QUADRAGINTA SEX

Nang umalis kanina sina Cameron at dinala si Elora sa kung saan idadaos ang ritwal, umakto akong naglakad kasama si Circe patungo sa kabilang pasilyo. Ilang sandali pa, agad siyang huminto.

"Stop acting."

Napangiti ako. "Careful with your words, Lady Circe. Paano mo naman nalaman?" At inakto kong ididiin pa sa kanyang leeg ang patalim nang mabilis niya itong hinablot sa kamay ko at pinilipit ang braso ko.

Damn!

"I know a bad actor when I see one."

"Tsk. Fine."

Napabuntong-hininga na lang ako nang binitiwan niya ang braso ko. Seryoso ko siyang tiningnan, "Kailangan pa rin nating sirain ang Tree of Knowledge. Iyon lang ang paraan upang mailigtas ang lahat, hindi ba?"

Tumango siya. "We need to prevent Cameron from draining Elora of her own blood."

Hindi ko na siya pinatapos at naglakad na ako papalayo. I waved a hand back at her, "No need to remind me. Ako nang bahala doon."

I still need to get back to Cameron. Aside from he fucking ruined my CRIMSON suit, he murdered Falcon and now the devil's going to kill Elora. Pakiramdam ko dumidilim ang paningin ko. Hindi ko siya hahayaang gawin 'yon.

'Kalma lang, Archer.. Kalma.'

Hintayin mo ako, Elora.

*
"Let's fucking finish this, Cameron.."

Inunahan niya ako at mabilis na nagpakawala ng mga blade mula sa kanyang likuran. Nagawa kong umilag sa mga ito nang walang kahirap-hirap. "Typical vampire hunter. Hanggang ngayon ba, inaakala mong matatalo mo kami sa simpleng mga patalim?"

Tumayo so Cameron, "believe me, they're anything but simple."

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong umikot sa ere ang mga blade. Their sharp jagged corners glinted as they accelerated towards me. Shit! Kaya akong sundan ng mga 'yan?!

I immediately got down and watched as the killer blades almost scratched my necktie. Tangina, may balak pa ba silang sirain ang damit ko? This is getting pretty annoying.

Hindi pa man ako nakakabawi, bigla na lamang umatake sa akin si Taddeo.

Nagawa kong salagin ang kanyang mga matatalas na kuko. Puno ng pagkasuklam ang kanyang mga mata. Nakakasukang makita siya sa ganitong kalagayan. Nakikipaglaban siya para sa ibang adhikain. Everyone used to respect this old creep.

"Why are you fighting against us, Acheron?! Isa kang Devonian! Masama ang dugong nananalaytay sa'yo!"

Napairap na lang ako. Seriously, he's gonna start the dramatics? Hindi ko na kailangan pa ng magpapaalala sa'king masama ako. Tapos na dapat ang issue na 'to eh.

"Not just because I'm like you in blood, means that I have to be like you."

"AAAAHHH!" Napasigaw siya nang nagawa kong hiwain ang kanyang braso----oops, natanggal na pala ito. Not my fault, I swear!

Napaatras si Taddeo habang inaalalayan ang kanyang putol nang braso. His arm laid drenched in blood on Cameron's floor. Napangisi ako. And that fucker told me earlier to not stain blood on the floor! Hindi ko alam kung matatawa ako.

"ISA KANG TRAYDOR SA MGA KALAHI MO!"

Humikab ako sa sinabi ni Taddeo at iminuwestra sa kanya ang kaguluhang nagaganap. The Coven vampires clashed with the Devonian. Napalaya na ang mga sibilyan at nakita kong nakikisali na rin sa pakikipaglaban ang iba pang natirang miyembro ng committee. May asim pa sila.

"Funny. You told me the exact same thing when I was accused of betraying the Metrovampires," Naglakad ako papalapit sa matanda na ngayon ay nagmamatapang pa rin, "tell me, sino ba dapat ang ituring kong kalahi, tanda?"

I can feel the darkness consuming me again---hinayaan ko lamang ito. It fights with me, not against me this time. And I would gladly greet it with open arms.

Sinuntok ko siya sa mukha.

Taddeo went flying several brick walls away. Naaaliw akong malaman na unti-unti nang nasisira ang palasyo ni Cam. Psh. And the thinks he's some kind of king? That's bullcrap.

"Archer!"

Napalingon ako sa boses. Lumawak ang ngiti ko nang makita kong tumatakbo papalapit sa akin si Elora. I felt my insides do a flip. Is it natural to feel this way towards a mortal?

"ARCHER!"

Ah, her voice is music to my ears.. Pero siyempre, mas mahal ko pa rin ang tunog ng mga sigawan at patayan, but let's not think about it much.

I opened my arms for her.

Romantic naman ito, hindi ba? Tumatakbo ang bidang babae papalapit sa akin habang napapalibutan siya ng mga bangkay at apoy. Yup, this is romantic.

"Elora, I know you miss m-----!"

Nagulat ako nang hindi dumiretso sa mga braso ko si Elora. Instead, she removed one of her Sneakers and threw it behind my head. Kumunot ang noo ko nang kamuntikan nang tumama sa akin ang sapatos niya. What the fuck?!

"ARAY!"

Napalingon ako nang may mapadaing sa likuran ko. Nakita kong napatumba si Taddeo. Katabi niya yung sapatos ni Elora. Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating ang isang lalaking nakakulay pulang cloak.

Teka, di ba siya ang kapatid ni Taddeo?

"Ako nang bahala dito."

He said in a dark tone and grabbed his sword. Itinapat niya ito sa kanyang kapatid. Nanlaki ang mga mata ko. "H-Ha?! Di ba kapatid mo siya?!"

The mysterious man, who is also the leader of the Coven, frowned, "Half." At bigla na lamang niyang ibinaba ang espada sa puso ni Taddeo. A bloodcurling scream errupted at tumalsik pa sa pisngi ko ang dugo.

Getting killed by your own half-brother. How noble.

Nagulat na lang ako nang biglang may humila sa kamay ko. When I turned around, my eyes met honey brown. Napangiti ako.

"Nice. I never thought a shoe can be a deadly weapon, honey. You have talent."

Ngumisi si Elora. "And you have a lot of explaining to do."

Hinila niya bigla ang necktie ko. My eyes widened when her soft lips crashed against mine. Napangiti na lang ako sa gitna ng paghahalikan namin.

Kissing in the middle of a war? Cool.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top