. Napansin niya na tila kanina pa malalim ang iniisip ng bampira.

He snapped out of his trance and looked at her. Isang pekeng ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.

"I'm fine."

Naningkit ang mga mata ng dalaga. His eyes are giving him away again. Kabisado na ni Elora ang ugali ni Archer sa sandaling panahon na magkasama sila. It's only been a few days, pero heto siya at nag-aalala sa isang bampira.

"You're not. Anong problema, Archer?"

Napabuntong-hininga ito at umiwas ng tingin. "It's none of your business. Mabuti pang mauna ka na sa dining hall."

Pero hindi umalis si Elora. Naupo pa siya sa tabi nito sa sopa at naghalukipkip. Kumunot ang noo ni Archer sa ginawa ni Elora. "Tigas talaga ng ulo mo." But the girl only laughed at him. Oo, siguro nga matigas ang ulo niya. She's not letting this vampire drown himself in whatever misery he's facing.

At kung ayaw man niya itong sabihin sa kanya ngayon, Elora would patiently wait for the time Archer is willing to open up to her. 'Argh. Nababaliw ka na talaga!' Suway ng kanyang utak sa sarili.

Ilang sandali pa, napagdesisyunan na nilang sabay magtungo sa dining hall ng kastilyo kung nasaan sina Lady Circe. Nang marating nila ito, agad na lumuwa ang mga mata ni Elora sa ganda ng paligid. As usual, the interiors are made out of crystalline forms, pero ang nakakamangha rito ay ang blood-red chandelier na nakasabit sa mataas na kisame.

They went to the vacant seats near one end where Circe sat, along with Cameron and Falcon on either of her sides. Mukhang nagkakainitan na ang dalawa. Naupo si Archer sa tabi ni Falcon habang si Elora naman ay ipinaghila ni Cam ng upuan sa tabi niya. She couldn't do anything about it.

Falcon chuckled, "Bakit tumabi ka sa'kin, bespren? Wag mong sabihing type mo 'ko! Hahaha!"

Sinamaan siya ng tingin ni Archer. "It's better to sit with a bastard than with a bastard who'll probably have a knife at my throat." Baling niya kay Cam na nakangiti lang sa kanila.

Napailing na lang si Elora. They are a hopeless case. Mahirap na ngang paniwalaan na isang vampire hunter ang kanyang matalik na kaibigan, tapos may dalawa pang bampira na wagas makaasar dito. These three wouldn't get along, she concluded.

Lady Circe raised her wine glass.

"Alam kong isang kahibangan na magkaroon pa tayo ng salu-salo sa kabila ng hinaharap nating mga problema, ngunit ito na lang ang magagawa natin bago sumuong sa panibagong yugto ng ating paglalakbay. We will leave right after we eat, and until then, we don't know what lies ahead for us." Tiningnan niya ang kanyang mga bisita nang isa-isa, isang ngiti sa kanyang mapupulang labi, "Finding the Lost will be risky, much less destroying the Tree of Knowledge...but it is our only hope. Imagine this as our last supper. Cheers."

Nag-aalinlangan man ang iba, they also raised their glasses and joined the toast. Ipinitik lang ni Circe ang kanyang mga daliri at biglang lumitaw sa kanilang harapan ang iba't-ibang putahe. Elora can even see ham in there! Tila ba natakam naman si Cam at lumamon na---after he assessed the food for any poison, of course.

But as Elora tried to have her first bite, napahinto siya nang maramdaman ang kanyang mga pangil. The food no longer appetites her.

Nabitiwan niya ang kanyang kubyertos. 'No.. Shit. Wag mo namang sabihin na magiging bampira ulit ako ngayon?!' Natataranta niyang binalingan si Cam na kanina pa siya dinaluhan.

"El! Anong nangyayari sa'yo?!"

"C-Cam..h-hindi ko alam.."

Archer stood up and gave her a wine glass. The contents were a darker shade than the one they have. At nang tingnan pa lang ni Elora ang laman ng wineglass, alam na niya kung ano ito. Her vampire senses went wild with hunger.

"Here. Drink this----"

"SHE WILL NOT DRINK THAT DISGUSTING BLOOD WINE!" Galit na turan ni Cameron sa lalaki. Nagtaas ng kilay si Archer, kalmado pa rin, "Have any better idea? O baka naman gusto mong dugo mo na lang ang ubusin niya. Tutal umaakto kang bayani ng kwentong ito, why not have yourself be a sacrifice? That's a noble cause, right, hunter?"

Mahinang napamura si Cameron at iniabot ang baso ng alak mula sa mga kamay ni Archer. He reluctantly handed it to Elora. The girl hungrily drank it's contents.

The sweet and bitter taste of metallic blood filled her senses and at that moment, she felt calmed. Nang matapos siya, napansin kumakain na sina Lady Circe at Falcon na tila walang nangyayari. Cam and Archer were staring at her.

"I-I'm okay now." She smiled.

But Archer leaned against the table and grabbed a napkin. Maingat na pinunasan ng binata ang gilid ng kanyang labi. An affectionate smile on his handsome face.

"Good."

*

Makailang-ulit pinasadahan ng tingin ni Elora ang portal sa kanilang harapan. Mistula itong isang malaking pintuan at may mga bakas pa ng ginawang ritwal ni Circe sa sahig. This is it.

"The map will direct us to the estimated coordinates of the Lost Garden of Eden. Brace yourselves."

Pahayag ni Circe bago humakbang papalapit sa lagusan. Nilamon siya ng nakakasilaw na liwanag. Agad na sumunod sa kanya sila Cam at Falcon habang si Archer naman ay inalalayan ang dalaga papalapit rito.

"Kailangan ba talaga kasama si Lady Circe?" Mahinang bulong niya.

"Of course. She'll help us through. Besides, tinutugis na rin siya ng Coven ngayon, so I insisted her to come with us."

Hindi na lang umimik si Elora. She heaved a deep breath and walked fowards to the awaiting light. Napapikit siya sa tindi ng liwanag nito at tila na hinihigop ang kanyang kaluluwa. Hindi na niya maramdam ang sahig na tinatapakan niya kanina and her ears almost exploded with the eerie ringing sound. Her whole body tensed.

'Nakakahilo naman!'

Ilang sandali pa, naramdaman niya ang pagbagsak ng katawan niya sa buhanginan. The sand felt scorching hot beneath her. Agad siyang napamulat at nakitang nasa gitna sila ng kawalan. Elora got to her feet and gaped. The sun burned her skin.

Nasa isang disyerto sila!

Nang balingan niya si Lady Circe, napansin niyang hawak pa rin nito ang mapa. Kunot ang noo ng mayuming bampira habang binabasa ang nilalaman nito.

"Where are we?" Cameron inquired.

"We're in the mortal world, specifically in the Middle East."

M-Middle East?

Napaawang ang bibig ni Elora. Inusisa niya ang hitsura ni Circe kung nagbibiro ba ito, ngunit hindi. Walang bahid ng biro ang kanyang mga mata. The boys remained silent and studied their empty surroundings.

How are they suppose to find the Lost Garden of Eden in the middle of nowhere?!

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top