SPECIAL CHAPTER 3

Special chapter 3: Life is full of surprises

ILANG taon na ang nakalipas. Nakamit ko na ang hustisya noong dinukot ako ni Archimedes. Sumuko na rin naman siya at inamin ang kasalanan niya. Limang taon ang hatol sa kanya pero dahil nakatulong pala siya na malaman naman ng pamilya ng asawa ko ang mga taong nagtangka sa buhay nito ay dalawang taon lang siyang nakulong at naawa rin naman ang mga ito kasi may pamilya siya.

Para sa ’kin ay sapat na ang dalawang taon na pagkakulong niya dahil pinagsisihan na niya ang ginawa niya at nagbago na rin naman siya.

Ngayon nga ay masama na rin ako kasama ang pamilya ko. Bumalik na sa dating masaya na samahan ang relasyon namin ng asawa kong si Miko at dito ko na nga mas na-realize ang lahat.

Kapag marami kang pinagdaanan, problema na dumating sa buhay mo at kahit gaano pa ito kahirap o kabigat ay huwag kang mawawalan ng pag-asa na muli kang makaaahon sa kahirapan na ito at sa hinagpis na nararanasan mo. Lahat ay may magandang nakalaan para sa ’yo. Isang happy ending na pinapangarap natin.

Bumalik din ako sa dati kong trabaho bilang DJ and this time ay sa building na namin ni Zavein at habang wala pala ako ay si Miko ang humahawak nito. Ngayon na nagbalik na rin ako ay ipinakita na namin sa lahat kung sino ba talaga ang DJ Donna nila. Nagulat sila dahil isang Brilliantes din ang napangasawa ko.

Pagkatapos ko naman na bigyan ng advice ang isa kong listener ay nagpatugtog na ako ng kanta na para sa kaniya. Siya namang malakas na pagbukas ng pinto ng opisina ko.

“Jean! Ang bad ng anak mo!” Napatayo naman ako nang makita ko si Zavein na nakahawak sa ano niya.

“Hala, what happened?”

“My!” masayang sigaw pa ng bunso ko.

Si Mikollo Jonathan, ang nag-iisa naming anak na lalaki ay hindi na rin naisip ng asawa ko na sundan pa ito. Sapat na raw sa kaniya ang apat at ayaw na niya akong mahirapan pa. Nalaman niya rin kasi ang tungkol sa kalagayan ko noong sinaksák ako sa tagiliran.

Sinalo ko naman ang anak ko na patakbong lumapit sa ’kin. Two years old pa siya pero ang laki ng katawan niya na aakalain mo ay nasa three or four years old na siya. Mataba kasi siya at kahit nga ako ay nahihirapan na buhatin siya dahil ang bigat niya. Magana kasi siyang kumain kaya mabilis tumaba at lumaki ang katawan.

“Grabe, ang kulit ng anak ninyo, Jean!” nakangiwing sigaw pa ng best friend ko na tinawanan ko na lamang.

“Pasensiya ka na, Zavein. Alam mo naman ang inaanak mo na super kulit nito,” sabi ko at napatango siya.

“Ayaw niya kasing magpabuhat kaya ang ginawa niya ay sinipa niya ang ano ko. Muntik ko na nga siyang mabitawan, Jean.”

“Mimi, up! Up pyes?” Napangiwi ako sa munting request nito.

Kapag hindi ko siya bubuhatin ay iiyak ito panigurado. Masyado kasing spoiled ang batang ito. Kung sino-sino na sa mga uncle niya ang bumubuhat sa kaniya.

Kinarga ko na lamang siya na pakiramdam ko ay matatanggal ang mga kamay ko. Sa matatambok niyang mga braso na nakakapit na sa leeg ko ay nahirapan na akong huminga. Super higpit kasi nang yakap niya.

“G-Ganito pala ang mangyayari, Zavein. Hindi niya ako pinahirapan noong pinagbubuntis ko pa siya pero nang lumabas na nga siya ay balak niya yatang baliin ang mga buto ko,” kinakabahan na sabi ko pero napahinto lang ako nang inosenteng tiningnan ako ng bunso ko. Nakanguso ito na parang naintindihan niya ang sinabi ko. “It’s okay, anak. Mahal na mahal ka pa rin ng mommy mo kahit super heavy mo,” malambing na sabi ko at pinaulanan ko siya nang maraming halik na ikinabungisngis niya.

