VIGINTI QUINQUE

Hindi ko talaga matandaan kung paano ako napasok sa ganitong sitwasyon. Ang huli ko na lang naaalala ay may ginawang ritwal sina Circe at pagkamulat ng mga mata ko, napansin kong lumiit ang katawan ko at nagkaroon na ako ng dibdib.

"Magandang araw, Lady Circe! Gusto niyo po bang ihatid ko kayo?"

Manyak.

Kimi akong ngumiti sa bampirang halata namang gusto lang makipaglandian sa akin---kay Circe pala. Argh. Tangina, nakakawala ng pagkalalaki ko 'to ah! Bullshit. Kalma, Archer.. Kumalma ka.

"Hindi na. Kaya ko na ang sarili ko."

"Are you sure, my lady?"

ANO DAW?!

"Yes. Kaya pwede ka nang umalis." I managed to say those words without giving away my real identity. Halos samaan ko na ng tingin ang lalaki. SUBUKAN MO LANG AKONG LANDIIN ULIT PRE, IHAHAGIS KITA SA BINTANA!

"A-Ah.. Sige po."

Halos masuka ako nang makita kong nadismaya ang taga-Coven. He sadly nodded at nahihiyang bumalik sa pwesto niya para bantayan ang fortress. Inatasan silang patayin ako kapag nakita nilang napadpad na naman ako sa teritoryo nila---pero ang hindi nila alam, heto ako ngayon at nasa anyo ni Lady Circe na halos sambahin nila. Mga gago.

Huminga muna ako nang malalim at mabilis kong tinahak ang hagdan paakyat. Sa gilid ko, napansin ko ang mga "WANTED" posters namin ni Falcon. Tinagurian na talaga kaming mga traydor sa lahi namin.

Well, not that I care, of course.

Just get the damn map and run out of here, Archer. Tsk. Kanina pa rin ako hindi kumportableng nasa loob ng katawan ng isang babae. I have less than an hour before my body morphs back to normal kaya kailangang bilisan ko na.

I was already halfway to the top when someone blocked my path. Nang mag-angat ako ng tingin, halos mapamura ako nang makita ang lalaking naka-pulang cloak at may tattoo sa pisngi. Like before, his eyes couldn't be seen. Nakaramdam ako ng tensyon sa pagitan namin.

The leader of the Coven.

"Lady Circe, bakit parang nagmamadali ka?" May kung anong mali sa boses niya. Pilit kong kontrolin ang pagkabigla ko at umaktong parang si Circe.

"I have a meeting to attend to." Tangina, sana naman hindi ako mabuko nito!

The man smirked. Hindi pa rin siya umaalis sa daraanan ko. "Really? Hmm.. Bakit hindi ka nagpahatid sa Coven guards? Lagi mo iyong ginagawa.. And now that I think about it.."

Mas lumapit siya sa akin. Ramdam ko ang panganib at kapangyarihan ng lalaking ito. Crap. If I get caught, hindi na namin magagawa ang plano!

"..mukhang wala ka ngayon sa sarili mo, LADY CIRCE."

Matapang ko pa ring sinalubong ang kanyang mapanuring mga mata. His red eyes momentarily flashed under the shade of his hood at tila ba nakatitig ako mismo ngayon sa mga mata ni kamatayan.

Naikuyom ko ang aking mga kamao. 'Kalma, Archer.. You can do this.'

"I am fine. Now, can you kindly move out of my way?" Isang matamis na ngiti ang pilit kong ipinakita sa kanya. Sana naman hindi siya naghihinala. Tsk.

Narinig ko ang malalim niyang pagtawa bago humakbang sa isang gilid para magbigay-daan sa akin.

"I'm sorry if I held you up, Lady Circe.. Pakisabi nga pala sa kapatid ko, Code 290. Good day."

"Sige."

Marahan akong yumukod at nagpatuloy sa paglalakad. I made sure that he was far enough and ran up the stairs. Kailangan ko nang bilisan. And it's already worse that I've encountered that lunatic! Pareho sila ni tandang Taddeo. Intimidating and dangerous. A bad combination.

Nang marating ko na ang conference chamber--the circular room where I was first brought into before, mabilis kong pinuntahan ang sentrong bahagi at binuksan ang mga drawer sa ilalim ng lamesa ni tandang Raoul. I'm suprised they haven't even found him a replacement yet. Siguro nga, nagkakagulo ngayon ang mga gurang na 'to.

