QUADRAGINTA SEPTEM

Natatarantang kumalas ang dalaga sa kanilang halikan nang marinig ang sigawan at patayan sa paligid. 'This is so damn inconvenient!' She grunted. "Archer, Circe is waiting for at the---"

Natigil si Elora nang bigla siyang siniil na naman ng halik ng bampira. She froze on the spot. Nang maghiwalay muli ang mga labi nila ni Archer, a playful smirk graced his vampire lips.

"Sinulit ko na."

At kumindat pa talaga ito.

Napairap na lang si Elora.

He spun her around---as if in a ballroom dance---just in time to avoid several arrows. Napasinghap siya nang makita si Cameron na papalapit sa kanila. A deadly look on his face.

Dinig na dinig nila ang yabag ng kanyang mga sapatos kahit pa hindi pa rin tumitigil ang kaguluhan sa pagitan ng iba pang mga bampira.

"Going against me is a wrong decision, El.."

Kinuha nito ang kanyang katana at sa isang kisapmata, namalayan na lang ni Elora ang pagsalag nito ni Archer. The blade only a few inches from her face. Kinakabahan siyang napahakbang papalayo, nanginginig na ang kanyang mga kamay.

He really wants her dead.

'Kailangan naming wasakin ang puno..'

Kung kaya't nang maramdaman ni Elora ang isang kakaibang sakit sa kanyang katawan na tila ba tinatakasan siya ng dugo, she let it happen. Nanghihina niyang hinayaan ang bampira sa kanyang loob na makakawala.

Cameron grinned, "Kahit pa pairalin mo ang pagiging bampira mo, hindi mo ako magagawang patayin.. You're still that fucking weak girl from before."

"SHUT THE FUCK UP!"

Susugurin na niya sana ito nang pigilan siya ni Archer. He gave her a stern look, "I'll handle this."

Natawa na lamang si Cameron. Isang mapang-asar na tawa.

"How damn sweet. Can I slaughter you now?"

He started attacking Archer with no mercy. Sa sobrang bilis ng dalawa ay hindi na niya ito masundan ng tingin. Umatake na rin sa kanya ang iba pang Devonians na hindi makontrol ng Coven..

At kahit pa hindi aminin ni Archer, alam niyang nahihirapan na rin ito.

No, Elora Francisco will not run away. Not anymore.

At naramdaman niya ang pagtubo ng kanyang matatalim na pangil.

*
Shitty fight. Masyado silang madami! Tsk. Sabagay, aasahan ko bang lalaban ng patas si Cameron? Kaya bukod sa pag-ilag ko sa kanyang mga atake, pati ang iba pang Devonians na bigla na lamang humihila sa mga paa ko, kinakailangan kong intindihin.

Nang itatarak na ni Cam ang kanyang espada sa aking likod, mabilis kong hinila ang isang Devonian at ginamit na pananggalang.

"AAAH!"

Sakto sa puso. Tumagos pa.

Napangisi ako at itinapon ang bangkay. Mukhang hindi nagustuhan ng hudas na 'to ang ginawa ko. Hingal kong binalingan ang paligid. Hindi ko alam kung sino nang lamang, ngunit alam kong matatapos lang ang lahat ng ito kung mauunahan namin si Cameron sa Tree of Knowledge.

Pero paano naman namin magagawa iyon kung ayaw kaming tigilan ng demonyong ito?! Psh.

Kahit kailan hindi na natapos ang problema sa buhay ko. Damn immortality.

"You lose, Archer. Why exert the effort of struggling?" Matalim itong tumitig sa akin. Mas halang pa ang bituka nito kaysa sa mga Devonian.

Naikuyom ko ang kamao ko.

'Shit, paano na 'to?!'

From a distance, I saw Circe fighting off several vampires. Nahihirapan na rin siyang kalabanin ang mga ito. Dumako ang mga mata ko sa kinaroroonan ni Elora. Well, atleast she's sa----Holy shit.

Nanlaki ang mga mata ko nang may bundok na ng mga bangkay sa kanyang kinaroroonan. The giant pool of black blood reached my shoes, at noon ko lamang napansin na kulay pula na ang mga mata niya.

Napangisi ako.

Cameron noticed this. Para bang nasindak rin siya sa ginagawa ni Elora. "Bakit ka nakangiti?! A-Aren't you worried for her?"

Nagkibit ako ng balikat.

"I'm more worried for YOU, actually."

Sa isang iglap at bigla na lamang yumanig ang lupang tinatapakan namin. Nagkabitak-bitak ito at nasa tabi ko na ngayon si Elora. And the most wonderful thing is, she's not even attacking me! Lumawak ang ngiti ko. Mukhang gumana naman pala ang vampire control lessons ko, that's a relief.

Mangha kong pinanood kung paano makipaglaban si Elora. It's honestly scary how a girl can fight like this (kahit pa isa siyang hybrid). Walang kahirap-hirap niyang tinalo at binaliang buto ang mga Devonian.

Yikes! They'll have a damn hard time healing..

Nagtungo ako sa kinaroroonan ni Circe. She's talking to one of the Coven. Matapos niyang makipag-usap, agad siyang bumaling sa akin, isang malungkot na ngiti.

"The Coven's still trying to block off the portals that access the mortal world. Nahihirapan sila kaya humingi na kami ng tulong kina Mr. Kane."

"Let's just hope they can do something about it."

As far as I know, human killings might already be in their headlines. Paniguradong maaalarma sila sa dami ng namamatay at mapapatay pa ng Devonians.

Napabuntong-hininga si Circe. "Letting your girl be some kind of warfreak?"

I smirked, "She's the boss."

"Point taken."