“Anyway, maaga akong mag-out ngayon, Jean. May date ako,” paalam niya at napataas ang kilay ko. “Huwag mo akong tingnan nang ganyan, hoy,” he said and rolled his eyes. Kaya naman pala ang tapang ng perfume nito.

“Okay. Enjoy,” sabi ko lamang. Straight na nga si Zavein dahil babae na ang ka-date niya. Ewan ko kung bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin at sa babae na siya nagkakagusto. I’m happy for him though.

“See you tomorrow!” Humalik pa siya sa pisngi namin ni Mikollo bago siya lumabas.

Umupo ako sa sofa dahil hindi ko natatagalan ang pagtayo ko. Pinaupo ko siya sa lap ko at hinawakan ko ang guwapo niyang mukha. Marahan kong pinisil ang matambok niyang pisngi saka ko ito hinalikan.

Nasa school pareho ang mga ate niya tapos ang daddy niya ay busy sa work nito. Isinasama ko siya rito sa company namin ng Ninong Zavein niya pero kailangan ay bantayan siya dahil sa kung saan-saan na siya pumupunta.

Hindi mapirmi sa isang lugar pero kapag may nakikita siyang mga bagay ay hindi naman niya ito hinahawakan. Tinitingnan niya lang tapos lilipat na naman siya sa kabila.

I checked his yellow polo shirt na may towel sa likod niya. Okay pa naman at hindi pa siya pawisan.

“Hungry ka na ba, baby love?” malambing na tanong ko kasi pinaglalaruan na niya ang butones ng blouse ko. Hinalikan ko siya sa noo niya nang tumango siya.

“Nasa ref ang feeding bottle mo, Jonathan. Kukunin ko muna, okay?” Nang sinubukan ko siyang ilipat sa sofa ay mabilis siyang lumapit sa leeg ko. I let out a short laugh. I kissed his cheek at binuhat ko na lamang siya ulit saka kami lumapit sa ref.

Binuksan ko iyon at kinuha ang isang feeding bottle niya. Kinuha naman niya iyon agad. Bago pa man kami makabalik sa sofa ay may kumatok na sa pinto ng opisina ko.

Pumasok ang mga anak ko na bitbit ang backpack nila na may ngiti sa labi. Sunod ang asawa ko kaya si Mikollo ay gumalaw sa mga bisig ko. Ibinaba ko siya at tumakbo palapit sa kaniyang ama.

“Hi, Mommy!” my daughters greeted me in unison.

Malakas naman ang tawa ni Miko habang hinihintay niya na makalapit sa kaniya ang anak niya. Naka-squat na nga siya at nag-open arms pa.

“Dada!” tawag nito sa kaniya.

“Ang bago naman ng bunso namin, oh. Dapat nag-d-diet ka, ’nak,” naiiling na sabi pa niya at nang makalapit na nga ito sa kaniya ay mabilis niyang kinarga. Wala lang sa kaniya ang bigat ni Mikollo. Hinalikan niya ito sa pisngi.

Nagsalubong naman ang kilay ko nang mapansin ko na kaniya-kaniyang nagbukas ng lunchbox nila ang tatlong Mika ko.

“Baby.” Lumipat ang tingin ko sa aking asawa. Ngumiti siya at hinapit ako sa baywang. Mabilis na halik sa mga labi ko ang iginawad niya.

Half-day lang ang klase ng triplets dahil daycare pa sila. Dapat nga six years old bago sila makapag-aral dahil five years old pa lamang sila. But excited sila at gusto nilang pumasok na agad sa school. Nasa iisang school lang kasi sila ng mga pinsan nila.

“Naisturbo ka ba sa work mo?” tanong ko sa asawa ko at hinaplos ko ang panga niya. Tinanggal naman iyon ni Mikollo at inilipat iyon sa pisngi niya. “Nagseselos ka agad, anak?” Bumungisngis si Mikollo at gusto na niyang magpabuhat ulit sa ’kin. I laughed. Kinuha ko na siya at nakaalalay ang daddy niya.