Makalipas ang ilang minutong pangangalkal, sa wakas ay nakita ko na ang hinahanap ko. Tinitigan kong maigi ang scroll na mahigpit na nakatali. Naninilaw at luma na ang papel nito. It looked just as how I imagined a map to the Lost would be---ancient, old, and smells like crap.

"Pero paano ba nagkaroon ng mapa sa Eden si tandang Raoul?" Mahina kong bulong. Hanggang ngayon kasi, palaisipan pa rin ito sa akin. Nagkibit na lang ako ng balikat at itinago ang mapa sa loob ng suot kong roba.

Pero nang akmang maglalakad na ako paalis, nakita kong pumasok ang iba pang miyembro ng Vampire Committee.

Nang makita ako ni Taddeo, agad niya akong sinimangutan, "Lady Circe, saan ka pa pupunta? Magsisimula na ang meeting."

Napalunok ako. Shit.

*

Circe has been busy preparing the portal and the ritual in order to travel to the mortal realm. Hindi niya man alam ang eksaktong lokasyon ng Lost, sa pagkakaalala niya ay nasa mundo lang ito ng mga mortal. It is concealed to mankind since the beginning of Earth.

Napabuntong-hininga si Elora. Kanina niya pa hinihintay ang pagbabalik ni Archer, but it seems that he's gotten into a little trouble along the way. Tumabi sa kanya si Cameron, na may hawak na mga baril. Inaayos niya ang mga bala nito at marahang sumusulyap paminsan-minsan sa dalawang bampirang kasama nila. Wala pa rin siyang tiwala sa mga ito.

"El, ayos ka lang ba?"

"O-Oo naman. Bakit?"

Napailing si Cameron. "Nothing. You just seem a little upset and irritated earlier. If you have any problems, you can always talk to me, alright?"

Tumango ang dalaga. But Elora knew that she wouldn't be telling anything to her bestfriend. Not now.

Sa kabilang bahagi ng silid ay biglang tumayo si Falcon at lumapit kay Circe na bahagyang natigil sa kanyang ginagawa. Falcon held his pocket watch in his hand and stood behind the woman.

"Ang sabi mo kanina, the meeting will start at exactly 12 noon, kaya pinapunta natin si Archer ng isang oras bago ang itinakdang oras ng pagpupulong. Tama ba?" Marahang sabi niya rito. That was the plan. Kailangan lang naman talagang makuha ni Archer ang mapa at umalis nang hindi mahuhuli o mabubuko. That's why they set him up one hour before the said meeting.

Hindi lumingon si Circe. "Yes. Why?"

Falcon smirked and pointed towards the glass grandfather clock that was displayed in the library. Iyon ang sinunod nilang oras nang ipadala sa tower si Archer.

"Mali ang orasan mo. You've adjusted the time thirty minutes late. The time reads 11:30, when in fact, it's already 12 noon," itinaas ni Falcon ang kanyang pocket watch nang lumingon ang babaeng bampira, "my pocket watch never lies."

Napasimangot si Circe.

Huminga nang malalim si Falcon bago itinabi ang kanyang relo at sumeryoso ang mukha. "So, there's a bigger reason why you made Archer go there.. Am I right?"

Circe avoided eye contact and nodded.

"He needs to know."

Mas lalong naguluhan si Falcon. At alam niya, kung anuman iyong mapapag-usapan sa pagpupulong, lubos itong makakapagpabago ng buhay ni Archer. And he already has a clue on what's going on.

*
"Now that everyone's here.. We will officially start the meeting."

Sa ilalim ng mesa ay naikuyom ko ang mga kamao ko. I tried to act as normal and as casual Circe would be in a meeting with these old hags. Pero aaminin kong hindi madaling gawin ito nang katabi ang mapanuring mga mata ni tandang Taddeo.

Tiningnan kong muli isa-isa ang iba pang mga kasapi ng mataas na kapulungan ng mga bampira. Iilan lang ang talagang kilala ko rito, at nakakapanibagong wala na sa kanyang pwesto sa sentro si tandang Raoul.

Psh. Kung ang masungit na si Taddeo ang plano nilang ipalit bilang lider ng Vampire Committee, magbibigti na ako ngayon ora-mismo. This man's a tyrannt in the making!

