CHAPTER 34
Chapter 34: New friend
“CONGRATS, basta ang kapatid ko, Miko. Huwag na huwag mong pababayaan. Dalawa na sila ang aalagaan mo. Dahil kapag sinaktan mo si Jean ay babawiin ko siya mula sa ’yo at hindi mo na rin makikita pa ang magiging anak niyo,” pananakot ni kuya na ikinadaing ni Miko.
“Daiz, sobra ka naman. Good boy ako, hindi ako nananakit ng babae at saka mahal ko ang kapatid mo. Mahal na mahal ko rin ang baby namin,” sabi pa niya.
“Siguraduhin ko mo lang dahil matatamaan ka na talaga sa akin.”
“Ikaw talaga, babe. Daddy na siya, alam na niya ang tama at mali,” pagsingit naman ni Ate Zedian.
Sa blessings na dumating sa buhay namin ay mabilis nilang naasikaso ang engagement party namin. Kinausap pa ng parents ni Miko ang ate at kuya ko para sa bagay na iyon.
Masaya ang engagement party namin kahit walang marriage proposal ang naganap basta ang pagiging boyfriend and girlfriend namin ay naging mag-fiancé na rin. Sa mga nasaksihan ko na pagdadalang-tao ay mahirap na mahirap.
Napapansin ko iyon kay Ate Zedian. Lahat ng pagkain na gusto niya dati ay inayawan na niya at sumusuka pa siya kapag may pagkain na hindi niya gusto. Ang mas masaklap pa ay mapili na siya sa mga kinakain niya. Umiiyak din kung minsan at madalas si Kuya Hart ang pinagbubuntunan niya ng galit.
Pero kakaiba iyong sa akin. Normal naman ang morning sickness ko pero ni minsan ay hindi ko pinag-initan ng ulo si Miko. Sa aming dalawa ay siya ang pinaka-clingy pero mukhang napunta iyon sa akin.
Ang paborito kong inaamoy ay ang kili-kili niya. Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng puwede kong amuyin ay iyon pa. Minsan nga ay hindi na muna siya magpapakita sa akin. Umuuwi siya sa kanila para lang maligo kasi alam niya raw na aamuyin ko na naman daw ang kili-kili niya. Amoy pawis daw siya pero gustong-gusto ko pa rin ang kanyang amoy.
Nang puwede na naming malaman ang gender ng baby namin ay saka kami pumunta sa clinic ng magiging OBY-GYNE ko. Pareho kaming excited pero siyempre sumama ang grandparents niya. Siya rin pala ang sumusuri sa pamilya ni Miko na puro buntis na nga lahat.
“Don Brill, saan mo ba nakukuha iyong mga fiancé ng inyong apo? Aba, ang gaganda nilang lahat. Mukhang inosente lang tingnan itong partner ng bunsong apo niyong lalaki,” komento agad ng doctors na ikinangiti ko.
“Kung tao ang gumagawa ay limited edition iyan, doc,” pagbibiro ni Grandpa na tinawanan naman siya ni Grandma. Limited edition, si Don Brill talaga palabiro rin siya.
“Fiancé ko pala, Doc. Si Donna Jean,” pakilala ni Miko sa akin at sa doctora.
“Nice meeting you, Donna Jean. Nasabi na rin naman sa akin ni Don Brill ang kalagayan mo. Masyado yatang nagmamadali ang fiancé mo at inuna ang anak bago ka gumaling,” sabi pa niya. Ako ang nahihiya.
“Oo nga po, eh,” ani ko.
“At alam kong pareho kayong excited sa magiging gender ng baby niyo. Let’s start.” Si Miko ang umalalay sa akin para humiga ako sa hospital bed. Blouse and loose pants ang suot ko.
Hawak ng fiancé ko ang kaliwang kamay ko. Pinaupo rin ng doctora sina Grandpa at Grandma.
May gel na inilagay sa bandang tiyan ko at malamig iyon. Kabado rin ako pero nangingibabaw ang excitement ko. Malalaman na namin ang gender ni baby. Wala pa nga siya ay excited na rin kami sa paglabas niya.
