QUADRAGINTA TRES
A black castel overtowered everything in the Acropolis. Isang kastilyong tila ba may planong lagpasan ang kalangitan.
'Well, that's the purpose. A new world order for mortals and immortals..'
Magmula nang mailipat niya sa mundo ng mga bampira ang puno ng karunungan, nakita na ni Cameron ang tagumpay. Studying the dark arts just to achieve his goals wasn't easy. Dumungaw siya sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga Devonian.
They are taking over the Acropolis.
Tila ba nanghina na rin ang mga Metrovampire at wala nang may plano pang manlaban. Lahat sila ay natatakot sa maaaring mangyari. 'They should be', he thought. This castle is a symbol of power. A power that Cameron gained by the ownership of the Tree of Knowledge.
"I shall govern both worlds. Humans and vampires will be at my mercy."
Naaalala ni Cameron kung paano nagsimula ang lahat ng ito. Naalala niya ang gabing pinaslang niya ang kanyang mga kalahi. Ang Imperial Yard.
It happened in the year 1850's.
Cameron was only seven by that time, ngunit alam na niya ang mga kailangan niyang malaman. Nanggaling siya sa pamilya ng mga vampire hunter, isang prestihiyosong angkan na kilala sa tawag na "Imperial Yard". They were in their mansion in Europe that time, at kakauwi lamang nila mula sa isang pangangaso.
Unfortunately, they found no vampire within the vicinity.
Pero hindi maiwasang isipin ni Cameron na may mga matang nakamasid sa kanya. May bumabagabag sa kanya. Dahil hindi siya makatulog ng gabing iyon, pinili ni Cam na magtungo sa private library ng kanilang pamilya. Tulog na ang kanyang mga kamag-anak kaya walang pumigil sa kanya.
Sa ilaw ng lampara, binasang muli ni Cameron ang mga alamat patungkol sa mga bampira..hanggang sa mapadpad siya sa pahinang pumapatungkol sa isang "Forbidden wine".
"Why don't we have information on this?" Mahina niyang tanong sa sarili. Their history only mentioned a theoretical concept of the vampires' sacred wine, pero walang nakasulat kung para saan ito. Malamang ay wala ring kasagutan ang Imperial Yard.
"We don't have information about it because the yard knows it'll be too dangerous.. The more people discover things, the riskier it will get."
Napapitlag sa gulat si Cameron nang pumasok sa silid ang pinsan niya. Frederick had a tired look in his eyes. He's twenty at that time, and one of the most prominent vampire hunters. Nakasandal lamang ito sa hamba ng pinto at nakamasid sa kanya.
"It's your bedtime, Cam. Shouldn't you be sleeping?"
Kinakabahang isinara ni Cameron ang aklat at tumayo. "I-I couldn't sleep.."
Ngumiti ang kanyang pinsan at naupo sa katapat niyang silya. "Me neither."
Isang katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Pinagmasdan ni Cameron ang mukha ng kanyang kamag-anak na tila ba hindi masaya. 'Why shouldn't he be happy? He's the best vampire hunter in the yard!'
Something is bothering him.
Ibinaling ni Fred ang kanyang mga mata sa bata. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay rito. "Let me tell you something, Cam.."
Noong una ay hindi maunawaan ni Cameron ang mga sinasabi ni Frederick. Sinabi niya ritong may dalawang uri raw ng bampira---ang Devonians at ang Metrovampires. Cameron listened eagerly. Wala ito sa mga libro sa kanilang silid-aklatan. Kinuwentuhan siya ni Frederick patungkol sa digmaan ng mga bampira at kung paano nagapi ang Devonian vampires. At last, he revealed the power of the Forbidden wine and how it controls the portals and gives unlimited power to those who are worthy.
Nang matapos ang kaniyang kwento, Cameron inquired, "H-How did you know all this?"
Frederick smiled darkly. "Naalala mo ba ang hinuli naming bampira noong nakaraang buwan?"
Tumango si Cameron.
"As you can remember, I was the head of the interrogation unit. That bloodsucker turns out to be a bad one, and he spilled secrets no mortal should know---"
Nanlaki ang mga mata ni Cam, "B-But you said he didn't tell you anything!"
Frederick smirked. "I lied."
