DUODEQUINQUAGINTA
"I told you.. You're a little too late."
Hindi ko lubos akalain na hahantong sa ganito. What did I fucking do in my past life to deserve such bad luck? Sana nga lang panaginip lang ang lahat ng ito at magigising akong binubulyawan na naman ako ni Kane, pero hindi. This shit is far from nightmares.
Unti-unti kong inangat ang ulo ko para makita ang bumasag sa katahimikan.
The maze keeper.
Nakangiti pa rin siya pero halata mo namang nangangamba na rin siya sa sitwasyon. Sino ba naman ang hindi?
Binalingan niya ang puno na ngayon ay until-unti nang sinisira ang mundo namin. It's giant roots are digging deeper into the ground as its leaves decayed.
"Bakit ka nandito?" I forced myself to speak and stand on two feet. Mahirap itong gawin nang alam mong nasa sahig ang walang buhay na katawan ni Elora. Circe calmly stared at the creepy bastard.
"The Tree of Knowledge had always been protected and kept in the Maze of Eden.. Hindi ko alam kung anong itim na mahika ang ginamit ng mortal na 'yan," sinamaan niya ng tingin ang bangkay ni Cameron, "pero nagawa niyang lasunin mismo ang puno---"
"May magagawa ba tayong paraan para buhayin si Elora?!"
I could hardly care about the tree anymore.
He blinked at me, "Um... No. This is bound to happen. Wala na akong magagawa pa."
Naikuyom ko ang mga kamo ko at walang pagdadalawang-isip kong sinakal ang maze keeper. Kung mamamatay na rin lang kami, mabuti pang isama ko na 'tong gago na ito.
Yumanig muli ang lupa at para bang guguho na ang buong palasyo.
Pero imbes na matakot o mangamba ang lalaki, ngumisi lamang ito. "I can't do anything, but there's a certain someone who's capable of doing so.." Naguluhan ako nang dumako ang mga mata niya kay Lady Circe.
Kunot-noo kong tinanong ang bampira, "What the fuck is this psycho talking about?" Hindi pa rin natatanggal ang iritasyon ko. Tangina, pakiramdam ko kasi nawalan na ako ng ganang tapusin ang kwentong ito.
Elora's gone.
Her smile that lingers in my mind will forever be some ghostly memory in me. Hindi ko na siya muling makikita pa. Wala nang saysay kung susubukan ko pa siyang isalba dahil nabigo na ako.. Nabigo akong protektahan ang babaeng nakapagbibigay-kahulugan sa buhay ko. It's a miracle I haven't killed myself---yet.
Seryoso akong tinitigan ni Circe.
"Archer, he's right. May alam akong paraan para ayusin ang pagkakamali sa timeline na ito."
Timeline?
Natigilan ako sa sinabi niya. Binitiwan ko sa pagkakasakal ang maze keeper at itinuon ang buo kong atensyon kay Circe. Tama ba ang narinig ko? She knows something to change this? Pwede pang mabuhay si Elora?
Nakakita ako ng kaunting pag-asa.
"P-Paano?"
Humakbang papalapit sa akin si Lady Circe. Hanggang sa mga oras na ito para bang kalmado at wala pa ring siyang ibang pinoproblema sa kanyang buhay. Her graceful movements badly contrasted our "end of the damn world" situation. Bampira pa ba ang isang ito?
May kinuha siya sa kanyang bulsa.
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang bagay na hawak niya.
Iyan ang mapang naglalaman ng kaluluwa ni Lord Raoul---or atleast what's left of it. Wala naman kasi talagang kaluluwa ang mga bampira.
The maze keeper stepped backwards. A knowing smile on his face.
"Iwanan ko muna kayo.. We wouldn't want to do the same mistake now, would we?" At bigla na lamang siyang naglaho sa kawalan. Ano bang ibig niyang sabihin?
Binuklat ni Circe ang scroll. Bumungad sa amin ang blangko nitong papel.
She handed me a dagger after cutting her own wrist. Nakangiti siya ngayon na mas lalong nakapagpagulo ng isip ko. Ano bang kalokohan ang gagawin niya?!
"Archer, have you watched the mortal movie Harry Potter? If so, I think you'd most likely be familiar with the events in The Prisoner of Azkaban.."
"Cut to the chase! What are you getting at?" Naiinip kong tugon at napadaing nang bigla niyang hiwain ang aking pulsuan. Shit! Ano bang problema ng isang 'to?! At anong kinalaman ng isang pelikulang mortal sa nagaganap ngayon?
"Archer, there's a way we can save Elora and this entire story.."
"Paano nga?"
Umirap si Circe. "Sabay nating patakan ng dugo ang scroll and see for yourself."
Napasimangot ako. "And what if---"
"Trust me on this one."
Hindi ko alam kung tama bang maniwala ako sa mga sinasabi ni Circe pero sa mga sandaling ito, kakapit na ako sa patalim. I watched in silence as crimson dripped down from my wrist onto the paper. Kumalat ito sa papel kasama ng kay Circe. Her eyes flashed; kasabay nito ang pagkawasak ng mataas na kisame at ang paglitaw ng apat na salita sa kaninang blangkong mapa..
