CHAPTER 10
Chapter 10: Plauta
“TAHAN na. Hindi mo naman kasalanan kung bakit ka nadulas,” pagpapatahan sa akin ni Kuya Hart kasi iyak nang iyak lang ako. Nakayakap pa nga ako sa kanya na parang bata at nakasubsob lang ang mukha ko sa dibdib niya. Ilang beses pa niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Ang sakit kaya ng likod ko na tumama pa sa mesa!
“Lagyan muna natin ng ointment para hindi iyan mamaga, Jean.” Itinaas pa ng kuya ko ang suot kong t-shirt at nasa likuran ko na si Ate Zedian. Napaigtad pa ako nang hawakan niya iyon.
“M-Masakit po, Ate Zedian...” naiiyak na saad ko.
“Mawawala rin itong sakit na ito, Jean. May pain killer naman tayo,” sabi pa ni ate at marahan na niyang nilagyan ng ointment ang likod ko.
“Don’t cry, baby girl... Gagaling din naman ito, eh.” Tumango lang ako kay kuya at nang natapos na si Ate Zed ay saka nila ako inihiga sa kama. Nilagyan pa nila ng unan ang likod ko.
Hinaplos ni kuya ang buhok ko at alam kong worried pa rin siya. “Heto na ang pain killer, Jean.” Iniupo naman ulit ako ni Kuya para mainom ko na iyon. Pinunasan pa niya ang tubig sa gilid ng labi ko.
“Okay na po ako, Kuya. Hindi po ba susuriin mo pa ang pasyente mo?” tanong ko. Sa kabila pa rin ng ginawa sa akin ng lalaking iyon ay siya pa rin ang inalala ko.
“Oo. Mamaya. Hihintayin ko na lang na makatulog ka. Sige na, tulog na, Jean.” Nakangiting pumikit na lamang ako at ganito palagi ang ginagawa niya sa tuwing nagpapatulog siya sa akin. Bata pa lamang kami ay ganito na talaga siya.
Hindi siya aalis sa tabi ko hangga’t hindi ako nakatutulog. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at hindi kalaunan ay nawala rin ang kirot sa likod ko. Tumalab na ang pain killer kaya bumabagal na rin ang pagkurap ng mga mata ko hanggang sa nakatulog na nga ako.
But nagising naman ako sa kalagitnaan ng gabi dahil parang may nararamdaman akong nagma-massage nang marahan sa likod ko. Napadilat ako pero wala naman akong makita at kung mayroon man ay maliit na liwanag—teka.
Maliit na liwanag? May nakikita ako na maliit na liwanag?! Puro dilim lang naman ang nakikita ko noon at wala kahit na ano’ng liwanag.
“Kuya?” Babangon na sana ako nang may tumulak sa noo ko para makahiga ulit ako. Familiar ang touch niya and his presence. “M-Miko?” gulat kong sambit sa pangalan niya.
“Masakit pa ba ang likod mo?” tanong niya na halos pabulong na.
“B-Bakit nasa loob ka ng aking silid?” nagtatakang tanong ko.
“I’m just worried. Hindi ako makakatulog kapag alam kong nasaktan ka,” sagot niya.
“Okay na ako. Bumalik ka na sa room— Wait paano ka nakapunta rito? Pinilit mo na naman ang tumayo?” nag-aalalang tanong ko at muli sana akong babangon nang marahan niya ulit akong tinulak.
“Can I sleep here? Parang... makakatulog na naman ako ng ilang araw nito,” wika niya at humihina ang boses niya.
“Then don’t sleep,” mariin na saad ko at hinila ko pa ang collar ng shirt niya.
“I’m tired,” sabi niya lang pero hinila ko ulit ang damit niya. Hindi siya puwedeng matulog.
“Please, huwag ka nang matulog pa if hindi ka naman gigising pa. Miko...”
“Can I ask you something, Miss?” Halos pabulong na talaga iyon, eh.
“What is it?” tanong ko naman.
“That sound of... iyong may uhm... Before you tell me things I even hear soft music. What is that? Did that come from your phone? Just like a—”
“Plauta? Isang plauta ang narinig mo,” sabat ko.
“Plauta? Is that flute may I right?”
“Oo. Bakit?”
“Ikaw ba... Ikaw ba ang nagpapatugtog no’n?” tanong niya na parang namamangha pa siya.
“Oo,” nahihiyang sagot ko. Dahil ang mga taong malalapit lang sa akin ang may alam no’n pero minsan na akong narinig ng...kanyang lolo.
“Puwede mo ba akong patugtugan no’n?” munting request niya.
