QUATTOURDECIM
"Arrest him."
Natigilan ako sa mga salitang lumabas sa bibig ng matandang bampira. In an instant, the Coven attacked me. Napasimangot ako at napatingin sa suot kong black coat. Tangina, may mas isisira pa ba 'to? I mentally cursed and took it off, leaving me in my white long sleeves. Not as dashing as a battle armor, but it would do.
Agad kong sinalag ang mga atake ng Coven. Their swords clashed with my sharp nails. Agad kong binalibag ang isang bampira ngunit agad itong nakabawi. Umilag ako nang ibinato niya sa akin ang matalim niyang espada. I leaped up in the air and barely missed the blade that embedded into the stone flooring.
"Damn it.."
Tumungtong ako sa hawakan ng espadang nakabaon sa lupa at sinuri ang Coven. I'm outnumbered, but I won't give up without a fucking fight.
Sunud-sunod akong inatake ng mga kasapi ng Coven. Nakalabas na rin kanilang mga pangil at pawang nanlilisik ang mga mata. I jumped off the hilt of the sword and kicked a vampire on the face. Sinikmuraan ko ang isang akmang ibabaon na sa ulo ko ang hawak na palaso at umilag sa atake ng isa pang lumapit.
Pero hindi ako agad nakabawi nang may sumulpot sa likuran ko at ibinaon ang kanyang matatalas na mga kuko sa aking likod.
"Shit!"
Agad kong sinugod ang lapastangang bampira at inihampas sa pader ang kanyang ulo. Repeatedly. Hindi ako tumigil hanggang sa makita kong nawalan na siya ng malay. Wala akong pakialam sa laki ng sira sa pader. Bahala na sila.
No matter how much I hate these committee lap dogs, I have to admit they're quick. Bihasa rin sila sa pakikipaglaban.
"You're struggle is useless, Archer! Hindi mo matatalo ang Coven!"
Narinig kong hiyaw ng bwisit na si Taddeo. His red eyes glimmered in amusement. Bullshit.. Mas malala pa talaga siya kaysa kay Raoul! Sinamaan ko siya ng tingin. Kung nakamamatay lang sana ang pagtitig, malamang nagbabang-luksa na tayo para kay Taddeo.
Hindi ko ininda ang sakit ng sugat ko sa likod. Masyadong malalim ang pinsala nito. Mabuti na lang at hindi napuruhan ang spinal cord ko. Tsk.
Matapang kong sinalubong ang mga bampirang papalapit sa akin. Their pitch black cloaks were billowing in the air. Halos hindi mo na makita ang kanilang mga kilos sa bilis nila. Agad kong hinanda ang sarili ko nang makaramdam ako ng biglaang panghihina.
Not again..
Pinilit kong depensahan ang aking sarili laban sa kanilang mga sandata. The Coven is more aggressive now. Mukhang seryoso na sila sa paghuli sa akin at inaamin kong nahihirapan na akong makipagsabayan sa kanilang bilis. Dumating na nga sa puntong nakabaliktad na kami at sa may kisame na kami naglalaban.
I helplessly broke on vampire's arm. Agad siyang nawalan ng konsentrasyon at nahulog mula sa kisame. Napatingala ako sa lakas ng pagkakalagapak niya sa sahig. From upside-down, I can see the displeased looks on the Vampire Committee's faces.
"Sumuko ka na, Archer!"
I glared at the Coven's leader. Kanina pa 'tong gago na 'to eh. Mabilis niya akong sinugod na agad ko rin namang sinalubong. I managed to hurl his sword away and it landed below near Taddeo's table. Mula sa ibaba, narinig ko ang malutong na pagmumura ng matandang 'yun. Sayang, hindi natamaan ang ulo niya.
Mayamaya pa, naramdaman ko na ang pagod at tila na kinakapos na ako ng hininga. I leaped upside-down and landed on the damaged floor. May mangilan-ngilang bampira ang nakahiga pa rin sa lupa--walang malay. It took me a lot of self-control to not kill them, really.
But the crazy thing is, more Coven vampires are emerging from the mahogany doors. Napasimangot ako. Kailan ba 'to matatapos?!
One of them started running towards me at full speed with whip. Inihanda ko na ang sarili ko sa paparating. Nakatuon ang atensyon ko sa kanya. My legs started to wobble. Nanghihina na naman ako. Darn it. Ano nang gagawin ko ngayon?
But before the vampire could even strike me with his weapon, may naramdaman akong kakaibang sakit sa aking binti.
"SHIT!"
Napalingon ako sa aking likuran at agad kong nakita ang nakangising mukha ng kanilang lider. May tinusok siyang syringe na may kung anong likido. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang mamanhid ang buong katawan ko. Soon enough, I lost control over my own body and fell to the floor.
Unti-unti ring pumikit ang talukap ng mga mata ko. Nanlabo na rin ang paningin ko. The Coven's footsteps running towards me filled my ears. But as my eyelids finally closed, I saw the disappointed and angered looks on the Vampire Committee members. Nakatitig lang ako sa kanila, isa-isa.
Hanggang sa magtama ang mga mata namin ni Circe, na bakas ang pag-aalala sa kanyang maamong mukha.
Then, everything went black.
*
Nasa gitna ako ng kawalan. Isang walang-hanggang kadiliman ang bumabalot sa paligid. A chill ran up my spine at the thought of being alone.
Am I?
Napalinga-linga ako. Ang huli kong natatandaan ay nawalan ako ng malay matapos akong turukan nang kung ano ng Coven. Paniguradong wala pa ako sa kamalayan. I heaved a deep breath and stared at nothing. Ano pa nga bang aasahan ko? Vampires don't have dreams.