Ngumiti si Circe.
Nakilala ko agad ang mga salitang ito.
"Pulvis et umbra sumus.."
Ang parehong mga salita na nakita namin sa lagusan ng Eden.
Nanlaki ang mata ko nang lumiwanag ang mga katawan namin. Sa isang kisapmata ay naging alikabok ang kamay ko. 'Bullshit! What's happening?!' I stared at Circe who smiled as her body dispersed into dust. Kuminang muna ang abong ito sa ere bago tinangay ng hangin patungo sa kawalan.
"CIRCE?!"
Yumanig muli ang lupang tinatapakan namin at tuluyan nang gumuho ang kastilyo habang patuloy na nalalanta ang makasaysayang puno---ang bagay na makapagliligtas sana sa amin, ngayon ay ang siyang magsisimula ng katapusan. Elora's lifeless body laid on the cold ground. I think my fucking heart broke.
"If I could only change the plot of our story.. I'd risk anything, Elora.."
Iyon ang huli kong nakita bago ako nawalan ng kamalayan sa mundo.
*
Everything came into focus. Kanina ay halos wala talaga akong maaninag sa paligid. Tangina, nasaan na ba kami? Napansin kong napapalibutan ako ng nagsisitaasang mga puno.
Nakita ko si Circe na nakaupo sa likod ng halamanan. Bakit ba siya nandoon?
"Where are we?" I inquired.
Inilapat niya ang kanyang hintuturo sa bibig at tumalim ang tingin sa'kin. "Keep quiet! Nasa kagubatan ng Illuminairé Heights tayo."
Shit. Kaya pala pamilyar..
WHAT IN THE NAME OF BLOOD BAGS?!
"A-Anong ginagawa natin dito?! Kailangan nating bumalik! I can't leave Elora! Kailangan nating tulungan ang iba! What the fuck are we doing in a forest when the whole world is fucking ending?! MAMAMATAY NA ANG LAHAT AT----!"
"Damn it! Kung hindi ka pa titigil, baka ikaw ang mapatay ko. Tumahimik ka nga muna."
Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Sana pala hindi na lang ako sumama sa kanya! Akala ko naman maililigtas na namin ang lahat. Turns out, Lady Circe is just fucking wrong in the head!
Natigil ako sa pamomorblema nang may marinig akong boses mula sa di kalayuan..
"I'm glad you're okay, Archer."
Shit.
I can recognize that voice anywhere. Agad akong lumingon at nakita ang bulto ng isang babae na nakikipag-usap sa iba. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong ang babaeng nakikita ko ngayon ay walang iba kundi si Elora Francisco.
Natuod ako sa kinatatayuan ko. Pinagmamasdan ko lang siya mula dito sa malayo. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero wala ako sa posisyon para magreklamo.
Nandito siya--humihinga, nakangiti at buhay na buhay.
My girl's alive.. Masama bang ngumiti na para bang natatakasan na ng bait?
Nagulat ako nang lingunin niya ang kinaroroonan ko.
Bigla akong hinatak ni Circe. We hid behind the bushes and the Vampire Committee member narrowed her eyes at me. "This is the exact reason why I ask you to keep quiet!" Bulong-sigaw niya sa'kin.
Naririnig ko pa rin ang mga boses nila. Pero nakapagtataka lang dahil boses ko mismo ang nagsalita. Mas lalo akong naguluhan sa sitwasyon nami.. The heck?
"Kung si Cam ang inaalala mo, believe me, he can handle himself."
Sumilip ako mula sa halamanan at nakita ang pag-iling ni Elora habang patuloy silang naglalakad ni----Shit! Is that me?!
"It's not that. I just feel like someone is watching us.."
Napamaang ako habang pinapanood ko ang pamilyar na eksena. Inakbayan ng bampira----err, na kamukha ko---si Elora at kumindat dito. Hindi ko alam kung may karapatan ba akong magselos sa sarili ko o hindi. Seriously, is there such a thing?
"Don't think about that too much. Nandito na ako. Ako na lang ang isipin mo."
Tsk! I sound so damn corny that I honestly want to jump out of our hiding place and whack myself on the head. Dumako ang mga mata ko sa lalaking nanggulo sa pag-uusap namin ni Elora. Falcon's laugh errupted soon habang inaasar ako sa suot kong damit. Same old Falcon.. He's always been like that.
Nang makalayo na sila, binalingan ko si Circe. Nauunawaan ko na ang lahat.
"Did we just fucking time travelled?"
Ngumiti si Circe. "We don't want to make the same mistake again, right? So we're changing the plotline."
Ito pala ang kapangyarihan niya. Kaya pala maraming taga-committee ang umiilag sa kanya. I grinned and stared at the spot where I saw Elora again. Masakit pa ring isipin na namatay siya kani-kanina lang, pero ngayon para bang nabubuhayan na ako ng pag-asa.
If we could just change some events in the past, maybe I can actually save her.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top