EPILOGUE (1)
Epilogue
MIKO’S POV
HINDI ko alam kung ano ang nangyari sa ’kin after that night. Nagawa ba akong iligtas ng mga taong iyon? Pero umiyak ang babae para lang tulungan ako at ngayon... Parang natutulog ako pero naririnig ko ang boses niya na normal na yata ang pagiging malambing.
Madaldal siya at kung ano-ano na lang ang sinasabi niya pero ayos lang. Kaya kong tiisin ang maingay na paligid basta huwag lang mawala ang boses niya. Parang iyon na rin kasi ang pinanghahawakan ko na makakaya ko pa ring mabuhay sa dilim. Kahit gabi-gabi at araw-araw pa. Basta naririnig ko pa rin siya. Basta alam kong hindi ako nag-iisa.
Hindi ko kasi magawang igalaw ang aking katawan at hindi ko alam kung ano’ng nangyayari sa ’kin. Pero nang magsimula siyang hawakan ang kamay ko ay nararamdaman ko ang init na dala nito.
Sa tansya ko ay umabot yata ng buwan bago ko nagawang dumilat at nagising nga ako sa hindi pamilyar na kuwarto. Napapikit pa ako dahil sa liwanag at nang kaya ko na ay nagmulat na rin ako.
Naramdaman ko pa ang kirot sa pulso ko. Nakapagtataka lang na magaan na ang pakiramdam ko at nakahihinga ako nang maayos. Tinanggal ko ang oxygen mask ko, ito pala ang dahilan kaya maayos ang paghinga ko. Napansin ko na may mga kagamitang hospital ang nasa silid na ito ngunit parang nasa bahay lang naman ako.
Malaki ang kuwarto at malinis. Nang igala ko sa kaliwang bahagi ang paningin ko ay may isang pintuan doon. Napabuntong-hininga na lamang ako.
Ang kanang paa ko lang ang hindi ko kayang igalaw at titingnan ko na sana iyon nang mapatingin ako sa kaliwang bahagi ng kamang kinahihigaan ko.
Umawang ang labi ko sa gulat dahil may magandang babae ang nakaupo sa tabi ng kama. Doon ko lang din naramdaman na hawak pala niya ang kaliwang kamay ko. Ang ulo niya ay nakasubsob sa kama kaya kitang-kita ko ang maganda niyang mukha. Makinis ang balat niya. Matangos ang ilong niya at mahahaba rin ang pilik-mata niya. Ang labi niya, natural na mapula iyon.
Gumalaw ako at hahawiin ko sana ang bangs niya nang unti-unti siyang nagising. Parang isa lang siyang manika.
Halos hindi ako kumurap nang makita ko na ang buong mukha niya at una niyang binigyan ng atensyon ay ang aking kamay. Hindi pa niya napapansin na gising na ako. Maliit lang ang hugis ng mukha niya na parang kasyang-kasya ikulong sa mga palad ko. Isang puting bestida lang ang kanyang suot.
Sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Wala pa siyang ginagawa pero kinakabahan na ako sa presensiya niya.
Inabot niya ang kamay ko at hinawakan niya iyon. Pagsisiklupin na rin niya sana ang mga daliri namin nang sinadya kong ikuyom ang kamay ko. Kumunot ang noo niya. Diretso siyang tumingin sa gawi ko. Tumayo siya at asta nang lalabas nang mabilis kong hinuli ang pulso niya.
“Kuya Hart!” sigaw pa niya kaya mas hinila ko siya at nasa kama na rin ang katawan niya. “Kuy—” Tinakpan ko ang bibig niya para hindi na siya makasigaw pa.
“Psh, ang ingay mo,” malamig na saad ko. Ramdam na ramdam ko ang malambot na katawan niya.
Sinusubukan naman niyang tanggalin ang kamay ko. “H-Hindi ako makahinga!” reklamo niya. Ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko. Iyong oxygen mask na nasa dibdib ko ay bigla ko na lang inilapit sa kanya. Mas lalo lang kumunot ang noo niya.
“There. You can breath na?” I asked her. Nakatutok talaga ako sa maamo niyang mukha.
Marami na akong nakita na magagandang babae. Artista, modelo at ang mga babaeng sopistikada pero walang-wala ang kagandahan nila sa babaeng ito.
Kakaiba talaga at parang ang hirap hanapin kung may kamukha pa ba siya. Ang mga mata niya. May pagkasingkit ’yon.
“L-Let me go!” sigaw pa niya. Kahit ano’ng pagprotesta pa ang ginawa niya ay hindi ko siya sinunod. Hawak ko na pati ang maliit niyang baywang.
“Who are you?” I asked her.
“Pakawalan mo muna ako bago kita sasagutin at tatawagan ko pa si kuya para sabihin sa kanya na gising ka na!” she screamed.
“Okay. You don’t need to raise your voice. Hindi naman ako bingi, eh,” walang emosyon na sabi ko.
Nang binitawan ko na nga siya ay muntik pa siyang mahulog kaya hinila ko ulit siya. Nang maramdaman ko ang bigat niya ay saka ko lang nalaman na mahina pa rin pala ang katawan ko. Maliit na babae lang naman siya pero nabibigatan ako.
Nagsalubong ang kilay ko nang maramdaman ko rin ang pagsinghot niya sa dibdib ko na tila inaamoy ako. I let her go bago pa siya sumigaw.
“Ang cellphone ko?” tanong niya at napatingin ako sa phone niya para lang sumimangot ako. Kinuha ko iyon at idinikit sa noo niya. “Ouch!”
“Psh, malapit na sa kamay mo ay hindi mo pa makita? Are you blind?” naiinis na tanong ko na hindi ko naman inaasahan na naka-o-offend pala ang sinabi ko.
Dumulas ang cellphone niya sa kanyang kamay at parang natigilan pa siya.
“S-Sorry!” Nabigla ako sa pag-sorry niya at mukhang umiiyak na siya.
“Shìt, did you just cry?!” Bumangon na ako at muli ko siyang hinila palapit sa ’kin. Literal na niyakap ko siya at nang marinig ko ang mahinang paghikbi niya ay idiniin ko ang mukha niya sa dibdib ko. Hindi ako mahilig magpaiyak ng babae at hindi ko naman gawain iyon. “Nasaktan ka ba dahil sa phone mo? Tingnan ko nga kung may pasa iyan o pamumula,” sambit ko. Tiningnan ko iyon at nakahinga ako nang maluwag nang hindi naman namula. Masyado lang siyang OA.
“S-Sandali, hindi na naman ako makahinga, eh,” she said. I caressed her forehead and let her go again. “Ang phone,” she added at lumuhod siya para hanapin iyon sa sahig. Bumalik din siya sa pagkakaupo niya kanina at may pindot-pindot sa bagay na hawak niya.
“What’s your name?” I asked her.
“Uhm...”
“Hi, uhm...” I uttered. She frowned.
“Hindi naman iyon ang pangalan ko. Ako si Donna Jean,” she said at tumulis pa ang labi niya. Ang sarap pitikin, ’no?
Donna Jean... Ang sarap ding bigkasin ang pangalan niya. Bagay sa kanya ang pangalan niya, mukha kasi siyang manika.
“Donna Jean... Ano’ng nangyari sa akin?” seryosong tanong ko.
“Puwede bang...hintayin na lamang natin ang kuya ko?”
“Bakit?” tanong ko.
“Basta,” tipid na sagot niya lamang.
“How old are you?”
“Bakit... Bakit ka nagtatanong tungkol sa akin?” she asked in confused.
“Basta rin,” sagot ko at ginaya ko talaga ang sinabi niya. Tumaas ang sulok ng mga labi ko sa reaksyon niya.
Parang hindi ako magsasawa na pagmasdan siya buong araw. Ang kaso lang ay iniiwasan niya ang mapatingin sa mga mata ko. Dahil na rin siguro naiilang siya sa presensiya ko.
“Hindi ka ba nauuhaw?” Hindi na nga niya nakayanan pa at binasag na ang katahimikan. Naaaliw pa akong pagmasdan siya.
“Nauuhaw,” tipid na sagot ko lang.
“Kukuha lang ako—”
“No. Just stay there.”
“Uhm...” Confirm na naiilang siya sa akin. Sino nga ba ang hindi ko kung may nakatitig sa ’yo?
“Saan ka pupunta?” tanong ko nang tumayo na naman siya.
“Lalabas na muna ako at hintayin mo na lang dito ang kuya ko,” sagot niya “At saka... Susuriin ko pa kasi niya,” dagdag pang saad niya. Doctor yata ang kuya niya. Siguro iyon nga ang umasikaso sa akin habang wala pa akong malay.
“Gusto ko na pala ng tubig. Puwede mo ba akong ipagsalin sa baso?” pakiusap ko.
“Eh, ang sabi mo kanina ay ayaw mo naman?” nakangusong tanong niya at napatitig ako sa labi niya. Parang gusto kong halikan iyon. Naiiling na napatikhim na lamang ako.