Nanlamig ang kamay ni Miko. “Bakit mas kinakabahan ka, Miko?” tanong ko sa marahan na boses.
“Sana ay babae. Gusto ko ay kamukha mo,” sabi pa niya sabay halik sa sentido ko.
“Sana nga. Tapos kung lalaki ay kamukha mo naman,” ani ko.
“Puwede namang kambal. Lalaki at babae," segunda ni Grandma.
“Agree to that, mahal ko.” Napanguso ako.
“Nasa family history niyo rin po ang kambal. Malay natin, wait—here it is. Nagpapakita na ang apo niyo sa tuhod, Mrs. Lorainne and Don Brill.”
“Ako ang mas excited, doc,” ani Grandpa. “Pakiramdam ko ay magiging anak din namin ng mahal kong asawa.”
“Eh, ’di gumawa po kayo ng baby kasama si Grandma,” ani Miko.
“Tumahimik ka, Miko,” sita sa kanya ng lolo niya.
“Kung puwede pa sana, aba bakit naman hindi? Susundan namin ang Uncle Godfrey mo, apo,” natatawang sabi naman ng kanyang lola.
“Oh, mukhang...”
“Ano na po, doc?” tanong niya. Hindi na nga siya makapaghintay pa.
“Masyado mong ginalingan, Engineer Miko.” Na-curious naman ako.
“Bakit po, doctora?”
“Hindi lang isa o dalawa. You’re having a...triplets.” Napabitaw naman siya sa akin dahil sa pagkabigla. Hindi ko na nga rin masyado pang pinansin iyon. Ako rin ay nagulat sa sinabi ng OBY ko.
“Seryoso po, Doc? T-Triplets po...ang...” Hindi niya tuloy matapos-tapos ang sasabihin niya.
“Yes. Tingnan niyo, oh. Heto sila, maliliit and tingnan niyo rin ito.” Sana nga lang ay may kakayahan akong makita iyon.
“What, Doc? A three girls?!” sigaw niya. “Fvck!”
“Words, apo,” sita sa kanya ni Grandma Lorainne.
“Did you see that, Grandma? We’re having a three girls po!” masayang sigaw niya at umurong ang upuan niya kaya lumikha iyon nang ingay.
“Miko, bakit mo hinahalikan ang asawa ko?” narinig kong tanong ni Grandpa. Parang isa lang siyang teenager na nagagalit sa kanyang apo dahil hinahalikan daw ang asawa niya. Nagseselos siya kahit apo niya lang si Miko.
Isa sa mahahambing na endless love sina Grandpa Don Brill at Grandma Lorainne, sa ilang taon nilang magkasama ay hindi man lang nagbago ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Mas tumibay pa ito habang lumilipas din ang maraming taon. Sana katulad nila ay ganoon din ang relasyon namin ni Miko. Walang magbabago sa samahan namin at higit naming mamahalin ang isa’t isa.
“Ang suwerte ko naman, Grandpa! Babae! Tatlong babae po agad!” pagmamalaki pa niya.
“But she needs an extra careful, Engineer. Lalo na sa kalagayan niya ngayon.”
“Kahit mag-l-leave po ako sa trabaho ko, doc. Aalagaan ko po ang mag-iina ko!”
“Lower down your voice, Miko. Haist, itong batang ito.”
Pagkatapos no’n ay ako naman ang nilapitan niya para lang halikan ang buong mukha ko. Nakikiliti ako dahil umabot iyon sa leeg ko.
“I’m happy... God... Sobra-sobra naman ang blessings na ito, baby. Thank you, thank you so much...” Nanubig ang gilid ng mga mata ko. Ang hirap ipaliwanag itong nararamdaman ko. Sobra-sobra pa.
Natigilan naman ako ng muli ko na namang narinig ang boses ni Lucca.
“Sundin mo lang po ang siyang sinasabi ng iyong puso, Ate. Pero ang kapalaran po ay tayo ang gumagawa ngunit hindi natin puwedeng iwasan. Kasi, Ate. Tatlong buhay po ang dadalhin mo.”
