VIGINTI QUATTOUR
Lady Circe's crystal castle is concealed from the Vampire world. Napapalibutan ito ng kadiliman ng isang malaking kweba, na mas binigyang-diin ang pagkinang ng mga diyamanteng bumubuo rito. When we reached the giant double doors, napansin kong tila balisa si Elora.
"Are you sure we can trust her? Paano kung inaakit niya lang kayo para pagkatiwalaan natin siya! And if I can recall, nasabi ni Falcon kanina na attractive ang bampirang 'yan!"
Napataas ako ng kilay sa sinasabi niya. Ano bang ipinaglalaban niya?
"Are you insecure of Circe?"
Isang masamang tingin ang ipinukol sa akin ng dalaga bago naunang pumasok. She kicked the glass door open. Sa lakas ng pagkakasipa niya, halos mabasag ang pintuan kaya napaatras kaming tatlo nina Falcon at Cameron.
Elora smirked, "Sinong insecure? Psh! Tara na?" At naglakad na siya patungo sa kung saan.
Napatulala na lang kami sa kanya.
Narinig kong sumipol si Falcon sa tabi ko. "That's one cool chick. Archer, if you don't grow the balls to seduce her, akin na lang ha?"
What the heck?
"The fuck are you talking about---?"
"El is not an object to be owned by filthy vampires!" Asik naman ni Cameron bago sumunod sa bestfriend niya. Napabuntong-hininga na lang ako habang tamad na tinahak ang daang pinuntahan nila.
"Vampire strength. Kailangan ko pa siyang turuan kung paano kontrolin 'yun. Tsk."
Falcon eyed me pero hindi na rin siya nagsalita.
Naglakad kami patungo sa pinaka-sentro ng kastilyo. The floor was made of glass with sapphires embedded in the flooring. Napaangat ako ng tingin at agad kong napansin ang mataas na kisame na nasisinagan ng artificial lights. The atmosphere felt nice, and at the same time, powerful. Tulad ng inaasahan sa tahanan ng miyembro ng committee.
"About time you came here."
We halted infront of the grand staircase. Pati ito ay tila gawa sa mga crystal at kumikinang sa ganda. Nagtama ang mga mata namin ni Circe na kasalukuyang bumababa para salubungin kami. Isang ngiti ang bumati sa amin nang tuluyan na siyang makababa.
I saw Falcon and Cameron gape in awe at her.
Circe's crimson red eyes and white hair is already eye-catching, pero ang suot niya ngayon ang tila nakakapang-akit talaga. Pinasadahan ko ng tingin ang kulang pulang roba na gawa sa silk. Her shoulders are exposed and the neckline started just above her cleavage. Kitang-kita namin ang kinis ng kanyang balat.
Napalunok ako nang maalala kong muli ang pagpapainom niya sa akin ng dugo.
"Who's this?"
Baling ng babaeng bampira kay Cameron. Falcon was the one who answered, "He's Cameron, Ms. Francisco's bestfriend and he's---"
"A vampire hunter. I know."
Kumunot ang noo ni Falcon. Napansin siguro ito ni Circe at mahinang natawa. "I know one when I see one, especially one from the Imperial Yard."
Tila ba nawala na sa pagkahumaling kay Circe si Cameron at matapang na humakbang papalapit. "Just show us where that damn garden is so that we can go home! As you can see, hindi kami nabibilang ni Elora sa mundo ninyo at wala akong balak na ipagkatiwala ang kaibigan ko sa mga katulad niyo."
Pero hindi nawala ang ngiti sa mapupulang labi ni Circe. "Ouch."
I scoffed. "Just ignore him."
Nakita ko ang pahinga nang malalim ni Circe bago naglakad papunta sa kaliwang hallway. "I guess it can't be helped. Follow me."