“Eh, sa gusto ko na nga ngayon,” sambit ko.
Hinayaan ko na lamang siya. Napakapino nang bawat kilos at galaw niya. Nababagalan man ako pero mas nag-e-enjoy ako na panoorin siyang ganoon. She looks like s princess.
“Here.” Inabot na niya ang basong tubig kaya kinuha ko iyon. “Sige, mag-rest ka muna—”
“May tanong pa ako, Donna Jean,” sabat ko sa kanya.
“A-Ano naman iyon? Sabi ko naman, hindi ba, na hintayin na lamang natin ang kuya ko? Sa kanya ka na lang magtanong,” saad niya.
“Sit down, Miss. Nakikipagkuwentuhan pa ako sa ’yo,” ani ko dahil nakatayo lang siya.
“Ha?”
“Maupo ka ulit,” utos ko na sinunod naman niya pero yumuko siya. “Miss, huwag kang yumuko.”
“Ha? B-Bakit?” gulat niyang tanong at nag-angat na rin siya nang tingin.
“Bakit?” pag-uulit ko sa tanong niya. “Hindi ko makita ang magandang view,” I added.
“Ano’ng... Ano naman ang connect no’n sa pagyuko ko?” kunot-noong tanong niya.
“Kasi...hindi ko makita ang mukha mo,” I replied.
“A-Ano?” She’s cute.
“You know what? Maganda ang Mommy ko, maganda rin ang nag-iisa kong kapatid na babae,” pagkukuwento ko.
“O tapos?”
“But...you’re prettier. In my whole life you are the only beautiful woman I have seen in the world.” Namumula na ang magkabilang pisngi niya.
“Siguro... Nauntog ang ulo mo bago ka na-coma, ’no?” masungit na tanong niya.
“Wait—what?! In coma ako?!” sigaw ko. Akala ko ay panaginip ko lang ang lahat ng iyon! Kaya ano’ng pinagsasabi niya na comatose ako?!
“Uhm... Oo, three months. Ang sabi ni Kuya ay malamang na ma-c-coma ka raw kasi ang hirap no’ng pinagdaanan mo bago ka niya sinagip. Iyong trauma mo at lahat-lahat,” paliwanag niya na mas ikinagulat ko.
Tandang-tanda ko pa rin naman iyon. Ang bangungot na dumating sa buhay ko.
“Well, thanks to your brother then,” sabi ko kasabay na bumukas ang pintuan at pumasok doon ang isang matangkad na lalaki. Malaki rin ang similariy nila sa isa’t isa.
“I’m not the one you should be thanking. Because I just did my job as a doctor. Be thankful to my sister because of her, you still alive,” he said.
“What do you mean by that?” I asked him. Ako na naman ang naguguluhan.
“We had no intention of helping you that night because you might be a bad person but my sister forced me to save you. Iniyakan ka pa niya para lang isama ka namin na umalis nang gabing iyon.”
Naalala ko naman ang gabing iyon pagkatapos akong itapon ng mga taong iyon na parang basura lang.
“Stay away from him, Jean!”
“Jean! Get inside!”
“Jean! This might just be a trap!”
“No, Kuya... He needs our help!”
“Donna Jean! Bakit ang tigas ng ulo mo?!”
“Jean, come on! I-report na lang natin iyan sa pulis!”
“Kuya, may sugat po siya... T-Tulungan ninyo na lang po siya!”
“Just what if masamang tao pala siya? Jean!”
“Sige na po, Kuya! Iligtas na po natin siya!”
“No!”
“Hold on...please. We’ll going to save you...” Tama, naalala ko na ang boses niya bago ako nawalan nang malay. Ang boses nga ng magandang babae na ito ang huli kong narinig pero hindi lang naman iyon dahil may naalala pa ako.
(FLASHBACK)
Ang bigat nang pakiramdam ko at halos hindi ko na nga magawa pang igalaw ang mga braso ko. Ramdam na ramdam ko ang bugbog na natamo ko sa mga taong iyon. Pero malaki ang pasasalamat ko dahil nakaalis ako sa lugar na iyon.
Nakasakay ako sa kotseng nakahinto at alam kong wala ng panganib ang naghihintay sa ’kin. Sa panlalabo ng mga mata ko ay pinilit kong tingnan ang pigura ng isang tao na nakaupo sa passenger’s seat.
Hindi niya ako napansin kaya naman hinila ko ang braso niya kaya napaigtad siya sa gulat.
“W-Where a-are w-we?” tanong ko na nangangatal ang labi ko. Nakararamdam pa rin ako nang pagkahilo.
“N-Nasa... Nasa hospital tayo,” sagot niya. Nang malaman ko kung nasaan ako ay nakaramdam ako nang takot.
“Nah, I-I g-gotta get out of h-here. I-I n-need to go see K-Kuya Markus,” I said at sinubukan ko ulit gumalaw pero masakit ang papa ko. “Urgh!” mariin na daing ko at bumaba rin agad ako.
“S-Sandali lamang! Saan ka pupunta?! You can’t leave! Hey! Come back!” sigaw ng babae na hindi ko naman siya pinansin.
Napaupo na lamang ako sa sahig at isinandal ko ang likod ko sa hood ng sasakyan. Pansin ko na gabi pa lamang dahil madilim sa lugar at malamig pa sa labas. Bumukas na rin ang pintuan sa unahan at nagtaka pa ako kung bakit parang natatakot siya. Ilang beses siyang nagpalinga-linga at kahit nasa harapan na niya ako ay hindi man lang niya ako nakita. Bulag ba siya? Tsk.
“W-What are you doing? Nandito ako,” mahinang sambit ko.
“Nasaan?” Umawang ang labi ko sa gulat.
“Tss.” I pulled her arm again at napalakas pa kaya napaupo siya sa kandungan ko. “Aw!” I groaned in pain. Nagalaw niya ang paa ko. Agad naman siyang umalis at tumabi lang nang upo.
“S-Sorry...”
“W-Who are you?” I asked her. Malabo pa talaga ang paningin ko
“T-Tinadtad mo na ako ng tanong,” she uttered.
“Who are you?” I asked her once again.
“P-Pumasok na lang tayo sa hospital. Kailangan mong—” she said na nagsisimula nang umikot ulit ang paningin ko. Sumisikip na rin ang dibdib ko. “S-Sir?” Bumagsak ang ulo ko sa balikat niya at doon na ulit ako kinain ng kadiliman.
“Kuya...” Natauhan lang ako nang marinig ko ang malambing na boses niya. Ang boses niya talaga ang gumigising sa akin.
“Oh... Kung ganoon, kailangan ko palang halikan ang kapatid mo para pasalamatan ko siya?” pang-aasar na tanong ko. Bigla na lang lumabas ang nakalolokong ugali ko.
Sanay ako na inaasar ang mga kuya at pinsan ko. Hindi naman ako prangka pero ganoon talaga ang ugali ko. Iyong tipong magagalit na sila ay hindi pa rin ako titigil sa pang-aasar sa kanila. May takot naman ako sa kanila pero wala. Ganoon na ang ugali ko.
“What did you say?” walang emosyon na tanong ng doctor.
“Kapag nagpapasalamat kasi ako sa isang babae ay kailangan ko pa siyang halikan. Sa pisngi o sa labi, pero depende iyon kung maganda siya, eh,” biro ko pa na hindi nagustuhan ng isa.
Sa asta niya ay parang susugurin na niya ako pero ngumisi lamang ako kasi pinigilan na siya nito.
“Kuya Hart.” Nagawa pa niyang itago sa likod niya ang kapatid niya. Takot pala siya na mahalikan ko ang babae. Kung sabagay nga naman, nakababatang kapatid niya si Donna Jean.
“I’m just kidding. Masyado ka namang seryoso,” sabi ko at malakas na napahalakhak. Sa kalagayan ko ngayon ay nagawa ko pang magbiro.
“Kahit nagbibiro ka lang ay hindi ka naman nakatutuwa. Pasalamat ka at pasyente kita, na ngayon ka lang din nagising. Dahil tatama na talaga sa ’yo ang kamao ko,” sabi niya at pinaupo na siya ng kapatid niya. “Kumusta ang pakiramdam mo?” Una niyang sinuri ang BP ko.
“Okay naman na ako. Wala na akong nararamdaman pa na kahit na ano’ng sakit sa katawan ko. As far as I remember din ay nabugbog ako ng husto, right?” seryosong tanong ko.
“Yes, but sad to say ay nagkaroon ka lang ng malaking pinsala sa kanang binti mo. Pero kaya pa naman iyan ng physical therapy,” paliwanag nito.
“Nagulat lang ako dahil in coma pala ako. Akala ko ay gising lang ako at dinadaldal ako ng kapatid mo, eh. Kaya naman pala hindi ko makita ang mukha niya kahit ilang beses ko siyang sinabihan na humarap.” Habang sinasabi ko iyon ay nakatitig ako sa mukha nito kaya kitang-kita ko na naman ang pagtulis ng labi niya.
