PROLOGUE

A/N: Readers from TikTok, please avoid the negative feedbacks if hindi niyo pa nababasa ang buong nobela.

PROLOGUE

“SAAN tayo pupunta, Miko?” tanong ko at malalaki ang bawat hakbang niya. Nagpaubaya ako. Nababalutan pa rin siya ng malamig at madilim na aura. “Miko.”

“Ang sabi nila, kung gusto mong patunayan na totoo ang nangyari ay kailangan may makita akong ebedensiya,” malamig na pahayag niya. I just don’t get it.

“Miko, saan mo ako dadalhin?” Nagmamadali niya kasi akong isinakay sa kotse niya nang makalabas kami sa mansion.

Pabagsak niyang isinara ang pinto dahilan na mapatalon sa gulat ang balikat ko. Hindi na ako nag-abala pa na magsuot ng seatbelt. Naramdaman ko na ang pag-andar ng sasakyan niya. Hawak-hawak ko pa rin ang nasirang singsing ko at ang anklets na ginawa ko.

“Damn it.”

“Miko, g-gabi na... Saan pa ba tayo pupunta?” He didn’t answer me. In the end ay ako lang ang napagod sa pagtatanong sa kanya. Muli itong huminto at pinababa na naman niya ako. Mabilis na napahawak ako sa braso niya sa narinig kong pagbusina ng mga kotse sa paligid namin. “M-Miko... N-Nasaan ba tayo? Miko...” May ibinigay siya na cellphone, inilusot niya iyon sa bulsa ko.

“Tawagan mo ang lalaki mo. Nakuha ko ang number niya kay Zedian. Kapag pinuntahan ka niya ay totoong sumama ka nga sa lalaking iyon. Makikita ko mismo ang kataksilan na gagawin mo, Jean.” Nawindang ako sa sinasabi niya.

“Ano ba ang pinagsasabi mo?! Hindi ako sumama kay Dr. Randell! Miko, b-bumalik na lamang tayo, p-pakiusap...”

Marahas niya akong itinulak at ang akala ko ay babagsak na naman ako sa kalsada ngunit sa upuan lang pala.

“Nasa highway tayo, nasa harapan mo ay ang pedestrian lane. I will stay across the street and watch you from a far. Sa speed dial ng cellphone mo ay ang number ko. Tandaan mo, Jean. Hanggang dito ka na lamang at hindi ako maaawa sa ’yo na ibalik ka sa bahay. Gusto kong panindigan mo ang pag-alis mo at burahin mo na lamang kami sa puso’t isip mo. You can do that.” Sa bawat salitang ibinabato niya ay katumbas na iyon ng libo-libong karayom na tumutusok sa puso ko.

Si Miko, binalot na siya nang poot at galit. Hindi na niya mahanap sa sarili niya ang kapatawaran kahit na hindi ko ginusto ang mga kasalanan na pilit nitong ipinapatama sa akin.

“Miko... A-Alam mo ba na ikaw ang siyang huling tao ang naisip kong makagagawa nito? A-Ang saktan ako...”

“I don’t have regrets, Jean. Dahil sa mga anak ko, alang-alang sa kanila ay ayokong pagsisihan ang makilala ka.” Walang tigil ang mga luha ko sa pagpatak at sa totoo lang ay halos hindi ko na nga magawa pang imulat ang mga mata ko. Namumugto na ito at mahapdi.

“M-Miko... Bakit... B-Bakit hindi mo man lang ako mabigyan nang sapat na oras upang magpaliwanag? Bakit palagi ka na lang pinapangunahan nang galit at poot sa iyong dibdib? Kung sumama nga ako sa ibang lalaki ay sa tingin mo ba babalik pa ako sa iyo?! Kapag totoo ang mga paratang mo ay hindi na ako magpapakita pa sa inyo!”

“That’s because gusto mong makuha ang mga anak ko!”

“Miko... Mahal kita... Alam mo iyan...”

“Hindi na kita mahal, Jean...” I shook my head several times.

“Hindi! Mahal mo pa ako!”

“Wala na. Galit na lamang ang nararamdaman ko at hangga’t kaya ko pa... Kaya ko pang pakawalan ay pakiusap... Umalis ka na lamang.” Napatayo ako nang maramdaman ko ang paglayo ng presensiya niya.

