CHAPTER 51
Chapter 51: New character
KALLANI SOLEIL CARVENTO-VALDERAMA’s POV
FOUR years later...
MATUTULOG na sana ako nang mahimbing nang marinig ko ang boses ng piloto na nag-aanunsyo na nakarating kami nang ligtas sa airport ng Pilipinas. Oo, kami ay kasalukuyang nasa isang eroplano at mula sa Indonesia.
Apat na taon na kaming nanirahan sa bansang iyon at ngayon ay nagpasya ang aking asawa na bumalik sa bansang pareho naming pinanggalingan at ito ay Pilipinas.
Gayunpaman, mas pinili niyang maiwan doon, dahil marami siyang papeles na dapat asikasuhin. Darating siya kapag naayos na niya ang kailangan niyang ayusin sa kumpanya niya.
Inayos ko ang shades ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko na umabot lang sa balikat ko at may highlights na violet.
“Madam Kalla, let’s go?” I looked at our fellow passenger first. Masyadong marami at ayokong maipit.
“We’re going down later kapag kakaunti na sila and Zavein stop calling me madam. Goodness, just call me Kallani or Soleil,” sabi ko at napahagikgik lang ang best friend kong bading. Ngunit literal na hindi siya nagsusuot ng mga damit na pambabae. Clean-cut pa rin ang hairstyle niya.
I rolled my eyes. “You are so beautiful, Kalla.” He pinched my cheek.
“I know right.” I grinned.
Muli, napatingin ako sa likuran. Binalingan ko si Zavein at kumindat ako sa kanya. Nakuha niya agad ang gusto kong ipahiwatig.
Tumayo siya at nagpatulong sa dalawa naming bodyguard para sa luggages namin.
I’m wearing a white coat and inside it is a black sleeveless shirt with a low neckline, white slacks and a pairs of white stiletto that 3 inches ang taas. Kinuha ko na ang black signature handbag ko at inilahad agad ni Zavien ang braso niya sa akin. Ngumiti ako at yumakap doon saka kami sabay na naglakad at nang makababa na mula sa eroplano.
“Oh, heaven!” bulalas niya nang sumalubong sa amin ang masakit na sikat ng araw. Ngunit ikinangiti ko pa ito, kasi ganito talaga ang panahon sa Pilipinas.
“Parang hindi ka na nasanay, Zavein,” nakangising komento ko at siya naman ang nag-roll eyes.
Nasa unahan namin ang isang bodyguard at may nasa likuran din namin. Alerto sila. Hindi naman namin kailangan ang bodyguard pero masyadong overprotective ang asawa ko.
“Sanay naman ako, but nakabibigla naman kasi!” Gusto ko siyang tawanan nang malakas pero hindi ko naman magawa kasi nasa public place kami. Kapag nasa labas kami ay palagi kong ipinapakita na walang ekspresyon ang mukha ko. Na parang palagi rin akong seryoso at tipid na salita lang ang lumalabas sa bibig ko.
Isa iyon sa itinuro ni Archimedes, my husband. Para hindi raw makita ng mga tao ang weakness ko. Marunong naman akong magtago ng emosyon ko at hindi ako nagpapadala.
Sa exit ay may black expensive car na ang nakaabang sa amin at binuksan iyon ni Zavein. Pinauna niya akong sumakay bago siya.
“Thanks, babe.” He giggled.
“Stop it, Kalla. Baka malaman iyan ng hubby mo at matik na ang beauty ko,” he whispered. I smirked at him. Yup, I have a jealous-husband.
“Don’t ’ya worry, sagot kita my beloved handsome best friend.”
“Tse! Dapat beautiful hindi handsome! Sa hotel po tayo ng Bongon, Sir!” he command.
“Bongon?” tanong ko.
“That’s one of the biggest and most beautiful hotels in the Philippines. Oh, there is still more. Even Del Labiba’s Hotel! Well worth our stay there, Kalla!” tuwang-tuwa saad niya.
“Okay, kung saan tayo mas comfortable. Doon tayo,” I said and shrugged.
