QUINDECIM
Nang mamatay si tandang Calis, napakaraming bampira ang nagtangkang pumalit at angkinin ang naiwan niyang pwesto sa Vampire Committee. Being a part of the pretigious committee is a symbol of pride and power, kung kaya't hindi na kataka-katang maraming nagpapatayan para maging kabahagi nito. Pero nagulat ang lahat nang pinili ng committee ang anak ng yumaong bampira, si Circe. Maging ang buong Acropolis, nagtaka sa naging desisyon ng mga nakatatandang bampira.
No one knew anything about Circe, aside from the fact that she was obviously too young to be promoted to a higher rank. Tahimik lang siya at malihin. No one bothered talking to the mysterious member of the Vampire Committee..
Pero heto siya ngayon, nakatayo sa aking harapan.
"W-What are you doing here?" Nagulat pa ako at mayroon pa pala akong boses. I honestly thought that my voice faded away with my hopes of escaping this damn place.
Nakita ko ang bahagya niyang pagngiti sa akin. Ibinaba niya ang suot niyang hood at naupo sa sahig para magkatapat ang mga mukha namin. Her red lips are still curved into the sweetest smile I've ever seen.
"Ramdam kong nagsasabi ka ng totoo, Archer. In this case, if we don't act now, the whole vampire race will perish and even the mortal realm.."
Napaawang ang bibig ko sa mga salitang sinabi niya. Naniniwala siya sa akin? Well, that's a relief. Akala ko talaga itinatakwil na ako ng lahat ng mga kalahi ko. Napatitig ako sa kanyang maamong mukha. 'But should I trust her?' Iyan ang tanong na gumugulo ngayon sa isipan ko. Paano ko naman masisigurong hindi ito isang patibong ng committee para mas bigatan pa ang parusang ipapataw sa'kin? The last time I checked, that old Taddeo would even move mountains just to see my head cut off in an execution. Tsk.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng dalagang nasa harapan ko. "I know you don't trust me, but we're really running out of time here.. Kailangan na nating kumilos para iligtas ang iba pa nating mga kalahi."
Naningkit ang mga mata ko sa kanya.
"Why the fuck are you doing this?"
Circe timidly smiled and touched my cheek. Naramdam ko ang lamig na nanggagaling sa kanyang mga daliri, and somehow, I find it comfortable. I stared into those luscious deep crimson eyes. Tangina, bakit ba kasi ang ganda niya?
Bullshit, Archer. Control your damn vampire hormones! Tsk.
"The same reason why you told the committee this information.. I want to help save us. At hindi porke't kasama ako sa committee, means that I have to depend my decisions on those old vampires' words." Sje giggled and pulled her hand away. Hindi ko alam kung mababahala ako o madi-disappoint sa ginawa niya.
Well, it's worth the shot. It's not like I have any other option at hand. At kailangan ko na ring tumakas dito.
"Let's get you out of here.."
"Sige."
But instead of breaking me free from these chains, Circe held my bare shoulders.
"But first thing's first, Archer.. Kailangan nating pagalingin ang mga sugat mo."
Nakita ko ang pagkagat niya sa kanyang kanang pulsuan at ang pagdaloy ng sariwang dugo rito. The black blood oozed out of her porcelain skin as she sipped every drop of it. Nang matapos niyang sipsipin ang kanyang sariling dugo, mabilis niyang hinawakan ang gilid ng aking mukha at inilapat ang kanyang bibig sa akin.
Between our kiss, she opened my mouth. I tasted her rich blood flow into my system.
It was addicting.
Nang maghiwalay na ang aming mga labi, I licked the blood off my lips and grinned at her. "Nice idea, love."
Ilang sandali pa, naramdaman ko ang mabilis na paghilom ng mga sugat ko. The cuts and deep wounds sealed and my body rapidly replenished with the delicious taste of her blood. Mabilis na bumalik ang lakas ko at tila ba hindi ko kamuntikang hinarap ang kamatayan kanina. My broken bones realigned and my eyes fell into focus.
Bakit ba hindi ko naalala ang bagay na iyon?
An instant healing drug: vampire blood.
Agad akong tinulungan ni Circe na makakawala sa mga kadena at mabilis niya akong iginiya patayo.
"We have two minutes before the Coven guards return."
