TREDECIM
"Unfortunately, I'm just here to give you a warning, vampire."
Napasimangot ako sa sinabi niya. Hindi siya nagpunta rito para makipagbasagan ng bungo? Too bad. Gusto ko pa man ding makita kung ano ang mga kakayanan ng isang vampire hunter, lalo't galing sa maalamat na Imperial Yard. Tsk.
Cam stared at me intently, his stance still ready for kill. "Hindi ko alam kung anong ginagawa mo sa bahay ni El, pero binabalaan kita.. It's better for you to leave or else---"
"Or else what? Papatayin mo ako? Susunugin nang buhay? Itatarak ang isang bawang sa lalamunan ko? Ibibilad ako sa araw? You have tons of ways to kill a vampire, dude. But believe me, you won't be able to kill me." Humakbang ako papalapit sa kanya nang nakangisi. Sa isang iglap, hawak ko na ang katana niya.
I stared at the lovely blade. Nice.
Kung nagulat man si Cam sa ginawa ko, hindi niya ito pinahalata. "Shut the fuck up! Baka hindi mo alam ang reputasyon ng Imperial Yard?!"
Mabilis kong ibinato sa ulo niya ang katana. He managed to tilt his head to the side bago pa man siya matamaan ng patalim. Bumaon ang mahabang blade nito sa picture ni Elora na nakasabit sa pader. Oops. Magbubunganga na naman panigurado ang mortal na 'yun.
"Reputasyon? Kung hindi ako nagkakamali, naubos ang lahi niyo noong 1800s pa. And that leaves me with another question, Cameron,"
Using my vampire speed, I grabbed a knife from the kitchen and placed it on his neck. Nasa likuran niya ako at ramdam ko ang tensyong bumabalot sa pagitan namin. I gingerly pressed the chef's knife on his skin.
"Are you the last of your kind?"
He tensed. That confirms it.
Siya na lang ang natitirang vampire hunter ng Imperial Yard. Pero napakarami pa ring katanungan ang gumugulo sa isip ko. How the fuck did this guy managed to survive?
"Psh. Just stay away from Elora. Kung anuman ang binabalak mo, sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay."
Boring.
Ignorante talaga ang mga tao kahit kailan. Parang alam ko na ang linyang 'yan. Akala ba nila nasa isang teleserye ang buhay nila? I released him from my grip and dropped the knife. Sumandal na lang ako sa frame ng front door at ngumisi sa kanya.
"Fine. May klase ka pa, di ba? Next time mo na lang ako patayin."
Kailangan ko pang tapusin ang paggawa ng portal. I have bigger problems at hand. Dealing with a vampire hunter can wait.
"I already warned you. Stay away from Elora Francisco."
Hindi pa rin ako natitinag. I'm damn immortal. What could happen?
Cam eyed me suspiciously. I don't know what kind of tricks he has in his sleeves pero hindi ako maaaring maging kampante sa nilalang na ito. He's vampire hunter, and I can't let my guard down.
He grabbed his katana and walked passed me. Pero nang akala kong payapa na siyang aalis---"OUCH! THE FUCK?!" Napahawak ako sa pisngi ko. Ramdam ko ang likidong tumutulo mula sa sugat nito. That fucking mortal just slashed my cheek with his blade! I clenched my jaw in anger. 'Kumalma ka, Archer.. Kalma lang' pagpapaalala ko sa sarili ko. Baka kasi kung ano na naman ang magawa ko.
Nang balingan ko si Cam, he was already walking away and waving a hand back at me.
"Just a friendly gift, devil."
At pinagmasdan ko siyang naglakad papalayo kasabay ng marahas na pagsara ng pintuan sa likuran niya. I took in a deep breath and retracted my fangs. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ang mga ito. Tsk.
"Kapag naayos ko na ang gulong 'to, I have to eliminate that damn vampire hunter." Sounds like a plan.
Nagmamadali kong ibinalik ang atensyon ko sa pagguhit ng Scriptorium na magdadala sa akin sa mundo ng mga bampira. Hindi ko pa naususubukan ang bagay na ito pero bahala na. Kapag kasi may ginawa na kaming lagusan, automatic na iyong mananatiling bukas kaya hindi na namin kakailanganin pang gumawa ng portal pabalik. But this time's a little different. Nakapagtataka man, ngunit nawala ang lagusan sa kabinet ni Elora. Someone had smudged that Scriptoirum back at the transport area.
At kung sinuman ang bampirang iyon, paniguradong hindi siya isang kakampi.
He wanted to trap me in this shitty mortal realm.
Huminga ako nang malalim at binulong ang mga sagradong salita. Some words were in Latin, the standard language of vampires. Marahan kong ipinahid sa pader ang aking dugo para tapusin ang naka-guhit roon. A few moments later, the Scriptorium emitted a bright light and a portal to the other dimension was made.
Napangiti na lang ako.
"This is awesome!"
Inayos ko muna ang suot kong black coat (na sira-sira na, salamat sa hudas na 'yun), bago pumasok sa lagusan. It was hardly big so I could fit, pero wala na akong reklamo.
