TRIGINTA UNUM
"If loving you is a suicidal act, then I'm willing to die for a bloodsucker."
Elora's words hang in the air for a few seconds before Archer managed to reply, "That's too bad." At mas ibinaon pa nito ang kanyang mga pangil sa balat ng dalaga. Inaasahan niyang sumigaw sa sakit ang mortal at magmakaawa sa kanya, ngunit hindi ito ginawa ni Elora. And before Archer could even drink her addicting blood, naramdaman niya ang pagtarak ng isang patalim sa kanyang likuran.
"GAAAH!"
Nabinatawan niya si Elora at nanghihinang lumingon sa hudas na gumambala sa kanyang pagkain. There, he saw Cameron holding out his katana that was drenched in garlic juice. Akmang susugurin na sana niya ito nang maramdaman niya ang pagpulupot ng dalawang braso sa kanyang likuran. Archer's eyes widened when he realized Elora Francisco was hugging him.
"T-Tama na. Tama na..please.."
At nang marinig na ni Archer ang kanyang mga hikbi, tila na natauhan ito at nanghihinang tumango. Hingal na hingal siyang bumaling sa iba pa nilang mga kasama. His eyes are back to normal, but the pain in his abdomen intensified.
Napansin niyang wala na ang mga Devonian vampires.
At iyon ang huling natatandaan ni Archer bago tuluyang nawalan ng malay.
*
Pagkamulat ko ng mga mata ko, agad kong napansin ang kakaibang sakit sa tagiliran ko. "Shit." Naupo ako at tiningnan kung may sugat. Miraculously, there's no wound. Pilit kong inaalala ang mga nangyari ngunit wala talagang pumapasok sa utak ko. Tangina, ano bang nangyari?
"Magpahinga ka muna. You need to regain your energy, Archer."
Elora?
Nagpalinga-linga ako hanggang sa makita ko si Circe na nakaupo sa aking tabi. Ngumiti siya sa akin at sinapo ang noo ko. "Mabuti naman at mukhang ayos na ang lagay mo." Napatango na lang ako.
"Circe, we need to get moving! Baka mamaya atakihin na naman tayo ng mga Devonian vampire! Nasaan si----"
Marahan akong itinulak sa balikat ni Circe hanggang sa sumandal ang likod ko sa isang puno. Seryoso ang kanyang ekspresyon, "Archer, kagagaling lang ng sugat mo. The wound that Cam's sword inflicted on you is no ordinary wound.. Magpahinga ka muna, time is frozen here in Eden, so don't worry too much."
Napasimangot ako. Cam's sword? Suddenly, the memory of having his katana struck my back came flooding back. Mahina akong napamura. Aba't muntikan na niya akong mapatay doon ah! Huminga ako nang malalim.
"Fine. Pero kung malala nga ang sugat na gawa ng patalim niya, paano naman ako nakaligtas?" Tanong ko kay Circe na ngayon ay napaiwas na ng tingin. Sa ginawa niyang iyon, bahagyang napahawi ang mahaba niyang buhok sa balikat at nakita ko ang kanyang leeg.
Bite marks.
At naunawaan ko na kung paano ako gumaling sa nakamamatay na sugat na iyon. But of course, it was vampire blood. Huminga ako nang malalim at inusisa, "Okay. But where's the others? I-I mean, nasaan si---?"
"Kung si Elora ang hinahanap mo, naroon siya sa ilog. We just discovered earlier that the river even stretched towards this maze. Naroon ang mortal at nagmumuni-muni." Napansin kong nakangisi si Circe.
Ako naman ngayon ang napaiwas ng tingin. "May sinabi ba akong si Elora ang hinahanap ko?"
Natawa si Circe. "It's just a lucky guess. Bakit, hindi ba? I assume that you wouldn't want to look for Falcon or Cameron anyway."
Tsk. Oo na.