“Sorry.” Nagawa pa talaga niyang mag-sorry.
“It’s okay. Dahil doon ay nagagawa kong pilitin ang sarili ko na tuluyang magising. Anyway, kailangan ko palang tawagan ang kuya ko. Puwede ko bang hiramin ang phone mo sandali lang?” I asked the doctor.
“No. Buhay ka nga, Engineer Brilliantes pero sa pamilya mo ay patay ka na,” diretsong saad niya. I stilled.
“W-What? What are you talking about?” I asked him.
“Baby girl...”
“Bakit po, Kuya?”
“Puwede bang lumabas ka na muna? Mag-uusap lang kami. Ayokong makarinig ka ng mararahas na salita. Hindi iyon maganda sa ’yo,” he said and the pretty lady nodded at him. I stared at her back na sinita naman ako ng doctor.
“Ano pala ang ibig mong sabihin kanina?” pagsisimula ko.
“Hindi ka ba nagtataka kung bakit nasa bahay ka namin at hindi sa hospital?” Sa halip na sagutin ako ay siya pa ang nagtanong.
“Huling alaala ko ay nasa hospital kami ng kapatid mo. Nagawa mo akong itago dahil ba sa mga taong humahabol ngayon sa ’kin?” I asked and he nodded.
“Wala rin sana akong balak na itago ka at gamutin nang palihim. Masyado lang mabilis ang pangyayari at isa lang ang naisip ko sa mga oras na iyon. Ang itago ka na muna at saka kita kausapin kung maayos na rin ang lagay mo. Actually, bago ka pa namin sagipin ay naibalita na ang fake death mo pero hindi pa naman kami sigurado na kung ikaw ba ang naibalita. Nakumpirma ko lang noong nakita ko ang kamukha mo na inililipat na at nandoon ang mga kapatid mo. Nasa panganib ka kaya ang naisip ko ay itago ka na lamang. Nasa Pangasinan ka. Safe ka naming nadala rito nang walang nakaaalam at pinaglalamayan ka na ng mga pamilya mo. Naibalita na iyon sa buong mundo na nabawasan ng isang miyembro ang Brilliantes clan,” mahabang paliwanag niya at ibinigay niya ang cellphone niya.
Nang kunin ko iyon ay mariin na lang nakatikom ang bibig ko dahil sa litrato ko at sa impormasyon na namatay na nga ako nang araw na iyon.
“Car accident and dead on arrival?” kunot-noong tanong ko.
“Yes. Sa tingin ko ang purpose ng mga taong iyon ay gusto nilang mawala ang orihinal na ikaw at papalit ang peke. Hindi ko alam kung ano rin ang dahilan niyon,” sabi niya.
Nakuha ko na kung ano ang dahilan nila kaya bakit nangyari ang bangungot na iyon.
“Dahil iyon sa kayamanan ni Grandpa,” malamig na saad ko.
“Habang wala ka pang malay ay pinakiusapan ko na ang kaibigan ko na imbestigahan ang nangyari sa iyo nang gabing iyon. Huwag kang mag-alala. Mapagkakatiwalaan siya. Oo nga pala. Ang lugar na iyon ay walang sasakyan ang dumadaan doon dahil walang katao-tao. Sa tingin ko ay roon ka nila itinapon pero pasalamat ka na lang na hindi ka nila tinuluyan. Iniisip din nila na mula sa mga sáksak mo ay mauubusan ka ng dugo at hindi ka na rin magtatagal pa.”
Ibinalik ko na ang cellphone niya. “Sa ngayon. Isipin na muna nila na wala na ako. Gustuhin ko man na sabihin ng pamilya ko na buhay ako ay pipiliin ko na muna ang magtago. Dahil alam kong babalikan nila ako kapag nalaman nila na buhay pa ako,” sabi ko.
“Naglagay na rin kami ng secret CCTV camera sa lugar na iyon para kung babalik sila at tiningnan ang katawan mo ay saka nila malalaman na namatay ka na nga talaga. Pero sa mga nakalipas na tatlong buwan ay walang sasakyan kahit isa ang dumaan doon. Pero alam kong hindi pa rin sila nananahimik. Pumalpak sila sa unang plano at alam kong...may magiging biktima pa rin sila. Baka isa na naman sa pamilya mo,” he said at binalot na ako nang kaba.
“Dapat malaman na natin kung sino ang mga taong nasa likod na iyon... Pero... nakahanda ka ba na tulungan ako? Baka... mapahamak lang kayo kapag tutulungan niyo ako,” sabi ko. Ayaw kong madawit pa ang pangalan nila at kapag pipiliin nila na tulungan ako ay mapapahamak lamang sila.
Ayokong malagay sa kapahamakan ang buhay ng manika na iyon. May balak pa akong pagmasdan siya araw-araw.
He stood up at namulsa pa siya. “Sa tingin mo ba hindi pa kami damay sa gulong dala mo, Engineer Miko? Sa mga oras na iniligtas namin ang buhay mo ay damay na kami sa panganib na naghihintay sa ’yo at ngayon. Pasyente kita at responsibilidad kong pangalagaan ang kalagayan mo. Huwag na huwag mo lang pag-iinitan ng ulo ang kapatid ko at huwag mo siyang uutusan,” babala pa niya. Kahit ngayon lang kami nagkita ay magaan ang loob ko sa kanya. Wala akong nararamdaman na panganib.
“Bahala ka at hindi mo ako mapipigilan kapag kinulit ko ang kapatid mo... Mukhang...”
“Wala kaming kasambahay rito pero may tauhan kami na naglilinis ng bahay namin. Simple lang ang pamumuhay namin dito at nasa probinsya pa kami. Kaya kailangan mong magtiis pansamantala. Sa ngayon ay bawal ka pang gumalaw. May leg injury ka. Kailangan mong mag-under physical therapy. Sagot ko ang gastos mo sa hospital. Hindi kita sisingilin basta layuan mo ang kapatid ko. By the way, ako si Daizo Heart Lodivero, isa akong surgeon doctor. Tawagin mo na lang akong Daiz o kung saan ka komportable.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay basta na lamang siyang lumabas.
Naiwan ako sa loob ng silid na ’to at hindi ako nakaimik. Iniisip ko ang nangyari sa pamilya ko. Alam kong nasaktan sila sa pagkawala ko at higit na ang nakababatang kapatid ko.
Fvck, si Mikael... Ako na lamang ang inaasahan niya at naging kakampi niya. Sana lang maayos ang kalagayan niya.
Babalik naman ako pero hindi pa ngayon dahil kailangan ko pang magpagaling.
***
NANG sumapit na rin ang gabi ay hinatiran ako ng makakain ni Daiz.
“Iwan mo na lang diyan. Mamaya na ako kakain,” sabi ko at nalukot ang matangos niyang ilong.
“Ngayon ka na kakain habang mainit pa ’to,” giit niya. Napatingin ako sa hawak niyang tray. Wala talaga akong ganang kumain.
“Huwag ng matigas ang ulo mo, Engineer Miko. Kailangan mong kumain para bumalik ang lakas mo. Hindi ka makauuwi nang ganyan ang kalagayan mo. Kailangan mo pa rin ng physical therapy,” sermon niya. Walang duda na isa nga siyang doctor.
“Iniisip ko lang naman ang nag-iisa kong kapatid na babae,” pag-amin ko dahil si Mikael talaga ang inaalala ko.
“Ha? Ano’ng kapatid na babae ang sinasabi mong ’yan? As far as I remember ay puro lalaki ang lahat ng apo ni Don Brill. Nasa paniniwala ninyo ang bawal na magkaroon ng anak na babae,” he mumbled. Wala pa nga siyang nalalaman tungkol sa sekreto ng pamilya namin. Sabagay ako at si Mommy lang ang nakaaalam.
“Marami ka pang walang alam tungkol sa akin, Daizo Hart. Iwan mo na lamang ako at—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mapansin ko ang pintuan. Tumaas lang ang sulok ng mga labi ko.
Kanina pa yata nakikinig sa usapan namin ang manika na iniingatan niya.
Nagtatakang tumingin na rin si Daiz sa pintuan at naglakad siya palapit doon. Binuksan niya agad iyon.
“Jean? Ano’ng ginagawa mo rito?” he asked his sister.
“W-Wala po kuya,” nauutal na sagot ng manika.
“Kakain na pala ako, Daizo,” sabi ko na parang nagbago na rin ang isip ko. Tama naman ang doctor na ito na kailangan kong kumain para bumalik ang lakas ko.
“Gusto mo pa yata ang pilitin ka talaga—”
“Pero gusto ko na susubuan ako ng maganda mong kapatid,” sabat ko at sumama agad ang tingin niya. Umigting pa ang panga niya. Nakangisi lamang ako.
