DUODEQUADRAGINTA

Archer's Vampire Control Lessons 101

Lesson #3: Dealing with eternity.

Noon pa man, alam ni Elora na ang mga panaginip ay sadyang pagtakas lamang sa reyalidad. This is one reason why some people sleep--to momentarily escape reality. Pero hindi niya akalaing ang isang simpleng panaginip ang makapagbibigay sa kanya ng walang-hanggang kasiyahan. And this is all because of a certain vampire.

"Hahahaha! Ang bagal mo!"

"Hintayin mo lang na maabutan kita!"

She laughed and yelled after him. Kanina pa siyang hinahalikan sa pisngi ng bampira at inaasar siya nito dahil sa pamumula ng kanyang mukha. In turn, Elora chased after him and tried to whack his head for revenge pero para lamang silang mga batang naghahabulan sa gitna ng malawak na hardin ng mga bulaklak. She never felt so alive in all her life. Ngayon lang.

And she would never exchange this memory for anything.

Napahinto sa pagtakbo si Elora at sinuri ang paligid. Saan na ba nagpunta ang isang 'yun?

"Archer?"

Pero bago pa man siya makaalis sa kanyang kinatatayuan, naramdaman ni Elora ang mga bisig na pumulupot mula sa kanyang likuran. She gasped in surprise but remained steady. Kahit na hindi magsalita ang lalaking ito, Elora knew that she would recognize him in a heartbeat.

"Missed me too soon, honey? I'm touched." Bulong nito sa kanyang tainga.

Archer rested his head on her shoulder and inhaled her scent. Kumalas sa pagkakayakap niya si Elora at agad na naupo sa damuhan. "I noticed how creeping up on me became a habit of yours. At hindi kita na-miss!" Pagsusungit niya rito.

Natawa na lang ang binata at humiga sa kanyang mga hita. Elora watched in silence as he closed his eyes and smiled. He looked so peacful. Tila ba wala itong iniisip na kahit ano kahit na mabigat na problema ang kanilang kinakaharap ngayon. Napabuntong-hininga siya. There's a certain question that she wants to ask him..

"Masaya bang maging imortal?"

Agad na sumagot si Archer, "Hindi."

"Bakit?"

Bahagyang iminulat ni Archer ang kanyang mga mata, ngunit hindi ito nakatingin sa kanya. Ang paningin niya ay nanatili lamang sa isang distansya habang hinahaplos ni Elora ang kanyang buhok.

"Hindi masayang mabuhay nang wala kang rason para dito. Immortals live on, watching humans age and die. I'm only 21, and I have an eternity ahead of me.. Hindi ko pa man nararanasan ang mabuhay nang matagal, nararamdaman ko na ang labis na kalungkutang hatid nito sa sinumang bampira."

Elora raked her hands through his dark locks. Iniisip niya ang mga sinabi nito. Ayaw niya man aminin, ngunit alam ni Elora na hindi niya matatakasan ang pinakamalaking balakid sa kanilang samahan---ang oras. Archer is immortal, and when things get back to normal, Elora would be fully mortal again. Sa mga nabasa niya noon, kahit ang mga hybrid ay hindi imortal. Mas mahaba lang ang kanilang buhay kumpara sa normal na tao.

Napalunok siya sa kaba..

"This is forbidden, right?"

Archer nodded, knowing exactly what she was thinking. Napapikit si Elora nang maramdaman ang pagkawasak ng kanyang puso. Ang daming problema. Malulutas ba nila ito?

Archer's eyes darted back at her.

"Elora, the third lesson you need to learn on controling your vampire instincts---even though you're a hybrid---is that you need to learn how to deal with eternity. Hindi natin hawak ang oras. Anything can change and when they do, let's just hope for the best." Nakangiti nitong sabi ngunit ramdam ng dalaga ang kalungkutang pilit niyang itinatago sa kanyang tono.

"S-Stop it.. Wag na muna natin pag-usapan." Only now had Elora realized the weight of their situation. Sana pwede silang manatili na lang dito sa panaginip niya. Sana pwede na lang nilang takasan ang reyalidad.

But Archer smiled sadly, "This is the greatest difference between humans and vampires: you can escape the world whenever you sleep and dream..vampires can't."

Biglang umupo si Archer at may pinitas na bulaklak. Tahimik lang na nakamasid si Elora sa kanya. Nang balingan na siya ng bampira, nakita niyang hawak nito ang isang pamilyar na asul na bulaklak. She knew what that was for. Archer's loving eyes never left hers as he leaned in and whispered, "When everything's over, I'll keep my promise. I'll take you home, no matter what happens."

Naalala ni Elora ang pangako ni Archer noon sa kanya nang kinailangan nilang pumunta sa mundo ng mga bampira. Ipinangako niyang ibabalik siya nito sa mundo ng mga mortal.

The blue flower, now in front of her, glowed.

"Bakit mo sinasabi sa'kin ang mga 'to? Archer, natatakot na ako.." Nabasag ang boses ni Elora. Ayaw niyang matapos ito.

But Archer's eyes held the same pain, though he smiled, "Nararamdaman kong may magbabago. Nalalapit na tayo sa katapusan." His words hang in the air, before he claimed her sweet lips once again.

Iyon lang at nagising na si Elora mula sa kanyang pagkakahimbing.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top