SPECIAL CHAPTER 2

Special chapter 2: Saving his Donna

NOONG nagsimula na rin ang construction namin ay si Zavein lang ang pumupunta roon at hindi kasama si Donna or Kalla. Kahit sino pa man sa kanila ay alam kong iisang tao pa rin sila.

Alam iyon ng puso ko at kahit iba na ang ayos niya ay mahal ko pa rin siya. Hindi ko lang kayang tanggapin na may kinikilala siyang asawa.

Nilapitan ko si Zavein para kausapin siya tungkol sa kaibigan niya.

“Ang kaibigan mo? Kailan siya sasama sa ’yo rito? Wala ba siyang balak na tingnan ang site?” tanong ko. Sana naman ay hindi niya mahalata ang tono ng boses ko.

“Bukas. Pipilitin ko siya na isama sa ’kin. Ewan ko lang talaga kung bakit ayaw niyang lumabas. Don’t worry, Engineer Miko. Bukas na bukas at kasama ko na siya,” nakangiting sabi pa niya at lihim naman akong napangisi.

In the next day ay maaga pa lang nagluto na ako ng agahan para sa mga anak ko at maaga ko rin silang ginising. Nagreklamo pa sila dahil inaantok pa raw sila. Pero nang sinabi kong isasama ko sila sa site ay nawala bigla ang antok nila.

Sila ang pumili ng mga susuotin nila at para ang dami kong mga kamay na mabilis kong natapos ang pinapahanda nila.

Hindi na rin sila nagtanong pa kung ano bakit ko nga na sila isinasama sa site kahit sinabi ko noon na bawal silang sumama dahil delikado. Excited lang sila kasi gusto nilang makita ang gusaling pinapatayo namin.

“There is a pretty lady that I want you to meet, my angels,” sabi ko at tumingin pa ako sa likod dahil nandoon sina Shahara at Shynara. Nasa tabi kong nakaupo si Shanea.

“Oh? Who is it po, Daddy?” inaantok pa na tanong ni Shynara.

“She looks exactly like your mom. So, behave okay? Huwag ninyo siyang biglain. Just be friend with her,” sabi ko at sumang-ayon naman sila.

Pagdating namin sa site ay hinawakan lang nila ang dulo ng coat ko at mabagal akong naglakad.

“Gaano po siya ka-pretty, Daddy?” tanong naman ni Shanea. Nasa boses niya ang kuryusidad.

“Just like you,” sagot ko lamang.

“Wow.”

Napangiti pa ako nang makita kong nandoon na nga si Donna. Ramdam ko agad ang mariin na titig niya sa amin.

“Hi, good morning,” I greeted them and stared at her beautiful face. She ignored me dahil tiningnan pa niya ang tatlong bata na kasama ko.

Sa kabila ng pagiging malamig na ekspresyon ng mukha niya ay muli kong nakita ang pagkislap ng mga mata niya at ang pagbago ng emosyon niya.

“W-Who are they?” she asked. Halatang kinakabahan siya o tamang sabihin na excited na siyang makilala ang mga ito?

“My kids, ang tatlong Mika ko,” sabi ko. Nang balingan ko sila ay hindi rin sila makapaniwala at gulat na gulat nang makita na nila ito.

“You guys are so pretty,” she uttered. Kitang-kita ko rin kung gaano siya kasaya na makita ang mga anak ko. Mukhang nakalimutan na niya ako.

“Thank you po. You too! More prettier! I’m Mika Shanea, the youngest,” my Shanea uttered.

“Look po, Daddy. We’re color blind and same off-shoulder type. Nice outfit, beautiful,” my Shahara said.

“Daddy, why does she look like my Mommy?” tanong naman ng aking Shynara.

“Our Mommy you mean, sis!”

“Daddy, yup! She just doesn’t have bangs! But she looks exactly like Mommy!” pagsang-ayon nila.

“OMG! Sa true lang!”

Ang purpose ko kaya ko dinala rito ang mga bata ay para ipakita sa kaniya. Just maybe magbago na ang isip niya at magpapakilala na rin siya. Pinagtaasan niya ako ng kilay.

“Ang gaganda ng mga anak ko, ’no Miss? Si Mika Shynara pala, ang panganay natin. Si Mika Shahara, ang pangalawa at ang bunso ay si Mika Shanea,” pagpakilala ko.

“Excuse me? Natin?” masungit na tanong niya at natawa ang kasama niya.

“Ang pretty nga nila. Bakit kasama mo sila, Engineer?” tanong naman ni Zavein.

“Makulit, lalo na ’to,” sabi ko lang kaya napanguso si Shahara. Alam nila na ako lang ang pumilit na sumama sa ’kin pero sila nagsalita.

“Daddy, you’re so mean po. That’s supposed to be a secret,” nagtatampong sabi nito.

