UNDEQUADRAGINTA

Nagising si Elora na hindi na niya naaalala ang kanyang panaginip. 'Natulog ba ako?' Nagtataka niyang tanong at bahagyang nag-inat. Nakakapanibago dahil ito ang unang pagkakataon na natulog siya nang walang napanaginipan na kahit ano---usually, she would remember what her dreams are, but this time is different.

"El, tara na! Kailangan na nating umalis.." Bumaling siya kay Cameron na ngayon ay inaayos na ang kanyang mga patalim. She laughed at how awkward he looked having too many weapons on him. Dinaig pa talaga nito ang isang CIA agent. He was ready to kick Devonian butt if needed.

"Sige---teka! Paano mo nalaman na ako si Elora?" She raised an eyebrow at him when she recalled the events yesterday. Nang pasadahan niya ng tingin ang kanyang katawan, nakumpirma niya na nasa katawan pa rin siya ni Lady Circe.

Cam smirked and held up his hand to help her stand up. "That blonde bloodsucker and I had our suspicions. Nang tingnan namin ni Falcon ang pinaggalingan niyo, may nakita siyang mga bulaklak na nakakapagpalit raw ng katawan and explained the rest."

Napatango na lang ang dalaga. Naghihinala na pala sila kahapon pa, pero bakit hindi niya napansin? Hay. Oo nga pala, she was too preoccupied with the fact that Archer and Lady Circe were holding hands----gamit pa ang katawan niya!

"D-Does Archer know?"

Cameron gave her a puzzled look, "Um... No. Not yet."

Galit niyang tinabig ang kamay ni Cam at nagpalinga-linga. "NASAAN NA NGA PALA ANG ARCHER NA YUN?!" She's still mad that he didn't noticed it. Daig pa siya ni Cam at Falcon. Dapat nga unang tingin niya pa lang, nalaman na niyang wala siya sa katawan niya eh! Mula sa taas ng isang puno, nagsalita si Falcon, "He's at the river with Lady Circe. Kanina pa sila nag-uusap doon---"

"Saan?"

Falcon smirked in amusement and pointed to a particular direction. Wala siyang inaksayang oras at nagtungo roon. 'Wow! At talagang may quality time pa sila?! I demand to have my body back!' Galit nitong himutok sa kanyang utak at ginamit ang pambihirang bilis ni Lady Circe upang mabilis na makarating sa ilog. She had to admit, Lady Circe's vampire speed is extraordinary.

Mabilis niyang tinahak ang daan na napupuno ng matatayog na mga puno at nahaharangan ng malalaking pader ng maze. When she reached the river, she hid behind a tree and spotted Archer talking to Lady Circe. From her perspective, tila ba nakikipag-usap si Archer sa kanya--since it was her body---but knowing the current events, parang gusto niyang hatakin si Archer papalayo roon.

She sighed. "Elora, ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong niya sa kanyang sarili at nagpatuloy sa pagmamasid. Gusto niya sanang sigawan ang binata na hindi naman siya ang kausap nito.

She used Lady Circe's senses and eavesdrop on their conversation..

"---mabuting na lang at hindi niya napapansin. That mortal is too ignorant." Elora's own voice drifted, manipulated by Lady Circe's soul.

Napailing naman si Archer, "She's naive. Elora's too much of a damn fangirl to trust a vampire she just met. Tsk."

T-Teka? Bakit ganito ang usapan? Akala ba niya hindi pa alam ni Archer ang pagkakapalit ng katawan nila?

"When do you plan to tell her that you're just playing with her?"

"Don't know, and I hardly even care."

Natuod si Elora sa kanyang pinagtataguan. He knew. Archer knew that they switched bodies. Tila ba hindi niya maiwasang manghina bigla ang kanyang mga tuhod habang nakatitig lang sa dalawang taong nag-uusap si di-kalayuan. Tama ba ang mga narinig niya? Pinaglalaruan lang ba siya ni Archer? She tried to breath properly, but found it difficult to do so.

His next words cut her through..

"I regret even meeting her."

So, it was just nothing to him.

Siya lang pala ang nagpapakatanga. Tama nga ang sinabi nila, she's just a gullible vampire fangirl, at heto ang napapala niya.

Elora forced back the sobs.