Sumandal ako sa headrest ng upuan at tumanaw sa labas ng bintana ng kotse. Puro matatayog at malalaki na gusali ang mga nakikita ko. Napakaganda nito...
Ipinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ko ang paggalaw ng katabi ko.
“Don’t tell me, matutulog ka na naman, Kalla?” he asked.
“Jetlag, babe,” I said.
“Oh, okay. Tuluger,” he uttered. Tipid lamang akong ngumiti.
Akala ko ay muli akong makatutulog pero sa kalagitnaan nang aming biyahe ay muntik na akong sumubsob sa upuan ng driver’s seat nang huminto ito bigla. Mabuti na lamang ay mabilis akong hinawakan sa siko ni Zavein.
“What’s going on, Kuya?” he asked in confused at inayos ko ulit ang shades ko.
“Muntik na po tayong mabangga ng kotseng nasa unahan.” Pilit kong tinitigan iyon pero hindi ko naman makita ang driver nito. Bumalik lang ako mula sa pagkakasandal ko.
“Bumaba ka, Kuya. Tingan mo po,” saad ni Zavein.
I lowered the window glass slightly. The driver finally got off and approached Archimedes’ staff.
“I’m sorry, nagmamadali ako. May gasgas ang sasakyan mo. Mababayaran ako para ayusin.” Napakunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Parang narinig ko na ito dati. I am trying to remember kung saan ko unang narinig pero biglang nagsalita si Zavein.
“Ako ang lalabas para makipag-usap,” sabi niya.
“No, stay here, Zavein. Let kuya talk to the man,” sabi ko at tumango lang siya. Mabilis akong napatingin sa labas dahil naramdaman kong may dalawang pares ng mata na nakatingin sa akin. Kahit shades ko lang nakikita niya. Sa hindi malamang dahilan ay bumilis ang tibok ng puso ko.
Isinara ko ang bintana at napahawak sa kwintas ko, isang locket ang pendant nito. Hinalikan ko ito at hindi binitawan hanggang sa muling sumakay ang driver sa kotse namin. Sa tuwing may nararamdaman akong kakaiba, pinapakalma ako ng kwintas ko. Huminga ako nang malalim.
“Pasensiya na sa abala, Ma’am Kallani,” paghingi nito nang paumanhin sa akin.
“It’s okay, kuya,” sabi ko lamang.
Nag-check-in agad kami sa hotel kasama na ang bodyguards namin. Pinili ni Zavein ang suite dahil alam niyang magtatanong ang asawa ko sa arrival namin.
Nang nasa suite na rin kami ay umupo ako sa malambot na kama at kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Archimedes. Pero hindi pa man ako nakatatawag ay naunahan na niya ako.
Agad ko itong sinagot. “Hi, honey,” I greeted him.
“Hello, sweetheart. How’s the trip?” he asked from the other line. Ibinagsak ko ang likuran ko sa bed pero suot ko pa rin ang shoes ko.
“It’s tiring, hon. Kailan ka matatapos diyan at nang makabalik ka na agad dito?” I asked him.
“Soon, sweetheart. Ang dami kong kailangan na tapusin dito.”
“I already miss you,” sambit ko.
“Me too, sweetheart. Don’t worry, hindi rin naman ako magtatagal dito at susunod na agad ako.”
“Hurry up, please hon...” malambing na sabi ko dahilan na napatawa siya sa kabilang linya.
“Silly you. Take a rest first, Kalla. May jetlag ka pa. I call you later, okay?”
“Okay.”
“I love you,” he said.
“I love you too, hon,” I whispered and smiled. Naputol na ang linya namin at inilapag ko lang sa bed ang phone ko. Hinawakan ko ulit ang locket ko. Ilang minuto pa akong nakatitig sa magandang ceiling na may mga dahon na kulay tsokolate.
Bumangon ako at nagtungo ako sa balkonahe ng suite. Tiningnan ko ang buong paligid at totoong maganda nga rito. May nakikita pa akong covered court. Sa hindi kalayuan naman nito ay napako ang tingin ko sa mataas at malaking gusali. Hayan na naman ang mabilis na tibok ng puso ko.
