CHRISTMAS SPECIAL: Archer's Lost Christmas Memory

"Jasmin! L-Let me explain, h-hindi ko alam ang ginagawa ko.. I-I lost control..."

"NAGSISISI AKONG NAKILALA KITA!"

Hanggang ngayon, naaalalala ko pa rin ang mga salitang 'yan. I watched helplessly as she sobbed harder over their dead bodies. The bodies of her parents and grandmother. Napuno ng dugo ang sahig---ang parehong dugong nagmantsa sa mga kamay ko. 'I-I killed them.'

Her gray eyes never met mine again. Nauunawaan ko naman kung habambuhay niyang dadalhin ang galit niya sa'kin. Ako ang sumira sa buhay niya.. sa buhay ng unang mortal na minahal ko.

"Jasmin.."

Up until today, I still blame myself.

I blame myself for being a monster. Vampire or not, what I did is just plain evil.

Pero sa mga pagkakataong ito, gusto kong balikan na lang ang masasayang alaala. Memories prior to that unfateful event. Happy memories. Memories that I can't seem to have a grasp on.

Bisperas ng Pasko sa mundo ng mga mortal.

My twelve-year-old self spent the evening with her, chasing fireflies inside the forest and laughing 'til our hearts' content. Malamig ang simoy ng hangin at mula sa kinaroroonan namin, amoy na amoy ko ang pagkaing niluluto ng nanay niya. A few Christmas lights decorated the place and the moon was just barely up in the sky.

Everything just feels too foreign.. too damn peaceful for a vampire like me.

"Archer? Hahaha! Nakikinig ka ba sa'kin?"

Jasmin's smile pulled me back to reality. Nakaupo kami sa may damuhan at napapaligiran ng mga bulaklak ng santan. I smiled back at her.

"Sorry. I was just wondering.."

"Wondering about what?"

Huminga ako nang malalim, "Bakit may Pasko sa mundo ninyo? Hindi ko maintindihan. What the use of celebrating it when all you do is cook food, eat, give gifts, and stay at home? It's just a normal day."

Nagsasayang lang yata sila ng pagod eh! Wala namang mapapala ang mga mortal na 'to sa Pasko. What's so special about this day?

Napasimangot ang batang si Jasmin. Ilang sandali pa---

"ARAY! Tsk! Para saan naman 'yon?!" Naiinis kong sabi. Binatukan ba naman ako! Damn it. Pasalamat na lang siya't crush ko siya.

"Buti nga sa'yo! Hmph! Can't you see? Christmas is special. Ito ang araw na nagsasama-sama ang magkakamag-anak para i-celebrate ang kapanganakan ni Jesus!"

I dead-panned. "So, you all celebrate someone else's birthday? Err.. hindi ko pa rin maintindihan ang logic doon."

"Wala bang Pasko sa vampire world?"

Umiling ako. "Wala."

"Kaya pala."

"Anong kaya pala?"

"Kaya pala wala kang Christmas spirit! Hahaha! Kawawa ka naman, bampira." Jasmin laughed at me.

Pero imbes na magalit, namalayan ko na lang ang sarili kong nakatitig sa kanya. School teaches us, vampires, to hate humans.. pero sa mga sandaling ito, hindi ko maiwasang mabighani sa ganda ni Jasmin. Gray eyes and that easy smile.

Simple yet beautiful.

'It's a shame that I'll never age when I turn 21.'

Sandaling natahimik si Jasmin nang mapansin niyang nakatitig lang ako sa kanya. Napabuntong-hininga siya't sandaling sumulyap sa kalangitan.

"Archer?"

"Hmm?"

"Sana hindi tayo magbago. Gusto kong makasama ka ulit sa bisperas ng Pasko, Archer. Ipangako mo sa'kin na kahit na bumalik ka sa mundo ninyong mga bampira, bibisitahin mo ako dito. I want to spend another Christmas eve with you."

Napangiti ako. "I promise, Jasmin."

Sabay naming pinagmasdan ang kalangitan. May mangilan-ngilang mga alitaptap sa paligid namin at sa kabila ng masukal na kagubatan, natatanaw ko ang ilaw ng mga kabahayang nasa bayan.

At kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin ay ang pagbilin ni Jasmin.

"Balikan mo ako, Archer.. hihintayin kita. Meet me on Christmas eve at---"

"ARCHER?!"

Naglaho ang lahat. Natigil ang panaginip. Sumakit ang ulo ko. "Shit." Ilang oras na ba akong tulog? And when I opened my eyes, I was greeted by someone staring at me.

"Jasmin?"

Pero nang maaninag kong maigi ang mukha ng babaeng nasa harapan ko, gray eyes suddenly turned to honey brown. A sweet smile on her lips.

"Good morning, Mr. Vampire! Kanina ka pa tulog diyan. Akala ko naman kailangan ko nang mag-order ng kabaong para sa'yo! Sayang. Free shipping pa naman ngayong Christmas sale!"

Elora Francisco laughed and kissed me. Lihim akong napangiti at mabilis ko siyang hinila paibabaw sa'kin. Ngumisi ako't inayos ang kulay pula kong necktie. She was blushing like crazy.

"A-Archer! Anong ginagawa mo?!"

