DUODETRIGINTA
A young Coven guard, about a hundred years old, yawned at his post. Agad naman siyang siniko ng kanyang katabi na kanina pa rin seryoso ang mukha. Wala gana niya itong binalingan. "It's not like we're going to be under attack. Kanina pa umalis sina Archer at yung lalaking mukhang vampire hunter."
At ngayong naiisip niyang muli, kinilabutan siya. That vampire hunter's skills are absurd. Walang kaemo-emosyon niyang nailigpit ang iba pa nilang kasamahan at nahirapan pa silang apulahin ang sunog kanina.
Sinamaan siya ng tingin ng kanyang kaibigan, "Hindi porke't wala na ang mga traydor, magiging kampante ka na! Kaya tayo nasasalisihan eh."
"Tsk. Sino ba naman kasing maghihinala na mag-aanyong Lady Circe ang traydor na 'yun para lang makapasok dito?" Pero sa loob-loob nito ay nahihiya pa rin siya sa nangyari. He even tried to flirt with her earlier! Kung alam niya lang talaga.
"Still, we need to be on guard at all ti..." Natigil ang kasama niya sa pagsasalita. Naramdaman rin nito ang kakaibang presensiya sa di-kalayuan.
Napadako ang mga mata nila sa kalangitan na tila ba mas lalong dumidilim kahit pa may artificial lightings ang paligid. The air suddenly felt colder and not a sound can be heard within the fifty-meter radius.
Gamit ang talas ng kanilang mga mata, nakita nila ang isang hindi kapani-paniwalang tanawin. The ground shook three times, like a magnitude 7 earthquake. At huli na nang tuluyan nang makalapit ang isang batalyon ng mga bampira..
But they're not ordinary vampires.
These vampires' fangs are sharper, and their blood red eyes are the souls of madness. Gula-gulanit ang suot ng mga ito at napupuno pa ng tuyong dugo ang kanilang mga kamay. Being inside a prison for hundreds of years had its toll, even to immortals. Nahigit nila ang kanilang mga hininga.
"D-Devonian vampires.. N-Nakakawala na sila."
Pero paano nangyari ito?
And they were running towards the fortress at full speed. Napahakbang papaatras ang batang bampira pero agad naman siyang sinuway ng kanyang kasama na matapang nang binalingan ang mga kalaban.
"Stop being a fucking coward! Alert the chief and Lord Taddeo!" He shouted, holding out his sword.
"P-Pero---!"
"NOW!"
*
Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Bukod sa buhangin, buhangin at marami pang buhangin, wala na akong ibang mapagtuunan ng pansin. We're in some kind of desert, a desolated terrain of some sort. Tama ba kami ng pinuntahan?
Tsk. After discovering that I'm of Devonian blood, ngayon naman nandito kami sa gitna ng kawalan! At ang nakakairita pa..
"A-Archer! Nasusunog ka!"
Elora's voice difted amidst the dry air. Natataranta kong binalingan ang mga kamay ko na kanina pa mahapdi. "Shit!"
Bumaling ako kina Circe na nahihirapan na rin dahil sa tindi ng sikat ng araw. Vampires can't last long under the sun, damn it! Paano ko ba makakalimutan ang napakahalagang bagay na 'yun?!
"I've got this!"
Falcon immediately muttered some enchantments. Ilang sandali pa, naramdaman naming hinarangan ng protective barrier niya ang nakamamatay na sikat ng araw. It was transparent, but the effects are like being under the shade of an umbrella. Nakahinga ako nang maluwag.
It's a good thing creating barriers is Falcon's specialty.
"Now, how are we gonna find some shitty garden? Kung hindi niyo pa napapansin, puro buhangin dito. Tsk." Napasimangot rin ako habang pinagmamasdan ang pag-regenerate ng nalapnos kong balat. Mabuti na lang immortal kami.
Cameron glared at us and crossed his arms over his chest. Tagaktak na rin ang pawis niya. "Baka naman isang kahibangan lang ang lahat ng ito? For all we know, wala namang nakatala sa mga libro, the Garden of Eden doesn't really exist!"
