SEDECIM
Classes are almost over.
Elora Francisco gazed out of their room's window, mind fogging with many thoughts. Nawawala na siya ng ganang pakinggan ang mga itinuturo ng kanyang guro. Sa hindi malamang dahilan, napapadpad na naman ang pag-iisip niya sa bampirang iniwan niya sa kanilang bahay. 'Baka naman wala na akong maabutang bahay pagkauwi ko mamaya?' Napapailing na lang siya sa naiisip. Hindi naman siguro wawasakin ni Archer ang munti nilang tahanan. May awa pa naman ang bampirang iyon----sana.
"That vampire.. Tsk."
Mabuti na lang talaga at wala ang kaniyang mga magulang. Nagbabakasyon pa ang mga ito sa probinsiya para i-celebrate ang kanilang wedding anniversary. Elora was left alone and now she found herself getting caught in a mess with vampires. Parang kailan lang, pinangarap niyang magkaroon ng bampirang kasintahan na aangkin sa kanya.
Ngayon?
"Nevermind."
Napatingin ulit siya sa orasang nakasabit sa kabilang bahagi ng pader. 'Only a few minutes more..' And as the minute-hand struck twelve, their professor cleared his throat and closed the enermous World Literature book. Lagi niya itong dala kahit saan siya magpunta, at minsan natatanong na lang ni Elora sa sarili kung pati ba sa banyo dala-dala ng kanilang propesor ang librong 'yan.
Mr. Sanchez cleared his throat, "Okay. Don't forget to read the pages I've assigned to you. Dismissed."
Agad na tumayo si Elora. Napairap na lang siya sa pagiging control freak ng kanilang guro. 'He never misses the exact time,' she amusedly thought and started walking among her classmates. Nang makalabas siya sa kanilang silid, agad niyang nakita ang isang pamilyar na lalaking nakasandal sa katapat na hallway.
Cameron smiled at her at naglakad na ito papunta sa kanya.
"Tara na?"
Kinuha nito ang bag ni Elora at iginiya ang dalaga papalabas ng Eastwood Central University. At kahit pa sinusundan na naman sila ng mapanuring mga mata at chismis, wala siyang pakialam. She was used to it. Everyone thought that her and Cam are a couple. Kahit ilang beses niyang ipaliwanag sa mga kakilala niya na matalik lang silang magkaibigan, mukhang hindi nila ito naiintindihan.
She glared at the boy walking beside her.
"You smell like cigarettes..again."
Napangisi si Cam at ginulo ang buhok niya habang natatawa. "Can't help it."
Alam ni Elora na balewala ang mga paalala niya sa kaibigan. Cameron's smoking habits are as hard to break as a stone wall. Napabuntong-hininga na lang siya. Thing's never change. 'It's not like I have the ability to change people', isip-isip niya. Habang pauwi sila, inaya siya ni Cam na pumunta sa park. Walang pag-aalinlangang sumama si Elora sa binata. If anything, she'd trust Cameron with her life.
Umupo sila sa isang stone bench.
"Tatambay lang ba tayo dito? Marami pa akong gagawin sa bahay.." tulad ng pagsapak sa isang bampira kapag naabutan kong wasak ang mga gamit ko.
Ngumiti si Cam at may inilabas mula sa kanyang bulsa. Nanlaki ang mga mata ni Elora nang makilala ang bagay na pamilyar sa kanya. She only saw this object a few times, but it was enough to make her recognize it at first sight..
"Y-Your mother's favorite bracelet."
"Yeah. I'd like to give it to you."
Mas lalo siyang naguluhan. "Why would you give me that? Hoy, kung gimik mo lang 'to para ibenta sa'kin 'yan, wala akong pera!"
Pero napailing lang ang kanyang kaibigan at kinuha ang kanyang kamay. Cam's hands are big and warm, just like how she remembered them a few years back.
"Do you really think I'd sell this? Psh. Elora, I want you to keep it for me. Walang bayad, pangako.. Kahit may utang ka pa sa'kin nung nakaraang Pasko pa." At natawa ito nang makita ang namumulang pisngi ng dalaga dahil sa hiya. 'Damn! Akala ko kinalimutan na niya 'yon..'
"Umm.. Next week ko na lang bayaran." Not.
"Nah. Ingatan mo na lang 'to."
Wala nang nagawa si Elora Francisco nang marahang isinuot nito sa kanya ang pulseras. She saw how the red rubies glimmered under the setting sun and the intricate designs adorning the piece of jewelry. Hindi man inaamin ni Cameron, pero alam niyang mahalaga ito sa kanya. Lagi niya itong ipinapakita sa dalaga tuwang bibisita siya sa orphanage na tinutuluyan ni Cam. It was the only item he inherited from his deceased mother.
'Why would Cam let me keep this?'