“Ha? T-Tatlong buhay ang dadalhin ko? Ano naman iyon?”
“Kung iiwasan mo po ang kapalaran mo at pipiliin mo na huwag na lang makilala ang dalawang lalaki ay wala pong mangyayari sa buhay mo. Maaaring kaya po nating tumayo sa sarili nating mga paa pero kailangan pa rin ito ng tulong ng isang tao. Ate Donna, ang buhay mo ay punong-puno ng ligaya ngunit may pasakit, hirap, pangungulila at lungkot pa rin. Isa sa dalawang lalaking iyon ang makakasama mo habangbuhay—iyon ay kung kaya ninyo ang pagsubok na ibibigay sa inyo. Huwag ka lang pong mawalan ng pag-asa.”
“Pero curious ako, Lucca. Ano ang ibig mong sabihin sa tatlong buhay na dadalhin ko? Oh, may ganoon ba akong buhay na kayang-kaya ko ngang labanan ang maaga kong kamatayan?”
“Sa katanuyan po, Ate Donna. Apat, apat po talaga ang dadalhin mo.”
“Ha?”
“Ngunit mauuna po ang tatlong buhay. Iyon nga lang po ay pansamantala mo lang silang dadalhin at makakasama.”
“Lucca, wala na akong maintindihan pa.”
“Bibigyan na lamang po kita ng clue.”
“Ang tatlong buhay na iyon po. Hindi lang ikaw ang nagbigay sa kanila ng sarili nilang mga buhay.”
“Ikaw, Ate. Ituturing ka nila na tila isang babasaging palamuti, mamahalin na higit pa sa mga sarili nila. Gagalangin na tila isa ka ring pinakaimportanteng tao sa mundo. Higit sa lahat, Ate Donna. Sila ang mga buhay na magiging sandalan mo at hindi ka nila iiwan kahit ano man ang mangyari. Kaya huwag mong iwasan ang kapalaran mo.”
Kung dati ay hindi ko naintindihan ang gusto niyang ipahiwatig sa akin pero ngayon alam ko na. Naintindihan ko na ang tinutukoy niyang tatlong buhay. Hindi lang para sa akin ang tatlong buhay na iyon dahil sa halip ay ako magdadala at iyon na nga ang triplets namin.
Hindi ko inaakala na iyon pala talaga ang kahulugan. Sunod-sunod na ngang nangyari ang mga nakikita ni Lucca sa mga palad ko. Subalit higit akong kinabahan sa sinabi niyang pansamantala ko lang ito makakasama. Ano naman kaya iyon? Ako’y naguguluhan na. Buntis ako at mas pinili ko na lang ang isantabi muna ang mga iyon. Ayokong mag-isip ng negatibo. Nakasasama iyon sa mga anak ko at sa akin din. Dapat iwasan ko ang ma-stress.
***
Tuwang-tuwa kaming apat noong pauwi na at ibinalita namin na tatlo agad ang magiging anak namin. Bihira lang din naman sa kanila ang magkaroon ng anak na babae ngunit ngayon ay marami na rin. Babae ang naging bunsong apo sa pamilya nila pero may naging panganay rin at iyon ay ang anak Nina Kuya Markin at Rea.
“Aba’t ang galing mo naman, pinsan. Tatlo agad?”
“Talong-talo ang mga kuya.”
“Tapos babae pa?”
Isa-isa pa silang nagpasalamat sa amin at nakatutuwa talaga ang mainit nilang pagtanggap sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Kailan naman kaya ako masasanay, ano?
May umupo naman sa tabi ko at alam kong si Kuya Hart iyon. “Kuya,” nakangiting tawag ko sa kanya.
“Kakayanin mo ang lahat ng ito, okay baby girl?” Tumango ako. “Tsk, masyado niyo ngang ginalingan at tatlo agad ang nabuo niyo,” sambit niya. Napanguso na lamang ako.
“Ayaw mo no’n, Kuya? Tatlo po agad ang pinsan ng anak mo,” ani ko. Mahina niyang pinitik ang noo ko at saka niya ako niyakap nang patagilid.
“Sa akin nga ay dalawa. Tapos ikaw ay tatlo agad?” I chuckled.