"Tulad ng non-existent na utak mo, mortal?" Naiinis na baling ni Falcon dito, "Of course walang maitatala sa mga libro. It's called the LOST for a reason. I assume you're not stupid enough to look for something that isn't even lost, hunter?"
"Say that again and I'll rip your eyes out of your sockets!"
Agad na namagitan sa kanila si Elora. Napabuntong-hininga na lang ako. Walang kwenta kung magsisisihan lang kami ngayon. Whatever is written in that scroll, it's leading us nowhere. Paano na 'to?
"Archer, look at this."
Circe called as she held the map. Agad akong pumunta sa kanya at sinilip ang laman ng mapa. Pero ang laking gulat ko ay nang makita ang laman nito.
"B-Blangko?" Walang nakasulat. Malinis ang mapa. Kumunot ang noo ko, "Circe, baka naman pinaglololoko mo kami? There's nothing written in this fucking map! Paano mo nalaman na dito tayo dapat pumunta sa disyerto?!"
Pero kalmado pa rin niya akong tiningnan at nginitian. Inilapag niya sa buhanginan ang mapa. Circe motioned for me to come closer, at kahit pa naghihinala na ako sa mga kilos niya, sumunod pa rin ako.
"Simple.. I didn't read the location, Archer.. Si Lord Raoul mismo ang nagsabing dito tayo pumunta."
Noong una ay wala akong maintindihan sa sinabi niya. Pero nang titigan kong maigi ang mata, napansin kong naliliwanag na ito. Mayamaya pa, lumabas ang isang imahe mula rito. Nanlaki ang mga mata ko nang masilayan kong muli ang maamong mukha ni tandang Raoul. I stood up and studied him. He just materialized out of the map!
"R-Raoul's spirit." Mahina kong bulong.
Napansin kong tumahimik na rin ang iba naming mga kasama. I can hear Elora gasped at what she is seeing. Hindi ko siya masisisi, maski ako hindi pa rin makapaniwalang narito ang yumaong pinuno ng Vampire Committee sa aming harapan.
Circe laughed at our reactions and explained, "Natuklasan ko ito kanina nang binuksan ko ang mapa para matingnan ang lokasyon. Lord Raoul's spirit popped out of the scroll and told me it is somewhere in the Middle East.."
Napakurap-kurap pa rin ako. Tumawa ang matandang bampira.
"Mukhang gulat na gulat ka, Archer."
"P-Pero.. Paano?" He was suppose to be dead. Paano niya naisalin ang espiritu niya sa mapa? Is that even possible?
"I predicted my own death. Bago pa man ako patayin ng araw na 'yun, nagawa kong isalin ang parte ng aking kaluluwa sa mapa. Alam kong kakailanganin niyo ito balang araw.." Pinasadahan niya ng tingin ang iba hanggang sa manatili sa akin ang kanyang tingin, "It was inevitable. Kailangan niyo nang hanapin ang lagusang magdadala sa inyo sa Eden, lalo na't ngayon ay nakakawala na ang Devonian vampires.."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi naman ako nagkamali ng dinig di ba?
Natahimik kaming lahat. Malaking gulo ito..
Sumilay ang isang malungkot na ngiti sa mga labi ni tandang Raoul, "Archer, alam kong sa oras na ito ay may ideya ka na sa iyong pinagmulan. Hindi aksidente ang lahat. May rason ang mga nangyayari sa iyo ngayon. And this time, you are an essential part in finding the Lost."
Napailing ako sa sinabi niya at pagak akong natawa. "Me? That's bullcrap, old hag."
Humakbang papalapit ang espiritu ni tandang Raoul sa akin. Bakas na ang pagiging seryoso niya.
"I only know the estimated location of the lost garden. You are now somewhere in southern Iraq, where some mortals hypothesize it is located. Hindi sila nagkamali sa bagay na iyon. Ngunit sa pagkakataong ito, anak, tanging ikaw lang ang makapagtuturo ng daan. Archer, your parents knew where is it hidden.."
Mas lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya. He must be kidding me! Ni wala nga akong magawang matino, tapos ngayon sinasabi niyang ako ang makapagtuturo kung nasaan ang isang hardin na ilang siglo nang nawawala? And don't even get me started about the "parents" thing dahil wala akong balak kilalanin sila.