The question keeps nagging on her mind eben as they walked away from the park. Pero habang papalayo sila sa tahimik na parke, hindi maiwasang tumingin si Elora sa malaking puno ng akasiya na nasa gitna nito. Ilang daang taon na ang tanda ng mayabong na puno at hanggang ngayon ay hitik ito sa kulay rosas na mga bulaklak. On normal days, Elora would think the ancient acacia tree is pretty---pero ngayon, tila ba may iba siyang nararamdaman dito.
Napahinga siya nang malalim, hinihiling na sana mali ang hula niya.
*
"Basta patulong ako sa assignment bukas ah?" Pahabol na bilin niya sa lalaking maglalakad na sana papalabas ng gate. Hindi na lumingon si Cam at iwinagayway ang isang kamay sa ere, "Sige lang. Basta ba ililibre mo 'ko, El."
Napasimangot ang dalaga. Ang lalaking 'yan talaga, kahit kailan.
Elora Francisco took a deep breath and marched inside the house. It's time to confront a certain someone.
Nang makarating siya sa sala, marahas niyang isinara ang pinto at hinarap ang bampirang kampanteng nakaupo sa sofa. Elora narrowed her eyes at the reckless vampire and yelled, "WHAT THE HECK ARE YOU DOING AT THE PARK?!"
Pero walang ganang nagkibit lang ng balikat si Archer at humikab. "Doon nakakonekta ang lagusan sa mundo namin. Quit yelling, wala ako sa kabilang bundok."
Napaawang ang bibig niya sa sagot ng bampira. Lagusan? Mundo nila? In an instant, a dozen questions were raised inside her. Napakarami niyang gustong itanong kay Archer. Paano naman niya nalaman? Kailan niya nahanap ang lagusan? Nagpunta ba siya sa mundo nila? Pero bago pa man lumabas ang mga tanong na ito sa kanya, agad na napahinto si Elora nang makitang mabuti ang hitsura ng bampira.
He was topless.
Hindi na niya suot ang pinakaiingatan niyang black suit.
Kung normal na sitwasyon lang, baka nagtititili na siya't kumuha ng mga litrato. She always fangirled with vampire bodies and their seemingly-undeniable--hotness. Pero hindi niya ito magawa dahil sa mantsa ng dugo sa katawan ni Archer.
His torso, shoulders and arms are stained in blood and she could even see little cuts from it. Magulo ang ayos ng lalaki at para bang pagod na pagod ito. He looked like he just came from a ten-kilometer marathon. 'Ano bang nangyari sa isang 'to?' Out of guilt, Elora walked towards him and attempted to check his injuries when he glared at her. Napahakbang siya papaatras.
"I'm fine."
"You're not." Ani Elora habang binubuksan ang medicine cabinet sa tabi ng front door. Her father intended to place it there for an easier access.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Archer.
"I'm a vampire. I don't need help from a human."
"Tsk. Bakit, masakit ba sa pride mo?"
Naramdaman niya ang masamang titig ng binata mula sa kanyang likuran. "I said I'm fucking fine. I have self-healing abilities. Hindi mo naiintindihan."
Nang mahawakan na ni Elora ang malaking bote ng alcohol at bulak, agad siyang lumingon at sinalubong ang matalim na tingin ng bampirang nakaupo sa sala niya. Ramdam niya ang tensyong namumuo sa pagitan nila ni Archer. How could he say he was fine when his arm is still bleeding?
"Hindi naiintindihan? I'm sorry, but that wound doesn't look like it would heal by itself! Kapag naubusan ka ng dugo, bahala ka diyan!" Wala na. Nawawalan na talaga siya ng pasensya.
Archer crossed his arms over his chest and smirked. "I can't die. I'm an immortal. Got it?"
"Tangina, wala naman akong sinabi na mamamatay ka! Tsk. 'Wag kang advance mag-isip at baka mabato kita ng bote ng alcohol!"
Kumunot ang noo ni Archer. Nawala na ang kanyang ngiti.
"Advance mag..ano? Ang kumplikado niyong mga tao."
Napasinghap si Elora. "AT KAMI PA NGAYON ANG KOMPLIKADO?!"
"Yes."
Huminga nang malalik ang dalaga. Hindi na talaga niya mawari ang ugali ng bampirang ito. She never imagined vampires could be this arrogant---o sadyang "special case" lang si Archer? And now that she thinks about it, ang lalaking ito ang may kasalanan ng lahat. Dahil sa inis, binalingan niya ang bampirang kumakain na naman ng mansanas galing sa refrigerator nila at mabilis na nagsalita,
"It's your fault. Alam mo kung bakit? 'Di ba sabi mo kinakailangan mong linlangin si Elizabeth or any human just to register their name in your damn slavery department para hindi ka matanggal sa trabaho? Well, kung sana ginagawa mo pala ng maayos ang trabaho mo noon, baka hindi na tayo umabot sa ganito!"
"What are you implying?" Archer glared at her.