"You don't kiss me and get away that easily, Elora." Kumindat ako't sinimulang halikan ang leeg niya. Her skin smelled like vanilla. I smirked naughtily and grazed my fangs on her skin. Nanigas sa pwesto niya ang dalaga at mabilis na lumayo.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Hep! Bisperas na ng Pasko mamaya! Wala akong oras makipaglandian sa'yo, Acheron. I still need to do some preparations for dinner!"

Mahina akong natawa at umupo sa sopa. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako dito kanina. Damn, what time is it? "You worry too much, Elora. Dinner's gonna be fine. Hindi ko talaga maunawaan kung bakit kayo nagpapakapagod sa okasyong ito. Tsk!" I leaned on the sofa and grabbed an apple from the fruit basket on the coffee table.

Actually, the fruit basket is filled with blood red apples. Mukhang naaalala pa rin ng mortal na ito ang paborito kong prutas.

I stared at Elora's frustrated face and sighed. Nang mapagmasdan kong maigi ang suot niya, napasimangot ako.

"Honey, changed your clothes. Baka masibak pa ako sa trabaho."

Kumunot ang noo niya. "At bakit ko naman gagawin 'yon?"

Tsk.

"Kasama sa rules ng CRIMSON ang panatilihing sikreto ang existence naming mga bampira."

"And so?"

"Nakasuot ka pa ng T-shirt na halos ipangalandakan pang bampira ang boyfriend mo."

I pointed out her shirt. It was a simple black, with white and red words: I LOVE MY VAMPIRE BOYFRIEND! At may mga puso pa. Sa pagkakaalam ko talaga Pasko ang okasyon ngayon sa mundo ng mga mortal at hindi Valentines. Still, I couldn't help the smug smirk playing on my lips. "I can't believe you're still obsess with me, Elora Francisco."

Namula lalo si Elora at nahihiyang hinawi ang mahaba niyang buhok. She avoided eye contact and crossed her arms over her chest. "N-Nagkataon lang na ganito 'yong nakuha ko kanina! Hindi pa ako nakapaglaba. D-Don't be too full of yourself!"

"I love you too, honey. Change your shirt.. unless you want me to change it for you?"

I took another bit out of my apple.

Natameme si Elora. Ilang sandali pa, mabilis siyang tumalikod at padabog na bumalik sa kwarto niya. She was mumbling things like "stupid bloodsucker!" and "kundi lang kita mahal!"

I really find this girl amusing.

Huminga ako nang malalim at sinilip ang kalendaryong nakasabit sa pader. December 24, 2019. Tonight is Christmas Eve here in the human world, at dahil matagal na akong kinukulit ni Elora, napilitan akong mag-leave sa trabaho. Mabuti na lang at binigyan ako ng konsiderasyon ng CRIMSON dahil sa pagliligtas namin sa Vampire world noon.

In the eyes of other employees, we're heroes.

"Parang kailan lang halos sibakin na ako sa trabaho ni Mr. Kane."

Mr. Kane is my boss. He's still an asshole. Hindi ko talaga alam kung bakit lagi niya akong kinakawawa sa trabaho. Noong nakaraang linggo lang, ako ang pinag-repack niya ng vampire toothpaste na ipinamahagi nila sa Devonian vampires. He said it was for a vampire smile campaign or some shit like that. Ayoko nang alalahanin.

Then again, mukhang hindi ko mapigilan ang ilang mga alaalang bumabalik sa'kin.

I remember that dream again. It had been a long time ago, when I got lost during our elementary fieldtrip. Dahil hindi ako magaling sa mga direksyon, naligaw ako sa kagubatan ng Eastwood at nakilala si Jasmin.

'That Christmas eve memory of her...'

Iyon ang isa sa masasayang alaalang naitabi ng utak ko bago pa man mangyari ang trahedya.

I made a promise to her.

"Pero kahit anong gawin ko, hindi ko na maalala kung saan kami dapat magkikita."

Ilang gabi ko nang napapanaginipan ang memoryang 'yon. Over and over again, and yet I can't remember where Jasmin told me to meet her. Kahit anong gawin ko, tila ba tuluyang nawala ang memorya ko tungkol sa bagay na 'yon. It's like something was missing.

'A lost Christmas memory?'

I sighed. "That's just bullshit."

"What is?"

Hindi ko na kailangang magsayang ng pagod lumingon para alamin kung sino ang dumating. I grabbed another apple and threw it towards him at a deadly speed.

Sa kasamaang-palad, walang kahirap-hirap niya itong nasalo. His smirk never failed to annoy the hell out of me.

"Offering me an apple? That's sweet, little brother."

"Fuck you, Falcon. Psh! Ano bang ginagawa mo dito? Shouldn't you be baby-sitting the Coven?"

The blonde vampire chuckled and sat down across of me. Hindi siya naka-uniporme ngayon at may dala-dala siyang folders na may selyo ng CRIMSON.

"Nah. They can handle themselves. Wala rin namang masyadong gulo ngayon sa Vampire world kaya guguluhin na lang kita dito."

"Geez. Thanks. Mukhang personal goal mo na talagang gawing miserable ang buhay ko." I frowned.

Oh, I forget to mention. After the war against Cameron, and after we restored the balance of the Vampire world and human world, Falcon resigned from CRIMSON and joined the Coven. After a few years, he got promoted.