I'm still not recognizing my Devonian heritage. I am not evil.
Raoul sighed.
"Alam mo, hanggang kamatayan pinapasakit mo pa rin ang ulo ko, Archer. Tsk. Trust your blood, but beware.."
Lumapit sa akin si tandang Raoul at may ibinulong. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pero nang magsasalita na ako, bigla na lang siyang naglaho.
Napahinga ako nang malalim.
Bullshit.
"Ano nang gagawin natin?" Elora's voice broke the silence. Napansin kong nakatitig lang din sa akin ang iba, na tila ba hinihintay ang susunod kong gagawin. Tangina, ni wala nga akong ideya kung paano hahanapin ang hardin na 'yun!
Napadako ulit sa blangkong mata ang mga mata ko.
How am I suppose to know?
Inilibot kong muli sa disyerto ang aking mga mata. Teka lang..
"There are pebbles there."
Natawa sina Falcon at Cameron sa sinabi ko. Naunang nang-asar ang hudas na bampirang ito, "Really? The world is ending, we need to find The Garden of Eden, at ang natatanging naiisip mo lang ay maliliit na mga bato? Hahaha!"
Hindi ko na lang siya kinibo at naglakad na ako patungo roon. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko, but my guts are telling me to check those pebbles out. Agad rin naman silang sumunod sa akin. Nang makarating na kami sa kinaroroonan ng maliit na bato, agad akong naupo at sinuri ito.
The small white rock is embedded within the sand. Nang hawakan ko ito, agad akong napasinghap.
"This is marble."
Binalingan ko ang mga kasama ko. Tila na naguguluhan pa rin sila sa sinasabi ko. Soon enough, Elora rushed to my side and studied the rock I was looking at.
"It's unusual to find marble in a desert. Isa itong uri ng metamorphic rock, at kung hindi ako nagkakamali, nagmula ito sa limestone na madalas lang makita sa marine environment.."
I smirked at what she said. "Exactly."
"So, what's a piece of marble doing here?" Cam asked, puzzled.
Tumayo ako at ngumisi sa kanila. May itinuro akong direksyon. "Not 'a piece'. Marami pang mga katulad na bato roon," inilibot kong muli ang aking paningin sa mayaman na buhangin, "and it seems like they're forming a circle. Falcon, pwede mo bang kumpirmahin?"
Napasimangot si Falcon. "Para saan ba?"
"Basta."
Wala nang nagawa pa si Falcon kundi tumalon sa ere at pagmasdan ang malawak na buhangin sa aming kinaroroonan. When he finally landed, tumango siya sa akin. "You're right. The marbles are forming a circle."
"What's the diameter?"
Naguluhan siya sa tanong ko ngunit agad naman siyang sumagot, "Ten meters. Teka, ano bang plano mong gawin?"
Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Namalayan ko na lang ang paghakbang ko patungo sa gitna ng nabuong bilog, five meters away from the marble we saw. Lumuhod ako roon at kinapa ang buhangin. Napangiti ako nang mapansin kong bahagyang iba ang temperature nito.
"A circle is a symbolic figure used by the ancients. It represents the spirit and the cosmos. It also unifies spirit and matter, dahil tila ba pinag-iisa nito ang dalawang konsepto: una," itinuro ko ang mga maliliit na batong bumubuo rito, "ang gilid ng isang bilog ay sinisimbolo ang pagkakaroon ng walang-hanggan sa siklo ng kaluluwa ng isang nilalang. This goes for a fact for those ancient civilizations who believe in reincarnation. Pangalawa," itinuro ko naman ang gitna ng bilog, ang mismong kinatatayuan namin ngayon, "ang loob ng bilog ay sumisimbolo sa 'kawalan', o ang pagkawala ng mga bagay sa mundo."
Tumango si Lady Circe, "So it symbolizes both 'something' and 'nothing'.. May kinalaman ba ito sa hinahanap natin?"
Nagkibit ako ng balikat. "Some ancient cultures used circles to represent magical portals. It's worth a shot."
Nagkatinginan silang apat. Elora was the first to walk towards me. "Should we dig our way in? O may alam kang paraan para buksan ang lagusan?"