Tahimik kaming sumunod sa kanya sa kung saan man niya kami dadalhin. Habang tinatahak namin ang mahaba at madilim na pasilyo, napatingin ako sa mga larawang nakasabit sa pader. It was Circe and her deceased father, Lord Calis. Napansin kong wala sa mga larawan ang ina ni Circe, ngunit wala rin naman akong balak na manghimasok sa buhay niya. Kung anuman ang sasabihin niya sa aming impormasyon tungkol sa Lost, iyon ang mahalaga sa ngayon.
Beside me, Elora kept murmuring words under her breath.
"What are you saying?"
Tila ba natigil siya sa pag-iisip at gulat na bumaling sa akin. "A-Ah.. Wala. Wala."
Mas lalo akong nagtaka. Ano bang nangyayari sa babaeng 'to? Tsk. Women. Nagpatuloy lang kami sa pagkakalakad. Walang sinuman ang nagtangkang bumasag sa namumuong katahimikan. I can see Falcon at Cameron walking ahead of us.
Ano na kayang mangyayari sa paglalakbay namin?
Mayamaya pa, naramdaman ko ang marahang paghila ni Elora sa manggas ng aking damit. I turned to her, "What?"
Tila ba nahihiya siya nang magsalita, "um... So, matagal na kayong magkakilala ni Lady Circe?"
Mas lalo akong nataka sa tanong niya. What the heck? Bahagya akong natawa sa kanya. Napasimangot tuloy ang dalaga at akmang uunahan na ako sa paglalakad nang hinila ko ang kamay niya. A smirk forming on my lips as I inched closer to her. Kitang-kita ko na naman ang kaba sa kanyang mga mata.
"Isn't it a little too early to be jealous, honey?"
Nanlaki ang mga mata niya at nagpumiglas sa hawak ko. Inis niya akong tinugon, "JEALOUS? ME? ASA KA PA! HMPH!"
At mabilis siyang tumakbo papalayo sa akin. Napapailing na lang ako sa inaasal niya. Kaya ayoko sa mga mortal eh. Ang kumplikado nila. Tsk.
*
Dinala kami ni Circe sa isang silid na napupuno ng aklat ang nagtataasang mga pader. It was the castle's library, and an artificial fireplace lit the cozy room. Naupo kami sa mga sopang gawa sa balat ng mga hayop. Ridiculously expensive if you'd ask me. Naupo sa tapat namin si Circe na seryoso kaming tiningnan.
"Tulad ng sinabi sa inyo ni Falcon, kailangan nating magtungo sa nawawalang Hardin ng Eden---"
Nagtaas ako ng kamay. "Teka lang, alam mo na rin ang plano ni Falcon?"
She nodded. "Kami ang nagplano nito, Archer. Might as well listen, dahil hindi lang ang buhay ninyo ang nakataya rito, kundi ang dalawang mundo na pinangangalagaan ninyo."
Natahimik na lang ako. Mukhang malala na nga ang nangyayari kung nanghihimasok na ang miyembro ng committee sa problemang ito. As I can remember, tanging si Circe lang ang naniwala sa mga sinabi ko na maaaring may naunang nagnakaw ng Forbidden wine bago nainom ni Elora ang kalahati. Still, it's good to have Circe on our side.
Si Falcon na ngayon ang nagsalita, "If you can still recall the myth, the Forbidden wine was made from the Forbidden fruit that was produced by the Tree of Knowledge.."
"So, we're gonna ask for another batch of Forbidden wine para palitan ang nawala?" Sabat naman ni Cameron na tila batang naguguluhan sa mga pangyayari. Maharan naman siyang sinipa at sinuway ni Elora kaya tumahimik na lang ang mortal.
Umiling si Circe.
"Kahit na mapalitan ang Fobidden wine, hindi nun matatanggal ang epekto orihinal. The power of the sacred wine will remain, even if we find a replacement. I'm not even sure if it can be replaced.. Anyway, pupunta tayo ng Eden para wasakin ang Tree of Knowledge."