“Pambihira. Excited na makita ako pero nakita niya lang ang mommy niya ay nakalimutan na niya agad ako,” reklamo ni Miko.

Inalalayan niya akong makaupo sa sofa. Naka-pink na skirt and white blouse ang tatlo. Ang cute pa ng ponytail nila. Ako mismo ang nagtali sa mga buhok nila.

Gray suit ang suot ni Miko at itim na necktie. Ako naman ang naghanda no’n para sa kanya. Apat na nga ang anak namin at nagpapasalamat ako na nakakaya ko pa rin silang asikasuhin at kasama na roon ang pinakamamahal kong lalaki.

“I decided na maaga na ring umuwi. Since wala naman akong masyadong ginagawa sa kompanya,” sabi niya. Humilig ako sa dibdib niya at nang makita iyon ni Mikollo ay hinawakan niya ang pisngi ko na parang ayaw niyang sumandal ako sa daddy niya. “Aba, hindi na ako natutuwa sa ’yo, Mikollo Jonathan. Kalabisan na ang ginagawa mo. Asawa ko ang mommy mo.”

Ngumuso lang ito at saka ibinigay ang buong atensyon sa ’kin.

“Sino ang mas love mo, Jonathan?” I asked him.

Gamit ang maliit ngunit matambok niyang daliri ay itinapat ito sa dibdib ko. “Mimi,” he uttered pero nilingon niya rin si Miko, “Dada.”

Natuwa na ang kaniyang daddy dahil pareho niya kaming pinili na mas love niya. Sa sobrang tuwa nito ay kinuha na naman siya mula sa ’kin at ilang beses na hinalikan ang pisngi niya.

“Kahit minsan ay karibal kita sa mommy mo ay mahal na mahal pa rin kitang kulilat ka,” sabi niya rito na ikinatawa ko lamang.

“How’s your day, my angels?” I asked my daughters.

“It was nice, Mommy.”

“Yup po.”

“Goods naman po, Mommy,” magkasabay na sagot nilang tatlo.

Spaghetti ang snack nila. Hindi iyon pang-lunch time dahil madalas ay sabay kaming kumakain. Malapit din naman kasi ang company ng aking mahal na asawa. Sinusundo niya ang mga bata at hinahatid dito tapos sabay na kaming kakain.

Balak ko pa nga sana na magluto ng lunch namin pero pang-snack na lang daw for the triplets ang ihanda ko. Binabawasan kasi ni Miko ang trabaho ko sa bahay kahit hindi naman mabigat ang mga gawain.

Lumapit ako kay Shynara kasi nagkalat ang sauce sa gilid ng labi niya. Pinunasan ko iyon.

“O-order na ako ng lunch natin, Jean?”

“Oo,” tipid na sagot ko lamang. Nakaupo sa sahig ang tatlo para hindi sila mahirapan sa pagkain nila. Carpeted floor naman ito at hindi masakit.

“May gusto kayong kainin, kids?”

“Chicken joy, Daddy!”

“Pancit canton po!”

“Spaghetti po ulit, Daddy ko!” Si Shanea ang nag-request niyon.

“How about you, son? Ano ang gusto mong kainin?” Tumingin ito sa gawi namin at itinuro ang kinakain ng mga ate niya. “Oh siya sige. Spaghetti for you.” Napangiti na lamang ako sa kakulitan ng pamilya ko.

***

“Ate Donna, ang buhay mo ay punong-puno ng ligaya ngunit may pasakit, hirap, pangungulila at lungkot pa rin. Isa sa dalawang lalaking iyon ang makakasama mo habangbuhay—iyon ay kung kaya ninyo ang pagsubok na ibibigay sa inyo. Huwag ka lang pong mawalan ng pag-asa.”

Naalala ko ang mga katagang iyon na lumabas mula sa bibig ng batang si Lucca. Hindi man ako sigurado kung nandito pa siya dahil ilang taon na ang nakalipas pero sinubukan ko pa rin.