Kailangan niyang sundin ang munting request ng pasyente niya. He can’t blame me. Malaki ang tulong ng kapatid niya dahil nagagawa nitong ipanatag ang loob ko. Kasi alam kong ligtas ako sa poder nila.
“Tumigil ka. Hindi utusan ang kapatid ko, Engineer Miko. Sa paa ka lang may injury, hindi ang kamay mo kaya kumain ka ng mag-isa,” malamig na sabi niya.
“Sige, dalhin ninyo na lang sa labas ang pagkain dahil wala talaga akong balak na kumain niyan, eh,” sabi ko at inayos ko pa ang higaan ko.
“Bahala ka sa buhay mo,” naiinis na saad niya at lalabas na sana sila nang magsalita ang manika.
“Okay lang po, Kuya. Iinom pa po siya ng gamot niya, right?” Nasa boses na talaga niya ang pagiging malambing niya.
“Yes,” Daiz answered pero nasa akin ang matalim niyang mata.
“Madali palang kausap ang kapatid mo, Daizo, eh,” nang-aasar na sabi ko. Masyadong mabait si Donna Jean.
“Kung hindi ko lang kilala ang clan ninyo ay baka isipin ko na isa kayong—”
“Kuya.”
“Huwag mong sayangin ang ginawa sa ’yo ng kapatid ko, engineer,” he warned me. Hindi ko naman kalilimutan iyon. “Pagkatapos niyang kumain ay nandito lang ang mga gamot niya, Jean.”
“Sige po, Kuya.”
“Lalabas na muna ako para kumain na rin,” paalam pa niya.
Binigyan ko na ulit nang pansin ang babae at hinila ko agad siya kaya napaupo na siya sa kama. Mas gusto kong nasa malapit siya kahit na kinakabahan ako sa presensiya niya
“Bakit ka ba nanghihila?” naiiritang tanong niya.
“Oh, sorry. Dito ka kasi sa tabi ko para hindi ka mahirapan,” suhestiyon ko na ikinatikhim niya. Pinapanood ko lang siya. Mabagal ang galaw niya.
“Kain na.” Nakatapat na sa bibig ko ang kutsara. Susubuan niya nga talaga ako. I cleared my throat at kumain na rin pero nang mapatingin ako sa nakanguso niyang labi ay nabilaukan ako. “Dahan-dahan naman kasi,” marahan na sambit niya at binigyan pa niya ako ng baso na may laman na tubig.
“You didn’t answer me, Miss. How old are you?” tanong ko. Kasi naalala ko na hindi niya sinagot kanina.
“Ikaw muna,” sabi niya lang
“Pero ako ang unang nagtanong,” I said at mahina kong pinitik ang noo niya.
“Ba’t ka ba nananakit?” naiinis niyang tanong habang hinahaplos niya ang noo niya.
“23 years old. That’s my age,” I stated. Parang mas bata siya.
“Huwag mo na ulit gagawin iyon. Dahil mas matanda ako kaysa sa ’yo. 24 years old na ako,” sabi niya para lang matigilan ako. Shít, mas matanda siya?n?! Bakit hindi iyon halata?!
“November 28 ang birthday ko, sa ’yo?” I asked.
“Ba’t ba natin ito pinag-uusapan?”
“Sabihin mo na lang sa akin,” giit ko na ikinailing niya.
“Kailangan mo itong ubusin at saka hindi ka pa nagpapakilala sa akin, ha. Pasyente ka lang ni Kuya Hart.”
“Akin na ang kamay mo,” utos ko.
“Ano ba kasi ang gagawin mo?”
“Akin na lang.” She took a deep breath saka niya ibinigay ang palad niya.
Hinalikan ko ang kamay niya, bagay na ginagawa naman namin ito.
“Ano...”
“I’m Engineer Miko S. Brilliantes, thank you for saving my life, Miss,” pagpakilala ko sa sarili ko. Kung hindi dahil sa kanya ay baka wala na rin ako ngayon. Na hindi ko rin siya makikilala pa.
“D-Donna Jean V. Lodivero ang ngalan ko,” nauutal na saad pa niya.
I stared at her lips. Kanina ko pa gustong tikman iyon kaya naman kinabig ko ang batok niya para mahalikan siya sa labi niya. Napapikit pa ako nang malasahan ko ang matamis niyang mga labi at napakalambot nito na kay sarap kagat-kagatin.
Napalunok pa ako para mas malasahan ko ang labi niya at gagalaw pa sana ako pero naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya. Nang pinakawalan ko na siya ay malakas na dumapo ang palad niya sa aking pisngi.
“What the—” Gulat na gulat ako sa ginawa niya. Ito ang unang beses na may sumampal sa ’kin at isa pang babae.
“You’re so bastos!” asik niya sabay alis sa kama pero nabangga niya ang mesa sa likuran niya kaya bumagsak siya roon.
“Tang-ina naman!” malutong na mura ko nang makita ko ang sakit na gumuhit sa maamo niyang mukha. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing pagmamasdan ko siya sa ganoong sitwasyon. I don’t know why. “Okay ka lang?! Bakit ba kasi pabigla-bigla ka na lang tumatayo at hindi mo pa nakita ang mesa?!” sigaw ko rin at naiyak na lang siya bigla. Bumangon ako kahit hindi pa kaya ng binti ko. Inalalayan ko siyang makabangon.
“Ikaw kasi! Why did you kiss me?!” nanggagalaiting tanong niya sabay hampas sa dibdib ko. Napangiwi ako sa sakit no’n.
“Aw, Miss... Hindi pa ako magaling. Mahina pa nga ang katawan ko at ang paa ko,” reklamo ko. Yakap ko na nga ang ulo niya na nasa dibdib ko na.
“Kasalanan mo naman!” she shouted.
“Sorry na nga!” sigaw ko rin pabalik at muli niya akong pinalo sa dibdib ko.
“Aray!” I groaned. She’s still crying. “Ano ba ang masakit sa ’yo, ha?” nag-aalalang tanong ko. Tumama yata ang likod niya sa mesa at alam kong masakit iyon.
“Iyong likod ko... Ang sakit!” sagot naman niya. Hinawakan ko ang likod ng binti niya para buhatin siya. Napadaing pa ako dahil sa bigat niya pero tiniis ko ang sakit ng binti ko. Nagawa ko naman siyang ibaba sa kama.
“Akala ko maganda ka! Ang pangít mo palang umiyak!” biro ko dahil ayaw niyang tumigil sa pag-iyak. Hinawi ko pa ang bangs niya at nakapikit siya na parang bata. “Hayst, kamukha mo na iyong aso sa lansangan! Sige ka! Umiyak ka pa at nagmumukha ka ng aso!” sabi ko pa para sana tumigil na rin siya ngunit mas lalo lang siyang napaiyak.
“Isusumbong kita kay Kuya Hart!”
“Parang bata naman ito, ay. Sige, magsumbong ka. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit bumagsak ka sa sahig!” I fired back. She seems a kid na inaaway ko.
“What’s going on here?” Dumating naman si Daiz.
“K-Kuya,” tawag niya sa kuya niya.
“Ano’ng nangyari, Jean?” nag-aalalang tanong nito at nilapitan na niya kami.
“Jean?”
“Nadulas lang siya dahil hindi niya nakita ang mesa. Ang clumsy ng kapatid mo, Daizo,” malamig na sabi ko.
“Natural na ganoon siya,” sabi niya para lang maguluhan ako. Binuhat na niya ang kapatid niya pagkatapos niyang halikan ito sa noo. Si Daiz ay katulad ko rin kung tratuhin ang nakababata naming kapatid. Ganyan na ganyan din ako kay Mikael. “Eh, bakit nakatayo ka na? Hindi ba mahina pa ang katawan mo? Hindi ka pa gaano magaling, Engineer.”
“Yeah. Ang bigat nga ng kapatid mo Daizo,” ani ko at bumalik na rin ako sa kama.
Lumabas na rin silang magkapatid at naiwan na ulit ako sa kuwarto. Parang bumalik ang lungkot na nararamdaman ko. Naalala ko ang nangyari kanina. Mukhang kasalanan ko kung bakit siya nasaktan kanina.
“Ang gágo mo kasi, Miko. Ikaw talaga ang isip bata. Kahit babae ay pinapatulan mo,” sermon ko sa sarili ko at ilang beses kong sinampal-sampal ang pisngi ko.
Bumalik din naman si Daiz ay pinainom niya ako ng gamot. “Magpahinga ka na,” sabi niya.
“Kumusta na ang kapatid mo?” tanong ko.
“Okay na siya. Binigyan ko na ng pain killer. Namaga kasi ang likod niya at nagkaroon agad ng pasa. Please, be careful with my sister.” I just nodded.
