SEPTEMDECIM

Falcon.

One name, many mischievous tricks up his sleeves.

Natawa siya sa sinabi ko at mabilis na naupo sa sofa. Nakakairita talaga ang bampirang ito. Ano ba talaga ang ginagawa niya dito? Sumunod ba siya sa'kin kanina?

He frowned. "I didn't follow you here, asshole."

Tsk.

"Ano bang ginagawa mo dito? Bawal maglakbay ang mga bampira papunta sa mundo ng mga mortal kung hindi oras ng trabaho. It's written in the CRIMSON protocol." Inagaw ko ang mansanas na kakagatan na sana niya. Nagkibit siya ng balikat. "Look who's talking? The last time I checked, I helped you escape a few days ago."

My jaw tightened at what he said. Tangina, kahit kailan wala akong balak magkaroon ng utang na loob sa isang 'to. I'd rather have my head chopped off in a public execution.

"A few days ago?"

Napalingon kaming dalawa sa dalagang nakakunot pa rin ang noo. She was still holding that glass and staring at us as if we're weirdos. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka at pagkalito sa biglaang pagsulpot ni Falcon sa bahay niya.

"Time difference. Mas mabagal ang takbo ng oras dito. Ang bente-kwatro oras sa mundo niyong mga tao ay katumbas na ng isang linggo sa mundo ng mga bampira." Walang gana kong pagpapaliwanag. Tumango si Elora pero pansin ko ang pagkailang niya sa akin. She avoided eye contact.

Hindi ko naman siya masisisi.

I lost control again earlier. But it was her fault for triggering me! Tsk. Kung alam lang sana ng mortal na 'to ang tunay na dahilan kung bakit umabot ako sa puntong halos tanggalin na ako sa trabaho ko dahil hindi ko ginagawa nang maayos ang panlilinlang sa mga tao..

Pero hindi niya maiintindihan. Tanging SIYA lang ang makakaintindi.

"Who are you?"

Napawi ang atensyon ko nang binalingan ni Elora si Falcon. Humakbang ako sa pagitan nila.

"He's nobody. Want me to throw him out of the window?" Pag-aalok ko. I'm tempted to so do, honestly.

But this blonde vampire had other plans.

Mabilis siyang nagtungo sa pwesto ni Elora (vampire speed..tsk!) at hinawakan ang kamay nito. Napataas ang kilay ko nang makita kong namula ang dalaga sa ginawa ng bubwit na si Falcon. I watched on the sideline as he gently held Elora's hand and brought it to his lips.

Hinalikan niya ang kamay ni Elora bago nagsalita, "I apologize for Archer's rudeness. My name's Falcon.. And you must be the ravishing Elora they were talking about." At kumindat pa talaga ito sa kanya. Tsk.

Elora's face reddened. "Um.. I-It's nice to meet you Falcon. Kaibigan ka ba ni Archer?"

Sandaling napatingin sa akin ang hudas na katrabaho ko. A playful smirk on his lips. Sa totoo lang, kanina ko pa talaga gustong i-flush sa toilet si Falcon.

"Yes. We're actually bestfriends, right, Archer?"

Naikuyom ko ang mga kamao ko. If Falcon will be the new definition of "bestfriend", mapapaaga ang pagkagunaw ng mundo. In an instant, I pushed him to the side and wounded his cheek. Nabigla si Elora sa pangyayari. Gumuhit matatalim kong mga kuko sa pisngi ni Falcon na naging sanhi ng pagdugo nito. I grinned and grabbed the white handkerchief in his pocket. "Yup. We're BESTFRIENDS. Right, Falcon?" Habang pinupunasan ko ang dugo sa aking kamay. The look on this bastard's face is priceless!

"Typical. Ganyan ba ang magliligtas sa dalawang mundo? How unfortunate we are."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tsk. Stop messing around. What the fuck are you doing here anyway?!" Naiinip na talaga ako sa isang 'to.

I watched as Falcon reached into the inside of his coat and pulled out a newspaper. Pamilyar ang diyaryong ipinapakita niya. Paano ko ba naman makakalimutan kung halos linggo-linggo itong binabawas sa salary namin?

"That's the Vampire Daily." Mahinang sambit ko habang nakatitig dito. Tatanungin ko na sana kung anong kinalaman ng pahayagang 'yan sa dahilan ng pagpunta niya rito nang mabasa kong maigi ang headlines. Nanlaki ang mga mata ko. There, printed in big stencil letters are the words: "HEAD OF VAMPIRE COMMITTEE, KILLED BY UNKNOWN". At ibaba ng titulong ito ang larawan ni tandang Raoul. His portrait that's also displayed back at the tower.

Kinailangang iproseso ng utak ko ang impormasyon.

May pumatay sa kanya..