“I am not, my angel. I’m just stating the fact,” sabi ko naman.

“Hmp!” Sa nararamdaman niyang hiya ay nagtago siya sa likuran ko.

“Engineer Miko, site ito at hindi mo sila puwedeng dalhin dito. It’s dangerous,” seryosong sabi ni Donna. Napahawak ako sa batok ko dahil nasermunan niya ako. Alam ko naman iyon.

“Sorry, iiyak kasi sila kapag hindi ko isinama. Favor naman, Miss. Puwede bang dito muna sila sa inyo? Don’t worry, hindi naman sila malikot.” Isa pa sa plano ko na iwan sila sa mommy nila para may bonding naman sila.

“Yes po, we’re not malikot!”

“You can read our favorite Fantasy book po!”

“Y-Yeah.”

“How cute. Okay lang naman, Engineer. Marunong itong mag-alaga si Kalla.”

“Zavein.”

Yumuko siya para siguro pagmasdan ang mga ito.

“Hello, my angels. I am Kallani Soleil you can call me—”

“Aunt?”

“Ate?”

“Mama or Mommy?” suggestion nila and Donna just laughed.

“May hubby na siya, eh.”

“May baby ka na rin?”

“May anak ka, Miss?” I asked her dahil posibleng may anak na siya sa iba?

“Wala,” sagot ni Zavein. “Nagkaproblema kasi siya at nahihirapan na siyang mag—”

“Zavein.”

“I see,” wika ko na lamang. I felt relief dahil wala naman pala siyang anak. Kahit siguro mayroon ay tatanggapin ko pa rin siya at ang anak niya kung sakali man.

“Uhm, ako na ang bahala sa mga anak mo,” sabi niya. Binuhat ko ang panganay ko at basta ko na lamang ibinigay sa kanya. Maingat naman niyang binuhat ito.

“Take care of them, Miss. Sila ang kayamanan ko,” saad ko.

“Eh, Daddy!” Simula noon ay isinasama ko na sila palagi at si Donna. Palagi niyang pinaghahandaan ang mga ito ng lunch pack. Doon pa lang talaga ay malalaman mo na may pakialam sa mga anak ko at nakikita ko na agad ang pagmamahal niya rito.

Noong dumating ang kinikilala niyang asawa ay hindi ko na rin isinama ang tatlong bubwit dahil masama ang kutob ko sa lalaki. Ang mas ikinagalit ko ay nagagawa pa niyang halikan sa harapan ko si Donna.

Matinding pagpipigil ang ginawa ko at paulit-ulit kong nakikita iyon. Nararamdaman ko rin na umiiwas si Donna at may inililihim pa siya.

HINDI ko sinabi kay Daiz ang tungkol kay Donna pero siya mismo ay nakita na niya ulit at walang duda raw na ito ang kapatid niya. Pareho kami nang hinala kaya pinili na rin namin ang manahimik. Patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng mga kuya ko.

Isang kahibangan lang naman ang ginawa ko. Ang sumama sa mag-asawa para sa house warming nila at malayo ang bagong bahay na lilipatan niya kaya mas lalo lang akong nag-alala para kay Donna.

Ngunit binabawi ko na iyon dahil doon muli ko siyang naramdaman. Muli kong naramdaman ang init na dala ng katawan niya. Hindi na bale ang maging kabit ako basta naangkin ko ulit ang babaeng mahal ko. Ni hindi siya nagsisi na ibinigay niya ang sarili niya sa ’kin.

I told her na itatanan ko siya kung gugustuhin niya pero tumanggi na siya dahil mas mahal niya raw si Archimedes at asawa niya ito. Hindi ako naniniwala na mahal niya ang lalaking iyon.

***

“May ginawa ka na naman ba, Miko para maghinala sila na kumikilos na tayo mang palihim?” malamig na tanong ni Kuya Markus. Napakunot ang noo ko.

“W-Wala naman, Kuya. B-Bakit may problema ba?” nauutal na tanong ko.

“Wala na tayong makukuha na info tungkol sa lalaking iyon,” sabi pa niya para kabahan ako nang husto at doon na namin naisipan ang fake engagement namin ni Hermery. Ayos lang daw sa kaibigan ko na magpanggap kahit galit na galit ang boyfriend nito.

Wala naman kasi ako ibang kaibigan na babae na mapagkakatiwalaan ko kundi ang nakababatang kapatid din ng matalik kong kaibigan.

Ilang linggo lang ay natapos din ang pagpapanggap namin nang nalaman ko na ang katotohanan.

Sa pagiging padalos-dalos ko nga ay mas inilayo na niya si Donna. Nakagagalit lang pero wala akong magawa kundi ang maghintay kung paano namin siya makukuha.

