TRIGINTA
Elora Francisco knew that her Mr. Vampire, a.k.a. Archer whatever-his-surname-is, is a masochistic creature. Pero kailanman, hindi niya aakalaing masusubaybayan niya ang sandaling tumalsik ang ulo ni Archer papalayo sa katawan niya. Oo, hindi siya nagbibiro. Archer's head literally flew away from his body because of the deathly impact from the Devonian's attack.
Nanlaki ang kaniyang mga mata at alam niyang nanginginig na ang kanyang katawan sa natunghayan. Archer's blood is still stained on her face at hindi maganda ang nagiging reaksyon ng katawan niya dito.
"A-Archer.."
Nang wala nang ibang nagtangkang gumalaw, doon na natauhan si Elora, "ARCHER!"
She watched as the mad vampire who killed him laughed demonically. Nanginginig man sa takot, tila ba nagdidilim na ang paningin ng dalaga. This fucking bastard just killed Archer! Sumiklab ang kakaibang galit sa kalooban ni Elora at hindi na niya sinubukan pang pigilan ang pagtubo ng mga pangil niya. Nagbabadya na ang luha sa mga mata niya..
"YOU DEVILS! I'LL FUCKING SLAUGHTER YOU!"
"Stop, Elora.."
Bago pa man sumugod si Elora sa kinaroroonan ng mga hudas na umatake kay Archer, Lady Circe stepped in her way. Napairap ang dalaga at sinamaan ng tingin ang babaeng nasa harapan niya. Vampire Committee member or not, she's not gonna get in the way of her revenge!
"Get out of my way."
Pero tipid lang na ngumiti si Lady Circe. Her red eyes scanned her face and for the first time since they came her, nakaramdam ng iritasyon si Elora sa presensiya ng babaeng ito. Sa isang iglap, nagawa niyang ibaon ang kanyang mga kuko sa leeg ni Lady Circe. Blood oozed out of the deep wound.
"I said, GET OUT OF MY WAY!"
Pero marahan lang umiling si Lady Circe at binalingan ang pwesto kung saan gumulong ang ulo ni Archer. She smirked at Elora, "Stupid girl. Ang akala ko ba fangirl ka ng mga bampira? Are you forgetting that one important fact about us, o sadyang nagpapadala ka ngayon sa galit mo?" Kalmado nitong tugon.
'Ano bang pinagsasasabi ng babaeng 'to?!'
Pero nang matitigang maigi ni Elora ang ulo ni Archer, doon na siya napasinghap. Nabitiwan niya si Lady Circe at halos mapamura sa naalala niya.
On the other hand, Archer's deceased head suddenly moved. Isang matalim ng tingin ang ipinukol ni Archer sa mga Devonian vampire na nasa kanyang harapan. Isang nakakalokong ngisi ang ibinigay niya sa mga ito.
"Fools. Let me remind you one more thing about me.."
At gulat na pinanood ng lahat nang maglakad ang katawan ni Archer papunta sa ulo niya. His hands reached out and placed his head to where it belong. The bloodied skin connected and healed. Iginalaw pa ni Archer ang kanyang leeg bago bumaling sa bampirang umatake sa kanya.
An evil glint in his red eyes.
"..I'm immortal, fuckers."
May kinuha muna si Archer sa kanyang bulsa bago bumaling kay Elora at ibinato ang bagay na ito sa kanya. "Take care of that for me, honey." At kumindat pa ito.
Pagkatapos nun, ay mabilis niyang sinipa ang isang bampira na naging dahilan ng pagkabutas ng dibdib nito. Archer expertly clawed at his heart at hindi pinakinggan ang nakabibingi nitong pagsigaw. Pero bago pa man niya tuluyang mawasak ang puso ng bampirang ito, may marahas nang humila sa kanyang mga paa at ibinalibag siya papalayo.
The ground shook.
Bahagyang nasira ang pader ng maze dahil sa nangyari. Archer stood up from the piles of rocks and frowned upon seeing his dirty suit. "Tsk. Tangina talaga.."
Pinagpag niya ang suot at tumakbo papasugod sa mga bampira. Nagulat si Archer nang biglang naglaho ang mga ito at lumitaw sa kanyang likuran. Mabilis siyang tumalon sa ere at umikot para sanggahin ang sunod-sunod nilang pag-atake. Mahina siyang napamura nang madaplisan ang braso niya ng matatalim nilang kuko.
"SHIT!"
'They're too damn fast!' Reklamo niya sa isip. But of course, he shouldn't expect any less from Devonian vampires. They are too aggressive at ito mismo ang dahilan kung bakit nahirapan ang committee na ikulong ang mga ito. At sa isang kumpas ng kamay ng isang Devonian, Archer found himself plunged into the ground. Nasira ang lupa at ang katawan niya mismo at gumawa ng isang malaking crater dito. Walang-gana siyang tumayo at bumaling sa mga bampira na ngayon ang isa sa kanila ay humugot ng isang malaking puno at patatamaan siya.
"This is getting out of hand." Archer muttered.