Ngumiti ako. "Kailangan muna nating alamin kung may nakatago nga rito. And I know just the trick."
Humakbang sila papalayo sa akin nang kinagat ko ang aking palad. Blood oozed out of the wound and it dripped into the sand.
Ang dugo ng isang bampira ay kayang sumuot kahit sa pinakamasisikip na lugar. It can even pass through the sand. Agad na inilapat ni Falcon ang kanyang tainga sa buhangin.
Kung may sikretong lagusan nga sa ilalim nitong buhangin na ito tulad ng pinaghihinalaan ko, hindi malayong maririnig ni Falcon ang pagtulo ng dugo sa ilalim ng lupa at ang pagtama nito sa kung anumang sahig. Just like how a drop of water is dripped into a well. Nakalilikha ito ng tunog, at malalaman natin na malalim ang binagsakan nito. Using the sound, we can determine if there is a hollow basin underneath this sand.
Falcon's eyes widened.
"It's faint, but I heard your blood drop against something down there."
I smiled. "Great. Ngayon ang problema na lang natin ay kung paano bubuksan ang----"
Natigil ako sa pagsasalita nang bigla gumalaw ang buhanging kinatatayuan namin. The ground shook intensely at ilang sandali pa, gumuho ang lupang kinatatayuan namin.
"AAAAAHHH!"
Rinig ko ang pagsigaw ni Elora habang bumubulusok kami pababa. Sinubukan ko siyang saluhin, pero maski ako ay hindi makakilos sa bilis ng mga pangyayari.
My eyes gazed up at the hole we fell in. Mistula na itong isang bilog na liwanag habang narito kami at nahuhulog sa mundo ng kadiliman. It feels like falling into an abyss, where all light is lost. Ilang sandali pa, lumagapak na kami sa lupa.
"Aray.."
I groaned in pain when my back hit the ground. Agad akong naupo at hinanap ang iba. Mukha namang maayos ang lagay nina Circe, Cam at Falcon. Pero, teka..
"Nasaan si Elora?" Dali-dali akong tumayo nang mapansin kong wala siya rito. Shit! Nasaan ba ang babaeng 'yun?
"A-Archer.."
Mula sa kadiliman, nakita ko siyang nakaupo sa isang gilid, a few meters away from us. Bago pa man siya madaluhan ni Cam, agad ko siyang pinuntahan at napansin ang panginginig ng kanyang katawan. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat and pilit na ipinaharap siya sa'kin.
"What's wrong? Nasaktan ka ba?"
Naramdaman ko ang presensiya ng iba pa naming mga kasama sa likuran ko. But my attention is still on the girl who was breathing shallowly. And that's when I saw it..
Her fangs.
Ang mga mata niya at nakatitig lang sa aking kamay, na hanggang ngayon pala at dumudugo pa rin kahit na pahilom na ang sugat nito.
"Anong nagyayari sa kanya?" Cameron's worried voice reverberated through the surroundings. Si Circe na mismo ang sumagot para sa kanya,
"Elora's vampire senses are triggered by the smell of Devonian blood. To a hybrid, this type of blood is intoxicating." Paliwanag niya.
Mahina akong natawa nang marinig ang mga hikbi ni Elora. I leaned closer to her and gave a reassuring smile. Kanina ko pa kasi ramdam ang takot niya. Natataranta siya sa nangyayari sa kanya. "You don't need to be afraid," inilihis ko ang manggas ng damit ko at itinapat sa mukha ng dalaga ang braso ko.
My exposed wrist is now in front of her at kitang-kita ko ang pagkislap ng kanyang pulang mga mata.
"I-I can't.. I-I'm not a monster.."
I smiled. "Neither am I.. Honey, drink my blood before you lose control. Hindi tayo pwedeng magpatuloy sa paglalakbay kung ganyan ang kondisyon mo."
Kahit na bakas pa rin ang pag-aalinlangan sa mga mata niya, Elora's vampire side took action and grabbed my wrist. Marahas niyang ibinaon sa aking balat ang kanyang mga pangil. Napangiwi ako sa sakit, pero habang pinapanood ko ang maamo niyang mukhang habang iniinom ang dugo ko, I felt relieved..