Humakbang ako at hahabol pa sana ako ngunit maraming mga kotse ang dumaan sa unahan ko. Natakot ako sa mga narinig ko. Kung ako ay nasa ganitong sitwasyon at wala sa sarili ay maaalala ko lang ang nangyaring aksidente namin ng namayapa kong mga magulang.

“Miko! M-Miko, h-huwag mo naman akong...iwan dito... Miko, bumalik ka!” Parang isa akong bata na bigla na lamang iniwan ng sarili niyang ina. Natataranta na ako at hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. I can’t even feel his presence anymore. Iniwan niya ako... Iniwan niya lamang ako rito...

Wala na ring mga sasakyan ang umaandar at sinubukan kong maglakad. Ang kamay kong may gasa ay nasa dibdib ko at hawak ko ang anklets. Ang isa ay kagat-kagat ko ang hinlalaking daliri ko. Ilang beses na akong muntik mawalan nang panimbang dahil nabunggo ang balikat ko ng mga taong kasabay ko sa paglalakad. Binilisan ko lamang ang paglalakad ko nang sunod-sunod na pagbusina na naman ang umalingawngaw sa lugar na iyon.

Sa bilis nang pintig ng puso ko ay nahihirapan na akong huminga. Tuluyang bumagsak ang katawan ko sa sahig at umiiyak pa rin. Ang mga taong nasa paligid ko naman ay naririnig ko na ang mga bulungan nila. Na parang sinasabi nila na nababaliw na ako.

Nakabibingi ang mga ingay at hinihintay ko lang ang pagbalik ni Miko. Ilang minuto pa ang nakalipas. Sa nangangatal kong kamay ay kinuha ko ang cellphone na ibinigay niya, nasa bulsa iyon ng suot kong bestida.

Kumilos ang mga daliri ko at narinig ko na ang pag-r-ring ng cellphone mula sa kabilang linya. Itinapat ko ito sa tainga ko at agad nitong sinagot. Ang boses niyang pinipigilan na humikbi ang siyang narinig ko.

“M-Miko...”

“H-Hindi ba sabi ko sa ’yo? Sa kanya ka tumawag?”

“B-Bakit ang dali lang sa iyo na ipamigay ako sa iba, Miko? H-Hindi ko g-gusto si Dr. Randell... Ayoko sa kanya... D-Dahil kaibigan lang ang t-turing ko sa k-kanya... Miko... M-Mahal kita... Sa tingin mo ba ay k-kaya kong... K-kaya k-kitang iwan at s-saktan na lamang nang ganoon kadali? Kung hindi ako seryoso sa ’yo... Hindi ko ibibigay ang sarili ko sa iyo, Miko... H-Hindi ako kusang maninirahan na kasama ka... Hindi na ikaw ang Miko na kilala ko, ang nobyo ko na nangakong hindi ako sasaktan... Ngunit ibang Miko ka na ngayon at hindi na kita...kilala pa... Hindi ikaw ang lalaking minahal ko sa loob nang mahigit na tatlong taon, Miko,” mahabang saad ko.

“Gusto kong huwag maniwala sa mga sinasabi nila! Pero wala! May mga ebedensiya ang nagsasabi ng katotohanan! Mahal kita, Jean! Mahal kita kaya madali sa akin ang masaktan dahil sa mga ginawa mo!” sigaw niya at nakarinig pa ako nang malakas na kalampag. Napayuko ako and from a far, I can feel his gaze, his eyes.

Dahan-dahan na akong tumayo. “N-Nandiyan ka ba, Miko?” mahinang tanong ko.

“Bakit nagpapakatanga ka pa rin sa akin, Jean? Bakit hindi mo na lang siya tawagan para ilayo ka na mula riyan sa kinakatayuan mo?”

“Kaya mo bang m-mawala ako, Miko? Ako kasi ay hindi...” garalgal ang boses na sambit ko. “Miko... Ang sakit mong mahalin... Pero... pipiliin ko pa rin ang mahalin ka kahit masakit dahil ikaw na ang buhay ko...”

“I love you... Fvck, I’m still in love with you! But... But I can’t hold you right now... N-Nasasaktan ako... Nasasaktan!”

“Miko...”

LYN HADJIRI | AteSamuha21

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top