I sighed and napangiti ako nang mapait. Nag-init pa ang sulok ng mga mata ko at napatingala sa kalangitan upang hindi tuluyang tumulo ang luha ko. I’m back, baby...
Bumalik na ako sa kama at pinili ko ang magpahinga. Nakatulog agad ako at nagising lamang ako sa paulit-ulit na pag-doorbell sa labas. Sinipat ko ang relo kong pambisig. Hala naman, 7PM na pala? Ganoon na kahaba ang tulog ko? Hapon na kasi nang makarating kami sa Philippines.
I got off from the bed and went to the door. Si Zavein agad ang sumalubong sa akin na nakabihis na. While me ay hindi pa.
“Kalla, kagigising mo lang?” Tumango ako. Napahikab pa ako at pinisil niya ang pisngi ko. “Get ready. Kakain tayo sa resto nila. Masarap ang food nila rito,” aniya.
“Pasok ka muna. Maliligo lang ako saglit,” pag-aaya ko sa kanya at hinila ko ang braso niya.
Iniwan ko siya roon at agad akong nagtungo sa shower room nang makuha ko ang mga gamit ko sa maleta ko.
Habang naliligo ako sa ilalim ng tubig ay tumingin ako sa isang malaking salamin kung saan kitang-kita ko ang hubad kong katawan. Hinawakan ko ang salamin na nakaharap sa mukha ko. Hindi ko akalain na makikita ko ulit ang maganda kong mukha na halos isang dekada ko nang hindi nakikita. Muntik ko nang makalimutan ang itsura ko.
Bumaba ang mga mata ko sa puson ko kung saan makikita ang bakas... Napangiti ako, dahil alam ko kung saan ko ito nakuha. Sa kaliwang bahagi ng aking tagiliran ay isa pang mahabang peklat.
Dalawang bakas ng nakaraan, ang isa ay isang magandang alaala ngunit ang pangalawa ay puno ng sakit, paghihirap at kalungkutan. Hindi ko inalis ang mga peklat na ito dahil bahagi ito ng aking nakaraan na hinding-hindi ko makakalimutan.
Tumulo ang luha ko na may halong tubig na bumubuhos mula sa ulo ko. Napahawak ako sa aking dibdib at may kirot pa rin akong nararamdaman.
Simple lang ang buhay ko noon, kontento na ako sa madilim kong mundo, layuan mo ang mga taong may tendency na saktan ako. Pinoprotektahan ng isang taong mahalaga sa akin pero dahil may dumating na ibang lalaki sa buhay ko—nagsimulang gumuho ang buhay ko.
May kaligayahan at kasiyahan, ngunit sa huli ay naiiwan pa rin akong luhaan at nasaktan. Naging kumplikado lang ang lahat.
Ang dating simpleng bulag na babae na si Donna Jean V. Lodivero, maraming pagsubok ang dumating sa kaniyang buhay at maraming pinagdaanan, minsan sumuko at niyakap niya ang bago, ang bagong karakter niya bilang si Kallani Soleil Carvento-Valderama, isang babaeng may asawa na natuto. para itago ang totoong nararamdaman niya.
Ngunit ang dating siya ay matagal nang patay apat na taon na ang nakalilipas at ang bagong siya bilang Kallani Soleil ay nanatiling buhay, ang kaniyang bagong personalidad.
Good job my dear self, nagpunta ka rito ng may tapang at hindi na mahina. Proud na proud ako sayo, Kalla.
“Kallani! Make it fast, babe! Ang tumal ng iyong kilos, Prinsesa ni Archimedes!” I chuckled softly. Maikli lang ang pisi ng pasensiya ng baklang ’to.
Kinuha ko ang bathrobe at isinuot ko ito sa hubad kong katawan saka ako lumabas mula sa banyo. I frowned at him. Naka-cross arms na siya at pinagtaasan pa niya ako ng kilay.
“Sorry, babe.” He rolled his eyes.
“Come on, kanina pa ako gutom, Kalla.” My nickname is Kalla.
“Heto na po, kamahalan.” Ako naman ang nag-roll eyes.