Dumako ang mga mata ko sa babaeng kasalukuyang pinapaulanan ng mga atake si Cameron. Napansin ko ang pagsiklab ng galit sa mga mata niya. I know this is probably emotionally exhausting her, but even I can't do anything about it.

Pinagkatiwalaan niya---namin---si Cameron, at hindi ko siya masisisi kung gusto na niyang gawing abo ang hudas na 'yun.

Only one thing left to do..

Muling yumanig at nagkabitak-bitak ang lupa. Pero ngayon, hindi na 'to dahil kay Elora o sa kung sino pa mang bampira.

"Shit."

Natigilan ang lahat.

Sabay kaming napalingon ni Circe sa pinagmumulan ng lindol. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung saan ito nanggagaling..

"Ang Tree of Knowledge."

May nangyayaring hindi maganda sa puno. Tatakbo na sana ako papunta roon nang biglang umalingawngaw sa paligid ang paglagapak ng isang espada. Nakita kong namimilipit na ngayon sa sakit si Cameron. Kitang-kita na rin ang ugat sa kanyang katawan. Beside him, Elora is on her knees, crying in pain.

Mabilis ko siyang pinuntahan.

"Elora, anong nangyayari sa'yo?!"

"A-Archer.. K-Kailangan na nating wasakin ang puno.."

Napalunok ako. Kutob ko ay may kinalaman ang nainom nilang sagradong alak sa nangyayari sa puno. Afterall, the Forbidden wine was made from the Forbidden fruit. Nang hindi na makatayo si Elora, ikinawit ko ang kanyang mga braso sa aking leeg.

"Hold on.."

Binuhat ko siya at mabilis naming tinahak nina Circe ang loob ng palasyo.

Ngayon, wala nang nagtangkang harangin kami.

They all knew something is wrong. Ramdam nila.

Nang marating namin ang malaking puno, nakita naming naglalagas na ang mga dahon nito. Unti-unti nang namamatay ang puno.. Hindi ko alam kung anong eksaktong mangyayari dito, pero kung sakali, alam kong katapusan na namin.

Lady Circe touched the tree, napailing na lang ito.

"Kung anuman ang ginawa ni Cameron dito, hindi na ito nagugustuhan ng puno.. It's originally made to be a divine life form.. Cameron clearly polluted it."

Circe tried using her dagger to cut through it pero ni hindi man lang ito nagalusan. Naiinis niyang ibinato sa pader ang patalim.

"We need the katana! Wala na tayong ibang magagamit para wasakin ito.." Sabi ni Elora habang pilit na tumatayo nang mag-isa.

Tama siya. The Tree of Knowledge can't be penetrated by anything less powerful. Kung tunay ngang maalamat ang espada ng Imperial Yard, ito na lang ang tanging paraan para maisalba ang lahat---kahit pa hindi kanais-nais ang "consequences" na kahaharapin namin.

"Ako nang kukuha.. Paniguradong nanghihina pa rin si Cameron hanggang ngayon."

Humakbang na ako papalayo at tatakbo na sana sa labas ng palasyo nang makita ko ang isang hindi inaasahang panauhin. 'Speaking of the devil..' His blood red eyes met mine at initaas nito ang kanyang espada.

"Looking for this?"

Tumalim ang tingin ko. Binalot ng tensyon ang madilim na silid at alam kong ramdam na rin ito nila Elora.

Seryoso lamang naglakad papalapit sa amin si Cam, kahit pa nahihirapan na itong maglakad. Napansin ko rin ang mga sugat sa kanyang mga braso kung saan patuloy na dumadaloy ang dugo.

"It's over, Cameron. Ibigay mo na sa amin 'yan bago ka pa man malason ng sagradong alak.."

Natawa ito nang pagak, "You really think I'd give up that easily, Archer?" Sinamaan niya kami ng tingin, isang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

He then grabbed a gun from his pocket. Amoy ko ang nakakasukang bawang mula rito. Bullets made out of garlic residue, an untimely death for any vampire.

Humakbang pa ito papalapit sa amin at itinutok sa akin ang baril.

"It's time to say your goodbyes, Acheron."

BANG!

Wala na akong oras para kumilos. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. My feet suddenly felt glued on the spot as he mentioned that foul name. ACHERON. Tangina, kahit kailan yata ay hindi ko gugustuhin ang pangalan na iyan.

Pero ilang sandali pa matapos kong marinig ang malakas na putok ng baril, wala akong maramdamang sakit. Shouldn't there be a bullet hole through my body?

Boses ni Circe..

"E-ELORA!"

Nanlamig ang buong katawan ko. Natataranta kong binalingan ang dalaga na ngayon ay naliligo na sa sarili niyang dugo. I felt my heart stop beating as I stared at her lifeless form.

Mulat ang kanyang mga mata at nakatitig ito sa akin.

Wala nang buhay.

Hazel brown..

"ELORA!"

I felt down on my knees and tried to wake her up, but it was no use. Nanginginig ang mga kamay ko habang pilit kong pinapakiramdaman ang kanyang pulso, pero wala.

Halos murahin ko na ang lahat ng alam kong mura.

Parang gusto ko nang magising sa bangungot na ito.

Boses ni Cameron ang bumasag sa katahimikan, "If my fucking plans can't be a success, I'll make sure no one's will.. Let there be chaos. Magkita-kita na lang tayo sa kabilang buhay! HAHAHAHAHA!" Nahihibang sabi niya bago inihagis sa malaking bitak sa lupa ang kanyang katana.

A madness in his eyes as he raised the gun.

BANG!

Another gunshot.

Another lifeless body.

Ngunit patuloy pa rin ang paglalagas ng mga dahon sa puno ng karunungan, isang hudyat na wala na talagang pag-asang mabago pa ang nakatadhang mangyari sa mga oras na ito.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top