Kahit naiwan na naman ako ay ang isip ko na kay Donna. I’m fvcking worried. Kung hindi ko siya hinalikan ay hindi sana siya masasaktan nang ganoon pero ayaw kong mag-sorry sa ginawa kong paghalik sa kanya but the hèck. Nag-aalala talaga ako sa kanya.
Naka-cast ang binti ko at sinabi na rin ni Daiz hindi ako puwedeng maggagalaw dahil hindi pa maayos ang binti ko. Halos hindi ko na nga ito maramdaman pero may pain killer.
***
HINDI ako makatulog dahil sa pag-aalala ko at naiinis lang ako sa sarili ko. Dahil sa katangahan ko ay nasaktan ko iyon tao. Gulat na gulat kasi siya noong hinalikan ko siya. Siguro first kiss niya iyon. Lalo na overprotective pa naman ang kuya niya.
I smirked. Yeah. First kiss niya iyon dahil hindi siya nag-re-react nang ganoon. Tinanggal ko ang kumot sa katawan ko. Hindi madilim sa kuwarto ko dahil natatakot ako. Simula nang mangyari iyon sa ’kin ay na-trauma na ako sa dilim.
Hinawakan ko ang binti ko at dahan-dahan na akong bumaba. Paika-ika akong naglakad. Gusto ko lang matiyak na okay lang si Donna. Kahit hindi ko alam ang silid niya ay pinuntahan ko pa rin siya pero hindi naman ako nahirapan. May pangalan niya sa pinto kaya lumapit ako roon. Napangiti ako nang makita ko siya sa kama at nakahiga na. Ewan ko kung tulog na rin siya.
Nakalapit naman agad ako at umupo sa kama. “Kuya?” She was about to get up pero hinawakan ko ang noo niya at itinulak ko iyon para humiga ulit siya. “M-Miko?” sambit niya sa pangalan ko nang makilala na niya kung sino ang pumasok sa kuwarto niya nang malalim na ang gabi.
“Masakit pa ba ang likod mo?” mahinang tanong ko.
“B-Bakit nasa loob ka ng aking silid?” nagtatakang tanong niya sa halip na sagutin ako.
“I’m just worried. Hindi ako makakatulog kapag alam kong nasaktan ka,” I answered.
“Okay na ako. Bumalik ka na sa room— Wait paano ka nakapunta rito? Pinilit mo na naman ang tumayo?” sunod-sunod na tanong niya. Ang kulit niya. Muli ko siyang itinulak.
“Can I sleep here? Parang... makatutulog na naman ako nang ilang araw nito,” I said. Dahilan ko lang iyon para takutin siya at nang payagan na niya akong humiga sa tabi niya. Totoong makatutulog nga ako nang mahimbing. Amoy na amoy ko ang pabango niya sa loob ng kanyang silid. Nabukas pa nga ang ilaw niya.
“Then don’t sleep,” mariin na sabi niya sabay hila sa kuwelyo ng damit ko.
“I’m tired,” I said and close my eyes.
“Please, huwag ka nang matulog pa if hindi ka naman gigising pa. Miko...” she pleaded. I almost smirk. She’s concern.
“Can I ask you something, Miss?”
“What is it?” she asked me back.
“That sound of... iyong may uhm... Before you tell me things I even hear soft music. What is that? Did that come from your phone? Just like a—”
“Plauta? Isang plauta ang narinig mo,” sabat niya. Naalala ko kasi sa panaginip ko ang musikang iyon na tila hinahaplos ang dibdib ko ng malambot na bagay. Magaan sa pakiramdam.
“Plauta? Is that flute may I right?” I asked to be sure.
“Oo. Bakit?”
“Ikaw ba... Ikaw ba ang nagpapatugtog no’n?” namamanghang tanong ko.
“Oo,” nahihiyang sagot pa niya.
“Puwede mo ba akong patugtugan no’n?” request ko.
“Ayaw ko. May atraso ka pa sa akin, eh. Nanghahalik ka ng walang paalam!” sigaw niya at sa takot ko na baka marinig kami ng kuya niya ay tinakpan ko ang bibig niya.
“Lower down your voice, Miss. Baka marinig ka ng kuya mo at mahuhuli niya ako na nandito sa loob ng kuwarto mo. Baka kung ano rin ang isipin niya sa ating dalawa,” paalala ko at tinanggal niya ang kamay ko.
“Lumabas ka na kung ganoon. Bakit ba kasi nagpunta ka pa rito?”
“Ayaw ko. Dito na ako matutulog kasi kama rin naman ito, ah,” I reasoned out at basta na lamang akong nagkumot.
“Isa kang—”
“Rápist? Pervert? Dámn, hindi ako ganoon, ha. I’m just worried dahil nasaktan ang savior ko. Kaya dapat lang na bumawi ako sa ’yo,” putol ko sa sasabihin niya sana.
“Ganito ba ang pagbawi mo na basta-basta ka na lamang pumapasok sa kuwarto ng isang babae?”
“Unang beses lang naman na ginawa ko ito. Sige na, isang tugtog lang naman para makatulog na ako at muli akong magigising,” pamimilit ko at narinig ko na lamang ang pagbuntong-hininga niya.
“Isang beses ko lang itong gagawin at wala ng susunod pa,” she said and I nodded.
Hanggang sa narinig ko na ulit ang musikang iyon kay sarap pakinggan nang paulit-ulit. Sumiksik ako sa tagiliran niya dahil nakaupo naman siya at nakikita ko ang pagpapatugtog niya ng pluta.
“Napakaganda... Ang husay mo...” I muffed.
“Matulog ka na lang diyan at gumising ka nang maaga para bumalik sa iyong silid. Dahil tiyak akong kakaladkarin ka ng kuya ko,” babala niya.
Tinitigan ko pa ang mukha niya saka ko siya hinila at inihiga ko siya sa tabi ko. “I’m ready to have your palm land on my cheek, just to taste your sweet lips again,” I uttered and kissed her lips for the second time around.
Katulad nga nang inaasahan ko ay dumapo ulit ang palad niya sa pisngi ko. Wala naman akong pakialam pa roon dahil ang mahalaga sa ’kin ay natikman ko ulit ang matamis niyang halik. It was confirmed na first kiss niya ako dahil hindi nga siya marunong humalik.
Kinabukasan ay umalis din naman ako nang maaga para hindi kami maabutan ng kuya niya. Iyon nga lang ay napansin ni Daiz ang pamamaga ng pisngi ko. Kung alam niya lang ang nangyari dito ay baka putok sa labi ko o black eye naman ang makukuha ko mula sa kanya.
Malaki ang bahay nila, na hindi lang ito isang bahay dahil mansion. May kalumaan na dahil parang antique din pero maganda naman ang ambiance. Kahit hindi na kailangan ng aircon ay may fresh air pa ang pumapasok sa loob ng bahay nila.
Tatlo lang sila ang nandito. Si Zedian ang kasama nila na mukhang girlfriend ni Daiz. Nakikita ko kasi na malapit din ang loob nila sa isa’t isa.
***
Napilit ko rin si Donna na samahan ako na maligo kasi hindi ko kaya nang mag-isa lang. May banta na naman ang doctor ko. Bumukas ang pinto at pumasok na ang manika.
“Heto na. Maligo ka na sa banyo,” sabi niya at hinagis niya lang ang dala niyang pamalit ko. Kung minamalas ka nga naman, oh. Tumama pa iyon sa mukha ko.
“Ay, gumaganti,” sambit ko.
“Lalabas na ako at alam ko naman na kaya mong tumayo riyan ng mag-isa.” Masama pa yata ang loob niya.
“Sandali lang naman. Hindi ko pa nga kayang igalaw itong binti ko. May cast pa rin naman ito, ah,” pagdadahilan ko.
“Mas malayo ang pinuntahan mong kuwarto kagabi kaysa sa banyo mo,” supladang sabi pa niya. Nagalit nga talaga siya sa ginawa ko sa kanya kahapon.
“Parang alalay lang naman. Eh, ikaw nga ay nakita kong inaalalayan ka ng kuya mo kahit bumaba lang sa hagdanan. Mas matanda ka nga pero bata pa rin ang trato sa ’yo ng kapatid mo.” Nakita ko ang pagsimangot niya. Ang cute nga talaga niya.
“Bahala ka sa buhay mo at hindi kita tutulungan!” asik niya.
“But Miss... I need your help. Ang lagkit na ng katawan ko dahil sa pawis ko. Ilang buwan na akong walang ligo, ’di ba?” problemadong saad ko.
“Pero mabango ka naman,” she commented and that makes me laugh so loud. “Bahala ka na nga riyan!”
“Miss! Wait naman! Tulungan mo na ako, please? Don’t worry, wala naman akong gagawin. Tulungan mo lang ako na makatayo,” I pleaded and she sighed. Naglahad siya ng kamay at napangisi na naman ako. Hinila ko iyon kaya bumagsak na naman siya sa ibabaw ko. Nakahiga ako sa kama at nasa ibabaw ko na nga siya.
