TRIGINTA TRES
About a decade ago, I got lost during our elementary fieldtrip tour in CRIMSON. Noon pa man ay pinangarap ko nang maging empleyado ng kilalang kumpanya---well, basically because I don't want to be part of those stupid Coven guards too. Labing-dalawang taong gulang pa lang ako noon, at masyado akong nawili sa pamamasyal sa mga pasilyo.
Hanggang sa hindi ko na makita ang ibang mga batang bampira.
"Nasaan na kaya sila?" Sinubukan kong alalahanin kung saan ako dumaan, pero wala talaga. I had a poor sense of direction, even as a vampire child. Naglakad ako hanggang sa marating ko ang tinatawag nilang "transport area".
Hindi ko na maalala kung ano na ang mga sumunod na nangyari, pero namalayan ko na lang na nasa gitna na pala ako ng isang madilim na kagubatan. Nasa mundo ako ng mga tao. Napahakbang ako papaatras nang makarinig ako ng mga yabag ng paa. Papalapit ito sa akin.
Shit.
"Hello? Is anybody there?"
Hindi ko alam ang gagawin ko. Noong mga panahong iyon, may sabi-sabi na nangangain raw ng bampira yung mga pangit na tao sa mundong ito. 'B-Baka ihawin nila ako!' Natataranta ko noong isip at mabilis na nagtago sa likod ng isang puno.
Naramdaman kong may presensiyang papalapit sa akin.
Mariin akong napapikit. "Damn it, Archer.. Bakit ba ang duwag-duwag mo?" Bulong ko sa sarili ko. I couldn't blame myself, wala akong mga magulang para turuan ako kung ano ang gagawin kung sakaling maligaw ako sa mundo ng mga tao. In fact, I doubted that I even had parents.
Just then, a voice spoke.. "Bakit ka nagtatago diyan?"
Napamulat ako ng mga mata at doon ko nakita ang isang mortal na batang babae. Sa hitsura niya, mukhang magka-edad lang kami. Tsk. 'Not for long', I thought, 'kapag tumuntong na ako ng twenty-one, hindi na ako tatanda'.
The girl smiled when I only replied with silence. Lumapit pa siya nang kaunti sa akin.
"Anong ginagawa mo sa gubat nang ganitong oras? Baka hinahanap ka na ng mama mo.."
Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Mukha namang hindi ako lalapain ng taong ito.
"I have no parents.. Naligaw lang ako dito."
Tumango-tango naman siya, "Ah. Ganun ba? Naku, marami talagang naliligaw dito. Tara, doon ka muna sa'min magpalipas ng gabi.." Napangiti ako. Siyempre, tatanggi pa ba ako? Baka kung ano pang klase ng tao ang bigla na lang lumabas mula sa mga anino. Mabuti nang sumama muna ako sa batang ito.
I followed her towards a dirt trail. Halos hindi namin makita ang dinadaanan namin dahil sa dilim ng paligid. Habang naglalakad kami, napasulyap ako sa batang babae. She was a little taller than I am, payak lang siyang manamit at mukhang sanay na sanay na siya rito sa gubat. May dala-dala pa siyang basket. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa bitbit niya, nagsalita siya, "Kinailangan kong kumuha ng halamang gamot para kay lola."
Napasimangot ako. "Hindi ko naman tinatanong, mortal."
Tsk. Gusto ko nang umuwi. Nagugutom na rin ako. Kaso, sa sinabi ko, natawa lang yung babae.
"Hahaha! Ang sungit mo naman. Ano palang pangalan mo?"
"Archer." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Her gray eyes are a bit intriguing. Tila ba sinusuri niya ang aking kaluluwa---kung meron man ako nun. Nakakailang ang titig niya.
"Archer.. Kakaibang pangalan. My name's Jasmin. Nice to meet you! Taga-saan ka ba?" Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin nang nakalahad ang kamay. Nag-aalinlangan akong nakipagkamay bago sumagot, "Galing ako sa mundo ng mga bampira."
She playfully raised an eyebrow at me. "Bampira ka? Talaga?"
I glared at her. Aba't, nalalapastangan ang pagkabampira ko ah! I showed her my fangs at agad naman siyang napanganga. I smirked at Jasmin. "Naniniwala ka na?"
"Yup." At bumalik na naman ang ngiti niya. Kumunot ang noo ko.
