DUODEVIGINTI

Tahimik lang akong nakaupo sa sala at ninanamnam ang bawat salitang nakalathala sa pahagayan---mostly about how my reward is now doubled and some speculations that I killed the head of Vampire Committee. Ako pa ang pagbibintangan nila? Isn't it too disastrous that the key in Raoul's possession is missing?

"Matutulog na ako."

Narinig kong sambit ni Elora nang mapadaan siya sa aking likuran papunta sa hagdanan. I closed the newspaper and stared at her. Naiilang man sa akin, nagawa pa rin niyang humarap sa direksyon ko.

"What now?"

"Lock your windows. It's dangerous outside." Lalo na ngayon at malamang ay tinutugis na kami ng mga bampirang kaanib sa Coven. Those bastards knew no limitations when it comes to warrant of arrest.

Napasimangot sa akin si Elora, eyes still not meeting mine. "It's more dangerous inside. Nandito ka kasi."

Natigilan ako sa sinabi niya. A laugh emerged out of the kitchen as Falcon eyed us.

"Don't worry. I created a protective barrier around the house. Hindi maaaring makapasok ang ibang mga bampira nang walang paanyaya."

"Salamat, Falcon."

"No worries, Ms. Francisco. Have a good night sleep."

Tumango ang dalaga at umakyat na papunta sa kanyang silid. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa maisara na niya ang pinto. Falcon sat next to me and poked my shoulder. "Try to be a little more charming, Archer..then maybe you'll register more humans in the HS Department."

I frowned. "Hindi iyon ang rason kung bakit hindi ko nagagawa ang trabaho ko noon. So shut the fuck up."

"Really? Akala ko sadyang duwag ka lang para linlangin ang mga tao."

Hindi ko na lang pinatulan ang pang-aasar niya. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Elora. Is she still mad at me? Tsk. Malamang, Archer. Muntikan mo na naman siyang mapatay.. But it was her fault! She crossed the line and triggered memories I wanted to forget. Kung sana, nandito lang SIYA, may makakaunawa sa akin. I heaved a deep breath and darted my eyes at Elora's bedroom door.

Then, an idea came to mind..

*

Noong una ay prente lang akong naglalakad sa kadiliman. I couldn't see anything but an endless abyss of darkness ahead. Nakapamulsa lang ako at pasipul-sipol pa habang tinatahak ang diretsong daan. It's not like there's any sign boards that I can follow. I'm only relying on my instincts.

"Nasaan na nga ba---ah! There it is."

Napangiti ako nang makita ang isang puting pinto sa di-kalayuan. With my vampire speed, I rapidly opened the door and a gush of cold air greeted me. Napapikit ako sa nakakasilaw na liwanag at nang magmulat muli ako ng mga mata, I saw an unfamiliar scene in front of me.

Ang taong bubunggo na sana sa akin ay tumagos lang sa katawan ko. Matindi ang sikat nang araw at may ilang mga taong nagtatawanan sa isang gilid. A balloon vendor passed by and I snatched a pink balloon from his hand. Inilibot ko ang mga mata ko hanggang sa makita ko siyang nakaupo sa isang bench na malapit sa fountain.

Nilapitan ko siya.

"Find if I join you, miss?"

Napatalon sa gulat si Elora nang makita ako. Her jaw dropped as she took in my figure. Mabuti na lang at may dalang extra CRIMSON uniform (a.k.a. an attire of white sleeves, black suit and pants matched with a red tie) ang hudas na si Falcon. Hindi ito kasing-ganda nung damit na nasira ko, pero pwede na rin.

"PATI BA NAMAN DITO SA PANAGINIP KO, NANGGUGULO KA?!" Napatakip na lang ng mukha sa inis ang dalaga. I rolled my eyes and sat cross-legged on the wooden bench.

"Aren't you happy to have 'sweet dreams'?"

She scowled at me and tried to pinch herself awake.

"You're more like a nightmare! Bakit ba kasama ka sa panaginip ko?!"

Nagkibit ako nang balikat. "Ayan ang napapala ng hidden desires mo sa mga bampira. Pati ako, pinapatulan mo."

"Edi sana si Falcon na lang ang nandito."

"So you find him attractive? Glad to know you're not immune to vampire charms. Ginagamit namin 'yan para mambiktima ng tao."

Elora Francisco stared at me for a few seconds before sighing. Naupo na lang ulit siya. I gave her the pink balloon which she reluctantly took. Ramdam ko ang pagkailang niya. Napahinga ako nang malalim. Paano ko ba sisimulan ito?

"Vampires have the ability to enter a human's dreams. Kapag nagme-meditate kami, humihiwalay ang consciousness namin at kung iisipin naming mabuti, maaari naming hanapin ang lagusan papunta sa panaginip ng kung sino mang tao."

Hindi kumibo si Elora. Mukhang galit pa rin talaga siya. Tsk! Bakit ba kasi ako nag-aaksaya pa ng oras para kausapin ang mortal na 'to? Napatitig ako sa fountain na nasa harap namin. "I lost control again earlier. It's unprofessional of me to do so, whatever the reason is---although it was partially your fault, of course."