It made Elora uncomfortable pero nagpatuloy pa rin siya..
"Wala ka sigurong kwentang empleyado ng lintek na kompanya niyo! You're a fucking incompetent employee na kinalangan pa akong isama sa gulo para lang maisalba ang trabaho niya! Kung ginagawa mo na sana nang maayos ang trabaho mong mambiktima ng mga tao noon, you wouldn't have to make a last minute decision of lying to me and taking me to that damn exhibit! Sabagay, it was all just an accident, right? Tatanga-tanga ka nga lang at sa kabinet ko pa lumabas ang isang bampirang katulad mo!"
The entire house went silent after Elora's words. Nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay dahil sa inis. Alam niyang hindi niya dapat sinabi ang mga bagay na ito, but that's the problem with Elora Francisco---she doesn't know when to shut her mouth.
Pero ngayon, habang pinagmamasdan ng dalaga ang bampirang masama ang titig sa kanya, nakaramdam siya ng takot at pagkabahala. Archer's dark eyes---now turning red---never left hers when he stood up.
Sa isang kisapmata, nahulog ang mansanas sa sahig at namalayan na lang ni Elora ang marahas na paglapat ng kanyang likod sa pader. Her eyes widened in shock when Archer grasped her throat. His eyes are still menacing and intimidating. Elora felt a chill run up her spine.
"Don't fucking talk to me as if you can read my very soul, mortal. Wala kang alam. Baka nakakalimutan mong bampira ako? O baka naman gusto mong ipaalala ko pa sa'yo?" Even his voice sounded dark. Napapikit na lang ang dalaga. 'Before, I thought being pinned on the wall by a vampire is romantic, now I think it's just damn crazy!' Mahinang reklamo ng kanyang utak. She pushed that thought aside and tried to speak, "A-Archer, b-bitiwan mo 'ko.."
Pero mas humigpit ang hawak ni Archer sa kanya. Damn it! Papatayin na ba talaga siya nito? Akala ni Elora ay kailangan siya nito para maayos ang gulong nangyayari at mangyayari pa sa parehong mundo..
'Did he lie again when he told me he needed me? Bullcrap,' she bitterly thought.
Naramdaman ni Elora na papalapit na sa kanyang leeg si Archer. Her wild guess is, this topless vampire is going to sip her blood out of her body until death claims her---at hindi na romantic iyon! Not one bit.
Seconds passed. His cold presence radiated off his vampire flesh. At sa mga sandaling iyon, tinanggap na ni Elora ang kanyang kapalaran. Heto ang napapala niya sa pangangarap ng isang vampire love story. Wishes can go all wrong.
Pero ang inaasahan niyang sakit, ay hindi dumating.
"Damn it!"
Narinig niya ang boses ni Archer kung kaya iminulat na ni Elora ang kanyang mga mata. That's when she saw him holding his hand---that was on fire! Nanlaki ang mga mata ni Elora at natatarantang tumakbo ng kusina para kumuha ng tubig. In a flash, she returned to the living room and dumped the water on Archer's hand.
A hissing sound errupted from the contact.
The blue flames extinguished.
Nang tuluyan nang mawala ang apoy, napabuntong-hininga ang dalaga. Maging ang bampira ay tila naguguluhan pa rin sa nangyari.
"Saan nanggaling ang apoy na 'yun?" She asked.
"How should I know?! Ako na nga 'tong muntikan nang matusta!"
Napailing si Archer, malalim ang pag-iisip. Tinapunan niya ng tingin ang babae at pinasadahan ang kanyang kabuuan. That's when his red eyes rested on the ruby bracelet on her wrist. Tumalim ang tingin niya sa pulseras at napasimangot ito.
"Anti-vampire charm. Tsk!"
Anti-vampire charm? Napatingin sa bracelet si Elora. Maging siya ay naguguluhan. Ang pulseras na pagmamay-ari ng nanay ni Cam ay pantaboy ng bampira?
'Alam ba ito ni Cameron?'
Magsasalita na sana si Elora nang bigla silang natigilan nang umalingawngaw sa paligid ang isang mabagal na pagpalakpak. They spun around and saw a man leaning on the opposite wall. He was staring at them in amusement, his body covered in that irritating black suit. Kulay ginto ang buhok nito at nakamasid ang kanyang malalalim na mga mata. His lips twisted into a wicked smile.
"Nice show, lovers.. Now, can you kindly help save the two shitty worlds from total chaos? Kung busy pa kayo, pwede naman nating i-postpone."
'Sino ba ang lalaking ito?'
Binalingan niya ang bampirang nasa kanyang tabi. Naramdaman ni Elora ang pagka-inis sa hitsura ni Archer habang pinagmamasdan ang bagong dating. He clenched his fists and growled,
"Missed me too soon, Falcon? It was nice of you to pay me a visit."
Kindly note the overflowing sarcasm in Archer's voice.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top