Hindi makapaniwala sa kanyang narinig ang batang si Cameron. Kung totoo nga ang mga sinabi ng bampirang iyon, bakit parang masama ang kutob niyang mangyayari? Should it even concern the Imperial Yard? Bago pa man makapagtanong si Cam, Frederick already stood up and walked towards the door.
"Haven't you ever thought of being something more? Because I'm damn sick and tired of being a vampire hunter.. The Imperial Yard and all of its members are nothing but chains that restrict me." Bahagyang lumingon si Fred sa bata. Halos hindi na makilala ni Cam ang lalaking nasa kanyang harapan.
"So, little Cameron.. Goodluck being the yard's next lapdog."
At umalis na ito.
Iyon ang huling beses na nakita ni Cameron ang kanyang pinsan. Matapos ng gabing iyon, bigla na lamang itong naglaho at walang nakakaalam kung saan ito pumunta.
For several months, Cameron had nightmares.
Hindi siya mapakali. Fred's words burried deep within him. Tama nga ang sinabi ng kanyang pinsan.. Tila ba ngayon lang siya naliliwanagan. The Imperial Yard had done nothing but keep him on a leash. Pakiramdam ni Cameron, isa siyang aso na sumusunod sa anumang nais ng kanyang mga amo.
A darkness grew within him.
He will not be bound to family tradition.
That night, Cameron felt something stir within him. Isang desisyon ang namuo sa kanyang loob, at sumibol ang panibagong layunin.. Ang kailangan na lamang niya ay isang pagkakataon.
And the gods gave him the chance he so long desired..
Isang gabi, habang nagkakaroon ng salu-salo ang Imperial yard para sa ikawalong kaarawan ni Cameron, the kid noticed a figure hovering in the gardens. Nagtungo siya roon at nakita ang lalaking hindi niya luhos akalain na makakadaupang-palad pa niya.
"Fred?"
Frederick had changd a lot. May pasa ito sa kanyang mukha at nababaliw na ang kanyang hitsura. His wicked eyes smiled demonically at Cameron.
"Happy birthday, Cameron.."
At naglabas ito ng isang punyal. He attacked the child, just outside of the mansion. Naaalala pa ni Cameron ang mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay wala siyang kalaban-laban at katapusan na niya. Pero di kalaunan, may kung anong nag-udyok sa kanya para manlaban.
'I will not be the Imperial Yard's dog.. I will not be bound by mortality!'
Sa isang kislap, napatay na niya ang kanyang pinsan. Cameron glared at the bloodied blade and ran towards the house. Oras na.
"Cam? Bakit ka may hawak na kutsilyo?"
Iyon ang huling mga salita na lumabas sa bibig ng kanyang mga kamag-anak bago niya pinaslang ang mga ito. Cameron was only eight, but he's been trained by the finest vampire hunters in their age. Maraming nagsasabi sa kanyang malaki ang kanyang potensyal at mahihigitan niya ang kilalang vampire hunters ng kanilang pamilya.
At pinatunayan niya iyon.
That night, when all the bloodcurling screams and cries were silenced, pakiramdam ni Cameron ay ipinanganak siyang muli. Sa bagong katauhan, bagong mga pangarap at pananaw sa buhay.
At a young age, he began learning dark magic to stop his aging. It was demon's work, and purely dangerous pero nagtagumpay siya rito. Cameron stopped aging at the age of 25. Ang mukha niya ay hindi nagbago, ngunit ang kaluluwa niya ay singtanda na ng kanyang mga adhikain. Ilang siglo rin niyang hinanap ang lokasyon ng Forbidden wine..
And just recently, he had suceeded---well, half of it.
Cameron smiled, and removed his contact lens. Naglaho na ang kulay berde niyang mga mata at napalitan ito ng purong pula. He had dominated the Devonians and promised them freedom and a sense of redemption.. Isang negosasyon na inabot ng ilang dekada bago niya nakumbinsi ang mga ito na umanib sa kanya.
Sabagay, wala rin namang magagawa ang Devonians. He threatened to kill him all if they won't cooperate.
'Akala mo talaga kung sinong masama.'
He stole half of the wine and drank it gingerly. Savoring the holy taste.
Napatingin siyang muli kay Elora Francisco na ngayon ay nakahiga na sa isang altar at walang malay.
"I was about to drink all of it when you interrupted my plans.. Ngayon, sisiguraduhin kong maitatama ko na aksidenteng kinasangkutan ninyo."
