OCTO

Matapos kong ilahad ang overview ng mga problema, Elora nervously hugged her pillow. Kanina pa siya may binubulong sa sarili niya pero hindi ko naman maintindihan. Napatayo na ako sa sahig at nahiga ako sa kama niya. Well, I've gotta admit, ang lambot ng kama ng mga mortal. I wonder what materials they use.. Naipikit ko na lang ang mga mata ko. Masyado na rin akong naiistress sa gulong napasok namin ng babaeng ito.

"Are you done talking to yourself like a lunatic, woman?"

Ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Elora. Vampire senses are a hundred times more complex than that of any human's. Mas matalas ang pakiramdam namin sa paligid at madali naming nalalaman kung may panganib ba o hindi. It's a gift and a curse at the same time.

"Y-You're saying may Vampire Committee sa mundo niyo na gusto tayong patayin...d-dahil lang inimom ko ang wine na yun?"

I opened one eye and smirked at her. "Yup. That's about it. At kapag bumalik ako sa mundo namin, paniguradong huhuliin ako ng mga gwardiya at aayusin nila ang public execution ko."

Elora averted her eyes elsewhere. Kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay. I can sense her beating heart even from a mile. Alam kong kinakabahan siya at naguguluhan sa mga pangyayari. It's a miracle she's not even trying to throw me out of her room for the past hour. Hindi ko alam kung matutuwa ako o mababagabag sa ikinikilos niya.

Napabuntong-hininga siya.

"Para namang kasalanan ko ang lahat! Look, Mr. Vampire, you're the one who suddenly popped out of my freakin' closet! Tapos ngayon, ako ang sisisihin mo sa nangyayari?"

Napasimangot ako. Agad akong naupo sa kama at hinarap siya.

"I already told you, it was just a fucking accident! Hindi ko naman ginustong lumabas sa kabinet mo! And besides, you're the one who followed me back into our world just because you have a sick obsession with vampires!"

Hindi ko na rin napigilan ang pagtaas ng boses ko. Nakakainis kasi. Ano ba ang gusto niyang mangyari? Siya ang may dahilan kung bakit nanganganib na ang buhay ko, tapos nagagawa pa niyang ibalik sa'kin ang sisi? Damn this human!

She glared at me.

"H-Hindi ko naman kasi alam na ganito ang mangyayari! I just thought it would be cool to have a vampire boyfriend, k-kaya----"

Natawa ako sa sinabi niya. "Kaya sinundan mo ako, tapos inaya mo akong bigyan ka ng tour sa CRIMSON, then you just had to fucking ruin my life by drinking our sacred wine? Nice."

Alam kong masyadong mabigat ang hinihiling ko sa kanyang tulungan akong hanapan ng solusyon ang problemang ito, pero wala na akong magagawa. The moment she followed me back to CRIMSON, she got herself involved in this mess. Lalo na noong aksidente niyang nainom ang Forbidden wine. She couldn't just run away from this.

Napasimangot na ang dalaga.

"Ano ba kasi yung kontrata na pinapapirmahan mo sa'kin? Para ba talaga yun sa pagiging boyfriend mo sa'kin?" I saw suspicion glimmering in her honey brown eyes. Sabi ko na nga ba maghihinala na siya. Napalunok ako at bahagya akong napahawak sa batok ko. Paano ko nga ba sasabihin ito? Tsk.

"It's actually meant to have you bound to eternal slavery.. Kailangan ko kasing magpasok ng pangalan ng tao sa Human Slavery Department namin sa loob ng 24 oras. I-I was suppose to trick Elizabeth to sign that contract but....."

Hindi ko na kinailangan pang ituloy ang sasabihin ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Elora na mayamaya pa, ay napalitan ng galit.

"YOU LIED TO ME?! FUCK YOU!"

Anytime----err, nevermind. Nagkibit ako ng balikat at humilata ulit sa kama niya. "It's no big deal, honey. Hindi rin naman natuloy kaya wala kang dapat ipag-alala."

But anger was still radiating off her. Matatalim ang titig sa akin ng babaeng ito at para bang gusto na naman niya akong i-flush sa toilet bowl nila. After a few more seconds, she started dragging me downstairs. Kumunot ang noo ko sa ginagawa niya. What the heck is she gonna do with me? Baka naman plano niya ako paglutuan? I smirked at the thought. Well, that's sweet of her. May supply kaya sila ng fried blood chips dito?

Pero agad na nawala ang ngiti ko nang lagpasan namin ang kusina. And before I could even argue, she pushed me out of the front door!

Natuod lang ako sa kinatatayuan ko. Kumunot ang noo ko. Ano bang plano ng baliw na 'to?

But I saw Elora smirked victoriously as she spoke, "You have an hour before sunrise. Goodbye, Mr. Vampire! Mwah!" She gave me a flying kiss and slammed the door in my face.

Napanganga ako sa sinabi niya.

And then realization crept in me. A-Ano daw? Sunrise?!

Shit.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top