Ang vampire Coven ay ang samahan ng mga bampirang nauuto ng Vampire Committee. Para silang mga tutang sumusunod sa gusto ng mga matatandang bampirang 'yon. Oo, lahat sila mga antigo na----err... except for Lady Circe.

So, why do I still hate the Coven and the Vampire Committee?

Let's just say I just don't like authorities. Magmula noon naman, nahihirapan na akong sumunod sa kanila.

"Mukhang totoo ngang bisperas na ng Pasko mamaya dito. I've seen houses decorated with Christmas lanterns and Christmas lights. Isn't this exciting?" Masayang sabi ni Falcon bago kumagat sa mansanas (sayang at hindi siya natamaan sa ulo kanina).

"What's so special about Christmas anyway?"

"Don't be such a killjoy, Archer. Wala namang masama kung makiki-angkop tayo sa tradisyon ng mga mortal. In fact, your girlfriend invited us for dinner tonight."

Napanganga ako sa sinabi niya. "I-Inimbitahan kayo ni Elora?!"

"Yup. Papunta na rin dito sina Lady Circe at Mr. Kane."

PATI ANG BOSS KO?!

Shit.

Parang nawalan na ako ng ganang kumain ng mansanas. Huminga ako nang malalim. 'Damn it, Archer. Hayaan mo na. You don't want to disappoint Elora now do you?'

The things I do for love. Tsk!

Napadako ang mga mata ko sa hawak ni Falcon. "Ano naman 'yan?"

Mabilis niya itont inabot sa'kin at ngumiti nang malawak. "May naiwan kang trabaho sa kompanya. The Boss requested me to give it to you. Mukhang ayaw ka talaga nilang magpahinga."

Kinuha ko ang folder at sinilip ang laman nito. It was a profile from the Human Labor Department. Nang mabasa ko ang pangalan ng dalaga, pagak akong natawa. "Hahaha! You've gotta be kidding me.. bumalik na naman sa'kin ang profile ng babaeng 'to."

"Who?"

"Elizabeth de Castro."

Nanlaki ang mga mata ni Falcon nang marinig ang pangalan. "Well, that's a stupid coincidence. Pero mukhang kailangan mong papirmahin ng kontrata ang Elizabeth na 'yan. I heard the labor department needs more humans this season."

I stood up and tucked the folder under my arm. Mas maagang matatapos ang trabaho, mas maganda. Mabuti na lang talaga at nakapaglagay ako ng vampire sunblock kanina kaya't pwede akong lumabas sa araw. Amazing, isn't it?

"I'm gonna find this girl, once and for all. I'll be right back, so don't you dare eat all the apples." Tumalim ang mga mata ko kay Falcon nang akmang kukuha na naman siya ng mansanas.

He frowned. "Kapatid mo ako!"

"I don't give a shit."

"Oh, come on Acheron Va---"

"Say my full name and you'll have a one-way ticket to the Underworld. Baka hindi ka na umabot ng Pasko."

Napapailing na lang si Falcon sa sinabi ko. Bago pa ako tuluyang umalis, pinuntahan ko muna si Elora sa kusina. She was busy chopping vegetables when I cleared my throat. Lumingon siya sa'kin at ngumiti nang malawak. Kapansin-pansin na nakapagpalit na siya ng damit. One that is not screaming her vampire obsession. Nakakadismaya mang aminin, pero hanggang ngayon hindi niya pa rin maalis ang mga posters ni Edward Cullen sa kwarto niya---kahit na binigyan ko naman siya ng mga posters ng mukha ko. Tsk! This girl is really something else.

"I gotta go. May tatapusin lang akong trabaho."

"Seriously? Archer naman! It's Christmas. Tulungan mo na lang ako dito! Pupunta pa man din si Kayla. Nga pala, uuwi rin daw sina mama at papa mamaya."

Elora's parents. It's been a while since I've met them. Hindi naman sa pagmamayabang, pero kinagigiliwan ako ng mga magulang ni Elora. Mr. and Mrs. Francisco are thrilled about our relationship. They approve of it, of course---pero syempre hindi nila alam na ang boyfriend ng kanilang anak ay isang magiting na bampirang nagtatrabaho sa isang kompanyang matatagpuan sa Underworld.

Um.. yeah. We can't tell them about that yet.

Nakasimangot pa rin si Elora. 'Even with that frown, she still looks so damn adorable.'

"I'll be back."

"Promise?"

"Cross my fangs and hope to die, honey. Basta ba tatanggalin mo na 'yong mukha ni Edward Cullen sa kwarto mo. Nagseselos na talaga ako."

"Let's make a deal, Mr. Vampire. Tatanggalin ko ang mga mukha ni Edward sa kwarto ko, basta papayag kang naka-couple shirt tayo mamaya!"

What the fuck? Couple shirt?!

"Let me guess, nag-order ka na naman online?"

Nawiwili na talaga si Elora sa pagbili online. I don't know if I should be worried or pissed.

"Maybe."

"Aw! By the way, anong full name mo, Archer? Para mailagay ko sa Christmas card!"

"Not gonna tell you."

She giggled and pulled me by the necktie. Ngumisi ako't marahan siyang hinalikan. Her soft lips melted into mine as I wrapped my arms protectively around her.

