TRES
Hindi madali ang daan pabalik sa dimensyon naming mga bampira. Mas nakakahilo kung manggagaling ka talaga sa mundo ng mga mortal. But to professionals, this is a normal way of travelling. Walang kahirap-hirap akong nakabalik sa transport area. Naiinis kong binalingin ulit ang clipboard na naglalaman ng impormasyon ni Elizabeth. I sighed. Bakit ba ang hirap magtrabaho? Tsk.
Kinagat kong muli ang palad ko at akmang dudungisan na ang Scriptorium na nagsisilbing lagusan sa kabinet ni Elora Francisco nang bigla na lang akong natumba.
"WHAT THE HECK?!"
Nanlaki ang mga mata ko nang tumama ang likod ko sa sahig. Mabuti na lang talaga at may carpet dito. I cursed under my breath and tried to sit up when I realized something.. Para bang may nakadagan sa akin? Nang imulat ko nang maayos ang mga mata ko, doon ko lang napansin ang pamilyar na bulto na nakapaibabaw sa akin.
My eyes widened in horror.
Elora Francisco was smiling down at me.
"Hi, Mr. Vampire!"
Pakiramdam ko ako yata ang nawalan ng dugo. "Shit!" Natataranta ko siyang itinulak papalayo. I hurriedly stood up and stared at the human girl. Nakangiti pa rin siya sa akin. ANO BANG GINAGAWA NIYA DITO?! Isang tao sa mundo ng mga bampira? Sinamaan ko siya ng tingin. Kapag nalaman ito ng mga katrabaho ko, paniguradong masisisante na ako! Damn.
"What in the world are you doing here?!"
Natahimik siya habang nakatitig sa mga mata ko. I knew that my eyes were probably red now. It's a vampire thing. Nag-iwas ng tingin ang dalaga at humalukipkip. "It's not my fault you left the portal open! Noong naghahanap tuloy ako ng damit sa kabinet ko, bigla akong nadulas papunta rito."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Naningkit ang mga mata ko. "You did that on purpose, didn't you?!"
She smirked. "Maybe, maybe not."
Nasapo ko na lang ulit ang noo ko. This situation is getting out of hand!
Elora's eyes roamed around the transport area. Para bang manghang-mangha siya habang nakatitig sa silid na may palamuting mga hiyas. The grand chandelier even made her honey brown eyes sparkle in awe. How ignorant. Tsk.
"Umuwi ka na." Matabang kong sabi habang sinisimulan kong iguhit ang Scriptorium na magdadala sa akin kay Elizabeth. From the corner of my eyes, I saw Elora walked towards me and peeked at the clipboard.
"Ano bang kailangan mo kay Elizabeth, Mr. Vampire? Gagawin mo ba siyang hapunan?"
Walang emosyon ko siyang hinarap. "None of your business. And can you please, stop calling me that!"
Kumunot ang noo niya. "Stop calling you what, Mr. Vampire?"
Bullshit.
Nanahimik na lang ako. Kailangan ko nang tapusin ang ginagawa ko. I don't have much time left, kapag hindi ko naloko si Elizabeth para pumirma ng kontrata bilang alipin, mawawalan ako ng trabaho. And I can't afford that to happen!
Naramdaman kong naupo sa gilid ko si Elora. She stared at what I was doing and spoke, "I'm sorry if I offended you earlier. Hindi ko naman kasi alam na totoong bampira ka pala. I thought you were just messing around."
I frowned. "Bakit ba parang hindi ka natatakot sa'kin?"
Nagkibit siya ng balikat. "I love vampires! Ang kaso nga lang, I was expecting to meet a vampire like Edward Cullen. Crush na crush ko yun eh. I mean, kahit hindi kasing kisig niya, pero yung mamahalin ako ng totoo.."
What the fuck is this human talking about?
Pero mas nabigla ako nang tumayo si Elora at ipinulupot ang kanyang mga braso sa leeg ko. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mapupulang labi, at sa mga sandaling ito, para bang may gustong sabihin ang mga mata niya. Mas lalo akong naguluhan. Kung kasuhan ko kaya siya ng Vampire Abuse? Tsk.
"I always dreamed of meeting my vampire prince charming.. At tadhana na rin siguro na lumabas ka sa kabinet ko, Mr. Vampire."
Natuod na ako sa kinatatayuan ko. This girl is insane! Malala na siguro ang pagkahumaling niya sa mga bampira, na maski ako pinatulan na niya!
Itutulak ko na sana ang babaeng ito pero ang pilyong bahagi ng utak ko ang gumana. An idea came to mind.. Kailangan kong makapagregister ng pangalan sa HS Department para hindi ako matanggal sa trabaho ko. I know it's against the rules to register a mortal that isn't assigned to you, pero hindi naman na nila ito malalaman di ba?
Tutal, nandito na rin naman si Elora Francisco, bakit hindi na lang siya ang linlangin kong pumirma sa kontrata?
I smirked at the thought and wrapped my arns around her waist.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top