DECIM

Elora frowned and pulled the curtains shut.

Delikadong mapalapit sa bampirang 'yun. Mas marami pa silang kailangang problemahin. Hindi ito ang oras para magpadala sa pagiging avid fangirl niya ng mga bampira. Napabuntong-hininga ang dalaga. She really needed to sort things out. Umaga na at she has classes later.

'I didn't even had an hour of sleep!'

But a knock on her front door startled Elora. Kumunot ang kanyang noo. "At sino namang takas sa mental ang kakatok ng ganito kaaga?" Nagtataka niyang tinungo ang sala. Siguro yung naniningil na naman ng upa sa bahay. Mahina siyang napamura sa naiisip. Bakit ba kontrabida sa lahat ng kwento ang mga landlady? Hindi niya alam. At ayaw na niyang alamin. Tsk.

Nakahanda na ang mahaba-habang paliwanag na sasabihin niya. It wasn't even her goddamn due! Pero nang buksan ni Elora ang pinto, mas lalo siyang nabagabag nang malamig na hangin lang ang sumalubong sa kanya. Lumingon siya sa kanyang gilid, pero wala talagang katao-tao sa kalye!

Pero sino naman ang kakatok...

Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang nangyayari. Damn it!

Naiinis isinara ang pintuan at nilibot ang mga mata sa loob ng bahay. Madali niyang nahanap ang hudas na nagawa pa talagang humilata sa sofa nila. He had his eyes closed while his hands rested behind his head. Elora felt her face reddened in anger. Nasira na talaga ang lahat ng pananalig niya sa mga bampira! And it's all his damn fault!

"WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING INSIDE MY HOUSE?!"

*
Bahagya kong iminulat ang isa kong mata. I smirked at how pissed this human female looked. Pinigilan kong matawa sa hitsura niya. Damn, she looks ugly when she's angry. Tsk.

"What do you expect? Akala mo na mapapalayas mo ako sa buhay mo ng ganoon na lang? Nice try, Ms. Francisco.. Besides,"

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama niya at naglalakad papalapit sa dalaga. She tried to tear her gaze away from me, pero pilit kong hinuli ang kanyang mga mata. Honey brown eyes. Ano ba ang meron sa mga matang 'yan? Tsk. Naramdaman ko ang tensyon sa kanyang katawan nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Mabilis niyang ipinikit ang kanyang mga mata.

Lumawak ang ngisi ko at dali-dali kong hinawakan ang kanyang mga labi.

I can hear her heart beating rapidly. How foolish.

"W-What are you-----?!"

"Hmm.. It seems that your fangs aren't developing yet. What a shame."

Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize niyang inuusisa ko ang kanyang ngipin. Napasimangot ako nang wala akong makitang pangil. She still had a set of completely normal teeth. I sighed in relief and shoved my hands in my pockets.

Nakakabagot naman. And I thought things were getting exciting! Tsk.

Galit niya akong binalingan. "Para saan naman 'yun?!"

Nagkibit ako ng balikat. Bakit ba lagi na lang siyang sumisigaw?

"I was checking to see if you're already transforming into a vampire, honey.. Pero mukhang late bloomer ka." I laughed at my inside joke. Pero mukhang ako lang talaga ang natawa.

Nakaawang ang bibig ni Elora. Napabuntong-hininga ako at hinawakan ang kanyang baba. Marahan kong isinara ang kanyang bibig at naupo muli sa malambot nilang sofa. I should buy me one of these. Well, iyon ay kung makukuha ko pa ang salary ko.

"S-So it's true.. M-Magiging bampira din ako.."

Naiiyak na bulong niya. I cocked an eyebrow at her. How ignorant can she be? I snapped my fingers and a small book emerged out of thin air. Nakalutang lang ito sa aking tabi habang inililipat ko ang pahina.

"Ah! There you have it.. Yes----you see, ignorant little mortal female, the Forbidden wine is made out of the Forbidden fruit from the garden of Eden during the pre-Adamic period. Ang sabi sa mga alamat namin, iba-iba ang nagiging epekto nito sa nilalang na iinom: To mortals, it would mean transformation and blood-thirst; to standard vampires like us, it can lead to death.. And, of course, to Devonian vampires, it gives them unimaginable power to destroy other creatures."

Ipinitik kong muli ang aking mga daliri at agad ring naglaho ang CRIMSON Handbook na binasa ko. Perks of being a vampire.

At ngayong naiisip ko na ang mga posibilidad, mabuti na lang pala at mortal ang aksidenteng nakainom ng Forbidden wine. Kinakabahan akong isipin kung mapupunta lang ito sa kamay ng mga Devonian vampires. Who are they? Let's just say that they're the "cursed ones". Baka mas mapapabilis ang pagkagunaw ng dalawang mundo kung sa mapupunta ang kapangyarihan ng Forbidden wine sa kanila.

Even a drop of it would lead to chaos and devastation.

Buti na lang at nainom ng mortal na 'to ang lahat. Atleast we wouldn't be dealing with the drama of fighting against the crazy bloodsuckers, right?

Pero hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ni Elora Francisco. She still had this confused and frightened look on her face.

I smirked. "What, can't accept the fact that you'll be one of us?"

Marahan siyang napailing.

"Obviously! Pero ang mas ipinagtataka ko.."

"Ano?" Bakit ba parang hindi maganda ang sasabihin niya?

"..kalahati lang ang laman ng kopita nang ininom ko ang wine na 'yun."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top