'Sorry Edward, but she's mine.'

Naalala ko na naman ang panaginip ko kanina. Jasmin's face suddenly flashed in my head. Pinilit kong kalimutan ang memoryang 'yon maging ang pangakong matagal ko nang kinakalimutan.

Christmas Eve.

I shouldn't be distracted today. Dahil wala namang mangyayaring masama, hindi ba?

*
Pinuntahan ko ang address na nakalagay sa file. It's a shame we can't use Scriptoriums anymore. Tuluyan nang isinara ng Vampire Committee ang lahat ng portals maliban na lang sa portal sa may puno ng akasya.

I sighed and started walking around Night Raven's Park. Hapon na at mukhang abala pa rin ang buong Eastwood sa pamimili para sa kainan mamaya. Sa di-kalayuan, may magilan-ngilang namamasko sa mga ninong at ninang nila. Near the playgrounds, someone put up a mini-stage and conducted a children's choral group. Puro mga kantang pamasko ang kinakanta nila.

I scoffed. 'Hindi ko pa rin maintindihan kung anong espesyal sa Pasko.'

It's just like any other day, right?

"Mortals. They just need an excuse for a celebration."

Walang-gana ko silang pinagmasdan. Just then, someone caught my attention. Napahinto ako sa paglalakad. My eyes widened upon seeing a girl sitting alone on a bench.

Gray eyes.

Shit.

"J-Jasmin...?"

"ELIZABETH!"

Akmang lalapitan ko na sana ang dalaga nang may tumawag sa kanya. Ilang sandali pa, lumapit ang isang babaeng may dala-dalang shopping bags at nakipagkwentuhan na sa kanya. Natuod ako sa kinatatayuan ko. "Elizabeth?!" Teka nga muna...

Natataranta kong binuklat ang dala kong folder at tinitigan nang maigi ang picture na naroon.

Elizabeth de Castro.

Ngayon ko lang napansing magkapareho sila ng kulay ng mga mata ni Jasmin.

Damn it.

*
"What happened?"

Hindi ako umimik kay Falcon at nilagok ang pang-apat ko nang baso ng blood wine.

Archer's Vampire Control Lessons 101

Lesson #4: Always restock blood wine and carbonated blood drinks for emergency.

I always save a bucket of goods hidden around these areas.

Delikado kasi lalo na kung nauuhaw ka na. You can't just drag a human from the streets and suck their blood---especially on Christmas Eve. Para maging disenteng bampira ka, kailangan mong matutunang kontrolin ang uhaw mo sa dugo. Elora would kill me if I hurt a human.

Control, huh?

"Bullshit."

Napasimangot si Falcon at inagaw ang iniinom ko. He drank the wine himself and threw the glass away. Narinig ko pa itong nabasag sa likuran namin. I ignored him.

'Si Jasmin at si Elizabeth de Castro ay iisa.. how the fuck did that happen?!'

My fucking head hurts. Mukhang hindi namamatay si Jasmin noon sa kamay ng Coven. Huminga ako nang malalim. It's hard to think of anything else when your first love suddenly appears out of nowhere.

At kasabay nito ay ang pagbabalik ng mga emosyong matagal nang gumugulo sa'kin.

And then, there's Elora.

I feel damn guilty.

"Acheron, If you want to talk about it---"

"No. I'm fine, Falcon."

Bumaba ako mula sa sanga ng puno ng akasya at tumalon pababa nang walang kahirap-hirap. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nahanap ni Falcon dito. Ilang oras na ba akong nakatulala lang dito? Tsk. Kanina pa ako nakatambay dito magmula nang umalis na sina Elizabeth at ang kaibigan niya. Nakatulala lang ako sa pwestong kinauupuan niya kanina.

Is it really possible that Jasmin's still alive?

"NAGSISISI AKONG NAKILALA KITA!"

Fucking memories. Mukhang pinati-tripan talaga ako ngayon ng kapalaran... Baka naman namamalikmata lang ako kanina?

"Time is a funny thing. It can easily fool your memories, but it never fool your heart, Archer."

Akmang maglalakad na sana ako pabalik sa bahay nina Elora nang madatnan ko si Lady Circe na nakasilong sa ilalim ng puno. Mukhang kakalabas lang niya ng portal. She wore her blood red robes. Her long white hair still danced in the wind as her crimson lips twisted in a smirk.

Pagak akong natawa.

"Shut up, Circe. You don't know anything."

Nakatitig lang siya sa'kin. Nangungusap ang mga mata ng bampirang ito. Hanggang ngayon, misteryoso pa rin siya. Hindi ko nga alam kung paano nakakatagal ang Vampire Committee sa presensiya ni Lady Circe. She's intimidating as hell.

"Alam kong bumabalik na naman ang nakaraan mo. Someone from your past is suddenly ruining your present, am I correct?"

Damn it.

"It's none of your concern."

"You've lost a memory, Archer."

Nag-iwas ako ng tingin. Tila ba lalong bumigat ang hawak kong folder. Mukhang wala akong matatapos na trabaho. Hindi ko kayang papirmahin ng kontrata si Jasmin. Sapat na ang pananakit na naidulot ko sa kanya noon...

"It doesn't matter."