“Ayaw ko. May atraso ka pa sa akin, eh. Nanghahalik ka ng walang paalam!” sigaw ko na mabilis niyang tinakpan ang bibig ko.
“Lower down your voice, Miss. Baka marinig ka ng kuya mo at mahuhuli niya ako na nandito sa loob ng kuwarto mo. Baka kung ano rin ang isipin niya sa ating dalawa.” Tinanggal ko ang kamay niya sa aking bibig.
“Lumabas ka na kung ganoon. Bakit ba kasi nagpunta ka pa rito?” tanong ko pa at kaunti na lang ay maiinis na ulit ako sa kanya. Naramdaman ko na nga ang paghiga niya sa tabi ko.
“Ayaw ko. Dito na ako matutulog kasi kama rin naman ito, ah,” sabi niya at nasa loob na rin pala siya ng kumot ko.
“Isa kang—”
“Rápist? Pervert? Dámn, hindi ako ganoon, ha. I’m just worried dahil nasaktan ang savior ko. Kaya dapat lang na bumawi ako sa ’yo,” sabi niya. Sana lang ay sincere siya sa kanyang sinabi dahil makikita niya talaga kung paano ako magalit.
“Ganito ba ang pagbawi mo na basta-basta ka na lamang pumapasok sa kuwarto ng isang babae?” tanong ko at tinulak ko ang dibdib niya pero mabilis niya lang hinuli iyon.
“Unang beses lang naman na ginawa ko ito. Sige na, isang tugtog lang naman para makatulog na ako at muli akong magigising,” giit pa niya at nagpakawala ako nang buntong-hininga.
Inabot ko sa likod ng unan ko ang maliit kong plauta. Nakasunod agad ang mga mata niya, alam ko kasi nararamdaman ko iyon. Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headboard ng bed ko.
“Isang beses ko lang itong gagawin at wala ng susunod pa,” ani ko.
Itinapat ko sa labi ko ang plauta at humugot ulit ako nang malalim na hininga bago ko sinimulan ang pagpapatugtog. Naramdaman ko pa ang paggalaw niya at sumiksik sa tagiliran ko.
Nang matapos ang pagpatugtog ko ay saka siya nagsalita. “Napakaganda... Ang husay mo...” sambit niya. Hindi ako sanay sa papuri dahil maliban kina Ate Zedian at Kuya Hart ay wala ng nagsasabi no’n sa akin. Pero may ibang tao na ang nagsabi at pangalawa na roon ang Engineer Miko na ito.
“Matulog ka na lang diyan at gumising ka nang maaga para bumalik sa iyong silid. Dahil tiyak akong kakaladkarin ka ng kuya ko,” saad ko na may kasama pang pagbabanta. Dahil iyon naman talaga ang gagawin sa kanya ni Kuya Hart.
Hinila niya ang pulso ko at namimilog pa ang mata ko dahil inihiga niya rin ako sa kama ko.
Sinapo pa niya ang kaliwang pisngi ko. “I’m ready to have your palm land on my cheek, just to taste your sweet lips again,” he uttered at kasabay nang pagdampi ng malambot niyang labi sa akin.
***
“Bakit namumula ang magkabilang pisngi mo, Engineer Miko?” tanong ni Kuya Hart sa lalaking kasama na naming kumain ng breakfast ngayon. Nasa boses ni kuya ang pagtataka pero ako ay umakto lang na walang alam sa nangyayari kahit ako naman ang may gawa no’n.
Ninakaw niya ang unang halik ko at natural lang sa akin na sasampalin siya. Na kahit nagpaalam pa siyang halikan ako sa pangalawang beses ay muli pa ring dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Mag-asawang sampal lang naman ang nakuha niya mula sa akin. Dahil isa siyang pervert na basta-basta na lamang nanghahalik sa isang babae.
Hindi ko alam kung ganito rin ba siya sa iba pero mukhang hilig niya nga ang manghalik.
“Ah, this. Isang cute na bee lang ang dumapo sa magkabilang pisngi ko,” paliwanag niya na hindi pa makatotohanan. Ano’ng isang cute na bee ang pinagsasabi niya?
“What? Isang bee?” Ate Zedian asked him in confused.
“Basta. Huwag na kayong maging pormal sa akin. Tawagin ninyo na lamang ako sa pangalan ko. Miko,” sabi niya at naramdaman ko ang pagsulyap niya sa akin.
Maingay ang kubyertos na ginagamit namin dahil kumakain nga kami ng breakfast.
“Okay. Wala ka na palang poproblemahin pa tungkol sa perang pambayad mo sa physical therapy. Ako na ang bahala roon. Dahil alam mo rin na hindi ka puwedeng humingi ng tulong mula sa pamilya mo hangga’t hindi mo nahahanap ang mga taong gustong manakit sa ’yo.” Iyon kaya ang pinag-usapan nila ni kuya? Ang tungkol sa pamilya niya at sa mga taong gumawa no’n sa kanya?