But she could never force back the tears.

*
Tahimik lang nilang ipinagpatuloy ang paglalakbay. Ramdam sa grupo ang namumuong tensyon na pilit pinapawala nina Archer. Beside him, Lady Circe---in Elora's body---walked casually, na tila ba walang itong iniisip na kahit ano.

Elora Francisco glared at them. Nagsimula na naman silang magtawanan at magkuwentuhan.

"I haven't really noticed until today how beautiful you are, honey," he said and touched Lady Circe's hand, "Sana ganito na lang tayo palagi."

Naikuyom ni Elora ang kanyang mga kamao. Napansin ito ni Cam at pasimpleng hinawakan ang kanyang kamay. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng kanyang kaibigan. Huminga nang malalim ang dalaga at pilit na hindi pinapakinggan ang usapan nila. Alam niyang umaakting lang si Archer na hindi niya alam na nagkapalit sila ng katawan ni Circe.

'That bastard', she thought.

"Oh, at talagang nambola ka pa?" Lady Circe laughed, pero sa pandinig ni Elora parang kinakadkad na yelo ang kanyang tawa. Kahit pa sa kanya ito.

"Really now?"

"Right after things get back to normal, let's have a date in the mortal world." She flitatiously added.

'HINDI AKO GANYAN MAGSALITA! SAKALIN KITA DIYAN!' Psh. And she even doubt that she wants to have a date with that jerk Archer!

Archer grinned, "You choose."

Susugurin na sana ni Elora ang dalawang naglalandian sa kanilang harapan nang maglakad naman sa kanyang gilid si Falcon. He leaned in and whispered, "I am under the impression that you are a warfreak, Ms. Francisco, pero kailangan mong pigilan ang sarili mo."

"Hmm.. But don't you think that that bloodsucking bastard is acting a little weird?" Pang-uusisa ni Cameron sa lalaking naglalakad sa kanilang harapan. Tumango naman si Falcon.

'Weird is an understatement.'

Huminga na lang siya nang malalim at pilit niyang ipinakalma ang sarili. Ang mas masakit pa sa sitwasyong alam mong hindi ikaw ang kasama ng bampirang gusto mo, ay ang katotohanang alam rin ito ng bampira mismo.

Archer stole a glance at Elora's direction. She wanted to look away, but found it hard to do so. Pinapako siya ng paningin nito.

"Lady Circe, ayos ka lang ba?"

Pineke ni Elora ang kanyang ngiti. "Oo! Ayos na ayos lang ako. Nag-alala ka pa!" Sarkastiko niyang sabi rito. Gustung-gusto na niyang batukan ang bampira ngunit ayaw niyang ibigay dito ang pribelehiyong saktan pa siya nito. She's already hurting from what she heard earlier. Tila manhid naman na tumango si Archer at ngumiti sa kanya bago naunang naglakad sa kung saan man silang papunta.

Binagalan naman ni Circe ang kanyang paglalakad para magkatapat sila ni Elora.

"Elora----"

"You fucking bitch." Sinamaan niya ng tingin ang babae. Yes, she's in her body, pero halata naman sa mga mata na si Lady Circe ang nasa loob nito. Pilit mang pigilan ni Elora ang kanyang galit, pero hindi na niya ito magawa. She felt cheated!

Lady Circe sighed. "One day, you'll understand."

"Don't give me that bullshit! Tuwang-tuwa ka siguro dahil napapalapit ka na kay Archer.."

Kalmado pa ring siyang sinagot ni Circe. She momentarily glanced back at Archer who was walking alone ahead of them, "He's having a handful of problems at the moment. Huwag ka nang dumagdag pa."

Mas lalo lamang bumigat ang loob ni Elora. Sana man lang, maintindihan niyang hindi lang naman si Archer ang dapat pumasan sa mga suliraning ito. From the moment she followed him back to the vampire world and accidentally drank the Forbidden wine, Elora knew that she's also one at blame. 'Pero mukha namang pabigat lang talaga ako sa kanya,' sumang-ayon ang isang parte ng kanyang utak. At iyon ang nakakainis doon.

Lady Circe started walking back to the group when a distant sound reverberated throughout the maze. Para itong kulog, ngunit wala naman silang nakikitang sama ng panahon.

