QUINQUAGINTA UNUM
Malapit nang matapos ang paglalakbay ng grupo. At habang sinusundan namin sila, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Iba pala talaga kapag alam mo na ang mga mangyayari. Iba ang pakiramdam kapag nakikita mo mismo silang hinaharap ang iba't ibang pagsubok dito sa loob ng maze.
Binalot ng tensyon ang paligid at tumigil kami sa paglalakad ni Circe. Kasabay nito ay ang pagkabasag ng salamin.
Dito nila--namin--kakaharapin ang sari-sarili naming mga ilusyon.
"We should just wait for them." Ani Circe at naupo sa taas ng isang puno. Tumango na lang ako pero nakatitig pa rin ako sa malawak na kadiliman na nababalutan ng hamog. Hindi ko na alam kung anong mga nangyayari sa loob, pero naririnig ko ang boses ng iba sa kabilang bahagi ng hamog.
"The mist is a trap. Nabihag tayo ng mga ilusyon.. Mabuti na lang at nakakawala ka."
Boses iyon ni Circe. Naalala kong ito ang oras na nakalabas ako sa kamuntikan ko nang katapusan. That illusion of Jasmin almost struck me senseless. Muntik na akong nakulong sa ilusyon na iyon.
"Tsk. Siyempre naman! Ako pa ba?"
My own voice. Mayamaya pa, narinig ko namang nagsalita si Falcon,
"Quit boasting, bastard. The journey doesn't end here." Nakakamiss din pala ang boses ng gagong 'to.
Huminga ako nang malalim. Ang tagal naman. Hindi ba pwedeng i-fastforward?
"H-Have you see El? Hindi pa siya nakakalabas!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Cameron. Oo nga pala, hindi pa nakakalabas ng ilusyon si Elora. Humakbang ako palalapit, pilit ko siyang inaaninag sa kabila ng makapal na hamog. I know she managed to get out, pero gusto ko lang makasiguro.
"Wala na tayong magagawa para sa kanya, Archer. She needs to get out of her own illusion and face her fear alone. Ipagdasal na lang natin na kayanin niya."
"That's bullshit! Paano kung hindi siya makalabas?!" Sigaw ng dating ako. Sinundan ito ng nakabibinging katahimikan.
Ilang minuto kaming naghintay. Circe got down from the tree and frowned. "Hindi siya ganito katagal lumabas noon.. May mali dito, Archer."
"Walang mali dito, Circe. She's Elora. I'm quite confident that she'll get out in the next few seconds.."
I forced myself to be optimistic. Damn it! Kanina pa ako kinakabahan dito pero pinipilit ko lang alalahanin na nakalabas noon si Elora. She will not be trapped in whatever illusion she's having..
Pero nagdaan na yata ang sampung minuto, hindi ko pa rin naririnig ang boses niya.
Shit.
"Archer!"
Hindi na ako napigilan pa ni Circe. Wala akong pakialam kung ginugulo ko ang timeline na 'to. That's the least of my worries now. Tumakbo ako papunta sa hamog, at sinalubong ng walang hanggang kadiliman. Nawala na ang lupang tinatapakan ko. Nagpalinga-linga ako, nagbabaka-sakaling makita ko si Elora.
"Elora?!"
Walang sumagot. Naramdaman kong bumilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Ayokong isipin kung anong posibleng nangyayari sa kanya. Pilit kong kinalma ang sarili ko at naglakad-lakad. 'Tangina, nasaan na ba siya?!'
"G-Get away from me.."
Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya. "Elora?" I ran towards the direction of the voice. Hindi ko na maramdaman ang mga paa ko at pakiramdam ko kinakapos ako ng hangin sa lugar na ito.
Sa wakas, nakita ko na siya.
Elora stood rigidly, kitang-kita ko ang panginginig ng mga tuhod niya. Ramdam ko ang takot na namamayani sa kanya. I turned to what she was looking at and saw death itself. Papalapit ito sa dalaga at sa parang anumang oras, hihimatayin na ito.
Takot siyang..mamatay?
Lumapit si kamatayan sa kanya at bumulong sa isang makapanindig-balahibong boses..
"No one escapes death."
Natataranta siyang humakbang papalayo. Shit! What is she doing?! 'Elora! Labanan mo!'
"N-No.. No, p-please!"
Nabasag ang boses niya. At sa pagkakataong ito, alam ko nang hindi na niya makakayanan pang harapin ang kinatatakutan niya. Nang akmang itatarak na ni kamatayan ang kanyang patalim kay Elora, agad siyang napapikit. My body automatically moved towards her.
