DUODECIM

I immediately stood under a shade of a tree the moment I stepped out of the old building. Sa sandaling pagsinag ng araw sa balat ko, agad kong naramdaman ang kakaibang hapdi nito. Napamura na lang ako nang bahagyang umusok ang balat ko dahil dito.

"Damn sunlight.. Tsk."

Of all the things we can do, being exposed to direct sunlight is one of few things that restrict us. Sa mundo naming bampira, pawang artificial lights lang ang naroon at hindi namin kinikilala ang araw ng mga mortal. Masyadong sensitibo ang balat namin sa init nito, at hindi nakakatulong ang abnormal na dulot ng sinag ng araw sa malamig naming katawan. Cold-blooded. That's what we are.

Nang mapansin kong tumutulo pa mula sa kamay ko ang sariwang dugo ng mga napatay ko, agad akong nagtungo sa ilog na nasa Hilaga. A few kilometers away, and I finally reached the small stream that stretched beyond the dense forest. Natatakpan ng mayayabong na mga puno ang kalangitan at pawang mga huni ng ibon ang maririnig mo sa paligid.

Naglakad ako papalapit sa ilog at hinugasan ang dugo sa balat ko.

I'm now officially a criminal.

Alam kong labag sa batas ng mundo namin at pati na rin sa CRIMSON Policies ang pumatay ng kapwa bampira, pero ito ang isa sa napakaraming pagkakataong nawalan na ako ng kontrol sa sarili. I don't usually go wild, but this time is different. Buhay ko na ang nakataya rito and it's either kill or get killed. Lalo na ngayon at mukhang natutuwa ang iba kong mga kalahi sa pabuyang ipinatong ng Vampire Committee sa ulo ko. Damn those fuckers.

I have no choice.

"Hold yourself together, Archer.. Kailangan mong ayusin ang gulong 'to.."

Parang tanga ko nang kinakausap ang sarili ko gayong alam kong wala namang kasiguraduhan kung magiging maayos pa ba ang lahat. Napabuntong-hininga na lang ako at tinapos ang paghugas sa aking mga kamay. Pero habang dinadama ko ang malamig na tubig sa balat ko, nakaramdam ako ng biglaang panghihina. Agad akong napaatras at kumapit sa pinakamalapit na puno.

My nails damaged its bark as I struggled catching my breath. Shit. Not again..

I need to feed.

At doon ko lang napantantong may anim na oras na nga pala mula noong huli akong nakakain. Mahina akong napamura. Ito lang ang nakakairita sa pagiging bampira; madali kang magugutom at maaari mo pang ikabaliw ang gutom na iyon. The hunger and bloodlust of vampires is a natural phenomena. Delikado na.

Mabibilis ang paghinga ko habang sinusuyod ko ang kagubatan.

I sighed in relief when I saw a sheep grazing by the meadows. My eyes dilated and fangs automatically retracted. Nararamdaman ko na ang matinding uhaw habang pinagmamasdan ko ang kaawa-awang hayop. Nanginginig na rin ang aking kalamnan.

'A hungry vampire couldn't be choosy,' I reminded myself.

I don't drink raw blood.. But with my situation, I think I need to make the best of it. Wala ako mapagbibilhan ng blood chips o blood-in-a-can drinks dito sa mundo ng mga mortal.

And that's already one problem to be bothered about.

*

Nang makabalik ako sa bahay nila Elora, agad akong pumasok sa backdoor. Mabuti na lang talaga at nagagawa kong humalo sa mga anino para maiwasan ang nakamamatay na araw.

The moment I walked towards the living room, I saw the girl still sitting on the sofa. Hawak niya pa rin ang mansanas. Napangisi ako.

"Thanks for taking care of my apple.."

Bahagyang nagulat si Elora nang mapansing nakatayo ako sa kanyang likuran. Sumama ang titig niya sa akin pero agad niya ring ibinato sa direksyon ko ang mansanas. I laughed at her reaction.

"What took you so long? Akala ko ba five minutes lang?"

My eyes darted at the wall clock. I've been gone for a little less than ten minutes. Nagkibit ako ng balikat at naupo sa tabi niya. Doon ko lang din napansin na nakasuot na pala siya ng pang-alis.

Na-late ako kasi kinailangan ko pang higupin ang dugo ng tupang nakita ko kanina---but of course, I couldn't tell her that. "Uh, something happened.."

Hindi nawala ang paghihinala sa mga mata ni Elora ngunit napabuntong-hininga na lang siya at tumayo. She then walked in front of me. Nabigla ako nang yumukod siya sa harapan ko. Her face inches from mine. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Seryoso ang kanyang mukha nang tanungin ako, "Anong kulay ng mga mata ko? Dali!"