Mabilis siyang bumaling sa akin. "My fault?!"

I smiled. Gotcha.

Nagpatuloy ako, "you wounded my vampire ego, Ms. Francisco. So I demand a public apology."

"Public what? You goddamn jerk---!"

"I am deeply sorry for my previous actions, Ms. Francisco. I hope we can fix this personal mess before the world ends."

Mas lalong tumalim ang titig niya sa akin. "Is this your way of saying sorry? Bullshit."

"I'm apologizing. You should too."

Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili, "L-Look, I shouldn't have blamed you for everything.. Pareho tayong may kasalanan dito. Tulad ng sinabi mo dati, aksidente lang ang lahat.. At ngayong nagiging bampira ako at nagkakagulo sa mundo ninyo, I think it's best if we have a ceasefire on who to put the blame on."

Tumango ako. Tama siya. Kailangan muna naming isantabi ang paninisi lalo't may limitadong oras na lang kami para kumilos. Elora's transformation is critical and my extermination is nearing. And I honestly have no idea what Falcon has in mind.

Natigil ang pag-iisip ko nang nasilayan kong muli ang kanyang mga mata.

Honey brown.

Marahang napangiti si Elora.

"But I'm still curious.. Bakit ba kamuntikan ka nang natanggal sa trabaho? Your job is to trick humans into slavery, right? It couldn't have been that hard.." Bakas ang kuryosidad sa tinig niya.

Pinilit kong ngumiti. My mind already difting off to somewhere else but, "It's personal information. Hindi mo kailangang malaman."

Umirap siya. "Fine. Yung tungkol na lang doon sa susing pinag-uusapan niyo ni Falcon. Para saan ba iyon? You both looked devastated to know it was missing.." Good observation skills, Elora.

Napangiti ako at iminuwestra ang paligid.

"Let's make a short analogy. This dream world of yours exists only for you, am I right? At sa nakikita ko ngayon, puro positibo ang nasa consciousness mo kung kaya isang maaliwalas na parke ang nabuo ng utak mo. No one can even get in.."

Tumango si Elora. "Pero nandito ka."

"Exactly."

Mas kumunot ang noo niya. "What?"

"Imagine this is the vampire world, Elora. It only exists exclusively for vampires. The 'positivity' represents the metrovampires or also known as the 'average vampires'. Walang ibang nakakapasok sa mundo namin at walang ibang nanggugulo.. Iyon ang pinananatili ng Forbidden wine at ng Key. The key is actually intended to lock away the Devonian vampires. Nakakulong sila sa isang sikretong kulungan sa ilalim ng Acropolis. Tanging ang susing hawak ni Raoul lang ang makakapagbukas ng selda nila, and opening their cage will be just like opening the Pandora's box.."

"Hell will break loose." Mahinang sambit ni Elora. Napatango ako.

"Yes. At dito pumapasok ang trabaho ng Forbidden wine. It was strongly believe that the Forbidden wine regulates the portals between worlds. Ito ang dahilan kung bakit may nakakapasok na ibang nilalang sa mundo namin para makipagkalakalan and, most imporantly, the sacred wine enables us to travel into the mortal world to trick humans into slaves."

Hintay ko ang naging reaksyon ng dalaga. Nakita ko ang pagkabahala sa mga mata niya, "at paano naman naging importante ang makakuha kayo ng alipin? What are you doing with the slaves, anyway?"

"The slaves are the ones who continuously build the walls of the prison meant for Devonian vampires." Pagtatapos ko. At nakita ko ang pagkaunawa sa kanyang mga mata. The weight of the situation now more evident. Ngayong wala ang kalahati ng Forbidden wine (at nanakaw pa ang kalahati nito) at nawawala ang susi. Believe me, once the Devonians break loose, everyone will perish.

Bahagya akong natigilan. Parang may nararamdaman akong kakaiba? I looked up at the sky dome of Elora's dream. Hindi ako nasusunog sa araw dahil panaginip lang ito. But that's not what caught my attention.. Tila ba may kaguluhang nangyayari sa labas. My eyes widened in realization.

"We're under attack." Tumayo ako at pinagpag ang suot kong slacks.

"What?! S-Sino naman ang umaatake sa'tin? And how did you know?" Elora tensed when the dome of her dream world shook.

Napangiti na lang ako sa kanya. "Wake up. We'll talk later."

"Pero---!"

I snapped my fingers and instantly returned to my body. Nang maramdaman kong nagbalik na ang kamalayan ko sa reyalidad, agad kong iminulat ang aking mga mata. I was still sitting ontop of the roof of Elora's house. Malalim ang gabi at madilim ang paligid. Pero sa kabila ng maliwanag na buwan, nakita ko ang kakaibang mga ilaw na papalapit sa akin.

Tumayo ako at tinitigang maigi ang paparating. May narinig pa akong nabasag na bintana sa baba.

And that's when I realized several fire arrows are being launched at us. Shit.. And what's worse is that the fire arrows are penetrating the barrier Falcon made. Special arrows. Tsk.

"The Coven's here."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top