“Humabol po kayo. Malay natin maging kambal pa ang bunso niyo,” suhestiyon ko.
“Hindi pa ’yan ang bunso namin, susundan pa namin,” sabi niya para lang matawa ako nang malakas.
“Okay po, Kuya. Basta po kaya ni Ate Zedian ’yan.”
“Speaking of that. Miko, panghuli na ito, ha? Gumamit na kayo ulit ng proteksyon. Sapat na ang tatlo,” biro niya na kunwari ay sinang-ayunan ng lahat. I just shook my head. “Seryoso ako, Miko. Huwag mo akong tawanan. Ito na dapat ang una’t huling magbubuntis ang kapatid ko.”
“Eh, wala pa kaming anak na lalaki, Daiz.”
“Tumigil ka. Ginalingan mo naman pero bakit hindi mo itinira ang isang pamangkin ko para maging lalaki?”
“Babe, ano ba naman ’yan?”
“Seryoso nga ako.”
“Kuya naman, eh,” nakangusong sabi ko.
“Panghuli na ito,” giit pa rin niya. Kinurot ko lamang ang braso niya.
“Hihirit pa si pinsan. Anak na lalaki pa raw,” kantiyaw ng lahat.
“Jean, huwag mo na siyang pagbigyan pa!”
“Baby, inaaway nila ako!” Lumapit sa akin ang fiancé ko at tumabi sa akin nang upo.
“Tsk. Parang bata.”
“Kuya, huwag mo na po siyang awayin,” ani ko. Puro tawanan na lamang ang maririnig sa buong mansion namin. Masaya akong makasama silang lahat kahit na hindi ko pa sila nakikita.
Alam kong balang araw ay makikilala ko rin sila sa mga mukha nila at hindi na rin naman ako makapaghintay pa roon. Gusto kong makita ang mukha ng isang Brilliantes. Siyempre mauuna roon ang lalaking mahal ko. Hehehe, pangalawa na lamang ang aking kuya.
Since hindi pa naman lumalaki ang tiyan ko ay nagtrabaho muna si Miko. Madali lang naman ang work niya, eh. Titingnan at susuriin niya lamang ang building at ang engineer nila ang humawak no’n, sa kanya lang ang project.
***
“Buntis ka?” Isang araw ay nagpunta na naman sa flowershop namin si Randell Alex Sevilla. Naging regular customer namin siya at tuloy-tuloy pa rin naman ang partnership ng negosyo ni Ate Zedian at sa kanyang kapatid.
Sa ilang linggo na pagpunta rito ng magkakapatid ay pinili ko na lang na pakisamahan nang maayos si Randell. Mabait naman talaga siya at sa tingin ko wala akong dapat ikabahala sa tuwing pupunta siya rito. Minsan ay tumutulong din siya. Sincere siya noong sinabi niya na gusto niya akong maging kaibigan.
Tinanggap ko naman iyon kalaunan at naikuwento ko na iyon kay Miko. Hindi naman siya nagkomento pa. May tiwala naman daw siya sa akin at alam niyang wala rin akong gagawin na ikasasakit ng damdamin niya.
“Oo, 12 weeks na at triplets ang magiging anak namin,” nakangiting kuwento ko sa kanya.
“Wow. Congrats then,” pagbati niya.
“Salamat.”
“Paano na ang eye-transplant mo? Delay na?” tanong niya.
“Sa ngayon ay gusto ko munang alagaan ang sarili ko para sa mga anak ko. Hindi ko muna iisipin ang paggaling ko,” sambit ko.
“May gusto ka bang kainin, Jean? Ano ang pinaglilihian mo?”
“Kahit ano basta masarap. Sa katunayan ay hindi naman ako mapili sa pagkain, hindi rin ako nasusuka kapag may mga naaamoy ako. Pero morning sickness ko ay nasusuka ako at nahihilo. But maayos naman ako ngayon. Inalagaan ako ng future mother-in-law ko, eh,” nakangiting saad ko.
“Good,” tipid na sambit niya at naramdaman ko ang matagal niyang pagtitig sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top