"Brown. Why?"

Napangiti si Elora.

"Hay. Thank goodness!"

Napabuntong-hininga siya. Oo nga pala, she was turning into a vampire so her eyes would temporarily color into red. My hypothesis is, she'd only turn into a hybrid. A half-vampire. Hindi naman niya kasi nainom ang lahat ng Forbidden wine, so I guess the effects wouldn't fully take its toll on her. Not now.

Nang hindi pa rin niya inilalayo ang mukha niya sa akin, I immediately tugged at her shirt's neckline. Napasinghap siya sa ginawa ko.

"Don't bent on me too much. May hindi dapat makita." Kumindat pa ako na naging dahilan ng lalong pamumula niya. She rapidly stood straight and covered her chest area. Baka akala niya may X-ray vision pa ako niyan? Tsk.

"Pervert!"

"Says the one who has a hidden desire with vampires."

At umalingawngaw sa silid ang malakas kong pagtawa sa iritasyon niya. She looked at me murderously and huffed. Alam kong pinipigilan lang niya akong ihagis sa bintana at iyon ang mas nakakatuwa doon. At our current situation, we need each other. She can't kick me out of her house because she needs some insights about her transformation. That's the fun part.

"I have classes today. Kaya mo na ba dito?"

Napangisi ako at kumagat sa mansanas. "What am I, a three-year-old? Yeah. Just go."

Mayamaya pa, may kumatok sa front door.

"El? Tara na, baka ma-late na tayo!" pagtawag ng kung sinumang nasa labas.

Pinaningkitan muna ako ng mata ni Elora bago binuksan ang pinto. Tahimik lang akong nakaupo dito sa sofa habang sinisilip ang lalaking pumasok. He had brown hair and forest green eyes. Agad niyang binati ng ngiti ang dalaga.

"Cam.. Pasensya na. Let's go."

"It's fine. I honestly thought that you were in the shower." He laughed.

"No, umm.. I was just preoccupied." The girl hesitated.

Preoccupied? Ayan na ba ang tawag mo sa'kin? Tsk.

She was about to drag him outside when the guy's eyes landed on me. Kumunot ang noo niya nang makita ako. Naramdaman ko ang pagtalim ng kanyang titig sa akin. Mapanuri. It was like being examined under a miscroscope.

"Sino siya?"

Nakita ko ang pag-aalinlangan ng dalagang sagutin ang tanong niya. She cleared her throat and spoke, "H-He's my cousin. Nandito siya para magbakasyon. Tara na, male-late na tayo.." Hinawakan niya ang kamay ng lalaki at marahang hinila ito papalabas pero agad rin siya nitong pinigilan.

I smirked. "Aren't you gonna introduce me formally to your friend, Elora?" Panunuya ko.

Napasimangot siya.

Napipilitan niyang binalingan ang kaibigan niya at nahihiyang nagsalita, "Cam, t-this is Archer, my bastard of a cousin. Archer, this is Cameron Fuentes, my dearest friend. There. Can we go now?"

Natawa ako sa pagiging tensyonado niya at tumayo para tanggapin ang nakalahad na kamay ng lalaki. His eyes pierced me kahit na nakangiti siya. Matapang kong sinalubong ang kanyang tingin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mortal na 'to. Para bang kinilatis na niya ang kaluluwa ko---well, not that I have a soul, that is. Vampires don't have souls. I don't know why and I have no time to go through my history books.

"Nice to meet you, Archer."

He's not an ordinary mortal. Iba ang kutob ko sa isang ito. He wouldn't be staring at me like some prey unless he's....

Damn it.

"The pleasure is mine." Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha ko.

Agad na siyang hinatak papalayo ni Elora sa akin. The woman glared at me. "Need to go. Don't destroy the house and stop eating my apples!" Naiinis niyang tiningnan ang fruit basket sa center table na puno ng mansanas. Pero mas iginagalak ko ang paalala niya.

"Nah. Apples are my favorite. Have fun in school!"

Kinindatan ko na naman siya. She blushed furiously and avoided eye contact.

Dali-dali na niyang hinila papalayo si Cam at padabog na isinara ang pinto. Napapailing na lang ako. Kailangan kong gumawa ng paraan para makausap ang mga kasapi ng committee. They need to know that it was all a mistake. Huminga ako nang malalim at kumagat ng mansanas. I threw it away and snapped my fingers, having the old "Vampire Handbook" appear in front of me from thin air. Nakalutang lang ito sa aking tabi habang inililipat ko ang mga pahina.

