QUADRAGINTA UNUM
Rumihistro ang gulat sa mukha ni Elora. Maging ako ay natigilan nang makita ang lalaking nakatayo ngayon sa harapan namin. What on Earth is he doing here? It took only a matter of seconds before the girl recovered from her state of shock. Lumandas ang luha sa mga mata ni Elora Francisco.
"CAM!"
Tumakbo siya papunta rito at mahigpit itong niyakap. Cameron smiled and returned the embrace. Pinasadahan ko ng tingin ang mortal na punit-punit ang suot na vest. Nawawala na rin ang ilang mga patalim at sandata na karaniwang nakasabit sa damit niya.
Napansin ko ang braso ni Cameron, kung saan may natuyong dugo. I frowned, "Buhay ka pa pala.." Bumitiw siya sa pagkakayakap kay Elora at sinalubong ang mapanuri kong mga mata. "You don't sound too happy, bloodsucker. Should I take that as a compliment?"
"Nasaan si Falcon?"
Nag-iwas ng tingin si Cam. "He didn't make it."
Para akong nabingi.
"A-Ano?"
Naikuyom ko ang mga kamao ko sa sinabi niya. How the fuck could that be possible?! Akala ko ba matagal mamatay ang masasamang damo? Sa kaso ng hudas na 'yun, I wouldn't be shocked if he overlived immortality! It's like my mind couldn't process the fact that that blonde bastard is gone. Paano siya napatay ng mga Devonian? Paanong nakaligtas si Cameron? Ano nang nangyayari sa Acropolis?
Nakita kong napaawang rin ang mga labi ni Elora sa gulat.
"F-Falcon is...dead?"
"I-I'm sorry. I tried to save him, but the Devonians are too strong.. Himala nga at n-nakaligtas ako."
Is this some kind of fucking joke?!
Humagulgol ng iyak si Elora. Ramdam ko ang bigat ng kanyang nararamdaman dahil sa pagkawala ng isa naming kasamahan.
Pero hindi pa rin maganda ang kutob ko sa mga nangyayari ngayon.
Mula sa aking gilid, nakita kong lumitaw si Lady Circe. Hindi maganda ang ekpresyon ng kanyang mukha sa narinig na balita. She's now eyeing Cameron with suspiscion.
"Falcon is one of CRIMSON's most skilled employees and a former member of the Coven.. He wouldn't easily be killed by those Devonians," Circe's blood red eyes narrowed, "so how in the name of blood can he die just like that?'
Tumalim ang mga mata ni Cameron sa kanya. "Well, he did! May pag-uusapan pa ba tayo o sisirain na natin ang puno?"
Napailing na lang ako. Napatingin ulit kami sa puno na ngayon ay parang kumikinang na ang mga dahon, "It's no use.. Walang sandata ang mga bampira na pwedeng sumira sa Tree of Knowledge. We need something stronger."
Ngumisi si Cam at kinuha ang kanyang katana. The symbol of the Imperial Yard glinting under the rays of the artificial sun. "How about this?"
Circe and Elora tensed. Napabuntong-hininga ako. "That's perfect." Kung hindi ako nagkakamali, ang mga patalim ng Imperial Yard ay hindi lamang basta-basta gawa sa bakal. It's made from a special alloy that can penetrate immortals and cut almost anything.
Pero teka..bakit hindi ito ginamit ni Cameron kanina sa cyclops?
Napatitig kami sa lalaki nang bigla siyang humakbang papalapit sa puno. Cameron had a kind smile as he turned to Elora, "Matatapos na ang lahat ng 'to, El.. Just wait and see."
Tsk. Playing the hero again. This is the reason why I'm damn annoyed with this vampire hunting bastard! Pasikat talaga..
Pero magrereklamo pa ba ako? Patapos naman na ang kwento. Tsk.
Pigil-hininga naming pinanood ang mga sumunod na pangyayari.
Cameron raised his sword. The steel shone dangerously as it was swung in the air. Naramdaman ko ang kabang pilit kumakawala sa dibdib ko habang inaalala ko ang lahat ng mga posibleng mangyari ngayong magagawa na naming sirain ang Tree of Knowledge. It will all be over soon.. My whole body froze in anticipation, as I watched the blade lurch forward.
Tatama na ito sa katawan ng puno.
Ngunit sa ilang sentimetrong layo ng patalim sa kahoy, nanlaki ang mga mata ko nang bigla itong nag-iba ng direksyon. "W-What the---?!"
"Too bad I'm not on your side."
Isang makapanindig-balahibong tawa ang kumawala sa mga labi ni Cameron. He smoothly directed his blade towards Elora's direction and made a cut on her cheek. Blood poured down onto her neck. Natuod ang dalaga sa kanyang kinatatayuan at sa isang iglap lamang, nagawang magtungo ni Cameron sa kanyang likuran.
"C-Cam, anong ibig sabihin n-nito?!" Elora's voice cracked.
He held the blade against her neck and smirked at us with an animosity in his eyes. The wickedness I failed to notice before. Naramdaman kong lumalabas na naman ang pangil ko at sa pagkakataong ito, wala na akong balak kontrolin ang sarili ko.