I travelled between dimensions. From the mortal realm to the vampire realm.
At nang tuluyan na akong makarating sa mundo naming mga bampira, nagulat ako sa nakita ko. My feet are stepping on a cobblestone ground and the dim sky stretched above me. Sa may di-kalayuan, may ilang nagtataasang mga gusali at apartment na pawang pula ang kulay. The sudden breeze gave me a nostalgic chill. Kamuntikan pa akong mabunggo ng mga bampirang nagmamadali sa trabaho.
I am not in CRIMSON.
"I'm in the Acropolis."
Tumingin ako sa silangan at natanaw ko ang kulay itim na gusaling mistulang isang bloke ng bato. It towered over the red buildings and streetlamps. Kumikinang rin sa madilim na kalangitan ang kagandahan nito. Iyan ang CRIMSON building. Napangiti ako. "Now, I need to waltz in the Vampire Committee and tell that everything that happened." Kailangan nilang malaman na may naunang nakialam sa Forbidden wine. Kung magagawa kong ibintang sa kung sinumang bampirang kasangkot doon ang lahat, gagawin ko. Just to prove my innocence.
Nagpasipul-sipol ako habang naglalakad sa magulong siyudad. Some vampires were shocked to see me walking leisurely down the streets kahit na may nakapaskil na palang "Wanted" posters ko sa mga pader. Tsk. Ang bilis naman. At sana naman kumuha sila ng ibang picture! Those damn fuckers didn't even got my good angle. Bullshit.
"Is that Archer?"
"Ano na naman bang kapalpakan ang ginawa niya?"
"He's a dangerous vampire, get away!"
"Traydor ang bampirang 'yan. Nagdala pa raw siya ng tao dito!"
Napabuntong-hininga na lang ako. Kahit kailan talaga, usap-usapan ang pangalan ko. You see, I don't have a good reputation as a vampire employee at dumagdag pa ang panggagatong ni Falcon doon. Hindi ko na lang pinansin ang mapanuring nilang mga mata na pawang kakulay ng dugo ng mga mortal. I'm even surprised that no one attempted to rip my head off by now.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa madilim lansangan. Paminsan-minsan, kinakailangan kong umilag dahil bigla na lang may mga mambabato ng kung anu-ano sa direksyon ko. I saw other vampires locked their windows when I passed by.
"Fools."
Napatingin ako sa mataas na tore. It was pitch-black, shaped like a needle extending towards the empty sky. Ni hindi ko makita ang tuktok nito. The Vampire Committee tower is surrounded by a stone fortress and its perimeter is guarded by vampires wearing black cloaks and armor. May hawak silang mga espada. Some even had bows and arrows.
As I neared them, I saw the black tatoo markings imprinted on the side of their face. A black raven.
Sila ang mga kasapi ng Coven.
Ang tagapangalaga at tauhan ng committee. I'd rather call them as their lap dogs, but I don't wanna sound too disrespectful. Lalo na't may kailangan pa akong ayusing gulo. Nang makita ako ng Coven, agad nilang akong pinalibutan sa isang kisapmata. Nakatutok sa akin ang mga espada nila at ramdam ko ang nakamamatay nilang pagtitig. Murderous, and blazing red eyes.
One of them spoke, "Archer Va----"
"Say my full name and you're dead."
Nakita kong napalunok ang bampira. He cleared his throat and started again, "Archer, you are arrested for disgracing the sacred wine and bringing a human girl in CRIMSON territory. Anything you'll say will be used against you. The committee will arrange your execution immediately." Humikab ako at itinaas ang aking mga kamay. Enough with this fucking drama.
"Sure. Whatever you say."
Wala na silang inaksayang panahon at marahas nila akong hinila at kinaladkad papunta sa tore. Napangiwi ako sa mahigpit nilang pagkakahawak nila sa akin. Ramdam ko ang pagbaon ng kanilang mga kuko sa balat ko at hindi nakakatulong ang nakatutok pa ring patalim sa leeg ko. Damn.
'Kalma lang, Archer.. Alam mo namang pasikat lang talaga ang Coven.' Isip-isip ko.
Walang imik na lang akong sumama sa kanila. Nagtungo kami sa spiral staircase na magdadala sa amin sa pinakatuktok ng tore. Mula sa mga nadadaanan naming mga bintana, natatanaw ko ang kabuuan ng Acropolis. It honestly looked like a red mosaic model covered in a dark sky. White lights from lamps provided luminescence and the CRIMSON building looked intimidating from here. Siguro kung hindi nagkagulo ang lahat, magiging mabuting empleyado na ako. Tsk.
"We're here. Ready to have your head cut off?" Baling sa akin ng isang kasapi ng Coven. Nakangisi pa ito na para bang nang-aasar.
I smirked. "Remind me to burn you alive after I talk to the committee."
Hindi na siya umimik.
When reached the giant mahogany double doors that had golden scriptures designs on it, bahagya akong binitawan ng isang bampira at kumatok. Mag-isang bumukas ang pinto, at nakababahala ang tunog na nilikha nito sa katahimikan ng paligid.