"Page 756, making otherworldy portals.. There it is!"

Okay, time to work.

*

Nasa kalagitnaan ako ng pagguhit ng simbolo sa pader gamit ang dugo ng manok nang bigla akong nakaramdam ng kakaibang presensya. Itinigil ko ang ginagawa ko nang biglang may kumatok. Napabuntong-hininga na lang ako at tumayo para buksan ang pinto. Tinatamad kong tinahak ang daan patungo sa sala. Sheesh. Can't a vampire have some peace and quiet for once? Tsk.

Knock! Knock! Knock!

I twisted the doorknob and swung it open. I felt my iris dilate and became red with alert. Whenever there's danger or whenever we feel intense emotions, vampire eyes tend to color blood red. Marahan kong sinilip ang paligid, pero wala akong nakita.

The sky was dark, illuminating the surroundings in shades of gray. I cautiously took a step outside and scanned the neighborhood.

At sa paghakbang kong iyon, naramdaman ko ang pagbaon ng manipis na sinulid sa binti ko. I frowned and stared at the almost invisible thread that stopped my movements. Pero habang pinagmamasdan ko ito, naramdaman ko ang paparating na panganib.

I leaped back inside the house and threw an apple at behind me. Mayamaya pa, may narinig akong bagay ba bumagsak sa sahig. May tinamaan ito. Napangisi ako.

"An almost unnoticable thread that can cut through vampire skin and a combat knife that is probably drenched in garlic juice. Ayan lang ba ang kaya mo?"

I spun around and heard footsteps approaching. Mula sa kadiliman ng silid, nagpakita si Cameron na may kung anu-anong gamit na nakasabit sa katawan. He was even wearing combat boots and several sets of blades were dangling from his belt. Kuminang rin ang dulo ng katana na nasa kanyang likuran. His forest green eyes glared at me, a mischievous smirk on his lips.

"My elders already warned vampire senses are incredible, and I guess I underestimated you.." Ngumiti pa ito ng nakakaloko, "Pero kung inaakala mong ligtas ka na, doon ka nagkakamali, bampira!"

At sa isang iglap, nagpakawala siya ng maliliit na karayom sa aking direksyon. My eyes narrowed.

No. They're not ordinary needles.. Gawa ang mga ito sa kahoy ng wild rose. Napamura ako nang mahina nang papalapit na ang mga ito sa akin.

Shit.

The wild rose needles pierced my skin and ripped my coat. Hindi ako nakailag agad at may ilan pang bumaon sa balat ko. Napaluhod ako sa sakit na dulot ng mga ito. Narinig ko ang mga yabag ni Cam papalapit sa akin. He crouched in front of me and watched my blood spill on the floor. After being hit by a thousand needles, it's hard to differentiate blood from flooring.

"Not so smart now, are you Archer?" I can hear amusement drip from his voice.

Natawa ako.

Who the fuck does he think he's messing with?

Kumunot ang noo ni Cam sa pagtawa ko. He narrowed his eyes and grabbed his katana. "Anong tinatawa mo diyan?!" Akmang ibabaon na sana niya ang katana sa dibdib ko nang agad kong tinabig ang talim nito at walang-emosyong tumayo. His eyes widened in shock when he saw my wounds being healed immediately.

"P-Paanong..?"

I yawned. Tinatamad man akong magpaliwanag, pero sige.

"It was written in mortal history that the branch of wildroses can penetrate vampire skin and wound us permenantly. It's a fact, actually. In normal circumstances, vampires won't be able to recover from our injuries when attacked with those needles made from wildrose."

Tumayo si Cam at tumalim ang titig sa akin. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa patalim at mukhang handa na akong patayin. "So, care to share your secret on how you managed to survive?"

Napairap ako. "If I tell you, it wouldn't be a secret. Tsk. Tanga ka rin eh 'no?"

Apples.

Hindi alam ng mga mortal na ang mansanas ang makapagpapawalang-bisa ng mga sugat na dulot ng wildrose sa amin. Kaya mabilis na naghilom ang mga sugat ko.

Cameron narrowed his eyes in realization and averted his gaze on the center table of the living room. Nang mapansin nang ubos na ang mga mansanas sa basket, mahina siyang napamura. Mukhang nauunawaan na niya ang sitwasyon.

"Crap."

Pero nakatuon pa rin ang atensyon ko sa tatak ng damit niya. Hindi ako maaaring magkamali. Tama ang hinala ko..

"You're a vampire hunter from the Imperial Yard."

---


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top