QUINQUAGINTA TRES

Dedicated to yangyan19

---

Gamit ang kanyang natitirang lakas, pinigilan ni Elora ang mga nagtatangkang umatake sa kanila. Gumuhit ang matatalas niyang mga kuko sa kanilang mga balat at nagkalat ang debris mula sa gumuguhong kastilyo. Even the ground beneath their feet isn't stable anymore.

"Watch out!"

Nagulat ang dalaga nang sumigaw si Circe. Agad siyang napalingon. 'Shit'. Just in time, the Vampire Committee member managed to throw a knife at the Devonian's forehead. Napabuntong-hininga si Elora at pinahid ang tumalsik na dugo sa kanyang pisngi. It's nice being a vampire hybrid.

"S-Salamat."

Lady Circe smirked at her. "No problem, mortal."

Nagpatuloy ang kaguluhans sa paligid, pero nang mamatay si Cameron, kapansin-pansin ang pag-atras ng ilang Devonians. 'Hindi naman nila kalahi si Cam..' Mapait na isip ni Elora. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap na ang taong pinagkatiwalaan niya ay ang naghamak rin sa kanila. That bastard manipulated them.

Now, he laid lifeless on the floor. A pool of blood in its wake.

'Rest in pieces, Cameron.'

Napatingin sa kabilang dako si Elora at nakitang tumatakbo na papalapit sa kanila si Archer, dala ang katana. Agad siyang napangiti.. Sa wakas, matatapos na ang lahat ng ito. Pero bago pa man niya matawag ang binata, Elora Francisco found herself stumbling in pain.

*

"ELORA!"

Nang makalapit na ako sa kanila, napansin ko agad ang pamimilipit niya sa sakit. Nag-aalala ko siyang dinaluhan. Ramdam kong nawawala na ang presensiya niya. 'No..' Her soul is having a hard time staying in her mortal body. Tuluyan na siyang nalalason ng Forbidden wine.

"A-Archer.."

Hinawakan niya kamay ko. Nanginginig na ang kanyang buong katawan at para bang nahihirapan na siyang huminga. Shit..shit! H-Hindi 'to 'pwede.. Binalingan ko si Circe na malungkot lang na nakamasid sa amin.

"Wala na bang ibang paraan?"

Marahan siyang umiling. Dumating na rin sina Falcon at Mr. Kane. My old boss smiled, "Nagawa nang CRIMSON na wasakin ang mga naiwang Scriptorium sa transport area.. We just need to destroy this tree and---anong nangyayari sa kanya?"

Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. Kahit sa dulo, naiinis pa rin ako sa boss kong 'to. How could this fucker be so fucking insensitive now that Elora's almost dying?! Tangina talaga.

Natigilan kami nang umubo ng dugo si Elora.. At hindi na maganda ang kulay nito.

"Elora?! Damn it! Hold on.. We'll get you home.."

Inalalayan ko siyang tumayo. Nang hindi na niya talaga kaya, binuhat ko na siya at naglakad patungo sa isang portal na malapit sa nalalantang puno. Falcon eyed me sadly. Hawak na niya sa isang kamay niya ang katana na magliligtas sa dalawang mundo.

"Nasabi mo na ba sa kanya?"

Hindi ako umimik. Napansin naman ito ni Elora. Her hazel brown eyes met mine, for the final time. Bakas ang takot at pag-aalala sa mga ito. "A-Archer, anong sinasabi niya? M-May mangyayari ba kapag ibinalik mo na ako?"

Shit.

How could I tell her?

Nakatitig na sa amin ang iba. Hinihintay ang sagot ko sa kanya. Huminga ako nang malalim at nag-iwas ng tingin.. The darkness is slowly consuming this world. Ilang oras na lang ang mayroon kami.

"Elora, listen.. I-It doesn't matter."

Naramdaman ko ang kaba niya. "It doesn't matter?!" Umubo ulit siya, at ngayon kitang-kita ko na ang pamumutla ng kanyang mga labi, "Archer, j-just tell me the truth.. Kasi kung hindi ka pa magsasalita diyan, baka tuluyan nang mahuli ang la---!"

"Hindi mo na ako maaalala."

Nanlaki ang mga mata niya. At para bang sa mga sandaling ito, tumahimik ang buong paligid.

"A-Ano?"

Matapang kong sinalubong ang kanyang mga mata sa huling pagkakataon. My arms tightened around her. Her warmth will always bring a new sensation to me.. A tingling feeling within. At kahit pa ilang siglo pa ang ilagi ko sa mundong ito, alam kong kailanman ay hindi na maibabalik sa dati ang buhay ko.. kasi nakilala ko siya.