"H-Hindi ka ba tatakbo papalayo? Hindi ka ba natatakot?"
Umiling si Jasmin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Bakit ako matatakot sa isang bampira, Archer? Gayong mas maraming bagay sa buhay ang mas dapat katakutan. Besides," bahagyang lumingon sa akin si Jasmin at sumilay ang isang mala-anghel na ngiti sa kanyang mga labi, "you look harmless, Archer."
At nang sinabi niya ang mga katagang iyon, agad akong naniwala sa kanyang opinyon. That very moment, I knew she will play an important role in my eternity..
Isang linggo ako sa mundo ng mga mortal. Hindi ko kasi alam kung paano ang pabalik sa mundo namin, at sa isang linggong pananatili ko muna sa maliit na tahanan nila Jasmin sa bukana ng gubat, nakaramdam ako ng labis na saya. Jasmin and I became friends, and we played everyday. May mga pagkakataon na tinutulungan ko siyang mamitas ng mga gulay sa kanilang maliit na hardin at sinasamahan ko rin siya sa palengke. Payak lang ang buhay niya, pero sa payak niyang pamumuhay, nakita ko ang kagandahan sa mundo ng mga tao.
But of course, everything must end.
"Archer, bakit parang nanghihina ka na naman?"
Napaiwas ako ng tingin, "W-Wala.. Nagugutom lang ako." Totoo naman. Isang linggo na akong hindi nakakainom ng dugo at wala rin naman akong makitang hayop sa bahaging ito ng gubat. I'm damn starving.
Jasmin's worried gray eyes fixed on me.
"K-Kailangan mo ng dugo?"
Napayuko ako sa hiya. Akala ko talaga magagalit na siya sa akin, pero nagulat ako nang bigla na lang niyang ibinaba ang neckline ng suot niyang damit at hinawakan ang gilid ng aking mukha. I was forced to drown myself into her gray orbs.
Nakangiti pa rin siya. "Archer, drink my blood. Kailangan mo ito."
"H-Ha?! A-Ayoko.. Hindi pwede, Jas--"
"May tiwala ako sa'yo, Archer."
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Huminga ako nang malalim. Mukhang hindi siya magpapatinag. Ito ang unang beses kong iinom ng dugo ng tao, at hindi ko alam kung anong mangyayari. Yumakap ako kay Jasmin at ibinaon ang aking mga pangil sa leeg niya. Napangiwi siya sa sakit, pero makalipas lang ng ilang segundo naramdaman kong kumalma rin siya.
Nang matapos ako, natataranta kong pinunasan ang leeg niya na napupuno ng dugo. She weakly laughed, "Okay lang ako. Wala namang masamang nangyari di ba?" At inabutan niya ako ng pulang mansanas---ang paboritong kainin ni Jasmin.
Napatango ako. Oo, wala namang masamang nangyari.. Pero bakit iba ang kutob ko?
Sa isang kisapmata, nawala na ang lahat.
Natauhan na lang ako at napagtantong nakatayo pala ako sa may sala ng bahay nila Jasmin. Pero nang balingan ko ang sahig, naroon ang walang-buhay na katawan ng kanyang lola at mga magulang. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. "P-Paanong..?" Bakit wala akong maalala? Napatingin ako sa mga kamay ko at sa dugo sa sahig.
What happened?!
Mula sa di-kalayuan, nakarinig ko ang pamilyar na mga hikbi. Nagtungo ako sa pinakasulok ng bahay at nakita ko roon si Jasmin na takot na takot na nakaupo. When our eyes met, I saw fear in hers. Tuloy-tuloy ang daloy ng sariwang luha sa kanyang mga mata.
"J-Jasmin, anong nangya---"
"PINATAY MO SILA! ISA KANG HALIMAW! L-LUMAYO KA SA'KIN!"
And as her voice broke, I felt my chest go heavier. Sinubukan kong lumapit sa kanya, ngunit itinataboy niya ako papalayo.
"Jasmin! L-Let me explain, h-hindi ko alam ang ginagawa ko.. I-I lost control..."
She sobbed harder. "NAGSISISI AKONG NAKILALA KITA!"
At iyon ang huling mga salitang narinig ko bago ako binuhat ng isang taga-Coven at kinaladkad papalayo ng lugar na ito. Jasmin's crying figure and her dead family never left my mind. Habang papalayo kami at napatingin ako sa mansanas na tila ba wala na ring saysay. I watched that lone red apple on the grassy ground get smaller as I was dragged away from the mortal world.