The realization just dawned upon me.
"YOU'RE THE HIDDEN ENEMY! YOU FUCKING BASTARD! IKAW ANG PUMATAY KAY FALCON! IKAW ANG NAGPAPASOK NG DEVONIANS DITO SA EDEN!"
Bullshit.
"Very good, Acheron! Tsk tsk tsk.. What took you so long?"
"Bitiwan mo si Elora. She doesn't have anything to do with what's at stake." Lady Circe's commanding voice cut through the air. Galit na rin niyang tinititigan ang lalaking nagtaksil sa amin. Sinasabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang mortal na 'to..
'Great. Just fucking great.'
Bakit hindi ko ito napansin agad?! Isang mapang-asar na tawa ang kumawala na naman kay Cameron at mas ibinaon ang kanyang katana sa leeg ni Elora. He kissed the blood away and averted his eyes towards me and Circe.
"Diyan kayo nagkakamali. Elora has EVERYTHING to do with this chaos. Bakit sa tingin niyong iniingatan ko siya?"
But of course, Elora's body still has the Forbidden wine. Fuck this.
"Archer!"
Hindi na ako napigilan pa ni Circe. Tangina, wala akong pakialam kung anong plano niyang gawin kay Elora, but one thing's for sure---hindi ko hahayaang saktan niya ito. Magkamatayan na. "LET HER GO!" Pagkasuklam lamang ang alam kong nananalaytay sa dugo ko habang sinusugod ko si Cameron.
Walang kahirap-hirap niyang sinalag ang mga atake ko gamit lamang ang isang kamay. He still held Elora by the throat.
Sa bilis naming kumilos ay halos wala na akong makita sa paligid. Blurred na ang mga nakikita ko, pero wala akong pakialam. Sinubukan kong hiwain ang pagmumukha ng hudas na 'to, ngunit nakakailag siya. He's too damn fast! Pero paano nangyari 'yun?! He's just a fucking human!
"Are you done playing, Acheron?" His taunting voice only intensified my rage. Now, everything I see is blood.
"I'LL FUCKING KILL YOU!"
Napalinga-linga ako. Lady is already on guard, at tila na nahihirapan rin siyang sundan ang bilis ng mga kilos ni Cameron.
"ARCHER, SA LIKOD MO!"
Mabilis akong lumingon at kamuntikan nang madaplisan ng mga punyal ni Cam. A thousand blades danced in the air. Maliksi akong umilag sa mga ito. I don't give a damn if my suit gets ruined. Tsk.
"I'd love to see you try, Acheron. HAHAHAHA!"
Lady Circe gracefully dodged the weapons. Nagawa niyang salagin ang ilang mga sandatang bumulusok papalapit sa amin. Nang matigil ang pag-ulan ng mga patalim, namayani ang katahimikan.
"Kailangan nating mabawi si Elora!" Hinihingal kong sabi.
"Archer, kumalma ka! Mas lalo lang tayong mahihirapan kung----"
"KUNG ANO?! He's got Elora and god knows what he's planning to do to her!" Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko kung may mangyaring hindi maganda sa kanya..
Hindi na umimik pa si Circe.
Sa isang iglap, bigla na lamang lumitaw sa aming harapan si Cameron, ngayon ay nakagapos na ang mga kamay ni Elora at nakapiring ang kanyang mga mata. Kitang-kita ko ang pagpupumiglas niya sa hawak nito at ang luha sa kanyang pisngi.
The devil snapped his fingers. Mayamaya pa, ay lumitaw ang ilang mga bampira mula sa mga anino. Among them, Taddeo stood nonchalantly and held a syringe in his hand.
"Hello, Archer.. Lady Circe.. Mukhang nagkakilala na kayo ng pinuno namin." Anito habang nakangiti.
Matalim na tingin ipinukol ko sa kanya. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa galit. KASAMA SIYA?! SHIT! I always knew this asshole is a spawn of Satan!
"I fucking promise you, Taddeo.. I'll find a way to rip your head off and burn your body to ashes!" Pagbabanta ko rito ngunit kalmado niya lang ako tinitigan. Sa likod niya, nakaabang ang mga Devonian sa susunod na utos ni Cam. At nang luminga ako sa paligid, noon ko lang napansin na napapalibutan na pala nila kami.
Cameron snapped his fingers, "Let's execute the plan. Taddeo, ikaw na ang bahala sa kanila.."
Bigla kaming hinawakan ng mga Devonian vampire. Their strength exceeds mine at kahit na halos magwala na ako sa kakapumiglas, wala pa ring nangyayari. Minura ko na nga yata lahat ng murang alam ko. Taddeo walked towards me and lifted the syringe up to display the dark liquid inside.
"This might hurt a bit, but it'll help you be a little more...obedient. Like a dog. Hold still, Archer."
Nanlaki ang mga mata ko nang marahas niyang itinarak sa braso ko ang karayom. Napasigaw ako sa sakit nang maramdaman ko ang pagdaloy ng kakaibang likido sa aking katawan.
How the fuck did all this happen?
Iyon ang huling natatandaan ko bago ako nilamon ng walang-hanggang kadiliman.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top