Tahimik ko lang siyang pinagmasdan.
I give you my blood, Elora Francisco. And you can take all of it..
Narinig ko ang sunod-sunod na mura ni Cam sa likod ko. Bago pa man siya maghimutok sa galit, namayani ang boses ni Falcon sa katahimikan.
"Look at this."
Agad kong binalingan si Elora at hinaplos ang kanyang pisngi. She retracted her fangs and removed her soft lips from my wrist. I can see that she was satisfied. Nang magtama muli ang mga mata namin, napansin kong bumalik na sa dati ang kanyang mga mata.
"A-Archer, sorry.. H-Hindi ko alam ang---!"
"Shh. Tara na, at mukhang may nadiskubre sina Falcon." Inayos ko ang manggas ng suot kong coat at hinawakan ang kamay ni Elora. We walked towards the area where Falcon and the others were. Nang pagmasdan ko ang mga nakaukit sa pader, napatango ako.
"This is Latin."
"What does it say?" Elora inquired, wiping her mouth.
Circe stepped closer and read the words..
PULVIS ET UMBRA SUMUS.
"We are but dust and shadows."
I'm not human, but from what I've heard, dust are associated the beginning and end of man. Ginawa ng Diyos ang tao mula sa alabok, at doon rin daw sila babalik matapos nilang gawin ang misyon nila sa mundo. As for the shadows, ang tanging naiisip ko lang ay ang kasamaan ng tao na pilit niyang itinatago sa dilim, not knowing that their Creator is all-knowing. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko malapit na kami sa kinalalagyan ng Lost Garden of Eden. Nilapitan ko ang nakaukit na mga letra at binulong muli ang nakasulat.
"Pulvis et umbra sumus."
Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon, I felt weightless. Bumaling ako kina Falcon na mapang-asar na nakatingin sa akin. "Ano na? Are you gonna say open-sesame or abrakadabra?"
I scowled at him. "Something's happening!"
Nagtatakang bumaling sa akin si Circe. "Archer, wala naman kaming nararamdaman.. What are you talking about?"
"This is a waste of time. We're trapped in this dump!" Cameron complained. Tangina, hindi ba nila nararamdaman iyon? Parang tumatakas ang kaluluwa ko sa katawan.. A burning sensation ripped through my body. Tila ba may itinatatak sa aking katawan.
"GAAAH!"
Nag-aalalang nilapitan ako ni Elora. "Anong nangyayari sa'yo?!"
Napaluhod ako sa sakit. Tila na kinakapos na ako ng hininga. Hindi ko na marinig ang kanilang mga boses. My eyes immediately closed with the sheer pain I was experiencing. At nang ipinikit ko ang aking mga mata, images flashed.
A maze.
A gate.
A tree..
Sumasakit na ang ulo ko dahil sa kakaibang nangyayari sa akin. I screamed in agony and tried to control myself but it was no use. Hanggang sa bigla na lamang nawala ang sakit. Hingal na hingal kong iminulat ang aking mga mata at pinagmasdan ang paligid.
Ngunit hindi na ito ang madilim na silid na kinalalagyan namin kanina. We're not even in the desert anymore. I felt the green grass under my feet and the large trees giving shade. Sa di-kalayuan, nakita ko sina Elora, Circe, Cameron at Falcon na tila namamangha rin sa paligid.
I stood up and studied the new surroundings. Napupuno ng makukulay na bulaklak ang isang bahagi ng paligid. The grass gleamed under the soft light of the sun. At ang mas nakakapagtaka pa---hindi kami napapaso rito. Nag-angat ako ng tingin, at napasinghap ako nang mapagtantong ang kalangitan mismo ay tila isang malaking dome. Naririnig ko ang pagragasa ng ilog, isang nakakakalmang tunog.
Isang kamangha-manghang kagandahan ang tumambad sa amin.
Everything felt peaceful. Everything felt at ease.
It's almost like..
"Paradise."
Mahinang bulong ni Elora. Nakita ko ang isang makahulugang ngiti sa labi ni Circe,
"The Lost Garden of Eden."
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top