QUINQUAGINTA DUO

"We need the katana! Wala na tayong ibang magagamit para wasakin ito.."

Napamulat ako ng mga mata. Teka, boses ba ni Elora iyon? Dali-dali kong nilingon ang nagsalita at halos mapamura nang mapagtantong si Elora nga. 'What the fuck?' Naalala kong bigla na nagbalik kami sa nakaraan.. I momentarily glanced at Circe and saw her with a serious expression. Mukhang alam rin niya ito.

We're back, but not exactly. Ito ang mga sandali bago namatay si Elora at tuluyang winasak ng Tree of Knowledge ang mundo.

Tapos na naming baguhin ang mga pangyayari sa nakaraan. Kailangan na lang naming hintayin kung sapat na ba ang mga nagawa namin para mapabago ang hinaharap. It's like the timeline suddenly restarted to this specific event. Sana lang hindi masayang ang mga ginawa namin.

"Looking for this?"

Hindi na ako nagulat nang biglang lumitaw si Cameron mula sa madilim na pasilyo. Itinaas niya ang kanyang espada at matalim na tumitig sa amin. Tsk. Wala akong inaksayang oras at sinugod siya

This time, I will not let her die.

"ARCHER!" Nagulat sina Elora sa ginawa ko, but my body moved on instinct.

Nagawa kong daplisan ang mukha ni Cameron. Malutong siyang napamura matapos kong kamuntikan nang hiwaain ang kaliwang mata niya. He stumbled back and glared at me. Tumulo ang dugo mula sa kanyang malalim na sugat sa mukha. That would surely leave an ugly scar---if he lives, that is. Pero sisiguraduhin kong hindi mangyayari iyon.

Napuno ng tensyon ang paligid kasabay ng mahihinang pagyanig ng sahig dahil sa puno. Para bang lalong ibinabaon nito ang kanyang malalaking mga ugat sa lupa para wasakin ang mundo. Nagkakabitak-bitak na rin ang mga pader.

"It's over, Cameron. Ibigay mo na sa amin 'yan bago ka pa man malason ng sagradong alak.."

Natawa ito nang pagak, "You really think I'd give up that easily, Archer?" Sinamaan niya kami ng tingin, isang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

He then grabbed a gun from his pocket. Amoy ko ang nakakasukang bawang mula rito. Bullets made out of garlic residue, an untimely death for any vampire.

Humakbang pa ito papalapit sa amin at itinutok sa akin ang baril.

"It's time to say your goodbyes, Acheron."

Nanlaki ang mga mata ko. Naaalala ko ang pangyayaring ito. Mabilis kong binalingan si Elora na walang kamalay-malay na ang balang ito ay ang magiging sanhi ng kanyang pagkamatay.

My heart pounded wildly with terror. Shit! Tumakbo na ako papunta sa kanya---

BANG!

Tila ba bumagal ang takbo ng oras. Gamit ang abilidad ng mga mata ko, sinundan ko ng tingin ang bala na mabilis na pumunit sa hangin--patungo kay Elora. Napalunok ako sa kaba habang pilit ko itong inuunahan. Nanlaki ang mga mata ni Elora. Shit..shit..shi----!

Natigil ang lahat.

Cling!

Umalingawngaw ang tunog ng bala na ngayon ay nasa sahig na. Para bang may tinamaan ito. Something deflected the bullet and I think I already know what it is. Napalingon ako sa kinaroroonan ni Elora, na ngayon ay pinoprotektahan ng barrier na gawa ng isang bampirang hindi ko aakalain na matutuwa akong makita.

"Falcon."

Ngumisi ito sa'min. "Like what you said.. One hand can still create a force field, eh?" I saw Elora and Circe let out a sigh of relief behind him. Tangina, pati ako nanlata. That was a close call.

"F-Falcon..? H-Hindi! I already killed you!"

Napatingin kaming lahat sa hudas ng kwentong ito. Para siyang nakakita ng multo at agad siyang namutla ng humakbang papalapit sa kanya ng bampira. I'm pretty sure this blonde bastard wants his revenge. Matatalim ang kanyang mga pulang mata, at naging mala-demonyo ang ngiti niya kay Cameron.

"Correction: you fucking left me to die.. Let's just say," napalingon si Falcon sa amin ni Circe, isang makahulugang tingin bago niya binalingan ulit si Cam, "you made a careless mistake in the past."

Umirap ako at lumapit sa kanila. Nakakabagot silang panoorin.

"What's with the shitty dramatics? Let's just kill him."

Kating-kita na talaga akong pugutan ng ulo si Cameron para matapos na ang lahat. Pero mukhang hindi pa rin siya papatalo. Biglang lumitaw ang mga Devonian mula sa magkabilang pasilyo. Cameron laughed insanely.

"HAHAHAHAHA! I WON'T LET YOU RUIN MY PLANS!"