Ang sarap niyang titigan kapag nasa malapit lang siya. Singkit ang mga mata niya. Kapag siguro nakangiti na siya ay mawawala na ang mga mata niya.
“Miko!” sigaw niya sa pangalan ko. Gusto ko rin na marinig ang pangalan ko na binibigkas niya. Ang simple kong pangalan ay naging elegante na.
“God... Galit ka na nga sa lagay na iyan pero ang lambing pa rin ng boses mo.” Naramdaman ko na lamang ang paggapang ng kamay niya na parang hinahanap siya. Nakikiliti ako. Hanggang sa tumigil ’yon sa ano ko... S-Sa ano ko... “Did you just... D-Did you just touch my...uhm... My cóck?” hindi makapaniwalang tanong ko at sinampal na naman niya ang bibig ko.
Nang umalis siya sa ibabaw ko ay hindi niya sinasadyang maapakan ang binti ko.
“S-Sorry!” natatarantang sigaw niya.
“Miss! Ang sakit naman iyon!” reklamo ko dahil ang sakit ng binti ko.
“Hindi ko naman sinasadya! Ang kulit mo lang kasi!” Psh. Ako pa ang sinisisi niya. Eh, siya ’tong may atraso sa ’kin.
“Aw, Miss! Ang sakit! Isusumbong kita kay Mommy!” When she approached me again ay muli na naman niyang natamaan ang binti ko. “Nananadya ka ba?! Nakita mo na nga ako sa sahig ay inapakan mo na naman ang paa ko!” Pakiramdam ko ay mawawalan na naman ako nang malay.
“S-Sorry na... H-Hindi n-naman talaga kita n-nakikita, eh,” humihikbing sambit niya. Natigilan ako dahil sa biglaan niyang pag-iyak. Sunod-sunod nang pumatak ang mga luha niya. Parang nawala ang sakit nang nararamdaman ko dahil sa paghikbi niya.
I pulled her arms and encircled my arms around her body to give her a hug. “Hush now. Shh, huwag ka nang umiyak. Hindi na kita aawayin pa,” malambing na sabi ko. Ayokong nakikita siyang umiiyak.
“B-Ba’t ka ba nangyayakap na lang bigla?” tanong niya sa gitna nang paghikbi niya.
“Pinapaalala mo lang kasi sa akin ang kapatid ko, eh. Tahan ka na nga,” saad ko.
“Ang injury mo!” she screamed sabay turo niya sa aking binti ko.
“Hindi na masakit kasi mas masakit ang pag-iyak mo,” I reasoned out.
“B-Bakit kasi ang kulit mo?” tanong niya and she even pouted.
“Bakit kasi ang cute mo? May bangs ka pa, oh.” I blow her bangs.
“Ang sabi mo ay mukha akong aso,” kunot-noong sambit niya.
“Kaya nga, ang cute ng aso, eh,” ani ko.
“But you told me kaya na ang pangit ko! Na mukha akong aso!” Ang cute niyang umiyak. Parang bata, kung sabagay isa siyang manika.
“Miss, samahan mo na lang ako sa banyo. Gusto ko na talagang maligo. Pawis na pawis na ako, oh.” Muli na naman akong natigilan dahil sa nararamdaman kong pagsinghot niya sa leeg ko. Ramdam ko na ang pawis ko. “Hey, nahihiya na ako. Baka mamaya niyan ay masusuka ka na sa amoy ko, ha.”
“Bakit? May putok ka ba? Mabaho ang kilikili mo?” curious niyang tanong. Napa-pokerface na lamang ako.
“Hèll no! Come on, itayo mo na ako.”
“But maaapakan ko na naman ang injury mo,” natatakot na sambit niya.
“Tingnan mo na lang, okay?” sabi ko.
“Magba-bathtub ka ba?” she asked me and I nodded.
Inalalayan naman niya ako kahit na kaya ko naman talaga. Gusto ko lang din talaga na malapit ako sa kanya.
“Thanks, ayos na ako rito. But... puwede mo ba akong lagyan ng shampoo?” suhestiyon ko ulit.
“Miko. Kaya mo naman siguro ’yan. Ang binti mo lang naman ang may injury at hindi ang mga kamay mo. Nandiyan lang ang shampoo, body wash at iba pang kakailanganin mo.” Ang hirap niyang pilitin.
“Okay,” wika ko.
“Lalabas na ako,” paalam pa niya. Sinundan ko siya nang tingin nang magtungo na siya sa pintuan. Bakit kaya ganyan kapino ang bawat galaw niya? Tila nag-iingat siyang madapa.
Natakot na yata siya na baka sasabihan ko na naman siya na clumsy.
“Donna Jean,” tawag ko sa kanya.
“Masyadong mahaba kapag tinawag mo ako sa buong pangalan ko. Kahit makulit ka ay ayoko namang mahirapan kang mag—uhm...” Natigilan naman siya.
“How sweet. May kiss ka ulit sa akin,” naaaliw na saad ko.
“Save it to yourself na lang.” Bago siya lumabas ay inirapan pa niya ako.
Sa tagal kong pananatili sa poder nila ay komportable na rin ako na makasama sila. Kahit minsan ay naalala ko ang pamilya ko. Masakit din naman para sa akin ang ituring nilang patay na rin pero alang-alang sa kaligtasan ko at sa kanila ay kakayanin ko. Titiisin ko na huwag na muna silang makikita.
Si Donna Jean mismo ang isa sa dahilan kaya ko nakakaya ang lahat. Galit ako sa mga taong gusto akong patayin pero kung hindi nila iyon ginawa ay baka hindi ko makilala ang mga mabubuting tao na ito. Especially the manika. Ang sarap niyang asarin palagi at nalaman ko na rin same birthday lang kami.
Hindi siya lumalabas at dito lang siya sa bahay. Isa kasi siyang DJ at may sarili siyang station. Nakatutuwa lang na hindi siya katulad nang ibang babae na mas gusto ang mag-bar, shopping at mag-out of time.
Tapos siya ay hindi man lang nababagot. Madalas ko lang siyang nakikita na nagdidilig ng mga bulaklak nila. May sariling flowershop si Zedian at ang mga bulaklak na nandito ang binebenta nila. May farm din sila pero mas tinutukan ni Daiz ang profession niya bilang doctor.
MAY KAUNTI na rin akong nalalaman tungkol sa kanya. Takot siya sa aso. Minsan tinakot ko siya at hayon nga umiyak. Pinagalitan ako ng kuya niya pero wala, eh. Trip ko lang din paglaruan ang nakababata niyang kapatid.
Tapos ’saktong may seminar pa si Daiz at maiiwan si Donna. Si Zedian naman ay nasa shop niya. Nagsimula naman na ang physical therapy ko at sasamahan niya ako.
Kasalukuyan na akong nagbibihis. I wore my dark longsleeve, a blazer and dark pants. Bago na ang mga damit ko na binili ni Daiz.
Napaigtad pa ako sa gulat nang may kumatok sa kuwartong tinutuluyan ko. Napatingin ako roon.
“Miko! Ang tagal mo naman. Tara na kaya.” Boses iyon ni Donna. Mukhang nababagot na rin siya sa paghihintay.
Mabilis ko lang sinuklay ang buhok ko at kinuha ko na ang saklay ko saka ako tumayo.
“Ba’t ganyan ang suot mo, Donna Jean?” seryosong tanong ko nang makalabas na ako. Wala namanh mali sa damit niya.
But I think is too formal na parang date ang pupuntahan niya. She was wearing her baby blue dress tapos may belt sa bandang baywang niya kaya kitang-kita ang maliit niyang baywang. Mas nagmukha siyang manika sa suot niya. Wala siyang suot na kahit na ano’ng kolorete sa mukha niya. Natural beauty.
“May mali ba sa suot ko?” inosenteng tanong niya at pinagpagan pa ang dress niya. Wala... Walang mali sa suot niya. Masyado lang siyang maganda at ayaw ko na tuloy siyang isama pero wala siyang kasama sa bahay nila.
“Sa hospital kaya ang punta natin. Bakit ang pormal mo masyado?” tanong ko pa.
“Bakit? Ano ba ang dapat kong susuotin?” she asked in confused.
“Nevermind. Tara na lang,” I uttered at tinapik ko ang balikat niya.
May driver si Daiz kaya pareho kaming nakaupo ni Donna sa backseat. Bahagya pang nakababa ang bintana sa side niya at tumitingin siya sa labas. Ako, hindi man lang nag-abala na tumingin din sa labas ng binata. Mas focus akong titigan siya.
Pagdating namin sa hospital ay medyo nagulat pa ako. Dahil agad siyang kumapit sa dulo ng damit ko.
“Hala, parang bata,” natatawang saad ko. “Gusto mo ba ng holding hands, Jean?” tanong ko na may halong pagbibiro iyon pero inilahad niya agad ang kamay niya. “Wow. I-kiss mo muna ako?” hirit ko pa pero itinago niya kamay niya sa kanyang likuran.