"It does."

Naiinis na talaga ako sa babaeng 'to. I glared at Circe, "Ano ngayon kung si Jasmin ay si Elizabeth?! I-I don't give a shit. Matagal ko nang kinalimutan ang nararamdaman ko sa babaeng 'yon. Matagal ko nang kinalimutan ang pangako ko sa kanya!" I can feel my fangs showing.

Pero kalmadong napailing na lang sa'kin si Circe.

"Liar."

How can this woman read through me?

Nagsimula na akong maglakad papalayo nang may ibinulong si Lady Circe. Her words drifted through the empty space between us.

"Kawawa naman si Elora."

*

"Balikan mo ako, Archer.. hihintayin kita. Meet me on Christmas eve at..."

Damn it.

Vampires are suppose to have good memory, but I just can't fucking remember where Jasmin told me to go. Posible nga kayang mawala ang isang alaala? Maybe Retinentia flowers can help?

Hanggang pag-uwi ko sa bahay nina Elora, ang mukha pa rin ni Elizabeth ang iniisip ko.

I know I sound unfaithful, but it's difficult. Seriously.

"Archer! Kamusta? Tapos mo na 'yong gagawin mo?"

Bungad agad sa'kin ni Elora nang pumasok ako sa pinto. I didn't bother to knock. It's my girlfriend's house for pete's sake! Pinilit kong ngumiti.

"Hey, honey.. ayos naman."

Elora's honey brown eyes stared at me. Bakas ang pag-aalala niya sa'kin. Mukhang ramdam rin niyang nagsisinungaling ako. Tsk. Why do women have good instincts?

Sinapo ni Elora ang noo ko. "May lagnat ka ba? Bakit parang namumutla ka? Err.. well, you're naturally pale because you're a vampire, pero mas namumutla ka ngayon! Do you want me to---"

"Elora, ayos lang ako. No need to worry."

Pero ramdam kong hindi pa rin siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Napabuntong-hininga na lang si Elora at marahang tumango. She guided me inside the house. "Okay, okay... Oh, suotin mo na pala 'yong binili ko sa'yong shirt! Para naka-couple shirt tayo ngayong Pasko!" She blushed at the thought and handed me a T-shirt similar to hers.

Napanganga ako nang makita ko ito.

"What the fuck, woman?! A-Ano 'to?!"

Elora flashed me a smile and modelled our "couple" shirt design. Nakasuot na pala ito sa kanya. If you want me to describe it, then fine. The hideous shirt is bright red, with black stripes on its sleeves. May naka-drawing pang lalaki at babaeng stickman sa damit at nakasulat roon ang pangalan naming dalawa (Archer+Elora).

It was...

Okay, it's just plain stupid.

"Dali! Suotin mo na, Archer! Hahaha!"

Napasimangot ako. Handa ko naman gawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig, pero 'wag naman ganito. "I. Am. Not. Wearing. That. Crap." Hinagis ko sa kanya pabalik ang T-shirt. Elora pouted and started tugging my black suit.

"Eh! Archer naman eh! Sige na, please? You'll look cute in it! Pina-customize ko pa 'to!"

"No."

Akmang uupo na lang sana ako sa sopa hanggang sa matapos ang gabing ito nang mapansin ko ang dalawang dalagang makamasid sa'min.

And when I met her gray eyes, I literally froze on the spot.

'A-Anong ginagawa niya rito?'

Nang mapansin ni Elora ang pagtigil ko, she cleared her throat and introduced her guests. "Girls, ito si Archer, boyfriend ko..  Archer, ito nga pala si Kayla, kinakapatid ko.. then, this is Elizabeth, her friend. Nasa States kasi ang mga magulang nila. Hope you don't mind if they have dinner with us?"

Hindi ako makaimik. Nakatitig lang ako kay Elizabeth/Jasmin na nakangiti lang sa'kin.

'Naaalala niya pa ba ako? Damn.. bakit ba dito pa kami nagkita ulit?'

Bumalik na naman ang mga alaalang pilit ko nang kinakalimutan. Does she still hate me? Does she even know I existed? Hindi ko alam kung paano ito nangyari... All this time, I thought the Coven killed her or she was left to die alone in their old house. Wala na akong matandaan nang "i-rescue" nila ako noon at pinilit na ibalik sa mundo ng mga bampira.

Gayon pa man, hindi ko pinagsisisihang naligaw ako sa kagubatan noon.

Hindi ko pinagsisisihang nakilala ko ang babaeng ito.

"Archeeeer?" Pagtawag ni Elora sa'kin nang mapansin niyang hindi ako nakikinig sa kanya.

I ignored her and walked towards Elizabeth de Castro. Inilahad niya ang kanyang kamay sa'kin at mahinhing bumati. "Hello! It's nice to meet you. I'm---"

"Jasmin."

Kumunot ang noo niya. Sa gilid ng mga mata ko, napansin kong nagkatinginan sina Elora at Kayla, pero pareho silang nagkibit ng balikat. Samantala, nakatuon lang ang atensyon ko kay Elizabeth na mukhang nagtataka sa itinawag ko sa kanya.

"Umm.. no. Ako si Elizabeth de Castro. Baka napagkamalan mo lang ako?"