Doon ko na rin nalaman ang lahat. Na kung bakit pinipili niya na pagtabuyan ako at ayaw niyang sumama sa akin ay dahil nagsasakripisyo siya. Na mas gusto niya ang maghirap at masaktan para lang sa kaligtasan namin.

Wala pa naman akong ginagawa ay mabilis na siyang sumuko at mas pinipili na niya ang lalaking iyon. Pero isang gabi, nagulat ako nang makita ko na maraming missed calls si Donna at may message rin siya.

Nang tawagan ko ang phone niya ay hindi niya sinasagot. Kumuha ako ng jacket at mabilis kong isinuot iyon.

“Thanks God... Sinagot mo na agad ang tawag ko. I’m sorry, Kalla... B-Bakit ka napatawag? May nangyari ba?” Sa huling tawag ko ay sinagot na niya ito.

“Miko...” Sa boses pa lang niya ay umiiyak na siya.

“Tell me, baby... Sinaktan ka na naman ba niya, ha?” malamig na tanong ko.

“Miko, s-sunduin mo na ako ngayon... N-Nasa labas na ako, Miko... Nagawa kong...umalis sa bahay namin... Nasa loob ako ng kagubatan... H-Hindi ko alam kung saan...ako puwedeng lumabas dito... Madilim... N-Natatakot ako na baka...mahalata nilang wala na ako sa kuwarto ko o kaya naman...ay mahabol nila ako hanggang dito... Please, Miko... P-Puntahan mo na ako rito...” Sa sinabi niya ay tiningnan ko ang location ng cellphone niya at wala na siya sa bahay na pinagdalhan sa kanya. Nakalalalayo na siya.

Mabilis na akong lumabas mula sa kuwarto ko.

“God, baby... Hindi ko nakita ang location mo! Hintayin mo ako... Huwag kang umalis diyan and please...don’t hang up the phone... Please, please... Kalla,” sambit ko. Gusto kong marinig pa rin ang boses niya para naman mapanatag ako na ligtas siya habang wala pa ako sa tabi niya.

H-Hihintayin kita, Miko... Hihintayin kita...”

“Darating ako, baby... Darating ako, kaya huwag kang umalis diyan, okay?” Ilang beses kong pinatunog ang motor ko at sinadya kong paingayin iyon para magising ang mga kapatid ko. ’Saktong nakabukas ang ilaw sa kuwarto nina Kuya Markus at Theza. “Kuya! We need backup! Susunduin ko si Jean!” sigaw ko at pinaharurot ko na ang motor ko.

May mga naka-motor nga ang sumama sa akin sa pagsundo kay Donna pero mga pinsan ko pala iyon na akala ko ay tauhan ni Grandpa. Nakilala ko lang sila noong ligtas ko nang nauwi sa bahay namin si Donna.

Matinding paghihirap pa ang naranasan niya bago ko siya nailayo sa lugar na iyon.

Nahulog siya kaya na-sprain ang ankle niya. May sugat din siya dahil may matulis na kahoy ang bumaon sa paa niya. May mga galos at sugat man ay ang mahalaga malayo na siya sa kapahamakan at sisiguraduhin namin na magiging ligtas na siya rito. Ang pamilya ko ang poprotekta sa kanya.

Hindi ko na hahayaan na may mangyari pa sa kanya na hindi maganda at hindi na nila makukuha pa si Donna sa akin. Hinding-hindi na.

***

Nasa labas naman kami ng bahay namin nang maisipan naming magpipinsan na mag-usap tungkol sa nangyari nang nagdaang gabi.

“Ito ang tanong ko, pinsan. Paano mo nabuntis si Jean? Saan ninyo ginawa ang bunso ninyo?” Hindi na lingid sa kaalaman nila na naging kabit nga ako at wala naman akong inilihim sa kanila. Sinabi ko iyon dahil tumatanaw ako nang utang na loob.

“Ang bilis ninyong makasunod sa ’kin,” nakangising sabi ko.

“Nagising ako sa sigaw ng asawa ko. Briel Brilliantes! Kailangan ka ng pinsan mo!” Natawa kaming lahat sa sinabi niya.

“Piningot ng asawa ko ay tainga ko nang hindi ako nagising agad sa emergency alarm ni Grandpa,” natatawang sabi naman ni Orian.

“Kung may isa man na mabilis nakasunod sa ’yo ay ang asawa ni Kuya Darcy,” nakangiwing sabi pa nila at itinuro nila ang pangalawang apo nina Grandpa at Grandma.

“Si Cy?” gulat na tanong ko at tumigas lang ang ekspresyon ng mukha niya.

“Naririnig ko ang malutong na mura niya nang hindi na niya makita pa ang motor ni Cy.”

Matagal ang kuwentuhan naming magpipinsan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top