QUATTOUR

"Aren't you gonna drink my blood?"

Bumaling ako kay Elora at nakita kong bahagya niyang ibinababa ang damit niya sa harapan ko. I rolled my eyes and stopped her. "Kakainom ko lang ng carbonate blood drink kanina. Busog pa ako." At wala naman talaga akong planong uminom ng hilaw na dugo. I don't even know what raw blood tastes like.

Marahang tumango ang dalaga, na para bang disappointed na hindi ko ibinabaon ang mga pangil ko sa balat niya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa tahimik na pasilyo

Good news and bad news, folks.

GOOD NEWS: Pumayag siyang pumirma sa kontratang magbibigkis sa kanya sa mundong ito bilang isang alipinin na habambuhay pagsisilbihan ang mga bampira---pero syempre, nakasulat sa Latin ang kontrata at sinabi kong kontrata ito ng pagiging "boyfriend" ko sa kanya. I couldn't tell her that she'll be doomed, of course. Kaya nga, "panlilinlang" ang tawag dito.

But..

BAD NEWS: Before she signs the contract that will save my job, hiniling niya na i-tour ko siya sa gusali. Unang beses daw kasi niya sa mundo naming mga bampira at gusto niyang alamin ang mga bagay-bagay. Tsk. Yup, she's really obsessed with vampires.

Mabuti na lang talaga at wala rito ang ibang empleyado. It's lunch time and some of them are still at work in the human realm.

Kasalukuyang pinagmamasdan ni Elora ang mga portraits na nakasabit sa pader. She recklessly pointed at a golden-framed one.

"Is that Count Dracula?"

Walang gana akong tumango. "Yup."

Napasimangot naman ang dalaga at mas hinigpitan pa ang kapit sa kamay ko. "Bakit parang ang bata niyang tingnan? He's not that young in the movies!"

I deadpanned. "You have got to be kidding me." Movies? Tsk.

Elora pouted. "Oo! Bakit ganun? You're my vampire boyfriend, right? Sagutin mo naman ang tanong ko."

Pakiramdam ko malapit na akong sumabog sa inis. I'm not the type of vampire to easily get angry at humans, pero sa mga sandaling ito, parang gusto ko na lang siyang ihagis pabalik sa mundo ng mga tao. Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili. Kalma lang, Archer. You need to fucking endure this to save your job!

"What do you expect? Male vampires stop aging at 21, honey." I forced a smile.

Nakita ko ang pamumula ng mga pisngi ni Elora sa tinawag ko sa kanya. "A-Ah.. Ganun ba.." Napalunok siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ano ba ang trabaho mo, Mr. Vampire?" She asked again after a few minutes of silence. Napasimangot ako. Kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong na yan? I averted my eyes at the empty hallway. Kulay pula ang buong paligid. Even the carpet was blood red. Nalalapit na kami sa central exhibit ng CRIMSON. Kung bakit sila naglagay nito, hindi ko na alam. Bahala sila.

"That's confidential." Walang-gana kong sagot.

Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Elora.

"Confidential na nga ang pangalan mo, pati ba naman ang trabaho mo."

Napasimangot ako. What the heck is she implying?

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makaabot kami sa pinakapribadong parte ng CRIMSON building. Madilim ang paligid pero may isang parte ng silid ang naiilawan. A spotlight meant for the prize possession of all vampirekind. Lumapit kami roon. Itinuro ko kay Elora ang ginintuang kopita na naglalaman ng Forbidden wine. Ang kompanya ang nangangalaga rito.

Isa itong pamana ng mga ninuno namin. Yung mga namatay sa giyera para lang mapangalagaan ito. I closed my eyes and inhaled the ancient and intoxicating scent of the Forbidden wine.

"That's the Forbidden wine, Elora. Ilang daang libong mga taon na ang nakakalipas magmula nang ibinigay ito ng mga diyos sa mga bampira. Sagrado ito sa amin. Sinasamba ito ng lahat ng mga nilalang. Some myths even say that chaos will errupt once the Forbidden wine is tampered with. Ang sabi naman ng iba, kapag nainom raw ito ng mortal, magiging--------"

"U-Um...sige, tuloy mo lang.  A-Anong mangyayari?"

Kumunot ang noo ko sa tono ng boses ni Elora. Something's wrong. Agad kong iminulat ang mga mata ko at halos malaglag nang tuluyan ang panga ko nang makitang hawak ng babae ang walang nang lamang kopita. Tumulo sa kanyang labi ang pulang likido at ninenerbyos pa siyang ngumiti sa akin.

My mind had to process the scene before I could even realize what happened.

"YOU FUCKING DRANK THE FORBIDDEN WINE?!"

Nahihiya niyang ibinalik sa patungan ang kopita at napayuko. "I-I was thirsty! Akala ko nasa cafeteria tayo."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top