Ilang sandali pa, naramdaman na niya ang pag-iiba ng kanyang pakiramdam. His heart raced and his breaths are shorter this time. Nagdidilim na rin ang kanyang paningin at tila ba nawawalan na siya ng kontrol sa kanyang sariling katawan. A devil smile graced on Archer's lips as he took off his coat and attacked the Devonians.
Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang kalahi niya ang mga hudas na ito. But does he have a choice?
"Let's see who's the greater evil."
*
Nagsimulang atakihin ng mga Devonians ang grupo. Elora readied herself for the damage, pero agad na ibinato ni Cameron ang isang bagay na ngayon niya lang din napansin.
"Nahulog mo kanina!" Cam yelled while shooting a vampire on the head.
Napatingin si Elora sa bracelet at napangiti. The anti-vampire charm. She immediately wore it and it became a protection from the Devonian vampires. Para bang nakukuryente ang mga ito at nanghihina kada lumalapit sa kanya. Dahil dito, nagagawang sakmalin ni Elora ang mga sumusugod sa kanya.
'I deflect their attacks, but they can't deflect mine.'
Blood splattered everywhere at agad na napadura ang dalaga nang matikman ang dugo ng isang Devonian. She frowned and ripped his heart out---using hands, of course. Sinamaan niya ng tingin ang gulat na mukha ng Devonian at winasak ang puso nito sa kanyang harapan. "Bitter blood. Not my type."
Breaking someone's heart...literally.
Pinahid ni Elora ang dugo sa kanyang labi.
Bakit ganun? She enjoyed drinking Archer's blood but these other Devonians are just plain tasteless. 'Akala ko ba Devonian blood is intoxicating?', napailing na lang siya sa naiisip at pinunit ang braso ng isang bampira na itatarak na sana ang kanyang mga kuko sa dalaga. Napalingon siya sa kinatatayuan ni Archer at nanlaki ang mga mata niya.
Isang kagimbal-gimbal na tanawin na ang nakikita niya. Archer is destroying everyone and everything. Nanindig ang mga balahibo ni Elora. Walang habas niyang pinapatay ang mga Devonian at sinisira ang kagubatan sa loon ng maze. Even the walls are being destroyed.
Archer..
Hindi na nag-isip pa si Elora at mabilis siyang nagtungo sa kinaroroonan ng lalaki. Madali niyang nahawi ang mga bampirang tinangka siyang patayin at nang makalapit si Elora kay Archer, she gasped when she saw his eyes. Purong pula na ang mga ito at wala ka nang makikitang puti. A devil smile eched on his now bloodied face.
"A-Archer.. Tama na." Her voice broke.
When he turned to focus his attention on her, naramdaman ni Elora ang isang kakaibang takot. Ito ang unang pagkakataon na natakot siyang muli sa bampirang ito, at hamak na mas mapanganib ngayon ang sitwasyon. Humakbang papalapit sa kanya si Archer. In a matter of seconds, he managed to yank the bracelet off Elora's wrist and slam her body on the ground.
Napadaing sa sakit si Elora at nang mapansin niyang wala na ang anti-vampire charm, agad siyang nataranta. "Let go of me!" Ngunit sa tindi ng pagkakakapit sa kanyang balikat ng bampira, mukhang magkakapasa pa siya roon. Elora tried to hold his gaze and search his soul, ngunit nawawala na ang bampirang una niyang nakilala. Elora shivered when Archer suddenly showed his fangs and dipped his head towards her.
Naramdaman ng dalaga ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg. She can feel him smirk against her skin.
"Archer..stop. P-Please."
"I am not Archer, mortal."
Hindi na napigilan pa ni Elora ang mga luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. At saka niya lang napagtanto ang isang bagay.. Archer is a Devonian vampire, and the Forbidden wine is flowing in Elora's veins. Kapag tuluyan nang nainom ni Archer ang dugo ni Elora, he can kill anyone he likes---magiging mas malala pa ang kapangyarihang taglay ng bampirang ito.
But does this really matter?
To her, the answer will always be no.
Elora Francisco opened her honey brown eyes and gazed up at him. Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso, hindi lang dahil sa takot, kundi sa kabang tuluyan na niyang hindi masabi ang mga katagang ito sa binata. That's why she's not wasting anymore time.
"I know you're only after the Forbidden wine in my blood.. Iyon lang ang dahilan kung bakit mo ako hawak ngayon, hindi ba, Acheron?"
Hindi nawala ang nakakatakot na ngiti ni Archer. Matapang na hinila ni Elora ang ulo ng bampira at itinapat ito sa kanyang leeg.
"Then do it. Inumin mo na ang dugo ko. If that satisfies you, then I am willing to have my blood drained...only by your fangs."
Archer chuckled against her skin. Dinilaan niya ang matamis na balat ng mortal at nagsalita, "Too easy. Nagpapakamatay ka na ba?"
Elora's heart pounded, and she knew he could hear this. She felt Archer's fangs piercing her flesh.
"If loving you is a suicidal act, then I'm willing to die for a bloodsucker."
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top