I held her hand tenderly. She's Jasmin.. I'm sure of it! Nagbalik na si Jasmin. Nagbalik na siya sa buhay ko.

"Hindi ka na ba galit sa'kin?"

"Bakit naman ako magagalit sa'yo? H-Hindi naman kita kilala."

"Maybe you just forgot about me! Titigan mo akong maigi, Jasmin... Hindi mo ba ako naaalala? We used to play in the woods when we were twelve, and---!"

"Archer!"

Namalayan ko na lang na hinihila na ako papalayo ni Elora. Pinanlisikan niya ako ng mga mata. Clearly a warning sign. "Archer, tulungan mo na lang kaya akong ayusin 'yong mesa? I've ordered some roasted chicken, and your favorite apple cake."

Sandaling bumalik ang mga mata ko kay Elizabeth. I sighed and followed Elora to the dining room. Ilang sandali pa, dumating na rin ang mga magulang ni Elora na sinundan naman nina Falcon, Lady Circe, at Mr. Kane.

Christmas dinner is gonna be crazy.

*

Noche buena.

Or atleast that's what I think they call this dinner thing. Hindi ko alam. Hindi makapag-concentrate sa kinakain ko dahil maya't maya akong sumusulyap kay Elizabeth. I was watching her from the corner of my eye. Mukhang marami na ring nagbago sa kanya. I wanted to ask her so many questions, but my mind can't seem to grasp on any of them.

"---himala talaga at nakaabot pa kami. Traffic kanina sa highway. Mukhang may mga nagla-last minute Christmas shopping pa." Pagkukwento ni Mr. Francisco habang maligayang kumakain ng hamon.

Mrs. Francisco turned to Falcon and Lady Circe. "Kayo ba? Hindi ba kayo na-traffic kanina?" A sincere smile etched on her face.

Marahang umiling si Falcon, "Hindi naman po. We live just a few blocks away. Don't we, Acheron?"

Nabaling tuloy sa'kin ang atensyon nila. I glared at Falcon. Ang pagpapakilala kasi nila kanina, magkapatid kami ni Falcon (which is true), Lady Circe is his girlfriend (which is impossible), and Mr. Kane is our father (matanda kasi). Out of politeness, tumango ako. "Yup."

Circe was watching me intently. Mukhang alam niyang kanina pa ako nadi-distract sa presensiya ni Elizabeth.

Kayla giggled, "Alam mo, Archer,  Palagi kang kinu-kwento ni El sa'kin! Ang sweet mo raw tapos lagi mo siyang binibisita rito. Bagay talaga kayo."

I nodded. "Thanks."

Binalingan naman ni Mr. Francisco ang "tatay" namin. "I've heard you have a company? Anong ginagawa ng kompanya ninyo?"

Nasamid kaming dalawa ni Elora. Mahinang natawa si Falcon. Si Circe naman ay kalmadong kumain ng leche flan. Mukhang paborito na niya ito.

'Syempre hindi naman namin pwedeng sabihing: nanlilinlang ng mga tao ang kompanya namin tapos ginagawa naming katulong o trabahador para sa ikauunlad ng ekonomiya ng vampire world.'

Mabuti nga't ang dating "Human Slavery Department" ay naging "Human Labor Department" na lang. It all started when Devonian vampires made a truce and decided to help us out. Ilang taon rin silang pinag-therapy ng Vampire Committee para siguraduhing nakokontrol na nila ang mga sarili nila. With that, there's no use for human slaves to build prisons for them. Unti-unti, nagiging maayos na ang Vampire World.

But still, we fool humans to work for us. Kulang pa rin kasi ng manpower sa mundo ng mga bampira. We still pay them minimum wage, of course.

Pero hindi na sila pwedeng bumalik dito sa mortal world.

It's a good thing Mr. Kane played it cool. Nakakapanibago pa ring makitang nakasuot siya ng sweater. Mukhang sinadya niyang palitan ang standard "suit and tie" naming pananamit para sa okasyong ito. "We're more of a recruitment agency. Pinapadala namin sa ibang lugar ang mga tao para magtrabaho bilang domestic helper."

Mr. Francisco nodded. He looked satisfied. "That's great! Baka naman pwede kaming bumisita minsan?"

Sa mundo ng mga bampira? Mahina akong natawa. Kung alam lang sana nila.

Mr. Kane smirked. "Kapag dinala namin kayo doon, hindi na kayo muling makakabalik sa mundong ito."

Natahimik ang lahat. Napasapo na lang ng noo si Elora sa sinabi ng boss ko. Then, she laughed nervously and smiled at me. "So, Archer.. since this is our first Christmas together, baka naman pwede mong isuot ang T-shirt na binili ko sa'yo?"

Napunta sa'min ang atensyon nilang lahat. Great. Just fucking great.

"C'mon, pumayag naman ang daddy mo! Palagi na lang business attire ang suot mo." She continued while pouting.

Naging tampulan tuloy kami ng tukso. Mrs. Francisco laughed, "Oo nga, hijo! Pagpasensyahan mo na lang 'yong design. Alam mo namang hindi marunong magdrawing si Elora.. You'd look cute together in couple shirts."

Mukhang kinikilig naman si Kayla. "Yieee! Sana all talaga may jowa. Naku, El. Ang swerte mo talaga sa boyfriend mo!"