“Miko. Nasa public place tayo,” salubong ang kilay na saad niya.
“Gusto mo sa madilim na lugar tayo?” suhestiyon ko naman.
“Takot ka roon,” aniya. Well, that’s true. “Alam mo, Miko.”
“Hmm?” tugon ko.
“Na-meet ko na ang Lolo mo. Si Don Brill iyon, ’di ba?” tanong naman niya.
“Ha? Kailan mo nakilala si Grandpa?” nagtatakang tanong ko.
“Nang araw na...uhm, iyong araw na iniligtas ka namin. Pumunta kasi siya sa bahay-ampunan na parang siya ang founder nito. Isa rin siya sa naka-discover na magaling akong tumugtog ng plauta at ang sabi niya. Gusto ka niyang ipakilala sa akin,” she explained.
“Really? Wait, sinabi niya ba talaga iyon sa ’yo?” Nagkausap pala sila ni Grandpa at alam kong may sinabi na naman sa kanya ang lolo ko.
“Hindi ba ang lolo mo ay mahilig maglaro na parang si Kupido? Pero kayo naman daw ang gagawa ng ways para mapaibig ninyo ang mga babaeng pinipili niya para sa inyo,” she stated. Hala, nalaman niya agad.
“Mahusay si Grandpa sa bagay na ’yan. Parang titingnan niya lang ang isang babae at alam na niya kung sino ang makakatuluyan nito.”
“Ganito ang sinabi niya sa akin, ‘Gusto mo bang i-ship kita sa isa sa mga apo ko? Sabi ko na palabiro siya.”
“He’s not like that. Kapag sinabi niya ay—teka lang sinong apo naman ang binanggit niya?” Bigla yata nagbago ang timpla ng mood ko. Knowing grandfather ay alam kong nirereto na niya si Donna. God, hindi ko matanggap.
“Hindi ka naman nakikinig sa akin, eh. Ganito iyon, ‘Miko, Miko ang pangalan ng apo ko na gusto kong makilala mo, hija’, iyon ang sinabi niya sa akin,” paliwanag niya at parang mabilis na nagbago ang mood ko. Gusto ko tuloy halikan si Grandpa sa kamay at pisngi niya. Dahil sa ’kin niya nakita ang kapalaran ni Donna. My lips rose.
“Wow. Sa lahat pa ng apo niya ay ako pa talaga?”
“Iyan din ang tanong ko.”
“Wait, gusto mo pala sa iba?” Binitawan ko ang kamay niya at gumuhit sa maamo niyang mukha ang takot.
“M-Miko! Huwag mo namang bitawan ang kamay ko!” kinakabahan na sambit niya. “Miko... Wala naman akong sinabing ganoon,” pagbawi niya.
“Jean...” sambit ko sa pangalan niya. Nang mahawakan na niya ang kamay ko ay niyakap na niya ang braso ko at dumikit talaga ako sa kanya.
“Bakit?” tugon niya.
“Wala iyon. Tara na lang,” sabi ko.
***
Nang magsimula na ang physical therapy ko ay naiwan sa waiting area si Donna pero minu-minuto ay napapatingin ako sa kanya. Tila natatakot ako na baka may kumuha sa manika ko. Iyong mga pasyente nga ay napapatingin sa kanya. Iyong mga nurse na napapadaan ay kailangan pa talagang huminto sa tapat niya para lang makita siya.
Pero ni isa ay hindi niya binigyan nang pansin at diretso lang ang tingin niya. Halos hindi siya kumukurap.
Binigyan ako ng break ng doctor ko at napapansin niya na parang binabantayan ko ang kasama ko. “Jean...” Umupo na ako sa tabi niya.
“Oh, bakit?”
“Puwede mo ba akong bilhan ng drinks?” pakisuyo ko.
“Nauuhaw ka ba?” she asked.
“Yes,” maikling sagot ko. “Bilisan mo, ha?” ani ko at tumango lang siya bilang tugon.
Sinundan ko lang siya nang tingin at napatingin ako sa batang lumapit sa vendor machine. Nagsalubong ang kilay ko nang nilagpasan iyon ni Donna. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ako nagdalawang isip na tumayo para sundan siya. Paika-ika pa ako dahil binilisan ko ang paglalakad ko.
Nakita ko rin na may hinila siya at tinanong niya ito, “Miss, saan po ba ako puwedeng bumili ng drinks?”
“May cafeteria sa left side mo, Miss. Liliko ka pa tapos diretso na.”
I was confused at parang gusto kong sabihin sa sarili ko na mali ang iniisip ko. Na hindi totoo ang namumuno sa utak ko.
“Pabili po ng dalawang Gatorade.”
“Wait lang po, Ma’am.”
“Miss, samahan mo na lang po ng dalawang biscuit.”
Nakabili naman siya. Ang kaso lang may nakasalubong pa siya kaya tumilapon ang drinks na binili niya.
“Pünyeta!” Kumuyom ang kamao ko at parang gusto kong sumugod agad.
“S-Sorry po, Ma’am!” natatarantang sigaw ni Donna.
“Bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?! Bulag ka ba, ha?!” tanong ng babae at sumikip ang dibdib ko.
“Sorry po.” Muntik pa akong mapaatras. Lalo na nang makita ko ang pagluhod ni Donna.
“God. Bulag nga siya!” natatawang sabi pa ng babae.
Lumapit na ako sa direksyon nila at sinambit ko pa ang pangalan niya, “J-Jean.”
“Miko?” Binitawan ko na ang saklay ko at ako na mismo ang kumuha ng binili niyang drinks. Kasalanan ko... Kasalanan ko ang lahat ng ito.
“Aba, nagsama pa ang pilay at bulag.” Inalalayan ko nang makatayo si Donna.
“Nakita ninyo na ang sitwasyon niya pero ni isa sa inyo ay wala man lang tumulong?! At ikaw! Pasalamat ka dahil babae ka. Dahil kapag naging lalaki ka ay tatama talaga ang kamao ko sa pagmumukha mo. Kung bulag man ang kasama ko at kung pilay man ako ay ikaw ano naman?! Isang clown sa kapal ng make-up mo sa mukha!” galit na galit na sigaw ko at nagawa ko pang ibato sa kanila ang saklay.
“M-Miko... Umalis na tayo...”
“Karmahin ka sana,” malamig na saad ko pa.
“Miko? Ang saklay mo?”
“Ibinigay ko na sa babaeng iyon. Pünyeta rin siya,” nagngingitngit na sambit ko.
“Pasensiya na. Natagalan ako,” sabi ko kahit na nakasunod naman agad ako.
Sa waiting area kami tumambay.
“Ngayon alam ko na kung bakit,” sabi ko. Yumuko siya kaya iniangat ko ang baba niya. “Kaya pala hindi ko maramdaman ang mga titig mo sa akin, Miss...”
“B-Bakit?”
“Bakit ang husay mong magpanggap?” tanong ko. Kasi hindi talaga iyon halata.
“Hindi naman ako nagpapanggap,” mabilis na sabi niya.
“Bakit hindi man lang halata? Bakit parang hindi ko naman iyon napapansin? Ang normal lang naman nang bawat kilos mo sa bahay, ah.”
“Nakasanayan ko na kasi,” nahihiyang sambit niya.
“Why you didn’t tell me?” I asked her.
“Hindi ka naman nagtatanong sa akin,” sabi niya. Mariin akong napapikit.
“Naalala ko na. Ilang beses na pala kitang nasaktan sa mga sinabi ko sa ’yo. I’m sorry,” nagsisising saad ko.
“Wala iyon.”
“Jean...”
“Oh, bakit? Tawag ka nang tawag?” kunot-noong tanong niya.
“Are you okay? Nabigla ka ba kanina sa nangyari?” Hinaplos ko ang pisngi niya. “Promise...hindi mo na mararanasan pa ang nangyari kanina. Pangakong poprotektahan kita sa mga taong katulad ng clown na iyon.”
“Talaga bang makapal ang make-up niya?” curious na tanong niya. “Bakit na naman?”
“Ang ganda ng vibes mo, Donna Jean. Ikaw ang tipong babae na hindi alam ang salitang negative. I like your attitude.” I’m proud of her.
“Alangan naman na umiyak ako?” She pouted at marahan kong pinitik ang labi niya.
“Eh, nakita ko nga ang pagtulo ng luha mo kanina,” saad ko.
“Sinigawan niya kasi ako at natakot ako!” Halata nga.
“Babalikan ko iyon, Jean. Sisipain ko siya at ng mapilay rin siya. Tutusukin ko rin ang mga mata niya para hindi na siya makakita pa!” sabi ko pero natawa lang siya. “Seryoso ako,” mariin na saad ko pero ang kulit niya. Parang nakalimutan na rin niya ang nangyari kanina. “Isa. Huwag mo akong pagtatawanan. Dalawa.”