*
"I was about to drink all of it when you interrupted my plans.. Ngayon, sisiguraduhin kong maitatama ko na aksidenteng kinasangkutan ninyo."
Tahimik lamang na nakamasid sa likod ng isang estatwa si Lady Circe. Nagawa niyang makatakas sa Coven. She didn't need to ask where Cameron is because the terrifying black castle is enough to know. Nagpapasalamat na lamang siya at abala ang Devonians.
Mula sa kanyang kinatatayuan, nakita niyang nakahiga sa isang altar ang katawan ni Elora Francisco. Wala itong malay at namumutla na.
'Epekto ng Forbidden wine.. Cameron did something to her..' Nanlaki ang mga mata ni Circe nang mapagtanto ang isang bagay. 'That monster wants to extract it from her blood!'
Napalunok si Circe. Things are getting out of hand, at kung hindi siya makagagawa ng paraan upang ayusin ito bago maisagawa ni Cameron ang kanyang mga plano, mahuhuli na talaga ang lahat.
'Saan ba kasi nila dinala si Archer?' Hindi pa niya ito nakikita.
Hinintay ni Lady Circe hanggang sa tuluyan nang makaalis si Cameron. Nagtungo ito sa isang pasilyo sa dulo ng silid. After hearing his footsteps fade away, walang inaksayang oras ang bampira at tinahak ang distansya nila ni Elora.
"Elora? Wake up! This is no time to play sleeping beauty, mortal!" She whisper-shouted while shaking Elora's shoulders. Wala siyang pakialam kung matarayan siya nito pagkagising niya, ang mahalaga ay makatakas sila dito. Kailangan nilang hanapin si Archer.
Tinapik-tapik ni Lady Circe ang pisngi ng namumutlang dalaga at napasinghap siya nang maramdaman ang balat nito. 'She's cold!' At hindi ito ang normal na temperatura kahit pa isang hybrid si Elora. Kung anuman ang ginawa sa kanya ni Cameron, nalalason na siya sa sagradong alak na nakahalo sa kanyang dugo. She's in a critical condition, and if they can't find a safe way to extract the Forbidden wine, Elora Francisco wil...
Napailing si Circe sa naiisip.
Archer would kill her if she said the grave consequence aloud.
*
Nang maimulat ni Elora ang kanyang mga mata, naramdaman niya ang mabagal na pagpintig ng kanyang puso. Has it always been like this? Hindi na niya matandaan. Napamulagat siya nang mapansin ang isang mukha na kailanman ay hindi niya inaakalang kababakasan niya ng pag-aalala.
"C-Circe? Anong ginagawa mo dito?"
Elora saw relief in the vampire's eyes. Agad siya nitong iginiya patayo at nagpalinga-linga sa paligid. Tila ba nakikiramdam.
"Mamaya ko na sasagutin ang tanong mo. We need to get out of here!" Nagmamadali nitong sinabi. Elora stared back at where she laid. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong nakahiga siya kanina sa isang altar. Only a few feet away from her, the rotten Tree of Knowledge stood.
Bumalik sa kanyang mga alaala ang ginawa ni Cam.
'Shit.. Kailangan na nga naming makaalis dito!'
But the two females stopped when they heard distant footsteps coming from the opposite hall. Binalot ng kaba si Elora at mayamaya pa ay hinahatak na siya ni Lady Circe patungo sa kabilang pasilyo na napapalibutan ng mga estatwa.
Nagtago sila sa mga anino at tumakbo sa mga pasilyo. Elora's heart pounded wildly against her chest. Paano kung mahuli sila?! When they accidentally stumbled upon a Devonian, natunghayan niya ang pagpapatahimik ni Circe dito.
Lady Circe, as silently and gracefully as she could, bit her fangs into the Devonian's neck. Bumaon ang pangil ng babae rito na nakapigil sa kanyang pagsigaw. She tore the voicebox out of him. At dahil imortal nga ito, Lady Circe took the opportunity and ripped his heart out.
Nagpakurap-kurap si Elora.
Nagawa niyang patayin ang kalaban ng walang kaingay-ingay. Lady Circe stood before her, feet on the dead vampire's head. She wipped the blood off her lips and motioned for Elora to follow her.
"Let's go. What are you staring at?"
"N-Nothing.."
Ngayon lamang nakita ni Elora kung paano pumatay si Lady Circe. It was amazing and scary at the same time. 'I'll make a mental note to myself to never piss her off'.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top