Elizabeth met my eyes and smiled shyly. "Bagay kayo. Suotin mo na 'yong damit, para lagi mo siyang maaalala.."

Something inside me snapped.

Tumalim ang mga mata ko kay Elizabeth. "How ironic that you can't even remember me, Jasmin. Alam ko namang malaki ang galit mo sa'kin, pero 'wag mo sanang itapon ang mga alaala natin. Don't act as if we had no history. It's fucking annoying.."

Natigilan ang lahat sa sinabi ko.

Elizabeth sighed. "Hindi nga kita kilala. 'Wag mo nang ipilit, Archer---"

"That's impossible! How can you forget your first love?!"

"M-May Elora ka na. 'Wag mo na nga akong guluhin. Just stop!"

Elora was pulling on my sleeves again. Nakasimangot siya sa'kin. "Archer, ano bang problema mo?! It's Christmas eve and you're acting like a total jerk!"

"Am I?!"

"Hindi ka na nakakatuwa! Look, if something's bothering you, nandito lang ako---"

"BULLSHIT!" Umalingawngaw ang boses ko sa buong dining room. Mukhang nagulat ang mga magulang ni Elora. Si Falcon naman ay napapailing na lang sa inaasal ko.

I turned to Elora and smirked sarcastically. "Akala ko ba masaya ang Pasko? Akala ko ba espesiyal ang Pasko? The why the fuck is my past haunting me again?! Nagsasayang lang tayo ng oras dito."

I feel frustrated, guilty, and confused. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'kin. Damn it. Jasmin is messing with my head again. This is not healthy. Not anymore...

Natahimik ang lahat.

Elizabeth suddenly walked out.

Mabilis ko siyang sinundan at iniwan sina Elora.

"Jasmin, wait!"

I followed her. I ran outside the house and used my vampire senses to trace her. Tumakbo ako sa isang kalye. Wala pang ilang segundo, naabutan ko na siya. Mabilis ko siyang hinigit sa braso. The cold night breeze tingled our skins as I stared at her seriously.

"Jasmin---"

"Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa'yong hindi ako si Jasmin! Y-You're starting to creep me out.."

"Magkababata tayo! We met in the forest, remember?"

Nagpumiglas siya sa hawak ko. Elizabeth de Castro sighed. "Hindi ako si Jasmin. Ako si Elizabeth de Castro. Heck, I don't even know you! Dalawang taon pa lang akong nakatira dito sa Eastwood. Lumaki ako sa States at doon ako nag-aral hanggang middle school."

Nang titigan kong maigi ang mga mata niya, doon ko nakumpirmang hindi siya nagsisinungaling. It felt like somebody finally slapped me across my face, waking me up to reality.

Elizabeth de Castro smiled apologetically, "Archer, hindi ako ang hinahanap mo.. I'm sorry."

"P-Pero..."

"Whoever she is, you should just let the past go. Hindi mo ba nakikitang nasasaktan na si Elora kanina? Sinasaktan mo na ang girlfriend mo ngayong bisperas ng Pasko. You should go back and apologize to her. Ramdam kong mahal ka talaga niya.. Merry Christmas."

Hindi ako umimik. Nahihiya akong yumuko at tuluyan na siyang hinayaang maglakad papalayo. She took a taxi home and vanished into the busy streets.

'Shit. What have I done?'

*
Nang bumalik ako sa dining room, napansin kong patapos na silang kumain. They stopped laughing and joking around when they saw me. Nang dumako ang mga mata ko sa upuan ni Elora, lalong bumigat ang pakiramdam ko nang mapansing bakante na ito.

"Nasaan si Elora?"

Si Lady Circe lang ang umimik. Halos siya lang pala ang nakaubos ng leche flan. "A broken heart seeks comfort in a familiar place. Hindi namin alam kung saan siya pumunta.." Circe met my eyes. Her red lips curled in a smile, "Ikaw lang ang nakakaalam 'non, Acheron."

Marahan kong kinuha ang T-shirt na kanina pa ibinibigay sa'kin ni Elora. It was folded neatly on my seat.

'Tangina, Archer.. ano bang ginawa mo?'

Huminga ako nang malalim at yumuko sa harapan nila. "I-I'm sorry. Hindi ko kayo dapat dinamay sa personal issues ko. I-I guess I just lost control again."

"Ayos lang 'yan, hijo. Alam ko namang hindi mo sinasadya." Sabi ni Mr. Francisco.

"Don't worry, bro. Ipinaliwanag ko nang may dalaw ka ngayon kaya ka ganyan. Nakalimutan ko palang regaluhan ka ng napkin. Merry Christmas." Falcon teased.

Natawa ang lahat at bumalik ang masayang atmosphere sa dining room. That made me feel a little better.

Still, I need to find her.

I need to find my Elora.

*

"Hihintayin kita. Meet me on Christmas eve at..."

Hindi ko alam kung paano, pero mukhang alam na ng mga paa ko kung saan ako dapat pumunta. My feet carried me across the streets where children's carols filled the air. Maraming parol na nakasabit sa labas ng mga kabahayan at may mangilan-ngilamg Christmas lights na nagsisilbing dekorasyon sa mga puno.

Laughter. Smiles. Family reunions.