“Okay, thank you. Makakabawi rin ako sa kabutihan ninyo sa akin. Magiging pabigat nga lang ako rito sa inyo,” sabi niya at saka atraso. May atraso na siya sa akin.
“Wala iyon. Basta ang tandaan mo. Mag-iingat ka sa mga bawat kilos mo. Hindi mo pa alam ang kalaban mo. Dito ka lang sa bahay hangga’t maaari pero hindi utusan ang kapatid ko, ha,” paalala pa ni Kuya Hart sa kanya.
“What if I need your sister’s help?” he asked. Bakit? May isang bagay ba siya na hindi niya kayang gawin?
“Like what?” Ate Zedian asked him.
“Ang alalayan lang naman ako. Tumambay sa tarangkahan ng bahay ninyo para sumagip ng preskong hangin,” paliwanag niya para lang mapairap ako.
Eh, nagawa niya nga ang tumayo at naglakad para lang puntahan lang ako sa room ko. Ano’ng alalayan ang ibig niyang sabihin? Tsk.
“Basta huwag mo siyang pag-iinitan ng ulo dahil tatama talaga itong kamao ko sa ’yo,” Napangiti ako dahil doon.
“Hindi, ah,” mabilis na sabi niya.
***
Naiwan nga kami sa bahay namin at nautusan pa ako na kumuha ng mga damit ng kuya ko para sa kanya.
“Heto na. Maligo ka na sa banyo,” ani ko at hinagis ko lang sa kanya ang dala kong t-shirt at pants. Hindi ko inakala na tatama pala iyon sa mukha niya.
“Ay, gumaganti,” sambit niya.
“Lalabas na ako at alam ko naman na kaya mong tumayo riyan ng mag-isa,” sabi ko pa at nagtungo sa pintuan para makalabas na rin.
“Sandali lang naman. Hindi ko pa nga kayang igalaw itong binti ko. May cast pa rin naman ito, ah.”
“Mas malayo ang pinuntahan mong kuwarto kagabi kaysa sa banyo mo,” supladang sabi ko.
“Parang alalay lang naman. Eh, ikaw nga ay nakita kong inaalalayan ka ng kuya mo kahit bumaba lang sa hagdanan. Mas matanda ka nga pero bata pa rin ang trato sa ’yo ng kapatid mo.” Sumimangot ako sa sinabi niya.
“Bahala ka sa buhay mo at hindi kita tutulungan!” asik ko sa kanya.
“But Miss... I need your help. Ang lagkit na ng katawan ko dahil sa pawis ko. Ilang buwan na akong walang ligo, ’di ba?” problemadong saad niya.
“Pero mabango ka naman,” mahinang sambit ko pero hindi iyon nakatakas sa pandinig niya. Malakas siyang humalakhak at parang tuwang-tuwa pa sa narinig niya. Nagngitngit ako sa inis sa kanya. “Bahala ka na nga riyan!”
“Miss! Wait naman! Tulungan mo na ako, please? Don’t worry, wala naman akong gagawin. Tulungan mo lang ako na makatayo,” sabi niya at bumuntong-hininga ako.
Naglakad ulit ako palapit sa kanya at naglahad ng kamay para tuluyan na siyang makatayo. Tumulay na naman ang kuryente mula sa kamay niya patungo sa aking palad nang hawakan na niya iyon pero hinila niya ito at napatili ako kasabay nang pabagsak ko sa ibabaw niya.
“Miko!”
“God... Galit ka na nga sa lagay na iyan pero ang lambing pa rin ng boses mo,” nang-aasar na sambit niya sa akin. Dahil napupuno na nga ako sa galit at inis ay pinagapang ko ang kamay ko para abutin sana ang injury niya pero iba ang nahawakan ko. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya at ang paghigpit ng braso niya sa baywang ko. Iniangat niya pataas ang kanyang ulo kasi naramdaman ko na lumapit iyon sa mukha ko. “Did you just... D-Did you just touch my...uhm... My cóck?” tanong niya at nasampal ko ang bibig niya.
Mahina siyang dumaing saka ako nagmamadaling umalis sa ibabaw niya pero naapakan ko na nga ang binti niyang may injury.
“S-Sorry!” natatarantang sigaw ko.
“Miss! Ang sakit naman iyon!” sigaw niya at dumadaing na nga siya sa sobrang sakit. Napakagat ako sa kuko ko.
“Hindi ko naman sinasadya! Ang kulit mo lang kasi!” sigaw ko rin sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top