Nabigo akong iligtas siya sa hinaharap at wala akong planong biguin siya ngayon.
"ELORA!"
Niyakap ko siya at iniiwas sa atake ng ilusyon. Natumba kaming dalawa sa lupa at agad akong umalis para sipatin kung may natamo siyang mga sugat. Nakahinga lang ako ng maluwag nang nakita kong ayos naman siya. Elora opened her eyes and stared at me in disbelief..
"A-Archer?"
"Elora, this is just an illusion! Hindi totoo ang lahat ng ito!"
Kumunot ang noo niya. Para bang ayaw niyang maniwala sa sinasabi ko. Tsk! This girl is quite annoying sometimes. Napahinga na lang ako ng malalim at inunahan siyang magsalita, "Makinig ka sa'kin, huwag kang mabuhay sa nakaraan.. Believe me, it's suicide."
Alam ko ang pakiramdam niya ngayon. Na para bang wala ka nang kawala sa kung anumang masalimuot na pangyayari ang bumihag sa'yo sa nakaraan. Pero wala na kaming magagawa. The past happened for a reason.
Iyon lang at tila ba natauhan ang dalaga. Unti-unti, hinarap niya ang itim na usok na may kagagawan ng ilusyon. She faced death with a solid stare at nakita ko nang muli ang apoy sa kanyang mga mata.
"You are not real.."
After that, the fog vanished. Narinig ko ang boses nina Falcon sa kabilang bahagi ng kadiliman. I can even hear myself. At sa mga sandaling ito, alam kong hindi ko pinagsisisihan ang pakikialam ko sa bahaging ito ng nakaraan.
*
Naaalala ko noong nakalabas ng ligtas si Elora sa ilusyon, nabulag ako sa isiping ako ang may kasalanan ng lahat---which is partially true, of course. Nag-usap kami ni Circe noon sa ilog. I watched ourselves talking. I feel creepy watching yourself actually, pero heto kami ngayon at minamanmanan sila.
"This is all my fault. Muntikan nang hindi makalabas sa ilusyon si Elora nang dahil sa'kin.." Narinig kong sabi ni past Archer. Err.. Pangit pakinggan.
Circe--who was still in Elora's body--raised an eyebrow. "So you want to avoid her? Kaya kinakasabwat mo ako para itaboy ang mortal na 'yun?"
Tumango ako.
Sa gilid ko, narinig kong pinipigilan ni Circe na tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin. "Why are you laughing?!" Nagkibit siya ng balikat, "I never realized how stupid that plan was."
Sabagay, tama siya. I knew I couldn't avoid Elora. Sinubukan ko lang talaga. Nagsinungaling pa ako sa kanya na hindi ko alam na nagkapalit sila ng katawan. Tsk.
The past Circe's eyes darted towards a direction. "She's here. Sigurado ka ba sa plano mo?"
Tumango ang dating ako at sinimulan na namin ang pagpapanggap. Alam ko kasi noon na maririnig ni Elora ang usapan namin.
"Kaya mabuting na lang at hindi niya napapansin. That mortal is too ignorant." Elora's own voice echoed, manipulated by Lady Circe's soul.
Napailing naman ako, "She's naive. Elora's too much of a damn fangirl to trust a vampire she just met. Tsk."
"When do you plan to tell her that you're just playing with her?"
"Don't know, and I hardly even care."
Sa kabilang bahagi ng ilog, nakita kong nakikinig si Elora habang nagtatago sa likod ng isang puno. I saw pain in her eyes. Agad akong nag-iwas ng tingin.
"I regret even meeting her."
Sinubukan ko namang humingi ng tawad sa kanya matapos ang pangyayaring iyon. I even asked Lady Circe to play along. I sent Elora a coded apology but I guess she didn't even noticed it.
"I haven't really noticed until today how beautiful you are, honey,"
"Mmm.."
"Sana ganito na lang tayo palagi."
"Oh, at talagang nambola ka pa?"
"Really now?"
"Right after things get back to normal, let's have a date in the mortal world."
"You choose."
I-M-S-O-R-R-Y
Hindi ba niya napansin noon na ang unang titik ng mga pangungusap ng "paglalandian" namin ni Circe ay ang paghingi ko mismo ng tawad sa kanya? I even hummed just for the letter M! (Wala na kasi talaga akong maisip pero pakiramdam ko talaga hindi niya napansin) Ang slow talaga ng babaeng iyon kahit kailan. Sa tingin ba niya may bituka akong landiin talaga si Circe?
Hay.