"In those three days since you left, mas lalong nagkagulo ang lahat. Pinayagan ng CRIMSON na gamitin ng Coven ang mga portal sa transport area para makapunta sa mundong ito. The Vampire Committee already has a multi-dimensional warrant of arrest for you at hindi ring maitatangging nasasabik ang iba nating mga kalahing mahuli ka para sa pabuya," Falcon's tone turned to serious. Naupo siya sa sofa at inihagis sa akin ang isa pang mansanas. Agad ko rin naman itong nasalo at pinakinggan ang sumunod niyang salita,

"But last night, chaos emerged out of ashes when Lord Raoul was killed. Natagpuan na lang siya ng ilang miyembro ng Coven na pugot ang ulo at nakahiwalay ang puso. They even found garlic residue on a single bullet on his chest. Kaya ngayon, nagkakagulo na maging ang committee."

Bakit ba palaki nang palaki ang problema namin? Binalingan ko si Elora na nakatitig pa rin sa diyaryong nakalutang sa tabi ni Falcon. After a few moments, she gave her insights, "He's the head of your committee, right? Why not just get a replacement?"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Honey, it's that old hag Raoul we're talking about. Dati siyang kabilang sa Coven at siya lang ang nakaligtas sa giyera namin laban sa mga taong-lobo. He's a living legend and an expert at combat, so how could he get killed so easily?"

Napatango Falcon sa sinabi ko at may itinurong paragraph sa article patungkol sa pagkamatay ni tanda. "That's not the only thing that bothers the whole vampire realm. Ang sabi dito, nang hanapin ng Coven guards ang susi na laging dala-dala ni Lord Raoul, wala silang mahanap. The key is missing, Archer..and you know what this means."

Pakiramdam ko namutla ako nang marinig iyon. Nawawala ang susi?! Holy shit..

Just when I thought things couldn't get any worse.

"CRIMSON is already on to your extermination, Archer. Mawawala ang pangalan mo sa database makalipas ang isang buwan. That's the rule."

Alam ko ito. Kapag may empleyadong noted for extermination, mawawala ang kanyang pangalan sa CRIMSON database sa makalipas ang tatlumpung araw. At kapag tuluyan mang nawala ang pangalan ko sa kompanya, mawawala na rin ang pagka-imortal ko. Those are the rules.. Kung hindi ako mapapatay ng Coven at ng committee dahil sa ginawa kong gulo, paniguradong CRIMSON na ang gagawa nang paraan.

And that's why vampires don't want to be exterminated from CRIMSON.

Because once our names are deleted from the database, bukod sa pagiging hamak na mga mortal, it would also mean an instant death. We would die since our bodies would rapidly decompose. Mind you, we're exceeding the mortal lifespan.

At kailangan na naming ayusin ang gusot na ito sa loob ng isang buwan.

Napatingin ako kay Falcon. His eyes are still calculating my every movement. "That doesn't explain why you're here." Mariin kong sabi. I'm still fucking concerned why this bastard is here.

Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa kanyang mukha. "Can't let my BESTFRIEND die, now can I?"

Mas sinamaan ko siya ng tingin. I can feel my fangs pulsing through my teeth.

"Funny. A few weeks back, I thought you wanted me dead. Hayaan mo na lang kaya na mabura ang pangalan ko sa database, or why don't you call the stupid Coven to report my location?"

Falcon laughed. "As I've said, I'm not the enemy here, Archer. Gusto ko rin namang iligtas ang mundo ng mga bampira at tao dahil wala na akong magawa sa bahay. It's boring as hell, and an adventure seems fine."

Napasimangot na talaga ako. Hindi ako naniniwala sa siraulong 'to.

"At saan mo naman balak tumuloy? You can't go in and out of the mortal world lalo't siguradong tine-trace ng CRIMSON ang lahat. Baka maghinala sila." I challenged him.

Pero lalong lumawak ang ngiti ni Falcon. He turned his head to Elora and smiled charmingly at her. Iyan ang ngiti na ginagamit niya sa trabaho--ang dahilan kung bakit napakaraming mortal ang nalilinlang sa hudas na 'to.

"I suppose, it's fine if I stay here for a while, Ms. Francisco?"

Namula na naman si Elora. Tsk. Damn vampire charms.

"P-Pero.."

"I'll behave, I promise."

Napatitig ako sa dalawa. Sana nakukuha niya ang nais kong sabihin na 'wag na 'wag siyang papadala sa pagpapa-cute ng baliw na 'to. Elora met my eyes and glared back at me nang nakita ang nakabusangot kong mukha. Then, a wicked smile crept on her lips. Oh no, this is not good..

She turned to Falcon.

"Sure."

ANO DAW?

Naughty girl! Kapag na-solo ko na talaga siya mamaya, patay talaga 'to sa'kin!

Natawa si Falcon at bumaling na naman sa'kin. He quickly grabbed the apple from my hand and cocked an eyebrow at me. "Bakit parang nagulat ka? Tsk. That's how to be nice to people, Archer. Pag-aralan mo minsan."

"Fuck you." I felt my nails sharpening again. Pwede bang gilitan ko lang 'to ng leeg?!

"No thanks. Anyway, I'll discuss the plan tomorrow. Di tulad mo, mayroon akong plano para iligtas ang dalawang mundo na napahamak dahil sa kapabayaan mo."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top