Eastwood seems so different on Christmas eve.

It seems special.

"Saan naman kita hahanapin, Elora?"

Sa hindi malamang dahilan, tila ba unti-unting bumabalik sa memorya ko ang sinabi ni Jasmin. A lost memory resurfacing in my desperation to find Elora.

Mabilis akong tumakbo papunta sa lugar na iyon. Nagbabaka-sakali. Umaasa.

It was dark, and yet the lights coming from the lanterns at the Night Raven's Park made it a whole lot better. Sa di-kalayuan, napansin kong nakaupo sa isang swing set ang dalaga. She was sitting alone, staring at the acacia tree.

Ngumiti ako't umupo sa swing sa tabi niya.

"I'm sorry."

Hindi lumingon sa'kin si Elora Francisco. Nang balingan ko siya, napansin kong tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. She was crying.

My fucking heart just broke.

'Shit! Kasalanan mo 'to, Archer.'

How can I be so stupid?

"Honey? Shh.. stop crying." Mabilis ko siyang niyakap at pinunasan ang luha niya. I kissed the top of her head and mentally murdered myself for hurting her.

"I'm sorry, Elora. I-I lost control again.." I kissed her softly. "Mahal kita. Tangina, handa ko talagang ibenta ang imortalidad ko para lang makasama ka, Elora! Handa kong ipagpalit ang buong Vampire world para lang makapiling ka palagi tuwing Pasko. I'm willing to crumble down to my knees and do anything for you, honey. That's how much this bloodsucker loves you.."

Nang tumahan na si Elora, napansin ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Those beautiful honey brown eyes...

"I'm sorry, too, Archer.."

"Ha? Para saan naman?"

"I lied. Hindi ito ang unang beses na magkasama tayo ngayong Pasko."

Bago ko pa man tanungin kung anong ibig niyang sabihin, marahang lumayo sa'kin si Elora at...

....tinanggal ang contact lens niya.

I stared in disbelief as her eyes stared back at me. Now, a familiar shade of gray.

"I-Itinago ko sa'yo ang totoo dahil natatakot ako, Archer. I wore these contact lenses to hide my eye color. I-I didn't tell you that I was just adopted. Hindi ako totoong anak nina Mr. and Mrs. Francisco.. I'm sorry."

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang katotohanan. After all this time? I felt the guilt cutting deeper into my heart. Huminga ako nang malalim at nanginginig na hinaplos ang mukha ni Elora. She's alive..

Tangina.

"I know you hate me.. I'm sorry. I'm so sorry---!"

"No! I don't." A bitter smile graced her lips, "You lost control. H-Hindi mo kasalanan 'yon.. mga bata pa tayo noon.."

"I fucking killed your real parents, Elora!"

"Oo. But then, I asked myself.. may magbabago nga ba kung patuloy kong dadalhin ang galit na 'yon? We can't change the past, no matter how fucking hard we want to. M-Matagal na kitang pinatawad, Archer. Hindi ko kayang magalit sa'yo habambuhay.. That's why I became a vampire obsessed fangirl.. it's because of you. It's because of our memories together... Matagal na tayong konektado sa isa't isa, kahit gaano kasakit pa ang naidulot nito sa nakaraan natin." Mapait siyang ngumiti, "Time heals. I admit, the scars are still there, but I guess it can't be avoided. S-Siguro, natakot lang ako na baka si Jasmin pa rin ang makita mo tuwing titig ka sa'kin. I just want us to move on from that tragic past, Archer. I want you to see me as Elora."

Bakit ba ngayon ko lang napansin?

Nanginginig na ang mga kamay ko. I balled them into fists and took in a deep breath, trying to calm myself down.

Now, I feel more guilty.

How can she forgive a monster like me?

Walang pagdadalawang-isip ko siyang niyakap nang mahigpit. Elora cried into my chest. I felt tears sting my eyes.

"You will always be my Elora Francisco. Gaano pa man kapait ang nakaraan nating dalawa.. You're mine, got it?"

She nodded and pointed at my shirt.

"Akala ko ba ayaw mong suotin 'yan? It looks cute on you. Naka-couple shirt na tayo."

I smirked. "Yup. And that means you need to remove Edward Cullen from your room, honey."

"Noted. Nga pala, Merry Christmas... Acheron Van Darlington."

Napanganga ako. Literal. She giggled and kissed my cheek. "Sinabi sa'kin kanina ni Falcon nang umalis ka."

Damn you, Falcon. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Merry Christmas, Elora Francisco.."

Soon, I found myself kissing her. My heart ached for her. I needed her.

Elora Francisco's existence is the best Christmas gift Santa had given me.

I think I finally understand what makes Christmas special for mortals. Ito ang araw kung kailan natin matututunang isara ang pahina ng nakaraan, magpatawad, magmahal, at maging matapang para simulan ang susunod na kabanata ng buhay natin. A bit cliché, I know. But somehow, I finally found that lost Christmas memory that's been causing me so much problems.

Maybe it wasn't lost.

Maybe it was just there, all this time.

"Balikan mo ako, Archer.. hihintayin kita. Meet me on Christmas eve at Night Raven's Park. I will be waiting for you by the swings, no matter what happens. Promise?"

"I promise."

---THE END---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top