Inaya ko ang asawa ko na pumunta sa bahay-ampunan kung saan ko rin unang nakilala si Grandpa Don Brill.

“Baka wala na siya rito, Jean. Ang tagal na pero ngayon mo lang sinabi sa ’kin na gusto mong dumalaw. Sana noon pa para sigurado tayo na nandito pa siya,” he said.

“Naisip ko rin ’yan. 12 years old pa siya noong nakilala ko siya, baby,” sabi ko naman. Magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa bahay-ampunan. Bulaklak ang makikita dahil hardin agad ang bubungad sa ’yo pagkapasok mo pa  lang.

Saturday ngayong araw at iniwan lang namin sa bahay ang mga bata. Maaga kaming pumunta rito kaya hindi masyadong tirik ang araw.

Sa paglalakad namin ni Miko ay may nahagip akong isang dalagang nakaupo sa swing. Marahan ang pagduyan nito. Pamilyar ang presensiya niya kaya hinila ko ang aking asawa ko patungo roon. Ngunit nagulat kami nang makita si Grandpa Don Brill.

“Grandpa?!”

“Oh! Kayo pala!” Ang lapad pa nang ngiti mo Grandpa.

“Ano ho ang ginagawa ninyo rito?” tanong ni Miko.

“May dinadalaw,” sagot nito. Tiningnan ko ang mukha ng babae. Maganda siya kahit simple lang. Matangos ang ilong niya at namumula ang magkabilang pisngi niya.

“Are you cheating on my grandmother, Grandpa?” hindi makapaniwalang tanong pa niya.

“Excuse me. Kasama ko lang naman nagpunta rito ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa,” sabi nito at siya namang paglapit ni Grandma.

Sabay kaming nagmano kahit gulat na gulat pa rin. I looked at the girl again.

“Kumusta, Ate Donna?” Bumilis ang tibok ng puso ko dahil kilala niya ako at ang boses niya.

“Nagkita na ba tayo dati?” curious kong tanong. Umiling siya.

“Ngayon lang po tayong nagkita pero nagkausap na tayo dati pa.” Nagsalubong lang ang kilay ko sa sinabi niya. Ano naman ang ibig niyang sabihin?

“Hija, siya si Lucca. Siya ang masuwerteng bata na pinagbigyan mo ng pagkakataon na makita ang magandang tanawin sa mundo,” paliwanag ni Grandma pero hindi ko talaga iyon naintindihan.

“Ako po si Lucca, iyong donor ninyo po ay naging donor ko na dahil sa mga oras na iyon ay pinagbubuntis mo na ang tatlong anak ninyo, Ate Donna at ang buhay po natin ay magkarugtong,” sabi niya at nagulat pa ako nang makita ko si Zavein.

Nanlaki naman ang mga mata niya. “J-Jean? Ano’ng ginagawa ninyo—” Tumayo si Lucca para lapitan ang matalik kong kaibigan at sa harapan namin ay hinalikan niya sa pisngi si Zavein.

Nakangiti ang grandparents ni Miko at nagkatinginan naman kaming dalawa na sa huli ay napangiti na lamang.

Ang buhay nga ay puro surpresa pero at least masaya naman.

WAKAS

A/N: Sana’y nasiyahan po kayo sa ending nito at dito na po talaga siya magtatapos. Maraming salamat po sa pagbabasa at sa pagsubaybay nito mula sa umpisa at hanggang sa wakas. Maraming salamat po sa walang sawang paghihintay ng update ko at sa suporta.

Lalo na po simula pa lang ng first installment ng Brilliantes Series ay nakasubaybay na kayo.

Sinabi ko na rin po na susunod na ang Brilliantes 6 at ang D. Brilliantes na naman ang magiging bida natin. Iyon nga lang po ay hindi na ako sigurado pa kung masisimulan ko siya this year. Kaya sa ngayon po ay close book na ang Brilliantes Series.

Again, maraming salamat po! Magkita na lamang po tayo sa susunod na series niyo.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) is officially signing off.

Date finished: May 25, 2024

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top