"Ano ang ingay na 'yun?" Mahinang tanong ni Elora na nakapagpatigil sa grupo. Lady Circe scanned her surroundings. Papalakas na nang papalakas ang tunog na sinamahan pa ng pagdagundong ng lupa. Sa di kalayuan, nakita nilang nagtumbahan ang mga puno. It couldn't possibly be Devonians, right?

Lumingon sila kay Archer na walang emosyong nakadungaw sa paparating na panganib. Noon lamang nila napagtanto kung anong klaseng nilalang ang kahaharapin nila. Elora felt her whole body go rigid,

"A cyclops."

Hindi siya maaaring magkamali.

Ang higanteng halimaw na may taas na dalawampung talampakan ay nakatitig sa kanila gamit ang isa nitong mata. Kulubot ang kulay abuhin nitong balat, mayroon lamang itong saplot na gawa sa balat ng hayop at nakasusuka ang amoy nito. Elora and the others couldn't believe their eyes. 'They let a monster like this in Eden?!' Isang makabasag-taingang sigaw ang pinakawalan nito at inatake sila.

Cameron was already aiming his blades, but the monster's skin is too thick to penetrate. Nagawa siya nitong ibalibag nang walang kahirap-hirap. Tumama ang katawan ni Cam sa mga puno at mula sa kinatatayuan nila Elora, dinig niya ang pagdaing nito sa sakit.

"Cam!"

She felt her vampire senses---Lady Circe's vampire senses, rather---kick in as she ran towards her bestfriend. Pero bago pa man siya makaabot dito, ay humarang ang cyclops sa kanyang daanan. Muling yumanig ang lupa nang hinampas ng cyclops ang namamatay nang damuhan. Elora struggled to keep her balance and gasped when the brittle ground cracked beneath her feet.

"Shit!" Nawala siya ng balanse at naramdaman niya ang pagkadurog ng kanyang tinatapakan, ngunit bago pa man siya mahulog sa malaking bitak sa lupa, nagawa siyang hatakin at halahin papalayo ni Falcon.

"F-Falcon.."

He smiled at her, "A knight in shining armor at your service, Ma'am."

Elora Francisco couldn't be more grateful.

Sa kabilang dako naman ay mabilis na ibinaon ni Archer ang kanyang matatalas na mga kuko. 'What's a fucking cyclops doing here?!' Blood oozed out of the monster as he wailed and clawed at Archer. Mabilis na umilag ang bampira.

Falcon came to his side and tried to use his infamous deck of cards to slice the cyclops pero maging ito ay walang talab. Archer raised an eyebrow at him in mockery, "Any other brilliant ideas?"

The blonde vampire shrugged. "Wala sa CRIMSON handbook natin ang instructions kung paano patumbahin ang isang cyclops."

Napatango si Archer habang inaayos ang black coat niya. "We really need a salary increase."

Sumigaw muli ang halimaw, tila ba mas nagalit ito sa kanila at kinuha ang isang malaking tipak ng bato. It came hurling down at them. Falcon easily made a barrier and deflected it. Mahinang napamura si Archer. Sa pagkakaalala niya, hindi dapat ganito kaagresibo ang mga cyclops!

Tiningnan niya itong maigi. Sa unang tingin, wala namang kakaiba dito pero nang magtama ang mata nila ng halimaw, nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. 'This is worse than I thought! Kailangan naming makaalis dito!' Archer jumped out of the way  when the cyclops attempted to smash him with an enormous slab of rock. Napuno ng alikabok ang paligid.

Mula sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya si Elora (na nasa katawan pa rin ni Circe) na tumatakbo papalapit dito. His eyes widened. 'What the heck is she doing?!'

Archer felt his body instantly transport him just in time as the cyclops struck down a tree on Elora.

Sa kanya ito tumama.

Napasigaw siya sa sakit nang maramdaman niya ang pagtama nito sa kanyang ulo at likod. Napasinghap si Elora. Hindi na niya hinintay pang magsalita ang dalaga at sinigawan na niya ito, "TUMAKAS NA KAYO NI CIRCE!" Nagulat si Elora sa sinabi nito pero ang mas ikinabigla niya ay ang dugong dumaloy mula sa ulo ni Archer.