“Hindi na.” She even covered her mouth at tinanggal ko iyon. Kinabig ko ang batok niya at siniil ko nang mariin na halik ang labi niya.
Hinalikan ko ang noo niya, pababa sa tungki ng ilong niya.
“From now on, isa na ako sa mga tao na magtatanggol sa ’yo. Hayaan mo lang akong makapasok sa buhay mo,” seryosong sabi ko.
Pinagdikit ko ang aming noo at pinagkiskis ko pa ang tungki ng ilong namin. Nang hinalikan ko ulit siya ay tinulak na niya ang dibdib ko.
“May session ka pa, Miko,” paalala niya.
“Umuwi na lang tayo at bibigyan kita ng maraming kiss dahil nagawa mo akong pakalmahin kahit na inis na inis na ako sa babaeng iyon,” I blurted out.
“Ano? Gusto mo lang yata na makahalik sa akin!”
“Yes, inaamin ko iyan!” pag-agree ko.
“Bumalik na lamang tayo roon,” giit pa niya. “Miko.”
“Okay, fine! Marami ka ng utang na kiss!” She sighed at umakbay na ako sa kanya para maalalayan na niya ako. “Masakit ang binti ko, baby...”
“B-Baby?” gulat na sambit.
“Yup, bakit ano’ng gusto mo? Tawagin kitang Mrs. Brilliantes?”
“Hindi ka na talaga nakatutuwa pa,” naiinis na wika niya saka kami nagsimulang maglakad.
“Baby, dahan-dahan na naman,” she said. “Hala! Nandito ang hospital, oh!” sigaw ko.
“Miko?”
“Hmm?”
“Thank you, ha?”
“For what?”
“Sa pagtatanggol mo sa akin kanina at hindi mo ipinaramdam sa akin na wala akong silbi dahil bulag ako,” she said emotionally. Hinawi ko ang hibla ng buhok niya.
“Kaya naman pala noong nagising ako ay naisip ko agad na gusto kitang protektahan. Kaya rin pala ganoon na lamang kung alagaan ka ng kuya mo but Miss. Gusto kong malaman kung bakit takot ka sa aso.” Ang dami kong nasabi na masasamang salita at wala akong kaalam-alam sa sitwasyon niya.
“Eh, bakit pa? Ayoko ng alalahanin pa iyon, ’no.” She rolled her eyes.
“I just want to know, please,” I pleaded.
“Tell me the good reason.”
“Gusto kong maging parte ng buhay mo at gusto kong malaman ang lahat ng nangyari rin sa buhay mo. Huwag mong ipagkait iyon sa akin dahil iiyakan kita.” I’m fvcking serious.
“Base pa nga lang sa ugali mo ay alam kong hindi ikaw ang tipo ng lalaki na iiyak na lang ng walang dahilan. Mababaw na reason pa kaya?” Paano niya kaya nasabi ito?
“Let’s see then,” ani ko lang “Jean...”
“Ano na naman?”
“Kunin natin ulit ang saklay ko.”
“Akala ko ba ay ibinigay mo na sa babaeng clown na iyon?” natatawang tanong niya.
“Sayang naman kasi iyon. Komportable ako sa saklay na iyon.”
“Iyon ba ang kumalampag kanina?”
“Oo. Bakit? Natakot ka?”
“Sa tingin mo?” Tinulak ko ang pintuan at pinauna ko siyang nakapasok.
Kinuha nga namin ang saklay ko at kitang-kita ko ang pagkapahiya ng mga taong iyon. Sinigurado ko rin na ipakita ang walang emosyon kong mukha. Tumawag pa ang kuya niya nang nalaman nito ang nangyari kanina.
Humilig ako sa balikat niya at sunod-sunod ang aking paghinga. Napagod na agad ako sa therapy ko.
“Haist...”
“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya. Hinawakan ko ang daliri niya at pinaglalaruan ko iyon. Ang haba at maliit din. Itong kamay niya rin ang nararamdaman ko noong tulog pa ako.
“Kaya ko pa. Para rin naman ito sa akin. Ayokong masayang ang pagliligtas mo sa akin kahit alam mo na mapanganib ang ginawa mo.” Ang suwerte ko lang dahil sa kanya.
“Hindi naman ako nagkamali. Hindi ka naman masamang tao.” Napangiti ako. Malakas talaga ang pang-amoy nila. Sa presensya lang ng mga tao ay alam na niya kung mabuting tao ba ito o hindi.
“Bakit? Bakit hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako kahit estranghero pa ako?”
“May nagsabi kasi sa akin na isang tao. Na kung may isa ring tao na nangangailangan ng tulong ay huwag ko raw tanggihan at tulungan namin. Kaya naisipan ko na baka ikaw na iyon at saka nararamdaman ko naman na wala kang dala na panganib—” Sumabat na agad ako.
“Mali. May dala nga akong panganib. Hindi ba kayo natatakot na tulungan ako kahit alam ninyong may mga tao rin ang humahabol sa akin?”
I buried my face on her neck. She smell so good.
“Importante pa ba iyon, Miko? Ang mas mahalaga ay ang nakaligtas ka sa panganib, hindi ba?” Hindi ko iyon pinansin at sininghot ko ang amoy niya. “Miko naman...”
“You smell so good, baby...”
“Huwag mo akong akitin, Miko. Naninindig ang balahibo ko sa ’yo.” Napanguso ako nang itulak niya ang noo ko.
“Miss, nagpapahinga pa ako,” ani ko.
“Pagod ka na talaga?”
“Yeah.”
“Umuwi na tayo?”
“Sige pero mamaya. Ipapahinga ko lang ang binti ko.”
“Iko?” Boses iyon ng doctor ko.
“Oh, doc?” Doon lang ako napaayos nang upo.
“Malapit naman na matapos ang physical therapy mo kaya hindi mo na kailangan pang maghintay rito hanggang hapon. Tumawag sa akin si Dr. Daizo. Umuwi na muna raw kayo ng kapatid niya.” Yes.
“Sige, doc. Salamat,” nakangiting saad ko.
“Bakit Iko ang tawag sa ’yo ng doctor mo, Miko?” curious na tanong ni Donna.
“For my own safety. Iko Lodivero ang gamit kong pangalan at pinsan ninyo ng kuya mo. Ngayon ko lang nalaman na magpinsan pala tayo, Miss.” I shook my head.
“Hindi naman, ah,” usal niya.
“Oo, hindi nga. Mas gusto kong maging girlfriend kita, Miss.” Straight forward nga ako masyado.
“Umuwi na lang tayo, Miko. Gusto ko nang umuwi.”
“Okay. Let’s go.”
“Ang saklay mo?”
“Nandito na.” Pinagsiklop ko ang mga daliri namin. “Sorry, hindi ko man lang napansin ang kalagayan mo, Jean.” Naalala ko na naman ang katangahan ko.
“Mag-s-sorry ka na naman.”
“Oo, kasi kahit may mga senyales na ay parang ang bóbo ko pa rin para hindi ko mapansin iyon. Sorry...”
“Eh, ayoko na ng sorry mo. Tss.”
Nakapapagod ang araw na iyon pero masaya ako dahil doon na rin nagsimula ang magandang samahan namin ni Donna Jean.
Seryoso ako sa kanya at hindi ako nag-t-take advantage lang. Dahil lang sa wala siyang makita. Gusto kong matulungan din siya at alam kong darating pa rin ang oras na makakakita siya.
Ipinangako ko na iingatan ko rin siya at hinding-hindi ko hahayaan ang mga taong gusto siyang saktan. Kanina ay napuno talaga ng galit ang dibdib ko. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko.
Nalaman ko rin na pitong taon na rin palang siyang ganoon at nabulag siya dahil sa car accident. Kasamang namatay ang mga magulang nila ni Daiz. Masuwerte siya dahil nailigtas pa rin siya. Ang kaso lang ay tinanggalan na rin siya ng kakayahan na makakita ulit.
Alam kong nahirapan siya noong una. Sino naman ang hindi kung magigising na ka na lamang isang araw na dilim na lang ang makikita mo?
Pero bilib pa rin ako sa kanya. Sa kabila niyon ay nagawa pa rin niyang makontento. Ang mas mahalaga raw sa kanya ay nabuhay siya at hindi niya naiwan nang mag-isa ang kuya niya.
Ngayon ko nga na-realize na kung bakit ingat na ingat sa kanya si Daiz. Iyon pala ay dahil sa kapansanan niya. Kaya katulad ni Daiz ay gusto ko ring protektahan si Donna Jean. Gusto kong maging parte na rin ako ng buhay niya.
O dahil lang din sa mabilis na pakiramdam na ito, ano? Hindi mahirap magustuhan si Jean. Mabait siya, maasikaso kahit na minsan ay suplada pero ayos lang. Maganda naman siya na parang isang manila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top