*
Nalalapit na ang katapusan ng paglalakbay nila. At nang makita na namin ang cyclops sa di-kalayuan, alam kong magbabago na ang lahat. Noon ko lang napagtanto na noong una pa lang, may mali na sa mga mata ng cyclops. Para siyang nahipnotismo ng mga bampira. Kaya pala siya agresibo.
The fight started. Pigil naming pinanood ang mga pangyayari---ang paghagis sa katawan ni Cam, pag-aalala nila Elora, maging ang pagtatangka namin ni Falcon na sugatan ang halimaw. Circe and I watched in the shadows.
Doon namin napansin ang susing nahulog ng cyclops. Napasinghap si Circe. "Shit! 'Yan ang susi para sa gintong harang!"
Napadako ang mga mata ko doon. Nakakandado pa ito. We waited for the right time. Nang sa wakas ay makakuha kami ng tiyempo, agad naming pinulot ang susi at tumakbo papunta sa gate nang walang nakakapansin. Mabilis naming binuksan ito at tinapon ang susi kung saan. Akmamg aalis na sana kami nang marinig namin ang pag-alingawngaw ng boses ni Elora,
"CAMERON!"
This scene is all too familiar.
At naliwanagan na ako kung ano ang kailangan naming baguhin sa nakaraan na ito. Agad kong hinila si Circe at nagtago kami malapit sa kinaroroonan nina Falcon at ng mga Devonians.
"Archer, anong ginagawa natin dito?"
"Alam ko na kung paano natin mababago ang kinabukasan at maililigtas si Elora." I smiled.
Tahimik naming pinanood si Falcon na makipaglaban sa mga Devonian. Nahihirapan na ring maghilom ang mga sugat niya. Cam's lifeless body laid on the grass for a few minutes before he stood up casually and smirked.
"Shit.." Mahinang mura ni Falcon nang mapagtanto niyang wala na siyang takas.
Isang nakakalokong ngiti ang ipinakita ni Cameron bago inilabas ang kanyang katana. "You really think I can die that easily? You've underestimated me, Falcon."
Napapalibutan na ngayon si Falcon ng mga kalaban. Sinamaan niya ng tingin ang hudas na mortal. Tumawa lang ng pagak si Cameron at hiniwa ang braso ni Falcon. Napatakip ng bibig si Circe sa nakita.
"AAAAAHHH! YOU FUCKING DEVIL!"
Dumanak ang dugo ni Falcon at napaluhod siya sa damuhan. Nakita kong ikinatuwa ito ng mga kalaban. Cameron grinned wickedly at him and walked away. But not before saying, "See you in hell, bloodsucker." At iniwan na nito si Falcon sa kamay ng mga halimaw.
Ito na dapat ang katapusan niya.
Pero dahil napakabuti kong bampira, agad akong sumaklolo sa kanya bago pa man siya pira-pirasuhin ng mga kaaway. Nagulat sila nang bigla akong lumitaw mula sa kakahuyan at pinagbabali ang mga buto niya.
Nakangisi lang ako habang kinakalaban ang mga ito
Falcon's eyes widened. "A-Archer?! Anong ginagawa mo dito?! A-Akala ko kasama mo sina----"
Kumindat ako sa kanya at itinaas ang isang bangkay ng isang Devonian, "Well, I can't leave my bestfriend now, can I?"
Circe rushed to his side at agad na ipinainom ang dugo niya rito. Kailangan ni Falcon magpahilom ng mga sugat. He needs to live.
Hindi na ako nag-abalang kontrolin ang sarili ko. I ripped their hearts out and painted the trees with blood and bones. Their terrified screams only made me want more blood. More agony. Tsk. Ganito ko kamahal ang mga kalahi kong Devonians---I love them so much that I want their insides to burn in the deepest pits of hell.
Nakisali na rin sina Circe at Falcon. Natalo naming tatlo ang mga kaaway at ang cyclops naman ay parang damulag na na-trauma yata dahil sa dami ng mga bangkay na inihahagis-hagis namin sa ere.
Kung sakaling hindi namin tinulungan si Falcon, tiyak na katapusan na niya.
Speaking of, the blonde bastard smiled at me. "I don't want to say this to an asshole, but thanks."
Ngumisi ako. "Sino ngayon ang damsel in distress sa'tin?"
Natawa kaming dalawa. Si Circe naman, parang hindi mapakali.
"Archer, tapos na ang misyon natin.. We need to get back to the future!" At napansin kong naglalaho na ang kanyang mga kamay. She's turning into dust again.
Naguguluhang tinitigan kami ni Falcon. Agad naman akong lumapit sa kanya at may ibinulong muna bago ako tuluyan na ring naging alikabok.
Circe and I drifted through time and space, this time, with the hope of changing everything.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top