I was momentarily blinded by the artificial lights that came from the blood red chandelier. Nang pumasok kami sa loob, natigil ang bulungan ng mga matatandang bampira na kasapi sa committee. Their full attention landed on me. May ilang nabigla nang makita ako at ang isa ay muntikan pa akong sinugod kung hindi lang siya napigilan ng katabi niya.
"Nakita namin siyang palakad-lakad sa labas ng fortress." Deklara ng pinakapinuno ng Coven. Naramdaman ko ang pagbitiw nila sa pagkakahawak sa akin. Hinayaan nila akong humakbang papalapit sa committee.
Nakaupo sila sa kani-kanilang mga trono. Their table resembled a semi-circle with the opening facing me. Labing-dalawa silang nakatingin sa akin, suot ang satin nilang mga roba. The Vampire Committee is worst than a trial court if you'd ask me.
Teka, ano nga ba ang dapat sabihin sa mga ganitong sitwasyon?
"Hey, how's it going?"
Panimulang bati ko na mas ikinasimangot ng matatandang bampira. Well, they're not actually physically old. As I've said, vampires stop aging when they reached their maturity age. Pero syempre, hindi pa rin nun maitatago na ilang libong mga taon na ang tanda ng mga bampirang kaharap ko ngayon.
Nagsalita si tandang Raoul, siya ang tumatayong lider ng committee and we have a mutual hatred for each other.
"And you still have the audacity to face us after betraying your kind? Nababaliw ka na nga, Archer.."
Huminga ako nang malalim. Convincing them won't be easy, much less talking to them. Masyadong matitigas ang ulo ng mga bampirang ito.
"Look, alam kong kinamumuhian na ako ng mga kalahi natin, pero isang aksidente lang ang lahat! Elora didn't know what she was doing----"
"YOU LET THAT MORTAL DRINK OUR SACRED WINE! TULUYAN NANG MASISIRA ANG BALANSE NG MUNDO NATIN!"
Hindi ko na lang pinansin ang bampirang bigla na lang nagwala. Napairap na lang ako. Siya si tandang Taddeo, ang pinakamainitin ang ulo sa lahat ng miyembro. He hates my guts, believe me.
Pilit naman siyang pinakalma ni Miss Fleur, "Taddeo, hayaan na muna nating magpaliwanag ang bata."
"Magpaliwanag? Ano pa bang ipapaliwanag niya?! This useless kid will be the end of the entire vampire race, and you want me to listen to him?!"
Sinamaan siya ng tingin ni Miss Fleur. Hindi na siya umimik. Buti nga.
Tumikhim ako na naging dahilan ng pagbaling nila muli sa akin. "Tulad ng sinabi ko, that human didn't know what she was doing--and yeah, siguro kasalanan ko na rin kung bakit siya napadpad dito sa mundo natin. But I've just discovered that only half of the Forbidden wine was present when it happened. Kalahati lang ang nainom ng mortal, at ibig sabihin nito ay..."
"..may naunang nakialam sa Forbidden wine. Someone must've gotten to it first."
Napatingin ako sa babaeng tumapos ng pangungusap ko. She was sitting at the farmost side of the committee and her red robes accentuated her lips. Nagtama ang mga mata namin.
Kung hindi ako nagkakamali, siya si Circe, ang pinakabatang miyembro ng committee. She was just about my age and her silver hair made her look like a vampire doll. Nakatitig lang siya sa akin, na para bang kinikilatis kung nagsisinungaling ako. Ilang sandali pa, nanlaki ang mga mata niya.
She must've felt that I was telling the truth. That's a good sign, right?
Pero bago pa man siya makapagsalita, naunahan na siya ni Raoul, "Imposible ang sinasabi mo! The CRIMSON security unit should've known about it! Are you trying to clean your name, Archer?" Suspicion is written in his eyes.
Napasimangot ako. "That's the problem, old man! Somehow, someone messed with the Forbidden wine first! At alam naman natin na kahit isang patak lang nito ang mapunta sa Devonian vampires ay maaaring magdulot ng mas malaking gulo.."
Nagbulungan muli ang iba pang miyembro ng committee. Raoul was staring intently at me habang si Taddeo naman ay para bang nang-aasar.
"You're making this up, aren't you? Desperado ka na ba talagang malinis ang pangalan mo na gagawa ka pa ng kwento? You're just trying to make us change our minds about having you on public execution!"
Bwisit talaga ang matandang ito. I clenched my jaw and balled my fists. Bakit ba ayaw nilang maniwala sa'kin?! Tsk.
"Hindi ko sinasabi 'to para lang maisalba ang dignidad ko.. I'M TELLING YOU THIS BECAUSE I WANT TO HELP SAVE OUR KIND!"
Tangina talaga. Bakit ba kasi ako napasok sa gulong ito?
Sandaling natahimik ang buong silid. Maging ang Coven na nakaabang sa isang gilid ay hindi na nagsalita pa. Pero nang akala kong papaniwalaan na ako ng Vampire Committee, nakita ko ang kakaibang galit sa mga mata ni tandang Raoul at marahan niyang ipinag-utos..
"Arrest him."
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top