QUADRAGINTA DUO
Nakakatuwang isipin na sa isang iglap ay maaari nang magbago ang tingin mo sa isang tao.. Elora Francisco learned that the hard way. Tila ba hindi makapaniwala ang kanyang utak sa mga pangyayari, leaving her shell-shocked as she watched Archer and Lady Circe--na sinakal hanggang sa mawalan na rin ng malay--fall into the hands of the Devonians.
Kung anuman ang itinarak na likido ni Taddeo sa binata, alam niyang may hindi magandang implikasyon 'yun. Not in a situation like this.
Cameron gripped her neck and growled into her ear, "You should be thankful, Elora. You will now witness the revolution that will change both the vampire and mortal worlds.."
"B-Bakit mo 'to ginagawa? Cam, this isn't you.."
Hindi na niya nagawa pang pigilan ang mga luhang kumakawala sa kanyang mga mata. Bakit si Cam? Bakit ang pinakamamahal niyang kaibigan pa? Right now, Elora wishes this is all some kind of twisted nightmare. Ngunit may maliit na tinig na nagsasabi sa kanyang hindi mangyayari ang bagay na iyon.
Cameron fell silent for a few seconds.
Ilang sandali pa, huminga ito nang malalim at bumaling kay Taddeo, "Prepare the Devonians. We'll invade the mortals by dawn."
Yumukod si Taddeo, "Masusunod, kamahalan."
At kumilos na ang mga ito dala sina Archer at bigla na lamang naglaho sa mga anino. Kung paano nila nararating ang Eden, mananatili na lamang itong isang palaisipan kay Elora. 'A portal perhaps. But that doesn't seem relevant now that I'm a hostage,' she thought bitterly.
Cam's viscious eyes darted to the girl. "Kung inaakala mong kilala mo na ako, nagkakamali ka.. You are just a piece of the puzzle, Ms. Francisco. A pawn in my plan."
Napapailing na lamang si Elora. Parang hindi ang malambing at mapagkakatiwalaan niyang kaibigan ang kausap niya ngayon. 'Tangina, nababaliw na siya..'
"B-But the Devonians! They killed your clan!"
Naalala niyang binanggit sa kanya ni Cameron noon na ang mga bampirang iyon ang pumatay sa Imperial Yard.
Pero imbes na sagutin ang kanyang paratang, nabigla na lamang si Elora nang inilapat ni Cameron ang kanyang palad sa puno at may ibinulong. Elora recognized the language in Latin, but she could barely comprehend.
An incantation.
Soon, the Tree of Knowledge's leaves turned to black. Tila na nagkaroon ng panibgong anyo ang puno at bigla na lamang itong dumilim. 'Shit!' Halos hindi mabalanse ni Elora ang kanyang sarili nang bigla na lamang yumanig ang lupa at magkabitak-bitak ito. Her eyes scanned the garden and saw the last lights of the fireflies fade as they were surrounded into pitch darkness.
'Anong nangyayari?!'
Sa isang iglap, at bigla na lamang nilamon ng kadiliman ang kanilang paligid. Mayamaya pa, ay naramdamang muli ni Elora ang lupa---pero ngayon, gawa na ito sa makinis at itim na bato. Dumoble lamang ang takot na nararamdaman niya habang pinapasadahan ng tingin ang kanilang bagong paligid.
The place looked like the inside of a castle.
Nasa isa silang silid. Nakapalibot sa kanila ang pader na gawa sa bato at napapalamutian ng pulang dekorasyon. Torches made out of gold hung against the wall, and the fire gave an eerie glow to the Tree of Knowledge..now rooted at the center of the stoned room.
Binitiwan siya ni Cameron na naging dahilan ng pagkabagsak niya sa semento. Nanlalabot na ang kanyang mga tuhod at nanginginig pa rin sa kaba ang kanyang mga kamay.
"Since you only have a few hours to live before I extract the Forbidden wine out of you, I'll tell you a secret, El..."
Kalmadong naglakad patungo sa dulo ng silid si Cameron. Naupo siya sa isang trono na gawa sa ginto at ngumisi sa dalaga. He crossed his legs and sat like a king.
Isang walang-hanggang kaguluhan at kataksilan lamang ang nakita niya sa mga mata nito.
"..the Devonians didn't massacre the Imperial Yard---I did."
*
Nang magkaroon nang muli ng malay si Lady Circe, agad niyang napansin ang kulungang kinalalagyan niya. Ito ang parehong kulungan na kung saan iniligtas niya noon si Archer. Napasimangot na lang siya. 'Really? They caged me inside the Coven territory?'
Sinubukan niyang kalasin ang mga kadenang nakagapos sa kanya pero napadaing na lamang siya sa sakit nang maramdaman ang pagbaon ng mga ito sa kanyang balat.
"What the--?!"
She glanced down and saw traces of hawtorn plant imbedded in the chains. Naningkit ang kanyang mga mata sa dugong dumaloy mula sa mga sugat na agad ring naghilom. Cam knew how to play this game too well.
Sa kadiliman ng silid na napupuno lamang ng ilaw na nanggagaling sa mangilan-ngilang sulo, naghanap si Circe ng maaaring makatulong sa kanyang pagtakas.
Kailangan niyang puntahan si Archer. Kailangan niyang ayusin nito ang isang pagkakamali na maaaring makapagligtas sa kanila.
Pero wala siyang makitang kahit anong bagay na mapapakinabangan niya! Damn it.
"Tsk. Mr. Raoul already warned me about Taddeo.. Pero ang hindi ko lang maintindihan, ay kung bakit ko kailangang hayaang mangyari ang mga bagay na ito." Napabuntong-hininga si Circe. Kailanman ay hindi niya sinuway ang mga bilin ni Raoul.. He's a prophet. Alam nito ang mga maaaring mangyari sa hinaharap ngunit wala itong ginagawa upang mabago ito.
"Fate cannot be opposed. It might take the form of a mere accident, but all will reveal itself in time.."
Naalala niyang sabi nito sa kanya pagkatapos niyang ipaalam na may papatay sa kanya. Raoul knew he was going to die, but he made her promise not to interfere with destiny.
'Destiny my ass!'
Kailanman ay hindi na niya maiintindihan pa ang lohika sa utak ng matandang iyon.
Mukhang wala na siyang ibang magagawa kundi subukang ayusin ang lahat ng ito. Circe is just hoping that it wouldn't be too late.
Napaangat siya ng ulo nang biglang bumukas ang rehas ng kanyang kulungan. Nakita niyang pumasok ang isang Coven guard na mukhang nanginginig pa sa takot. He placed a tray in front of her. Blood steak and champagne.
"U-Utos ni Mr. Taddeo, h-hatiran kita ng pagkain.."
Halatang napipilitan lamang itong gawin ang pinag-uutos ng baliw na 'yun. Dahil dito, napangisi si Lady Circe at hinayaang magtama ang kanilang mga mata. Her lips curled into a seductive smile.
"Come closer, I wanna tell you something.."
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top