Kung kaya't pinilit ko na lang ang sarili kong magising.
Nang maimulat ko na ang mga mata ko, ang unang sumalubong sa akin ay ang amoy ng pinaghalong kalawang at lumot. My eyes scanned the room I was in, only to find chains on the wall, a torch beyond the bars, and a skeleton lying beside me. Napasimangot na lang ako.
"I'm in a dungeon. Nice."
Kindly note the damn sarcasm.
Ako lang mag-isa dito at halos wala ring naidudulot na liwanag ang artificial torch na nakakabit sa kabilang bahagi ng mga rehas. I twisted my arms and saw that I was chained to the stone wall. Pati mga paa ko, nakakadena. Tsk. Sarap nilang kasuhan ng Vampire abuse!
Napabuntong-hininga ako.
How will you get out of this one, Archer?
"Sana pala hindi na lang ako nagpunta dito. Tsk. Those damn old hags didn't even considered what I said!" Lalo pa tuloy na dagdagan ang pagkamuhi ko sa Vampire Committee. Ako na nga itong nagmamabuting-loob para maisalba ang lahi namin, ako pa 'tong masama?
And they didn't even returned my favorite coat when they threw me here in the dungeon!
Lumipas ang ilang oras nang pag-iisip ko ng paraan para makatakas pero wala pa rin akong ideya kung paano ako makakawala sa mga kadenang ito. These aren't ordinary chains. Ramdam kong nakadisenyo talaga ang mga ito para hindi makakawala ang mga bampira. I expect nothing less of those cunning vampires from the Coven---kahit na pasikat at mayayabang sila. And now that I think about it, I must be in one of their many dungeons, located in their headquarters.
Tsk.
"Already awake, huh?"
Hindi ko na tiningnan ang mga lalaking pumasok sa selda ko. I already sensed their presence a few seconds ago, but I think it's honestly useless to know they're here to probably torture me when I can't even think of a brilliant idea to escape. Bukod pa roon, nanghihina pa rin ako dahil sa gutom. Hindi sapat ang tupang pinagdiskitahan ko kanina. Animal blood isn't really sufficient for a vampire's hunger.
I felt myself being forced to face these bastards. Nakita ko ang nakakairitang mukha ng mga kasapi sa Coven. Their raven tattoo still visible.
"Torture time, you fucking traitor."
Napansin ko ang latigong hawak ng isa sa kanila. Kita kong gawa ito sa wildrose. Permanente ang magagawa nitong sugat sa aking balat lalo't kung hindi ito maaagapan agad. What a shame.
"Sana kasi, hindi mo na lang kinalaban ang Coven.." Singhal ng bampirang nasa harapan ko. Siya yata yung binalibag ko sa pader kanina.
I emotionlessly stared at him and spat on his leather boots. Nanlisik ang mga mata niya sa ginawa ko.
Napangisi ako. "Nah. I love seeing you bastards in pain. Makes me wanna burn your damn headquarters." Magiliw kong sabi na mas lalong nakapagpasiklab ng galit niya.
Sa isang iglap, tanging maririnig mo na lang ay ang paghampas ng latigo sa katawan ko. I bit my lip in agony and tried not to make a sound. I won't give them the satisfaction of hearing me beg for mercy. Ako yata si Archer, ang self-proclaimed troublemaker ng vampire realm! Tsk.
But yeah, it fucking hurts.
Nanunuot sa balat ang hapdi ng hawak hampas ng latigo sa balat ko. Minsan, hindi lang sa likod nila ako pinapatamaan, pati na rin sa mga braso. Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko dahil sa tindi ng mga latay habang umaalingawngaw naman ang mala-demonyo nilang pagtawa.
And in the dim light of the burning torch, I saw my blood spill on the floor, dripping from my torso to my arms. Tangina talaga.
"Tama na 'yan. Baka pagalitan pa tayo ng committee kapag napatay pa natin 'yang traydor na 'yan dito. We still need him until his execution."
Inawat ng isa ang kanyang kasamahang nawiwili na talaga sa paglatigo sa akin. At bago pa man niya ako tantanan, isang malakas na sipa ang natamo ko. Napagapang na lang ako habang namimilipit sa sakit.
Bullshit. Hintayin niyo lang na makakawala ako dito!
Ilang sandali pa, narinig ko nang naglaho papalayo ang yabag ng kanilang mga paa. I tried to breath properly and sit up, pero napapaubo na lang ako. I even spat out blood. Nanghihina akong gumapang papalapit sa pader at isinandal ang namamaga kong likod doon. Pakiramdam ko hindi na ako aabot sa inihanda nilang execution ko. Baka dito na ako matuluyan.
Napatitig na lang ako sa madilim na kisame. If they're gonna kill me, sana man lang may magdala ng mansanas sa puntod ko. Pero ngayong naiisip ko na ito, wala naman pala talaga akong naging kaibigan sa mundo ng mga bampira.
"Tangina. Even my death will have some fucking drama.." Pagak akong natawa.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Escaping these chains will be an impossible task right now. And I can't even imagine doing it with my condition.
Pero habang nakapikit ako, ay bigla ko na namang narinig ang pagbukas ng pintuan ng aking selda. The metal doors creaked open and someone came in. Ano, torture na naman ba ito?
"Latigo na naman ba? Sige. Lakasan niyo ha. Gusto ko 'yung sagad sa buto. Ang hina ng kanina eh."
Pero hindi umimik ang bampirang dumating. I felt someone's presence nearing me. Agad ko nang iminulat ang mga mata ko at doon ko nakita ang huling taong aasahan kong pumunta rito sa kulungan ko. Her fiery red eyes watched me intently. Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa niya dito?
"Circe?"
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top