Iyon ang una kong punta sa lugar ng mga tao.
Ang una kong pagkawala ng kontrol sa aking sarili.
At si Jasmin.. Ang una kong naging kaibigan; ang unang nagpatibok ng puso ko.
Magmula noon, nahirapan na akong gawin ang trabaho ko sa CRIMSON. Hindi ko nagagawang linlangin ang mga tao dahil bumabalik ang mga alaala ni Jasmin sa akin. I don't want to do any more harm on humans. At kita mo nga naman kung saan ako dinala ng pagmamatigas ko.
"J-Jasmin.."
Hindi ko namalayang nanginginig na pala ang mga kamay ko sa kaba. Totoo ba 'tong nakikita ko ngayon? Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng nakatayo sa aking harapan. Nakausot siya ng simpleng damit at halos walang nagbago sa mukha niya bukod sa katotohanang dalaga na siya ngayon.
Jasmin's smile never left her lips, "Archer, naaalala mo pa ba ako?"
Paano kita hindi maaalala? Your tears had been my nightmares. Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang aking sarili. "Jasmin, bakit ka nandito?" Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap.
"Patatawarin kita kung mananatili ka lang dito sa tabi ko..." Bulong ni Jasmin. Hindi ako nakasagot kaagad. Biglang bumalik sa mga alaala ko ang ginawa ko sa pamilya niya. May kapatawaran ba talaga ang ginawa ko?
Napapikit ako.
No.
This is not real.
Kinalas ko ang kanyang mga braso at tinitigan siyang maigi. They say that the eyes are the windows of the soul, and it was true. Sa kulay abo niyang mga mata, wala ang kaluluwa ng babaeng minahal ko noon. This creature in front of me is like an empty vessel. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Archer, may problema ba?"
"Hindi ikaw si Jasmin."
Napaawang ang kanyang bibig, "Paano mo naman nasabi?"
"Tsk. The real Jasmin wouldn't forgive me even if I commit suicide for her.. Sinira ko ang buhay niya, at kung papatawarin man niya ako balang-araw, paniguradong hindi niya gagawin ito habang naglalakbay kami patungo sa Tree of Knowledge." Litanya ko.
A murderous smirk replaced her confused look. Humalakhak siya at biglang nagkabitak-bitak ang kanyang mukha. Ngayon, isang kulay itim na nilalang ang nasa aking harapan. Walang mukha at walang anyo.
"HINDI KAYO MAGTATAGUMPAY! HAHAHAHAHA!"
Matapang kong sinalubong ang itim na usok na sumugod sa akin. My red eyes flashed mischievously as I spoke, "I don't give a fuck about your opinion. GET OUT OF MY WAY!"
Isang nakabibinging sigaw ang pinakawalan ng nilalang.
The smoke disappeared. Kasabay nun, naglaho na ang itim na halimaw at napansin kong bumalik sa dati ang kapaligiran. I saw Circe sighed in relief as she saw me, "The mist is a trap. Nabihag tayo ng mga ilusyon.. Mabuti na lang at nakakawala ka."
I smiled. "Tsk. Siyempre naman! Ako pa ba?"
Mula sa aking gilid, nakita kong umirap si Falcon. Mukhang kagagaling lang din niya sa kanyang sariling ilusyon, "Quit boasting, bastard. The journey doesn't end here." Sinamaan ko siya ng tingin. Panira talaga ang hudas na 'to! Magsasalita pa sana ako nang bigla akong nilapitan ni Cameron. Natataranta niyang binaligan ang hamog na pinanggalingan namin.
"H-Have you see El? Hindi pa siya nakakalabas!"
Nanlaki ang mga mata ko. My eyes darted back at the mist that stretched behind us. Nasa loob pa si Elora? Ano naman kaya ang ilusyon na nagpapahirap sa kanya?!
Naikuyom ko ang mga kamao ko. I was about to head back to the mist when Circe's stern voice stopped me, "Wala na tayong magagawa para sa kanya, Archer. She needs to get out of her own illusion and face her fear alone. Ipagdasal na lang natin na kayanin niya."
"That's bullshit! Paano kung hindi siya makalabas?!" Sigaw ko.
Umiling lang si Circe at hindi na umimik pa. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Elora, please be safe..
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top