"I won't run away!" Pagod na siyang lagi na lang tumatakbo papalayo kapag nasa delikadong sitwasyon na sila. Wala ba itong tiwala sa kanya? Does he think that she in incapable of defending herself?

Umatake sa kanila ang halimaw. Agad na kumilos si Circe at binato ito na naging dahilan kung bakit sa kanya naman nabaling ang atensyon ng cyclops. Sa gitna ng panganib, nakaramdam pa rin ng iritasyon si Elora, 'Bullshit! Kung magpapakamatay siya, huwag niyang idamay ang katawan ko!' But luckily, Cameron came to Lady Circe's aid and fended off the monster.

Ano nang gagawin namin ngayon?

Natigilan ang grupo nang biglang sumigaw si Falcon, "There's a gate! Up ahead!"

Lumingon sila sa direksyong tinuro ng lalaki at napukaw ang kanilang mga atensyon nang makita ang isang ginintuang harang sa dulo ng daan. The puzzle fell into place, "The cyclops is guarding that gate!" Malakas ang kutob ni Elora na narating na nila ang pinaglalagakan ng Tree of Knowledge. "Kailangan nating makapunta do---!"

Nahinto siya sa pagsasalita nang biglang umubo ng dugo si Archer. Namayani ang kaba at pag-aalala sa loob ni Elora nang pinipilit nitong tumayo nang maayos. His dark eyes, now flicking into red, remained glued on her, "We'll distract the cyclops.. Pumunta ka kayo roon ni Circe."

"But--!"

"Miss Francisco, Archer's right. Paniguradong hahabulin lang tayo ng halimaw kung walang magpapaiwan para tapusin ito." Falcon stepped closer and examined the deep gush on Archer's back. Napailing siya, "you're in a bad condition too, bastard."

Sinamaan siya ng tingin ng bampira, "Tsk. What are you talking about? I can still kick that cyclops' ass!" Ngumit may narinig na naman silang kakaibang ingay sa paligid. The atmosphere became heavier and Elora found it hard to breathe.

"We've got company!"

Bumaling sila sa pinagmamasdan ni Lady Circe, bakas ang pagkabahala sa mukha nito. Mula sa kadiliman, lumitaw ang pulang mga mata ng Devonian vampires. Their eyes are wicked, awaiting.. Elora noticed their fangs showed traces of blood at ayaw na niyang isipin pa kung ano ang dahilan nito. Napaatras siya sa takot. Cameron went in front of her, already in a fighting stance.

Ang katanang hawak niya ay kuminang and his eyes are dead serious about this fight. At noon lamang naalala ni Elora na isang vampire hunter si Cameron at kasapi nga pala ito sa Imperial Yard. Cam glanced back at her, determination in his forest green eyes, "I hate to admit this, but the blonde bloodsucker has a point. Sa kondisyon ni Archer, mahihirapan na siyang makatagal sa laban.. Tumakas na kayo."

Cameron, with his agility, clashed his blade against a Devonian that was aiming for Elora. "C-Cam.." Naramdaman ni Elora ang paghila ni Lady Circe sa kanyang braso, iginigiya siya nito papunta sa gate.

Elora looked back at Falcon.

"Mauna na kayo doon. Susunod na lang kami.." Falcon gave her a reassuring smile before he joined Cameron in fighting off both the cyclops and the vampires. Napapalibutan sila ng mga ito at kitang-kita ni Elora na mahihirapan silang dalawa. Hindi siya nag-aalala kay Falcon dahil isa itong imortal, ngunit sa kaso ng kanyang kaibigan, vampire hunter man ito, isa pa rin siyang tao.

"Sina Falcon na ang bahala dito, tara na!" At wala na siyang nagawa nang hatakin siya papalayo ni Lady Circe. The clash of metal and thuds of bodies filled the air, as well as the smell of blood that stirred Elora's control. Mabuti na lang at wala siya sa kanyang sariling katawan. Ngunit kinakabahan si Elora sa hindi malamang dahilan.

At mula sa kanilang distansya, nang lingunin niya ang mga ito, natunghayan niya ang pagbagsak ni Cameron. His katana fell on the ground and blood stained the green grass in the Maze of Eden. Elora's heart stopped..

"CAMERON!"

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top