Ms. Fleur cleared her throat to catch everyone's attention. Her pale red eyes skimmed through a clipboard, "Our first agenda for today will be about the crisis regarding the Devonian vampires. The Coven reports have shown that our prisoners seem a little more..aggressive..lately."

"Ngayong wala na ang Forbidden wine sa puder ng CRIMSON, hindi na nila nareregulate nang maayos ang mga lagusan sa kabilang mga dimensyon. If this continues, CRIMSON itself would suffer economically and there will be less slaves to build the jail walls," sabi ng isang lalaki na may bigote, "and let's keep in mind that the interior prison walls are continuously being destroyed by the Devonians. No slaves mean less manpower to mandate it's security."

Nagkaroon ng bulung-bulungan sa pagitan ng mga bampira. Ramdam ko ang pangamba nila sa maaaring mangyari kapag nakakawala ang masasamang bampira.

"Hindi pa rin natin nahahanap ang susi maski ang pumatay kay Lord Raoul."

"Di ba napag-usapan na natin ito?"

"Akala ko ba si Archer Va---"

Marahas akong umubo. Napatingin silang lahat sa akin at doon ko lang napagtanto na wala nga pala ako sa aking katawan. Right now, I am Lady Circe. Napalunok ako.. Shit.

Well, it's been a habit for me to prevent people from saying my surname. Ayokong naririnig. Pero ngayon, mukhang bad move ang ginawa ko.

"Is there something wrong, Lady Circe?" Usisa ni Ms. Fleur na inayos ang salamin sa kanyang mga mata. Not that she necessarily need it though, vampires have sharp eyesight.

"A-Ahh, w-wala naman. I would just like to question if there is any supporting evidence, perhaps, that verifies Archer's involvement in the case?"

Nagkatinginan ang mga miyembro ng Vampire Committee. Taddeo scoffed and glared at my direction. "Typical, Lady Circe. Bakit ba lagi mo na lang ipinagtatanggol ang bampirang iyon?" Naningkit ang kanyang mga mata sa akin, "may koneksyon ka ba sa kanya?"

I remained calm. "Nais ko lang malaman. Wala namang masama di ba?"

At bago pa man makaangal si tandang Taddeo sa sinagot ko, may isang matandang bampira ang nagsalita, "It doesn't matter who did this. Ang mas dapat nating i-priority ngayon ay ang paghahanap ng nawawalang susi. If anyone connected to the Devonian clan will help them and use the key to open their prison, katapusan na natin. Paniguradong maghihiganti sila.."

Napahilot ng kanyang sentido ang isa pang miyembro na nasa pinakadulo. "Ang dami nating problema.. Paano na ba natin masosolusyunan ito gayong wala na si Raoul?"

Nanahimik ang lahat. Everyone in the vampire realm knew for a fact that old Raoul is a wisest among the committee.

Tanging si Taddeo lang ang mapangahas na bumasag sa katahimikan, "HINDI NATIN KAILANGAN SI RAOUL! I will deport more Coven guards in the area and have the others hunt Archer down! Malaki ang paniniwala kong nasa kanya ang susi, kung kaya't magandang unahin na muna natin ang puno't dulo ng gulong ito."

Napabuntong-hininga na lang ang lahat. How impulsive. Tsk.

At gustuhin ko mang sipaan ang baliw na 'to, hindi ko magawa. Pigil na pigil lang ako kanina pa. Anong oras na ba?

Tumayo ako, "Well, there you have it. Kung wala na tayong pag-uusapan, kailangan ko nang umalis at---"

"Lady Circe, please sit down. Hindi pa tapos ang pagpupulong. We still have our second agenda, nakakalimutan mo na ba?" Miss Fleur said.

Kumunot ang noo ko at naupo na lang ako. "Second agenda?" Ano naman kaya iyon?

Isang mala-demonyong halakhak ang narinig ko kay Taddeo bago niya ako binalingan. His red eyes flash dangerously---kapareho ng sa mata ng kanyang kapatid. Ngumisi siya at may ipinasang folder sa aking harapan.

"The second agenda is regarding our jurisdiction with Archer, who had been hiding his real identity from the beginning.."

Hindi maganda ang kutob ko rito. Nang hindi ako umimik, si Miss Fleur na ang nagsalita, may binasa na naman siya sa kanyang mga papel,

"Our intelligence unit have investigated deeper grounds for Archer's treachery. Reports have shown and provided evidence of his origin, and it says here that.. Mr. Archer came from Devonian blood."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top