*
Madali ko lang natunton ang daan patungo sa sinasabi nilang ilog. Kamuntikan pa ako maligaw sa laki ng maze kung hindi lang dahil sa naririnig kong pag-agos ng tubig. After turning right and walking towards the sound of flowing water, nakita ko si Elora na nakaupo sa tabi ng ilog. Her back was turned against me at napangiti ako.
"What are you doing here?"
Namayani ang kanyang boses sa tahimik na kapaligiran. Alam ko namang mararamdaman niya ang presensiya ko. She's a hybrid afterall. Kalmado akong naglakad papalapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Elora didn't look at me. Napabuntong-hininga na lang tuloy ako.
"Masama bang nandito ako? The last time I checked, I have the freedom to go anywhere I want.."
"Tsk. And the last time I checked, magkasama kayo ni Lady Circe. Balikan mo na siya, at baka nalulungkot siyang mag-isa."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Elora. Tama ba ang narinig ko? Agad akong napangiti. I can sense a tad bit of jealously in her tone. Umusog ako papalapit sa kanya. Naramdaman ko ang kaba ni Elora at kahit pa pilit niya itong itinatago sa akin, alam kong gusto rin naman niyang nandito ako sa tabi niya.
"Nah. I'll just stay here. Alam ko namang nagpapakipot ka lang."
At dahil sa sinabi ko, natataranta siyang lumingon sa akin. "S-Sinong nagpapakipot?!" Natawa na lang ako, "Hahahaha! Bakit ka ba kasi nagseselos?"
"Wala!"
"You can't fool me, honey. Did something happen?"
Umiling si Elora, "Mas mabuti nang hindi mo malaman."
Tsk. I'll just ask Falcon later. Kutob ko may naganap nang mawalan ako nang malay. Nang walang umimik sa amin, huminga ako nang malalim at nagsalita.. Kaya mo 'to, Archer. Just say the words and get it over with...
"I-I'm sorry."
Naramdaman ko ang titig ng dalaga sa akin habang ako naman ay nakamasid sa malinis na ilog sa aming harapan. Everything feels at peace here, and I guess I'm the only one who's disoriented. Hindi ko man alam ang mga nangyari nang mawalan ako nang malay, kani-kanina lang ay nagbalik ang aking mga alaala. I lost control again, and I almost killed Elora..again. Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko. How could I be so careless?
Ngunit ang talagang nakagambala sa akin, ay ang mga salitang binitiwan niya.
"If loving you is a suicidal act, then I'm willing to die for a bloodsucker."
Her words ring in my ear, even until this very hour. Hindi ako tanga para hindi malaman ang ibig sabihin ng kanyang mga sinabi. One thing women don't know, is that men are aware---but we have difficulties responding. And this goes applicable for both humans and vampires.
I met her eyes and smile.
Pasensiya na, Elora. Hindi pa ito ang tamang oras.. We still have worlds to protect. I can't give you the vampire love story you want---not now, that is.
"W-What do you mean?"
I sighed, "I am apologizing for my actions, Ms. Francisco. It was unprofessional of me to lose control.. And I would like to thank you for rescuing me from madness."
Napangiti na rin si Elora. "And?"
"Anong 'and'?" Pagkukunwari ko. Alam kong may gusto siyang marinig mula sa akin, ngunit mas pipiliin kong sabihin iyon sa tamang pagkakataon.
"Archer, 'wag ka nang magmaang-maangan. I-I know you remember my confession.." Nag-iwas siya ng tingin. Napansin ko rin na nanginginig na ang kanyang mga kamay, "Don't you feel the same, Mr. Vampire?"
Pagak akong natawa. Wala na akong alam na ibang paraan para makatakas sa sitwasyon na 'to. As I've said, it's not the appropriate time to tell her, and I'd prefer everything to get back to normal first. Wala naman talaga akong pakialam kung ipinagbabawala ang pagmamahalan ng bampira at mortal sa batas namin---I'm a certified troublemaker and I barely give a fuck about the rules, mind you. Kinuha ko na lang ang kanyang kamay at giniya siya patungo sa tubig.