Napangisi ako habang sinusundan siya. Marahan kong isinara ang pintuan ng kulungan at kinuha ang sulo na nakasabit sa pader. The artificial flames brushed my skin and gave a cold tingling feeling. "Sobra pa ang dalawang minuto. How'd you manage to get here anyway?"
Habang binabagtas namin ang madilim na pasilyo papalabas ng mga kulungan, nakita ko ang tensyon sa mga balikat ni Circe. Her back was facing me so I couldn't actually see her reaction. She was walking ahead silently, her soft voice reverberating throughout the empty chambers.
"An old friend helped me.. No more questions."
An old friend, huh?
Hindi ko na lang inalam kung sino iyon. Mabilis naming inakyat ang isang hagdan na nagdala sa amin sa upper levels ng dungeon. Mula sa maliliit na bintanang gawa rin sa bato, nakita ko ang mangilan-ngilang preso na pawang buto't balat na. If I'm not mistaken, these are the vampires that was charged with heavy crimes. Napailing na lang ako nang makita ang kapal ng mga kadenang nakagapos sa kanila maging ang sandamakmak na lock sa pintuan ng kanilang mga silid.
I have no intention of knowing how they got there.
Nagpatuloy lang kami sa pag-akyat sa hagdanan. Tanging ang apoy ng hawak kong sulo ang nakapagbibigaw-liwanag sa gitna ng kadiliman. Our vampire senses is temporarily disrupted in this place. Paniguradong may ginawa silang ritual para mapanatili ang magulong bugso ng lugar na 'to. It sickens me. Mga pasikat talaga ang Coven. Tsk.
Kamuntikan ko nang mabunggo si Circe nang bigla siyang huminto sa paglalakad.
"Hey, what's the matter?"
"Shh!" Agad niya akong sinamaan ng tingin. Tumahimik na lang ako at pilit pinakiramdaman ang paligid. Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng yabag ng mga paa papalapit sa amin.
Shit.
"Magtago ka!"
In a matter of seconds, Circe grabbed my torch and I immediately jumped towards the dark ceiling. Kumapit ako sa batong kisame at pinagmasdan ang nangyayari sa ibaba. Two Coven vampires bowed their heads when they saw Circe. Gulat man ang kanilang mga reaksyon, hindi nila ito ipinahalata. Sa pakiwari ko, bihira lang mapadpad ang mga miyembro ng Vampire Committee sa mga nakatagong kulungan ng Coven.
"Good evening, Lady Circe."
"Can we be of assistance to you?"
Pero imbes na sagutin sila nang maayos, itinaboy lang sila ng dalaga. Her eyes emotionless and fierce at the same time. Siya lang yata ang nakagagawa nun. "No. I'll be on my way. Siguraduhin niyong sa susunod na inspection ko dito, there'll be artificial lamps on the wall."
Yumukod ang dalawang bampira. "Yes, Lady Circe."
Mayamaya pa, umalis na rin sila. Nanatiling nakatayo si Circe sa kanyang pwesto.
"You can come down now."
Mabilis at walang-ingay akong lumagapak sa tabi niya. Wala kaming inaksayang oras at mabilis naming tinahak ang daan papalabas. Delikado na at baka may masalubong pa kaming Coven vampire. Nang makalabas kami sa madilim na bahagi ng headquarters, dumaan kami sa pasikot-sikot na mga pasilyo. Hindi ko na pinansin ang magardong mga larawan na nakapaskil sa mga dingding. Even the medieval style of interior frustrated me to no end. Tsk.
Sa wakas, nakita ko na rin ang lagusan papalabas.
"Kailangan mo nang umalis, Archer! There are guards roaming around the perimeter. I'll try to distract them." Circe sternly eyed me. Naguluhan ako sa sinabi niya. "Teka, hindi ka na sasama sa'ki----!?"
"Magpunta ka sa gitna ng Acropolis and look for the giant Heronia tree. May sikretong lagusan doon ang maaari mong gamitin para makapunta ka sa mundo ng mga tao.."
Nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita habang lumilinga sa paligid. I think I can hear voices talking at a distance. Mahina akong napamura.
"Circe, are you---?!"
"JUST GO!"
Marahan na niya akong itinulak papalayo nang maramdaman namin ang presensiya ng mga bampirang tumatakbo papalapit sa amin. Damn it!