Ngumiti ako sa kanya. I guess it's not too late to be her vampire prince charming for the last time.

"Once we destroy the tree, you'll be back to normal. Your memories will be erased. Hindi mo na kami maaalala pa.. Pero bago pa man magsara ang lagusan, sisiguraduhin ko munang nakauwi ka na----"

"A-Ayoko."

Napalunok ako. Mas mahirap pa pala ito kaysa sa inaakala ko.

"Elora, just pretend that---"

Tumulo na ang luha sa kanyang mga mata. And it was a painful sight to bear with.. "Pretend that what? That you don't exist? Isipin ko na lang bang napaginip lang ang lahat ng ito at magkukunwaring hindi kita nakilala?!"

"Oo."

Patuloy lang ang pagluha niya habang umiiling. Tanging mga hikbi na lang niya ang pumuno sa tahimik na paligid.

"Archer, ten seconds!" Narinig kong sigaw nina Mr. Kane sa likuran ko. Handa na nilang wasakin ang Tree of Knowledge.. Naramdaman kong mas lalong bumigat ang loob ko sa sinabi niya.

Elora struggled as I walked closer towards the portal.

"N-No! Archer, subukan mo lang---!"

"There are no accidents, Elora. Tulad ng sinabi mo noon, hindi lang basta nagkataon na nagkakilala tayong dalawa. Nagtagpo ang mga landas natin sa hindi inaasahang paraan..and I am thankful for that."

Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. Limang hakbang na lang at maitatapon ko na siya pabalik sa mundo niya. Mananatiling isang alaala na lang ang lahat.

"You will not remember me, nor what happened. Ipangako mo sa'kin na hindi ka mawawalan ng pag-asang mabuhay.. Maikli lang ang buhay niyong mga tao, at hindi mo ito dapat sayangin."

Apat na hakbang. Para bang tumitigil panandalian ang oras.

She smiled bitterly. Hindi na siya nagpupumiglas.  "Are you breaking up with me? Tangina, masakit pala talaga.."

Tatlong hakbang.

"I'm sorry for dragging you into this, Ms. Francisco. But then again, hindi ako nagsisising nangyari ang mga bagay sa nakaraan. Kung ko lang ulit-ulitin ang bawat sandaling nakasama kita, hindi ako magdadalawang-isip na gawin ito..ano pa man ang nakataya."

I saw love in her eyes. Marahan siyant yumakap sa akin. Her head is against my shoulder, and I can feel her trembling. Humihikbi na naman siya. Ramdam kong ang panghihina niya. Dahan-dahan akong napapapikit at hinalikan ang gilid ng kanyang noo. I need to stay strong for us, before it ends. Before she will be forced to move on someday and forget me.

Dalawang hakbang.

Iniangat ni Elora ang kanyang ulo at tumingin sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Hinanap niya ang mga mata ko at pinilit na ngumiti.. Hinaplos niya ang gilid ng aking mukha. Para bang ayoko na siyang ibalik. Parang ayoko na..kung pwede lang sana..

"You are not a typical vampire. You never swept me off my feet and made love to me.. You're a prideful bastard who loves to kill and doesn't give a damn if all the apples in my house are gone.."

"Elora,"

Lumapat ang mga labi niya sa akin. Isang malungkot na halik para sa isang malungkot na katapusan. I kissed her back eagerly, savoring these last moments. When she pulled back, Elora Francisco didn't mind wiping away the tears on her cheeks.

She just let them fall.

"Goodbye, Mr. Vampire. Hindi ako nagsisising nakilala kita, Archer.. If I knew that I'd almost die loving a bloodsucker, I'll gladly do it all over again."

Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahang isinara iyon..

"Thank you, Elora Francisco."

Hindi ko na marinig ang pintig ng kanyang puso. Wala akong nagawa kundi ang isugal ang huling hakbang at panoorin siyang lamunin ng liwanag ng lagusan..

Kasabay nito ay ang pagtumba ng naputol na puno sa di kalayuan. Agad na huminto ang pagyanig ng lupa at para bang bumalik muli ang liwanag ng mundo. But everyone remained silent, as I raised my head up and painfully smiled. Maging sina Falcon at Circe ay walang nagawa. I felt like an empty shell.

Naglaho na sa hangin ang lagusan.

Wala na siya.

Goodbye, Ms. Francisco.. Thank you for trusting CRIMSON services..

"You are already home, just like I promised."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top