"Are you still up for my awesome vampire lessons, my lady?"
Nakita ko naman ang pamumula ng kanyang mga pisngi at agad rin siyang tumango.. That's better.
Archer's Vampire Control Lessons 101
Lesson #2: How to deal with blood
"Alright, the next lesson will be all about how certain types of blood taste like, distinguishing the smell of vampire and human blood, and how to not fucking lose control when you encounter it. Any questions?"
Kasalukuyan kaming nakatayo ni Elora sa gilid ng ilog. The water felt good under our feet. Tamang-tama ang lugar na ito para turuan si Elora sa basics ng dugo. She raised an eyebrow at my direction, "Bakit ba umiinom ng dugo ang mga bampira? Is it that obsessing?"
I smirked. "What do you think?"
Hindi siya umimik at para bang hindi siya makatingin sa mga mata ko. Hula ko ay naaalala niya yung pagkakataong ininom niya ang dugo ko. That's the time she lost control when she smelled Devonian blood.
"Vampires feed on life source and it comes in the form of blood.. We don't actually have a soul, and that's the reason why we need to depend on the life source of other living things by drinking their blood. Iyon rin ang dahilan kung bakit malamig ang katawan ng mga bampira at kung bakit kami maputla."
Napatango si Elora. "Ah. So, para pala kayong mga anemic na zombies? Ang astig naman!"
Napasapo ako sa noo ko. "Err.. Hindi. We're different paranormal creatures, more sophisticated and elegant.. Para naman akong na-offend sa 'zombie' thing. Tsk."
"Okay, okay. Sheesh. Pero para naman talaga kayong zombies eh! Hahaha!"
Natawa si Elora. Tsk. Babaeng 'to. Ngumiti na lang ako at ipinakita ang aking kamay. My fingers outstretched to emphasize what I am about to say next, "There are five blood type flavors, so listen closely.. Type A+ or A- tastes like wood with a hint of cinnamon; Type B+ or B- tastes more delicate. Manunoot ito sa dila mo. It also taste like vanilla; Blood type O+ or O-, or the universal donor, has the same effects as alcohol. Malasa ito at nakalalasing kung masosobrahan ka.. Blood type----"
"Saglit. Sumasakit na ang ulo ko sa sinasabi mo." Napahilot ng kanyang sentido si Elora at kumunot ang kanyang noo, "Is it really necessary for me to know all this? Hybrid lang naman ako, di ba?"
I raised my hand up to stop her from any more rants. "Honey, full vampire or not, mahalaga pa ring maunawaan mo ang kahalagahan ng pag-distinguish ng dugo ng mga biktima mo. Paano na lang kung maligaw ka sa mundo ng mga tao tapos naisipan mong sakmalin si Cameron at ubusin ang dugo niya? Edi wala kang masasabi sa kung anong lasa nito?"
Sinamaan naman ako ng tingin ng dalaga. "Teka nga! Paano naman napasok si Cam dito?"
Natawa ako at nagkibit-balikat. Gusto ko lang naman siyang asarin at hanggang ngayon kasi, kumikirot pa rin ang sugat na dulot ng katana ng hudas na hunter na 'yun. Tsk.
"Let's continue. Blood type AB+ tastes more acidic and sometimes, it can even have a caramel-like flavor. Lastly, bloodype AB- has a more complex taste but smooth. It also has a honey-like finish and floral scent."
Elora splashed water on my face and ran away. Dahil doon, nabasa ang suot kong long-sleeves na napupuno pa rin pala ng dugo. Tsk. Hinubad ko na lang ito. Wala rin namang saysay ang pagsusuot ng damit kung basa ito at puro bakas ng dugo. I ran after her.
"Hey! Get back here!"