Pinili kong isuot ang wrap dress ko na kulay itim. Lagpas sa tuhod ko ang haba nito and a pair of ballerina flat shoes. Mabilis ko lang tinuyo ang hair ko galit ang hair dryer. I didn’t put any make up on my face. Dahil gabi rin naman, hindi na iyon kailangan pa.
Nang palabas na kami ay nakaangkla ang kamay ko sa braso niya. Mas matangkad si Zavein kaysa sa akin, malamang ay lalaki naman talaga siya. Hindi na namin kasama pa ang dalawang bodyguard namin dahil safe naman daw kami sa hotel.
Now I appreciate the beauty of the hotel even more. This is so beautiful and no one is breathless with the hotel’s beautiful ambiance.
“So, the hotel is nice, Zavein. It was like we were in a palace,” I commented.
“Sinabi mo pa, Kalla. Anyway, bago natin pagplanuhan ang business natin dito. Ako na ang bahala roon. Bukas ay pupunta tayo sa mall to shop! Mag-enjoy muna tayo before works!”
“Okay, good idea. I like that,” tumatangong saad ko.
Marami kaming in-order na food at marami rin akong nakain dahil ang sasarap nga naman nito. Bago kami natulog ni Zavein ay nanood pa kami ng movie sa laptop niya at tawang-tawa pa siya dahil comedy ang pinapanood namin.
In the next day ay nagsuot ako ng color gray asymmetrical dress above the knee and a pair of slingback heels. Nilagyan ko lang ng hairclip ang buhok ko sa kaliwang bahagi nito, and this time ay nag-apply na ako ng make-up sa mukha ko.
“I’m finished, Zavein!” I screamed.
PAGDATING namin sa mall ay marami na palang mga tao kahit umaga pa lamang. Kung sabagay nga naman. Zavein and I got here early so we can hang out all day.
“Ano ang una nating gagawin?” tanong niya at hindi na kami naghihiwalay na dalawa. Nasa aming likuran ang bodyguards, ilang hakbang ang layo mula sa amin.
“Bibili ng mga damit at ubusin natin ang laman ng cards ni Archimedes,” pabulong na suggestion ko. Napatikhim siya.
“As if naman ay mauubos iyan agad. Black card ang dala mo, babe.”
“Kaya nga, try naging ubusin.”
Hindi naman magagalit ang asawa ko kapag marami akong nagastos. Mayaman naman siya at maraming business. Ibinibigay niya lamang sa akin ang mga bagay na gusto ko raw. Malaya ako kapag wala siya. Paano ba kasi kailangan ay nasa tabi niya ako palagi kung saan man siya nagpupunta. He just worried about me.
“Sige, game ako.”
Lumayo ako sa kanya nang bahagya at inayos ko ang eyeglasses ko. Simula nang makakita ako ay palagi na akong nagsusuot nito. Suggestion din naman ito ng doctor ko pero maayos naman talaga ang mga mata ko. Nasanay lang akong gumamit nito. Sumakay kami ng escalator at hindi na ako nagpakita pa nang kahit na ano’ng emosyon. Ganoon din siya pero sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin ay tumataas ang sulok ng mga labi namin pareho.
Isa rin si Zavein na nagturo sa akin nang ganitong asal. Maging isa ring sophisticated na babae. Nang ibaling ko ang mukha ko sa left side ko ay may nahagip ang eyes ko.
Isang guwapong lalaki na, katulad ko ay parang isang halik ng hangin lang ang aming titigan pero nagbigay na sa akin ang kakaibang kabog sa aking dibdib. Tumaas ang balahibo ko sa katawan at pamilyar ang feelings na ito. He’s very familiar...
Titingin pa sana ako sa kanya na kasalukuyan nang bumababa ang escalator nila nang malapit na rin lalapag sa floor ang inaapakan ko kaya hindi ko na nakita pa ulit ang lalaki.
Napahawak lang ako sa tainga ko kasi parang nangati ito. Nakarinig ako nang malakas na pagtawag ng kung sino man pero hindi ko naman marinig at hindi naman ako ang tinatawag nito.
Dire-diretso na ang paglalakad namin ni Zavein at pinapakalma ko na ang tibok ng puso ko. Hinawakan ko ang locket ko at hinalikan ko ito.