Yup. Nababaliw na talaga siya.

Pero ang ikinabigla namin ay nang hindi lang Devonians ang lumitaw sa mga pasilyo, maging ang mga taga-Coven.. At ang dami nila. Even the committee members held weapons and blazing arrows. Napapalibutan na nila ang buong silid.

Well, just about time. Tsk.

Isang takot at sugatang Devonian ang biglang lumapit kay Cameron.

"P-Panginoon, hindi makakawala ang iba naming kalahi.. S-Someone re-locked the prison!"

Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong nakatayo sa isang gilid ang maze keeper. Isang pilyong ngiti habang pinalalaruan ang susi sa kanyang kamay. He did it.

"AAAH!"

Nagulat kami nang biglang gilitan ng leeg ni Cameron ang bampira. Bumagsak ang bangkay nito sa lupa, at bago pa man maghilom ang malalim na sugat, bigla niyang itinarak ang kanyang katana sa dibdib nito. Dumanak ang dugo at tumalsik pa ito sa mukha ni Cameron.

The ground began cracking again..

Kailangan namin ang katana na 'yun.

At tila ba iyon na ang hudyat ng huling digmaan. This will be our last chance to save everyone. Gamit ang pambihira naming bilis, I managed to get behind Cameron and kicked him---enough to break several ribs. Pero bago pa man siya tumama sa pader, nabigla ako nang tumalon siya sa ere at nagpakawala ng mga patalim sa direksyon namin.

Falcon easily made a barrier, pero sa dami ng mga patalim, nahihirapan na siyanf kontrolin ito.

"Can't you make a stronger shield?!"

He glared at me, "Can't you see I only have ONE fucking arm?!"

"Gago! Marunong ako magbilang!"

"FUTUE TE IPSI!"

(Please note that that's the Latin for "fuck you")

Hindi na ako nakipag-away sa kanya at mabilis na sumugod kay Cam. Inilagan ko ang mga nagliliyab na palaso na bigla na lang sumulpot sa aking gilid. Tsk! Dear Coven, can't you try to kill the enemies without attempting to burn me alive?!

Kaya ayoko sa kanila eh.

Anyway,

"GAH!"

Nagawa kong hawakan ang dulo ng katana ni Cameron, nang subukan niya itong isaksak sa puso ko. My hand blocked the blade's attack, causing it to bleed. Napangiwi ako sa sakit na dulot nito.

At noon ko napansin na gumuguho na ang buong gusali. Sa di-kalayuan, nakikita kong may bumubukang mga portal na nagdudugtong sa iba't ibang dimensyon. Nagkakaroon na ng abnormalidad sa mundo.. This is not a good sign.

Cameron noticed this and smirked wickedly, "Ano ang pipiliin mo, Acheron?"

Natahimik ako.

"If you succeed in killing me and using the katana to destroy the Tree of Knowledge, paniguradong magsasara na ang mga portal patungo sa dimensyon ng mga tao nang permanente.."

"Stop---!"

"By then, the Forbidden wine in Elora's blood will be gone. May dalawa ka lang na pagpipilian kapag nangyari iyon.."

Patuloy na tumulo ang dugo ko sa sahig. Nakabaon na pala ang patalim sa palad ko, pero hindi ko ito nararamdaman. Hindi ngayon.

My eyes found Elora's.

Kung hindi ko naman ito gagawin, lahat kami mamamatay. Matapang kong sinalubong ang mga mata ng binansagang vampire hunter ng Imperial Yard. Before, I thought all of them valued honor and integrity. Pero heto ang isa at nagiging kahihiyan sa kanyang mga kalahi. He's the odd one out.. At kahit anong lahi, mayroon at mayroong isang maiiba. Susuway. Maglilihis ng landas.

I can either be Archer, the pretentious vampire that was never loved.. or Acheron, a part of the Devonian bloodline.

Itinarak ni Cameron ang patalim sa dibdib ko. It piercrd my skin, but I barely felt it. Namanhid na yata talaga ako. Somehow, Cameron and I are the same.

"Any last words, bloodsucker?"

Natawa ako. Isang malalim at pagak na tawa. I met his eyes and gripped the blade tighter, spilling more blood on the cracking floor.

"My name's Archer."

At mabilis kong sinipa ang kamay ni Cameron na naging dahilan ng pagbitiw niya sa sandata. In a split second, I managed to turn the blade around and pierced it into his chest. Nanlaki ang mga mata ni Cameron sa ginawa ko at lumuwa ang dugo mula sa kanyang bibig. Nakatitig lang siya sa akin..para bang nagtatanong. Nagtataka.

Iyon lang at natumba na ang kanyang katawan.

Cameron's dead.

We finally have the katana. Buhay sina Falcon at Elora. Nabago namin ang nakaraan..

Pero hindi pa ito tapos..

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top