Napunta ako sa kabilang bahagi ng ilog. Nasaan na ba ang babaeng 'yun? Nagpalinga-linga ako pero agad akong napaatras nang bigla na lang siyang umahon sa tubig sa aking harapan. Nabasa pa ako nang hinawi niya ang basa niyang buhok. Elora Francisco winked at me, "I never liked lessons. I suck at my classes back at ECU. Let's take a break and..." Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya. She was staring at my torso.
I smirked wickedly and inched towads her.
Naririnig ko ang pintig ng puso niya. Agad naman siyang napaatras nang iilang pulgada na lang ang lapit ng mukha namin.
"A-Ah, Archer.. P-Pwede na tayong bumalik doon."
"I thought you don't like lessons?"
Napalunok si Elora, her eyes glancing at my bare chest. Namumula na rin ang kanyang mukha dahil sa hiya. "I-I don't think this is a good idea, Archer. W-We should just head ba--"
Hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi nang siniill ko ng halik ang mapupula niyang mga labi. Elora gasped. Ilang sandali pa, napapikit na rin siya at tumugon sa halik ko. I had my arms wrapped around her waist and pulled her closer, deepening our kiss. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para gawin ito, pero wala akong pinagsisisihan.
Nang maghiwalay ang aming mga labi, agad kong hinaplos ang kanyang mukha.
She sighed. "Archer, I have a question.."
"What is it?"
Elora avoided eye contact. "Do you think that.. my blood tastes better than Lady Circe's?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bago pa man ako makapagsalita, agad nang idinagdag ni Elora, "Alam kong hindi mo dapat inumin ang dugo ko dahil mayroon pa rin itong bakas ng Forbidden wine.. P-Pero kasi, nang mawalan ka ng malay kanina, I saw you were also in discomfort. Ang sabi nila Falcon, nakaapekto sa'yo ang sugat na gawa ng katana ni Cam at nahihirapan ang katawan mong gumaling.. They told us that you needed blood.."
Huminga muna siya nang malalim bago nagtama ang aming mga mata, "I offered them mine, pero ang sabi nila hindi epektibo ang dugo ng isang hybrid at delikado. That's why I just watched you absent-mindedly drink Lady Circe's blood..at para bang sarap na sarap ka sa dugo niya.."
So, that's what happened.
Matagal akong nanahimik sa mga sinabi niya. Well, it looks like I don't need to investigate things with Falcon anymore. Nakita ko ang determinasyon sa mata ni Elora sa sumunod niyang sinabi. Bahagya niyang ibinaba ang kanyang damit at hinawi ang kanyang buhok, exposing her luscious neck to me.
"Archer, drink my blood and tell me what it tastes like. I don't care about the consequences."
Napangisi ako sa sinabi niya. Nababaliw na talaga ang mortal na 'to. Mariin siyang pumikit nang inilapit ko ang aking sarili sa leeg niya. About what happened with Circe, wala talaga akong alam. It was my vampire instinct to drink her blood. My body needed vampire blood in order to heal, and given that Circe and Falcon are the only vampires available, syempre wala na akong choice. It will be awkward if I drink Falcon's blood. Tsk. Pero tsaka ko na lang ipapaliwanag kay Elora ang bagay na ito.
Dinilaan ko ang kanyang leeg. I heard her moan in pleasure. Nakakapit siya sa aking mga balikat.
I retracted my fangs and grazed her skin. Pero imbes na ibaon ko ang aking mga pangil sa balat niya, I just kissed her neck and laughed.
Nagugulugang bumaling sa akin si Elora.
"B-Bakit?"
I poked her forehead and smirked.
"Don't be stupid. I don't need to taste your blood to know that it tastes sweet. Naaadik na nga ako sa'yo, gugustuhin mo pa bang maadik ako sa dugo mo? That should be illegal, Ms. Francisco." At kumindat ako sa kanya.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top