Nanlaki ang mga mata nina Elora at Cameron. Naramdaman ko ang tensyon na namuo sa paligid sa bigat ng mga binitiwang salita ni Circe. It must be scandalous for them to plan the destruction of the garden that is written in their bibles. But everything about the female vampire spelled seriousness. Napatango ako sa pag-unawa. Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin..
"May kwento noon na ang Forbidden wine ay konektado pa rin sa Tree of Knowledge.. Kung hawak man ito ng Devonian vampires, mapipigilan natin silang gamitin ang epekto ng sagradong alak kung sisirain natin mismo ang punong pinagmulan nito. Kapag nagawa nating wasakin ang Tree of Knowledge, mawawalan ng bisa ang kapangyarihan ng Forbidden wine." I finished and leaned back on the sofa.
Nakita kong sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Elora. "Edi ibig sabihin, mawawalan din ng bisa ang nainom ko noon? I won't have to be a vampire hybrid?!" Kitang-kita ko ang tuwa sa kanyang mga mata. I nodded.
"Then that's great! Babalik na sa normal ang lahat at makakauwi na kami ni El.." Natutuwang sabi ni Cameron.
Falcon scoffed and turned to Circe. "Nakumpirma mo na ba kung ang Devonian vampires nga ang may pakana ng pagnanakaw ng kalahati ng sagradong alak?"
Nag-iwas ng tingin si Circe.
"Nagkakagulo ngayon sa committee. Mula nang mamatay si Mr. Raoul at mawala ang susi sa kulungan ng Devonian vampires, mas tumindi ang paghihinala naming sila nga ang may pakana ng lahat.."
Sabi ko na nga ba. Tsk. Kahit kailan talaga, walang naidulot na mabuti ang mga bampirang iyon! Those evil vampires will stop at nothing to create chaos. Napatayo ako. "Ano pang ginagawa natin? The sooner we find the Lost, the sooner we can stop those damn bloodsuckers."
Pero agad na napailing si Circe, her red eyes focused on me. "It's not that simple Archer. Nasa mga kagamitan ni Mr. Raoul ang mapa patungo sa Lost Garden of Eden, and the committee moved all of this belongings to the tower."
Napahalukipkip ako. "Then why don't we just bust in there and grab the fucking map?!"
Napabuntong-hininga naman sa tabi ko si Falcon. "Don't be so immature. Kailangan natin ng plano, kailangan nating----"
"Puro ka naman plano eh! Do me a favor and jump off a damn cliff, Falcon. Tsk." Inis kong baling sa kanya. I can feel my fangs retracting. Shit. Kumalma ka, Archer! Now's not the time to lose control..
Napansin kong natahimik ang lahat. Circe clapped her hands and a kind smile graced her lips.
"Sige. We can leave as soon as possible. I can draw a Scriptorium to the mortal world and establish the ritual para hindi tayo ma-detect ng CRIMSON..pero kailangan kong makuha ang lokasyon na nakasaad sa mapang iyon."
Umaliwalas ang mukha ko. "Great! So, how are we gonna do that?"
"May meeting kami mamaya.. And I need a volunteer to break into the Vampire Committee tower without being noticed---"
"Ako na lang." Kanina pa kasi ako naiinip eh. It's a bad move to bore a vampire, believe me.
Nagkatinginan ang tatlo habang si Circe naman ay nakatitig lang sa akin. At doon ko lang napagtanto ang isang bagay..
"Hey! Paano naman ako makakapasok ng tower ng walang nakakapansin sa'kin?" Sa pagkakaalala ko, wanted ako at kasalukuyang tinutugis ng Coven. Bukod pa roon, paniguradong papatayin ako ni tandang Taddeo kapag nakita niya kahit isang hibla ng buhok ko. Ano yun, magiging invisible ako?
And that's when a playful smirk replaced Circe's angelic smile..
"You will transform as me, of course."
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top