Pero bago pa man ako makaalis, nagtama ang mga mata namin ni Circe. She softly smiled at me and tucked a piece of folded paper inside my pant's pocket.
"You'll know where to find me, Archer. We will meet again."
Tumango ako at hindi na nakipagtalo. Mabilis akong lumabas ng Coven headquarters at inakyat ang mataas na bakuran. Nang makita ako ng mga bantay, agad silang kumuha ng mga kagamitin.
"NAKATAKAS SIYA!"
"STOP RIGHT THERE!"
Ilang sandali pa, umuulan na ng mga nagbabagang pana. I mentally cursed and sped up. Nadaplisan pa ang braso ko. Shit. Kailangan kong makarating sa puno ng Heronia bago pa man nila ako mahuli. Mabilis kong binaybay ang mga kabahayan sa Acropolis. Natulala at natakot ang ibang mga bampira nang makita ako. Marahas kong itinulak ang mangilan-ngilang nagtakang harangan ang dadaanan ko. I need to get to the mortal realm! Ngayong isang kriminal ang tingin sa akin ng committee, hindi malayong pati si Elora ay idamay nila----and of course, I need to hide until we catch the bastard who stole half of the Forbidden wine before us.
Hindi ako pwedeng mamatay. Not on my watch.
"TIGIL!"
"HULIIN ANG TRAYDOR NA 'YAN!"
Tsk. Rinig ko pa rin ang kanilang mga boses sa di-kalayuan. Nang makita ko ang mga nakaharang na bampira sa unahan ko, I jumped high and landed on an apartment's roof. I run across the rooftops at full speed. I felt the wind brushing my skin and the smell of trouble in the air.
Nang matanaw ko ang puno ng Heronia, dali-dali akong tumalon pababa sa isang madilim na eskinita at marahang nagtungo roon. Kailangan kong maging maingat dahil baka matuklasan nila ang lihim na lagusan papunta sa mundo ng mga tao. Both the Vampire Committee and the Coven cannot make portals to other dimensions. Saklaw lang ng CRIMSON ang bagay na iyon. It's against the vampire protocol.
Pero syempre, kung maglalabas ng warrant of arrest ang committee, hindi malayong hayaan ng CRIMSON na maglabas-masok ang Coven sa mundo ng mga tao para lang mahuli ako.
When I saw the coast is clear, I hurriedly went towards the ancient tree.
"Finally."
The giant Heronia tree's leaves swayed in the wind. Malaki at mayabong ang punong ito na kung hindi ako nagkakamali, kasamang umusbong ng kabihasnang bampira. It's dark bark gave off an eerie feel and the pink flowers are a contrast to the red and black surroundings. Huminga ako nang malalim at lumapit dito.
How the heck am I suppose to pass through?
"Close your eyes and imagine the mortal world."
Napapitlag ako sa boses na biglang nagsalita. Nang lingunin ko ito, napatiim-bagang ako nang makita ang bampirang kinasusuklaman ko. Nakangisi pa ito at nakapamulsa. I frowned. "Are you gonna tell the Coven about this?"
Nawala ang ngiti sa mukha ni Falcon. Napabuntong-hininga siya. "Kung iyon ang pakay ko, malamang kanina ka pa nila nahuli."
"I doubt that."
"I'm not the enemy here, Archer."
Pagak akong natawa. Is he fucking kidding me? Kung hindi ako nagkakamali, mas gugustuhin niyang makita akong nagdurusa sa kamay ng Coven kaysa ang kausapin ako nang ganito. Ilang sandali pa, napatingin sa kanyang kaliwa si Falcon. Malamang naramdaman din niya ang presensiya ng mga bampirang paparating. Mabilis siyang bumaling sa akin.
"Umalis ka na."
Mapagkakatiwalaan ko ba 'tong hudas na 'to? Bahala na nga. I glared at him one last time.
"Fine. But if you tell the committee about this, I'll fucking travel through dimensions just to rip your eyes out."
He smirked. "Noted."
Tumango na lang ako at ginawa ang sinabi niya. Mahirap para sa akin ang isipin ang mortal na mundo. Unang taon ko pa lang ng trabaho at wala pa akong halos nararating bukod sa mga bahay ng mga biktima ko. But the moment I close my eyes, my mind automatically flashed images of a certain girl with honey brown eyes.
And I felt myself being sucked into another dimension.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top