It’s okay, Kalla... It’s okay...
Naging abala rin kami sa pamimili ng mga dress para sa akin and after that ay sa kanya naman na suit na susuotin niya. Zavein, he’s a dress designer. Yup, kayang-kaya niyang mag-design ng mga damit at ang business na sisimulan namin ay isang entertainment, kung saan kumukuha kami ng mga artist and models.
Magkasosyo kaming dalawa at sisimulan namin dito sa Philippines ang new branch ng company namin sa Indonesia. Umabot kami sa lunch time at kumain agad tapos gala ulit.
“Zavein, tinawag yata ako ng kalikasan,” mahinang bulong ko at ikinompas niya ang kamay niya.
“Gusto mo bang samahan kita?” I rolled my eyes.
“Kaya ko naman na,” ani ko at nagtanong sa mga crew kung nasaan ang powder room nila. Itinuro lamang ito sa akin at doon na ako nagtungo. Iniwan ko lang sa best friend ko ang handbag ko.
Nasa corridor na ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki. Nangangati na naman ang tainga ko kasi parang may tumatawag sa akin. I shook my head at tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko hanggang sa may humablot sa siko ko na ikinasinghap ko nang malakas.
Namimilog ang mga mata ko nang ikulong ako nito sa mga bisig niya. Nagpumiglas ako kasi hindi ko naman kilala ang lalaki but he was hugging me so dàmn tight!
“Get the fvcking off of me, assholè!” sigaw ko at pinagpapalo ko na ang likuran niya pero sa higpit nang yakap niya ay hindi ko man magawang itulak siya.
Ngunit ang paraan nang yakap niya, pamilyar na pamilyar at nakapanglalambot ng mga tuhod. But I need to get rid of him!
Bahagya siyang kumalas at na-confuse lang ako nang makita ko ang face niya. Pulang-pula agad ang eyes niya at ang daming tumutulong mga luha. Nagsalubong ang kilay ko nang hawakan niya pareho ang pisngi ko. Tila may hinahanap siya na mukha ko.
Siya ang lalaking nasa escalator kanina!
“Who the fvck are you?!” I screamed. He was crying at ramdam na ramdam ko ang tila lungkot at pangungulila niya.
Mas lumaki lang lalo ang mga mata ko nang siliin niya ako nang mariin na halik. Oh, my God! Who the hèll is he?!
Isa lang akong babae, compared sa lalaking ito ay mas malakas nga siya. Walang-wala ang pagprotesta ko pero sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko na ang bodyguards ko. Mabilis silang sumugod at inilayo nila ako sa lalaki.
Habol-habol ko ang paghinga ko at napahawak ako sa aking dibdib. Umigkas ang isang kamao ng bodyguard ko sa panga ng lalaki at ang dalawang braso niya ay inikot sa likuran nito. Nakadapa na siya sa floor at may tuhod ang nakadagan sa likuran niya.
Hindi siya kumilos dahil hindi niya pinutol ang titig sa akin. Maliban sa escalator ay saan ko unang nakita ang lalaking ito? Baliw ba siya or something? Bigla na lamang nangyayakap tapos nagnakaw pa nang halik. How dare he is. Tsk.
Pero ano itong nararamdaman ko? Bakit ang bilis nang tibok ng puso ko na parang lalabas na sa ribcage ko? Ang pakiramdam na natagpuan ko ang aking daan pauwi? Ramdam ko ang pananabik ko, pero bakit sa mga mata niya ay napupuno niya ang tila kakulangan ng aking pagkatao? Sino siya? Sino itong lalaking umiiyak na nakatingin nang diretso sa mga mata ko?
“Are you okay, Ma’am?” Umiling ako pero pilit nilang iniipit ang mga braso ng lalaki sa likuran nito. Nang igiya niya ako palayo at tumalikod na rin ako ay sumigaw na ito at narinig ko ang pangalan na matagal ko nang binitawan at ibinaon sa nakaraan.
“Donna Jean! J-Jean... Ako ito... A-Ako ito si Miko... Jean... Umuwi na tayo...”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top